18 June 2020

Spring me back to life

Hindi naman sikreto sa atin na kalugmok-lugmok ang naging lagay ng mundo nitong nakaraang dalawang buwan, at ang masaklap pa nito, panahon ito ng tag-araw. Summer. Summer vacation. Summer outings. Walang nagbakasyon at siguradong walang lumabas, dahil bawal. Malas lang na natapat pa ito sa kaarawan ko, na ngayong taon ay itinakda na sa 47 ang numerong malayo pa namang buminggo. Pero hindi tayo bumibinggo sa buhay sa mga nakaraang buwang ito.

Maraming pagbabago sa larangan natin, sa buhay natin, sa parehong propesyonal at personal na bahagi. May masaya, may mainam, pero mas marami pa ring masakit at masaklap. Maraming nawalan ng trabaho, maraming hindi alam kung paano gagawin ang bagong moda ng pagtatrabaho, at may ilan ring hindi naman masyadong naapektuhan ng mga pagbabagong ito dahil tila sanay na sila sa kalakarang nilalapat sa atin sa ngayon. At marahil ay isa ako sa mga taong iyon. Medyo.

Iyong tinaguriang work from home, ako iyon. Matagal na. Mula nang huminto ako sa pagtuturo. Bago pa man din iyon, ganito na ang moda ko. Virtual worker, remote worker. Matagal na akong nagtatrabaho nang ganito. Ang kailangan ko lang ay sarili kong espasyo sa pagsusulat, sa pag-e-edit, sa pagta-translate, at kung ano-ano pang uri ng trabahong kaya kong gampanan nang hindi nakikipagharap nang deretsahan sa mga tao. Matagal nang ganito ang buhay ko. Naiiba lang paminsan-minsan kapag kinukuha akong magturo o mag-training ng iba't ibang opisina at organisasyon. Masaya naman din ang buhay na iyon, dahil nga hindi ka napipirmi sa isang lugar; dadalaw ka lang at muling aalis, uuwi. Pero dahil huminto ang kalakaran ng mundo, huminto din ang ganitong uri ng trabaho ko.

Pero di ko nga gaanong alintana. Bagkus, tila mas dumami pa nga yata ang trabaho ko at kliyente ko simula nang nagkaroon ng lockdown, anumang uri ng quarantine na ang nilapat at lumipas, narito pa rin ang mga kliyente ko. Suwerte akong nilalang sa larangang ito. 

Pero isa yata itong paraan din ng sansinukob para hindi ako masyadong malugmok sa lumbay, lalo na sa panahong ito na hindi ko maaaring magampanan ang lagi kong ginagawa sa tuwing nagkakaroon ako ng malaking pagkalugmok sa buhay, bunga ng pakikipaghiwalay sa isang kaulayaw o katipan. Alam mo 'yung sobrang tita na kantang "Downtown" na kinanta nina Angelina Jolie at Winona Ryder sa Girl, Interrupted? Theme song ng buhay ko iyon. 

When you're alone 
And life is making you lonely
You can always go 
Downtown

Kanta ito ni Petula Clark, 1964. Siguro kung dekada ka nang nagbabasa ng espasyong ito, ilang beses ko na ding nabanggit ito. Pero ngayon higit sa kailanman, mas totoo sana ang aplikasyon nito sa buhay ko. Kailangan kong lumabas, magliwaliw, aliwin ang sarili, magpagpag, mamayagpag. Ito ang paraan ko sa pagpapanatili ng katatagan ko ng kalooban, lalo na't tuwing nalulugmok ako dahil sa isang hiwalayan. 

Masama nga yata ang pagkakataong tumaon sa desisyong ito. Tinapos ko ang halos anim na taong relasyon ko bago nag-quarantine. Sadyang ganoon lang talaga ang buhay marahil, marami kang hindi magampanan at marami kang hindi matanggap, pati na rin mga bagay na hindi mabago--sa sarili mo at sa sitwasyon--kaya kailangan mong gawin ang mga nararapat mong gawin sa buhay, kahit alam mong masasaktan ka o makakasakit ka. Sa pagkakataong ito, marami naman akong babauning magagandang alaala, pero hindi lang talaga sila naging sapat para ipagpatuloy ko ang landas na tinatahak sana namin. Sa kabila ng lahat, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan, at sana ay bumuti pa ang kalagayan nila. At iyon lang ang masasabi ko tungkol rito.

Nakakalungkot--na siguro, hindi rin, medyo--na marami din akong nakitang hiwalayan nitong panahon ng sapilitang pagkulong sa ating lahat. May isang manunulat na nagtapos ang kanyang kasal, kahit ang pagkakaalala ko ay kakakasal lang nila noong isang taon yata. Lalaki at babae ito. May isa akong kakilalang biglang nanahimik sa social media sa paninirahan niya sa ibang bansa; iyon pala, nagtapos na rin ang kasal niya sa isang kapwa lalaki rin, dahil nasa bansa silang puwedeng maganap ang ganitong unyon. May ilan din akong nabasang naputol bigla ang LDR, o ang pagli-live-in, naghiwalay ang landas na dating magkasama, na iba't ibang uri ng samahan: mga lesbiyana, nonbinary at hetero, hetero, mga bakla, marami. Tila napaligiran rin ako ng ganitong hiwalayan. Kaya siguro hindi ako masyadong sumadsad na, tulad nang dati, dahil nakakakita ako ng mga kabatak kong pareho din ang pinagdaraanan, tulad ko.

Di ko sana isusulat ito. Ayoko sanang ilabas siya. Pero ewan ko ba at bigla akong huminto sa pagtatrabaho ngayon hapon para lang maitaktak ko ito. Minsan kasi, parang masamang bara na nahihirinan ang pagkatao ko ng mga ganitong isipin at damdamin, at kinakailangan ko siyang ilabas para muli akong umusad, muling gumana. Kaya heto tayo ngayon, tumitipa.

Gusto kong magpasalamat sa mga tahimik na sumusubaybay pala sa akin nang di ko nalalaman. Natitiktikan na nilang hindi ako okay, at nagparamdam silang puwede ko silang lapitan. Akala ko ay naitatago ko ito nang mahusay, tinatawag ngang "cryptic post" ng isang kabatak na ginagawa ko daw sa Twitter. Wala namang kuwenta na sa akin ang Facebook kaya hindi ako doon naglalabas ng kung anu-ano. Pero sa Twitter, hindi ko rin pala naitatago. O sadyang malakas lang kumutob at makiramdam ang mga kakilala ko, mga kaibigang sa online lang nakilala, at mga kaibigang matagal na akong kakilala bago pa man naimbento ang social media, at mga kakilalang minsanang kainuman. May isa pa ngang frontliner na siyang pumuna kung kamusta ako, siyang doktor sa emergency room at katakot-takot na PPE ang suot sa araw-araw niyang kalagayan, siya pa talaga ang nagmensahe at nangamusta, sabay alay ng tenga at balikat kung kinakailangan daw. Touched. I am touched by such words of comfort and support. Thank you, my dear friends; your small efforts mean the world to me, and thank you for the offers and encouraging words. Truly. 

Maliban sa mga mababait na nilalang na ito na natagpuan ko at natagpuan nila ako sa mundong ito, nakakatulong pala na June Pride Month ngayon. Na nahihila-hila ako/kami sa mga usap-usapang pride sa buwang ito ay hindi na bago, pero ito pala ang mga makakapagpaalala sa akin na kinakailangan ko pang maging matatag at matibay, dahil hindi pa tapos ang laban. Sa pangkalahatan. Sa pagsasalita tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay-bahaghari, tila nabubuhayan ako ng loob sa ilang aspetong akala ko ay namatay na sa akin. Marami akong binabalikan ngayon na mga bagay na nabinbin at naiwanan, o sadyang isinantabi, o pilit kinalimutan, dahil sa iba ang naging lihis ng buhay ko nitong mga nakaraang taon. At may mga bago rin sanang landas na puwede pang tahakin, o puwede pa pala, mabigyan lang ng pagkakataong makausad muli.

Sa ganitong mga panahon at pagkakataon, bundok o aplaya ang katapat ng  katahimikan ng kaluluwa. Puwede na ring sine o siyudad na iba sa lugar ko. Nakakaturete na hindi ko sila mapuntahan, alinman sa mga ito. Pero kahit naman lumuwag na ang mundo, nakakatakot pa ding maglalalabas sa kung saan-saan. Hindi na muna. Gusto kong umabot sa kabaligtaran ng 47 -- 74. Kung dati ay may sarili akong taning sa buhay ko, na sinasabi kong hanggang 60 lang ako, latest expiration date bilang 65, hindi na yata ito totoo sa ngayon. Gusto ko nang lubusin kung hanggang saan ako puwedeng umabot. Ang nanay kong matibay nasa 75 na, bingo na, pero wala pa ring nakakatinag sa kanya. Mukhang ako rin ganito ang magaganap, aabot sa bingo bago mag-blackout. 

Kaya sige lang. Kung anuman ang kaharap pa, at kakaharapin pa, tataya at tataya pa rin naman. Hindi naman na bago iyon, dahil ito na ang naging kalakaran ko sa buhay dati pa: ang tumaya, kahit walang katiyakan sa kalalabasan. Ang sigurado lang naman talaga tayo sa mundo ay -- walang kasiguraduhan sa mundo. Anumang uri ng galawan ang maganap at magaganap pa, uusad at uusad pa rin naman ako. Tayo. 

Kaya sige lang, lipad, isip, namnam, hinto, iyak, tawa, ngiti, usad, ramdam, lakbay, hinga, pahinga. Repeat to fade.

Salamat sa pagbabasa. 

   

08 June 2020

Because writing is breathing, and blogging is taking deep breaths

KAYSA KUWARESMA

Nitong kakasimula lang ng lockdown quarantine, tinanong ako ng nanay ko kung para na bang Holy Week daw ang kapaligiran kung saan ako nakatira. Sabi ko oo, tahimik, walang lumalabas, walang dumaraang sasakyan. Nakikita ko kasi ito mula sa bintana ng tirahan ko, na nakatambad sa akin ang kahabaan ng isang kalye na siyang dumurugtong sa isa pang kalyeng pahilera, na mula sa kanan at kaliwa ang daan ng mga sasakyan. Noong Marso pa ito, noong kakasimula pa lamang ng tinaguriang “new normal” ng buhay natin ngayon. 


Pero ngayong Hunyo na, iba na ang kalakaran. Tanaw ko na naman ang mga traysikel na nagsibalik na sa kanilang kalakal sa buhay — at mabuti naman. Isa sa naiisip ko sa buong panahong ito ng katahimikan ay ang maingay na pagkalam ng sikmura’t pagsigaw ng damdamin ng mga taong di masyadong nakakaangat sa buhay, itong mga maliliit na manggagawang natutuwa akong kaharap sa araw-araw na buhay ko noon — mga nagtitinda ng pagkain nang walang resibo, mga naglalako sa kalye ng kung anu-ano, mga sasakyang kahit saan mo parahin at dadalhin ka kung saan mo nais, mga hindi regular ang kita. 


Sinusuportahan ko ang ganitong mga tao dahil naiintindihan ko ang ganoong kalagayan — na walang kasiguruhan ang dating ng pera sa buhay mo, na hindi ka suwelduhang trabahador kaya kailangan mong magsipag, no-work-no-pay kadalasan — dahil katulad nila ako. Iyon nga lang, mas nakakaangat ako nang larangan kaya ibang lebel ang pagiging no-work-no-pay ko kaysa sa kanila. Ako 'yung tipo na kahit Kuwaresma o anumang holiday, kaya kong itawid ang mga araw nang hindi nagtatrabaho dahil maganda-ganda din naman ang natatanggap kong kabayaran sa mga kliyente ko. Pero sila kasi, hindi. Kapag di sila nagtrabaho, tiyak na mas malala pa sa Kuwaresma ang buhay nila — laging kalbaryo, walang katapusan, hanggang sa pakiramdam nila'y nakapako na sila sa krus. Kaya kahit papaano, sa anumang makakaya ko, sinusubukan kong suportahan ang ganitong mga nagtatrabaho — kasi masipag silang humahanap ng paraan para kumita nang marangal. Marangal.


Kaninang lumabas ako ng bahay, muli ko na naman silang nakita, at mas marami nang nagbukas na tindahan sa tabi-tabi, mga sarado dati na tila buong tag-init ay Kuwaresma ang dating. Mas marami nang sasakyan, mas marami na ring tao, at mas marami nang kumikilos. Sabay ng kilos na ito ang nagsibalikang ingay ng kapaligiran, mga tunog ng businang di mapakali, hiyaw ng taong may tinatawag sa kung saan, sita ng pulis at megaphone ng militar sa mga bagong patakaran ng pagkilos, alok at imbita ng tinderang nais kumita nang kaunti mula sa iyong pagdaan sa harapan nila. Nandiyan na silang muli, kahit papaano, kahit hindi pa ganap, pero may mangilan-ngilan na ring nanumbalik.


Muling nabuhay ang kapaligiran. Tila nagbalik na rin ang sigla sa mga mata ng taong nakakasalubong ko, dahil lamang sa simpleng nakakalabas na sila at nakakakilos nang nais nilang kilos -- at muling nakakapagtrabaho nang marangal. Tiyak kong may mga ngiti sa labi ng ilan sa kanila, pero di ko lang masilayan dahil sa nakatakip na kaming lahat — tayo — ng maskarang kailangang idagdag sa napakarami nang maskarang suot na natin, dati pa, sa pang-araw-araw nating buhay, dito sa Pilipinas. 


Sa susunod na tatawag ang nanay ko sa akin, masasabi ko nang nanumbalik na ang buhay dito sa bahagi ko ng siyudad namin. Pero alam kong alam na rin niya iyon, dahil sa siya ang unang sumubok ng kapaligiran nang medyo lumuwag na. Ang matagal na niyang binabalak na balak na magpunta ng bangko ay naganap na rin. Nanumbalik din ang independensiya niyang lumarga mag-isa, dahil lang sa may mga traysikel nang kayang-kaya niyang sakyan mag-isa. Siya na lumaking hindi sinanay ang sarili sa kalakaran ng taksi o anumang mas nakakarangyang sakayan, siya na mas kampante sa pagsakay sa jeep o fx na alam niyang hindi lalayo sa rutang pamilyar sa kanya, siya na kayang-kayang diktahan ang takbo ng traysikel, muli siyang nakakalarga na nang malaya. At natutuwa ako sa balitang ito. 


Kahit isang magandang balita lang sa araw ko ay malayo na ang nararating. Malaki. Sa panahong napakahirap kumapit sa mga madalas mong kapitan, mainam makakita ng mga panibagong makakapitan, maitawid lang ang araw. Para naman mas masaya ang pakiramdam tuwing magbubukang-liwayway, na ang sasalubong sa damdamin mo ay pakiramdam na parang bagong taon na manigo, kaysa sa parang Kuwaresma. 


24 May 2020

Because Sundays are for remembering

SEAHORSE

I have always wanted a seahorse. When I was a child, that is.

I grew up in my Lola's house on Antonio Luna street in Project 4, a suburb of Quezon City, but not the posh gated kind. We had easy access to the supermarket because of our prime location. You just go outside, walk around 100 steps or so, maybe 200 or 300 for my smaller seven, eight, or nine-year-old feet. When you reach the intersection of A. Luna and F. Castillo street, you turn left. Cristy's bakery is the unmistakable landmark to your left, as this corner is always full of people buying pandesal for 10 centavos each every morning. To my right is the three-storey building of the Velasquez family, and they have a convenience store on the ground floor where I buy my 25-centavo red gulaman drink fix. 

Where I lived, you won't get lost if you pay attention to these unmoving details. I never got lost. 

F. Castillo is a small two-way thoroughfare that meets up to the wider Aurora Boulevard up ahead. And on their left corner intersection, there stood Queen's Supermarket. It's the only supermarket around the area so people flock to it often. My Lola and I once saw the actress Boots Anson-Roa shop there, and my dear granny was fangirling a lot. Of course, Ms. Roa was very kind and accommodating, and smiled and chatted diplomatically with my Lola. Who would have thought that, by the time I turned 23 years old, Ms. Boots would become one of my future bosses, the one who would always remember our good times at the Premiere Productions office of the '90s even after years since it has closed down. I so love her dearly for not forgetting me, as I certainly won't forget her, too.

But as a child, grocery shopping was not the highlight of my supermarket trips. It's the chance to visit the small pet shop nook on one side of the facility. They had aquarium tanks of varying shapes, but mostly large ones that house many, many, many types of fishes. My Lola always bought those bright orange fat goldfish types from time to time, to put in her own aquarium. There were so many types of these small fishes, guppies, whatever they're called, I can't recall now. But it's not the fishes I wanted. It's the seahorse.

There were a few seahorses there in the tank, swimming on their own paths to avoid bumping into the fishes. They had this kind of stance, like they're standing majestically, but not really, since how can you stand when you're on water and you have no feet? But they appeared that way. They looked more like characters in an anthropomorphic way, unlike the fishes which you could always tell that they're, well, animals. But the seahorse is different. It looked like it was ready to converse with you, to come to life and talk like an animated being, like what I watch on TV in those cartoon shows every Saturday morning. 

To me, the seahorse looked like it had something important to say. When you're staring at it inside the aquarium, it looks like it's staring back. It's as if we're both waiting for who will speak up first. We stand there, we stare, and we wait. I've always wondered what it would say, what it would ask me, if it started speaking. I know I have my own ready questions, but I felt that you can't ask a seahorse the mundane questions you'd ask a goldfish, like how do you breathe, or how do you maintain your balance underwater, and stuff like that. I felt that you could converse deeply with a seahorse since I believed it could tell you insights into what life is like on water or something like that. I would have loved to have one at home, to stare at it endlessly while it swims and stares back, to feed it, and to watch it eat. It's a simple thought and a simple wish for times that were much simpler, too. A bit profound perhaps, but still simple in its profundity. 

I can't remember if I was able to persuade my Lola to buy me a seahorse. I don't think she wanted a non-fish entity in her big aquarium at home. Or did we actually try, only for it to perish earlier than the fishes? Details elude me now. But what stuck is the memory of wanting a seahorse, of staring at a seahorse, of seeing a seahorse stare back. What a strange childhood fascination. But Sundays are for remembering, and I remember this strange fascination today. That seahorse. //

29 December 2019

Gift of the decade, gift of the century

Disyembre na, and as usual, kagagaling na naman natin sa mga obligatory family gatherings na, kahit gusto mo lang magtago sa mundo sa kapanahunang ito sa Pilipinas, napipilitan kang lumabas just the same.

And as usual, may mga maririnig ka na namang hirit na hindi mo magugustuhan sa mga gathering na ito. Sa buhay na ito, sa mga pinagdaanan ko na, sa mga naitaguyod ko na sa buhay, marami na akong kayang palampasing mga salita, nakakasakit man o hindi. At napagtanto kong depende pa rin pala ito sa topic.

Naaalala niyo pa ba nung minsang umuwi akong luhaan muna sa isang yuletide family reunion dahil sa sinabi ng tita kong homophobic? Quits na, deds na siya ngayon eh.

Ngayon naman, may isa akong hindi mapalampas: ang panlalait sa naipundar ko sa buhay.

Kung lumaki kang sanay na binibigyan ng mga magulang ng kung anu-ano, suwerte ka. Gusto mo ng Voltes V na robot? Eto, iyo na. Gusto mo ng scooter? Eto, iyo na. Gusto mo ng iba't ibang Barbie doll? Eto, iyo na. May mga pinsan akong ganito lumaki; suwerte at tusô na rin siguro ang tito kong maaga pa lang ay nakapagpayaman na ng sarili. Kaya maliliit pa lang kami ng mga pinsan ko, may ganito na silang mga luho. Samantalang ako, laki ako sa kalye, at masaya na ako sa laruan kong lutu-lutuan gamit ang isang lumang lata ng Milo na walang takip, nakapatong sa mga batu-batong may tuyot na maliliit na sanga ng puno, panggatong. Hard-boiled egg lang naman ang lulutuin naming magkakalaro sa kalye, pero abilidad ang namamayani kung paano nga ba ito maa-achieve. At tuwang-tuwa na kami kapag nakakaluto kami nang isang itlog. Minsan, patintero ang laro namin, o kaya siyato. Minsan sipa, minsan agawan base. Masaya na ang buhay kalye ko noon. Pero siyempre iba pa rin sa 10-year old self mong nakakakita ng aluminum painted Voltes V robot na libo yata ang presyo, na binabalewala lang ng pinsan kong biniyayaan nito. Nakakalat lang sa sahig, kasama ng iba pa niyang laruang binibili sa department store noong '70s at '80s.

Pero paano kung biglang nawala lahat ng karangyaang ito? Paano kung nawala ang yamang pinambibili ng mga laruan nila? Ganito ang nangyari sa tito kong iyon, na mabilis yumaman pero mabilis ding naghirap. Ang apat niyang anak, mga pinsan ko, nanibago nang biglang lumipat sa maliit na bahay, at sa isa pang mas maliit, hanggang sa hindi na kayang umupa ng bahay ng tito ko para sa kanila kaya umuwi silang lahat sa bahay ng lola ko -- kung saan din ako lumaki. At hindi na siya umalis dito hanggang namatay na. Ang tatlo sa apat na anak ay nagsipaglisan, nagkanya-kanya na nang namulat sa mundo. Ang tanging naiwan ay ang biniyayaan ng scooter na pinsan ko, na ngayon ay may sarili na ring pamilya matapos magkaanak nang maaga sa buhay. Hindi na nila naabot pa ang naabot ng tatay nila sa sariling sikap nito, dahil nga sa pinalaki silang marangya at pabaya. Pero natututo na rin siya sa buhay, kaya nakikita ko kung paano siya nagtatrabaho bilang OFW paminsan-minsan.

Itong pinsan kong ito, 'yan ang unang walang K na taong pinagtawanan ang naipundar ko sa buhay. 

"Gaano kataas 'yang condo mo?"
"Mga 10 o 12 floors lang yata, mid-rise kasi."

Ang ideya niya kasi siguro ng condo, parang 'yung mga nasa Makati unang sumipot, mga 15-20 floors pataas, mga Cityland type siguro noong mga sinaunang panahong hindi ko pa alam kung ano ang konsepto ng condo.

Kakatawa itong pinsan kong ito. May ganang pagtawanan ang naipundar kong bahay para sa sarili ko, samantalang sila ng tatay niya ay nag-squatter na lang sa bahay ng lola ko, at nagpupumilit pang manatili doon nang hindi man lang nagbabayad ng kung anong mga bayarin, tulad halimbawa ng amilyar, mga ganyan. Mga adulting stuff baga. Kakatawa, no? Kapal din. Tapos ngayong may pag-uusap na hahati-hatiin na ang property na 'yun dahil binibili ng gobyerno ang right of way, nakikisingit sa parte niya itong pinsan kong ito. Sorry kung derogatory 'yung term, pero squatter pa rin ang peg, eh. Squatter na nga, entitled pa si mokong. Kasi nga nakatikim ng buhay marangya, tapos nawalan, tapos kinailangang bumangon mag-isa. Walang ibang mahihingian. Kaya ayan.

Kanya-kanya lang tayo ng buhay siguro, pero nasa sa iyo naman din iyan kung paano mo kakanain ang kahirapang ibabato sa yo. Nasa iyo rin iyan kung paano mo isasaayos ang buhay mo sa paraang komportable ka. 

In short, if this is the hand you're dealt with, how will you play your cards right? Fold, bluff, or fight on? Get the jackpot, or none at all. Win some, lose some. 


O, sino na diyan ang nagtrabaho nang matagal
para makabili ng sariling tirahan,
taas ang kamaaaaaaay!
[Marikina 2019 at my crib mothafucka!]


Recently, another dude also told me off about my condo. Maliit daw. "Sobrang liit!" parang ganun pa ang sinabi, siyang nakikitira lang sa malaking bahay ng lola niyang nakapangalan pa rin sa lolo niya, na siyang pinag-iinitang ayusin ng tatay niya para mailipat na sa pangalan nilang magkakapatid. May balak kasi ang tatay niyang ariin ang isang lupain sa ilang ari-ariang iniwan ng lolo niya bilang ebidensiya ng pinundar nito bago pumanaw. Ang lolo nilang iyon kasi, nilayasan ang unang pamilya at nagkaroon ng panibagong pamilya sa bagong probinsiya, namili ng kung anu-anong lupain, na pinagtayuan ng iba't ibang negosyo ng lolong maabilidad bago pumanaw nga. Ang sabit lang, itong tatlong anak ng lolo niya ay hindi magkakasundo. Kaya itong tatay lang niya ngayon ang sinusubukang maging peacekeeper para maisaayos ang mga titulo sa mga ari-arian na ito.

Nakakaaliw sanang pagmasdan lang ang mga pangarap nilang pinag-uusapan eh, makikinig ka habang pinaghahati-hatian na nila ang mga ari-ariang di pa naman nila pag-aari, pinaplano na kung ilang pintuan ang ipapatayong bahay sa isang lupa para tig-iisa silang pintuang magkakapatid, mga apo na ng lolong maabilidad. Nananahimik akong naghahapunan habang nag-uusap sila nang biglang tumingin sa akin ang tatay nitong dude na may mukha ng dismaya, dahil hinding-hindi raw siya bibili ng condo. Alam nilang nakatira ako sa condo, kaya tumingin sa akin. Di daw siya bibili ng condo, tulad ko, sabi niya. Tapos sabay chuwariwap nga nitong dude niyang anak at sinabi with utterly equal disgust in his face "Ang liit-liit!"

Compared to my condo and your insecure penis, my boy, ano ang mas maliit kaya, I wonder. No need to answer; this is self-explanatory. Ask Freud.

Natawa ako kasi, tulad ng una kong pinsang walang K magsalita sa naipundar kong tirahan sa sarili ko, itong dude na ito ay wala ring naipundar na anuman sa buhay. At past 30 years of age, pinaghihimay pa ito ng nanay niya ng isda para hindi matinik. And before you ask, no, hindi siya PWD of any sort. In fact, he finished high school and college but with much challenge (kick-out blues and such). He even managed to finish law school ages ago. But he remains jobless and directionless to this day. Poor unfortunate soul. Ito 'yung classic sa Pinoy culture na sinasabi nila dati pa, may joke na ganito nung '70s pa eh. Sabi:

Speaker 1: Pare, saan ka nagtatrabaho?
Speaker 2: Sa PAL.
Speaker 3: Wow, susyal, Philippine Airlines!
Speaker 4: Hindi, PAL. PALamunin ako sa bahay. Wala akong trabaho!

At proud pa siyang PAL siya, pare. That takes the cake, really. I swear.

Biro mo, si PAL pa talaga ang may ganang pagtawanan ako sa naipundar ko no. Samantalang siya, forever ding squatter sa bahay ng lolo niya. Ni walang ambisyong magpundar ng sariling bagay o kahit na career! (Deka-dekada na siyang walang trabaho, at ni hindi niya talaga nasubukang magtrabaho sa isang opisina man lang nang tunay, na fulltime, ha, like ever!). Tapos proud na proud pa siya sa pagiging freeloader niya, na lagi siyang nakakalibre, o niyayabang niya tuwing may nanlilibre sa kanya. Ang mukha niya grabe, mukha ng isang nakaisa sa kapwa dahil nailibre siya. Yeah, that kind. You know the type. PAL.


My condo might be small, but the feeling of satisfaction
it brings me every single day is immense.
To know that you live in your own space
and you made that happen is huge.
I mean sure, it's nice to be given a car
or a house by your parents or grandparents.
But to be able to buy a car or a house by yourself is different.
Only those who did that know this feeling,
and know that the level of peace of mind one gets
from such an achievement is immensely deep
and, to a certain extent, profound. 

[Marikina 2019 at my crib mothafucka!]


These types of people talaga, those who don't have anything to show for it, sila pa talaga ang may ganang magsalita nang akala mo eh pinaghirapan nila ang mga karangyaang tinatamasa nila, ano. Nakakatawa. At nakakaasar.

Ano ba ang reaksiyon mo dapat sa ganyan? Sa loob-loob ko nun, buti nga ako, tinulungan ako ng magulang kong magsimula ng ipupundar, tapos AKO NA ANG NAGTRABAHO PARA KUMITA NG PERANG IPAMBABAYAD KO SA PINUPUNDAR KO. Kaya nga I am so damn fucking proud of myself that I can now call myself a HOMEOWNER because I was the one who made it happen. ME! Konting tulong from my parents to jumpstart it, of course, but hell yeah, ako pa rin ang nagtrabaho para mabayaran ko ito in full motherfucker! 

Kaya the nerve of some of these asshats who say things like these talaga no? Hay naku. Tita Patolera mode na naman ako, I know. But this is a sore spot for me, specially because it undermines two things: one, how my parents smartly helped me to jumpstart things (and they didn't just give it to me on a silver platter), and two, my ability to see things through until the finish line (na hindi ko kailangang manggantso o magpalibre para magkapera para makabayad ng monthly amortization for 10 years).

Ang sarap sabihin sa dude na 'yun na, "Ay sorry naman, sensya na, 1.2M-ish lang yata ang kinaya kong kitain sa hard work ko over the years kaya maliit lang na condo ang nabili ko eh sarrehhh nahiya naman ako sa iyo na hanggang ngayon nakasahod pa rin ang kamay sa mga magulang at, what, nearly 40 years of age ba? Sarreeh nangangawit kasi kamay ko kapag nakasahod lang sa magulang ko eh, kaya ginamit ko sarili kong kamay sa pagtatrabaho instead, and also para maabot ko ang tsekeng binabayad sa akin at maabot ko rin ang perang ipapalit dito ng bangko tuwing suweldo. Sarreeh iba gamit ng kamay ko eh. Pang-abot din nga pala iyan ng tikets kapag boarding sa mga PAL flights ko -- oo, yung airline, I mean, na ilang beses ko nang nasakyan sa buhay kong ito dahil sa my work sometimes takes me to places that need an airplane to reach. Sarreeh. Sensya nuh.

Motherfucker.

And to close this rant post hahaha, here's a photo of my parents and me, an obligatory shot na may pa-frame pa nung developer when the unit was turned over to us.


My proud parents with a kabado me hahaha circa 2007.
I was like "Potaaaaah paano ko babayaran ang
12k+ monthly amortization nito sa
less than 25k kong UP prof sweldoooo!"
Abilidad, thy name is Bayli.
The Force is strong on that one.
And here we are. 

[Marikina 2019 at my crib mothafucka!] 


I love my parents. They always give me enough to get a headstart, but they also know how to let me be. I love it that they check up on me once in a while kung may pera pa ko and such. Nakaalalay pa rin sila siyempre, kahit na tumanda ka na. And not because handa sila to write me a check and all that jazz, no. We're not that kind of family. Hindi naman kami mayaman, at lalong hindi kami yamanin! Lumaki silang parehong middle class, from a brood of 5-8 siblings in a fam, mga galing probinsiya din ang mga grandparents ko who made a living here in Manila na, to reach middle class status na tama lang ang lagay sa buhay, enough to have a family na hindi titirik ang mata sa gutom. We're not like those families with huge ancestral houses, or those who have hectares of lands to keep for future generations to come and all that. My Cantor lolo was a lawyer, his wife a dressmaker. My Linsangan Lola worked in BIR yata, I think, some government office while her husband died early so we didn't get to meet him at all. We're the typical Filipino middle class lang, no special connections whatsoever, legal or otherwise. 

Kaya gusto ko rin 'yung feeling na hindi ko kailangang ilagay sa pakiramdam ng perpetual na pag-aalala sa akin ang mga magulang ko. Coming from our lineage of maabilidad na mga nilalang na kayang mabuhay mag-isa at kayang maghanapbuhay period, they very well know that I can stand on my own two feet, that I know how to earn enough money to live the life I want. Kaya no matter our flaws as a family, I'm glad we have this unit. It functions, it works, no fuss, no frills.

And I guess I'll wrap up 2019 with this old cigarette slogan of yore, since it best sums up my life journey so far: YOU'VE COME A LONG WAY, BABY!

That we have, universe. That we have.

I suppose this is indeed the gift of the decade -- to have your own home. But the gift of the century is more priceless than that -- the ability to make it happen.

And indeed, we did.

Okay 2020, I think I'm ready for you. Bring it on! //



30 October 2019

Ang pilosopiya ng "Puwede Na" o "Puwede Pa Pala"

Minsan, bilang mga nilalang na madalas malinlang -- kagagawan man natin o hindi ang dahilan -- nahuhulog tayo at naiiwan sa ilang pilosopiya ng buhay na maaaring nakakapilay sa kilos natin o nakakaparalisa sa diwa. Mula sa malalaking bagay hanggang sa pinakamaliit, minsan may mas nananaig na isipin: "puwede na 'yan" o "puwede naman pala 'yang ganyan" o kaya'y "puwede pa pala" o "puwede pa" depende sa sitwasyon at larangan.

Tulad halimbawa nito, noong nagpapalit ako ng sapin sa mesa kung saan ako nagtatrabaho sa araw-araw ngayon. May malaki akong rainbow flag na pinabili ko pa sa kapatid ko sa California, ang alam ko, dahil matagal na ito at hindi pa uso ang Pride March bazaar nung bagong lipat ako dito sa condo ko mga 11 years na ang nakakaraan. Oo tama, 11 years, birthday ko sa espasyo ko nga pala ngayong buwan, dahil ito ang naaalala kong buwan ng turnover/paglipat ko dito: October 2008.




Archival kalkal: 
Ang orihinal na espasyo ng tipahan, at ang ilang eksperimentong 
paglaladlad ng bahagharing bandila sa may bintana. 
Na may pakyut na mukhang butchy sa baba riyan ay 
minor detail na lang. [Marikina life circa early 2010s]



Kaya mga late 2000s ko nakuha ang una kong malaking rainbow flag, na may kasamang rainbow peace flag din na sa sala ko nilalagay. Pinalaba ko muna itong peace flag dahil ten thousand years ko na siyang nakakalimutang ipalaba. Kaya sa lugar niya, dito ko nilagay muna ang isang magandang habi tapestry gawang Narda na nabili ko sa Baguio mga magsasampung taon na rin ang nakaraan. 




Habi ng Narda sa Baguio, na sabi ng ilang kaibigan ay huwag 
na raw suportahan dahil may labor issues ang kumpanyang kilala 
sa ganitong larangan. Sana naman wala nang problemang ganun ano. 
Sayang naman sila. Anyway, nabili ko ito mga 2011 yata 
nung dumaan ako dun pabalik mula Sagada yata. 
Sometimes memories fail me but life details remain etched 
in my being. Puno siya, na rainbow-ish, kaya sakto 
sa akin. [Marikina 2019]

May isa pa akong malaking pride flag na nabili ko naman noon sa Malate na Pride March. May entrepreneurial tomboys na gumawa ng booth sa Orosa-Nakpil na kanto kaya kumuha ako ng isa. Naaalala ko ang taong iyon dahil iyon ang unang tanong gamit ko ang DSLR kong bagong bili. Debut siya sa pride nun. Kaya magaganda din ang kuha ko sa taong iyon.




Archival kalkal: 
Ito 'yung flag mula Malate, sa dati kong opisina sa Peyups 
ko nilagay nung nagtuturo pa ko doon. Bago mag-Xmas party ito, 
cowboy daw costume ng departamento namin kaya ayan, 
Brokeback Mountain ang peg. [UPFI circa early 2010s]

Tapos mga dalawang Pride March ago yata, basta nung unang sampa sa Marikina ng parada, bumili ako ng lesbian pride flag naman. Ito 'yung gradations of pink na flag. Nilagay ko rin kasama ng habing Baguio. Sila muna ang nasa pader ko sa sala-kusina.




Tanaw ng pahingang mapayapa sa diwa. [Marikina 2019]

Tapos ngayon, eto nga. Naghahanap ako ng puwedeng sapin sa mesa, at naisipan kong gawin itong pride flag bilang tablecloth. Ito ang sinasabi kong "Puwede naman pala" kaya ayan na siya. Sa mga napagpilian, isa ang nailagay, at itinago muli ang isa. May mas maliit kasi akong rainbow flag na binili din sa Marikina Pride March kaya ito ang nakasabit sa Rainbow Writing Room ngayon. Kaya ibang gamit muna ang mga dati.

Kaya kadalasan, hindi naman kailangang gumastos at bumili nang bumili. Kapag nagdadaan ako sa mga mall sa bandang house stuff, nakaka-tempt kasing bumili nang bumili ng mga bagong bagay, mga magagandang disenyo, o mga bagong gamit. Pero minsan, ang mga lumang gamit ay may gamit pa rin naman, kaya di rin sila dapat agarang tinatapon o tinatago lang. Minsan, kailangan mo lang sigurong magkalkal ng mga natatagong bagay-bagay sa mga sulok ng kabinet o lalagyan, at may makukuha kang kung anu-ano na puwede mo pang gamitin sa buhay. 


A gathering of Puwede Pa stuff in life. 
Rearrange. [Marikina 2019]

Siyempre, marami ka na ring mga bagay na puwede nang itapon, dahil hindi na sila puwedeng gamitin pa sa kung anumang kadahilanan. O ayaw mo na silang nasisilayan pa. 

Hindi dahil sa "puwede na" ang napipili mo ay mababaw na ang kaledad ng bagay o gawain na iyon. May iba't ibang uri ng pagka-puwede na ng ibang bagay kasi. Ang pinaka-ayoko dito ay 'yung trabahong tamad na "puwede na 'yan, submit mo na" na madalas kong sermon sa mga estudyante ko dati. Iba ito sa deklarasyong "Puwede!" kung saan hindi mo inaakalang ang nagawa mo pala ay may benepisyo o ganansiya, X-factor kumbaga, kaya kahit ikaw mismong lumikha ay nagulat sa nagawa mo. Kaya iba ang "Puwede!" na iyon kaysa sa "Puwede na..." na pilosopiya. 

Kaya ngayon, bago magtrabaho, nakahanap pa ako ng paraang "Puwede pa pala" ang ilang bagay na nakatago lang sa dilim dito sa bahay, mga akala mo'y di mo na muling mailaladlad dahil wala nang pagkakataon. Iyon lang din pala ang nakadikit sa pilosopiyang "Puwede pa pala" -- ang mabigyan lang ng panahon at pagkakataon ang ilang bagay na akala mo'y patapon na dapat. Puwede. Puwede pa. Puwede pa pala.



Parang buhay at pag-ibig lang naman din 'yan, di ba. Ay, puwede pa palang maging masaya sa buhay. Ay, puwede pa palang ganito o ganun ang relasyon pero may konting iniba lang, pero puwede pa. Ay, puwede rin palang gawin ang ganitong trabaho dati sa bagong kalakaran ngayon, puwede na rin. 

Puwede, puwede pa. Ang isa palang kakabit niyang konsepto ay adjustment. Puwede na, adjust ka lang ng konti -- o ng malaki. Puwede pa ito, adjust ka lang ng slight or with all your might dahil may kakapusan ka sa resources o may sentimental value kasing nakadikit sa ayaw mong bitawan. Puwede na 'yan -- kasi ayaw mo nang mag-adjust pa dahil di mo na kaya o wala ka nang maitutulak pa. Puwede na rin -- kasi tinatamad ka nang mag-adjust at maghanap ng alternatibo kaya touch-move na 'yan kung chess ang laro ng buhay. Puwede pa pala -- kasi ayaw mong mag-adjust sa bago kaya hawak mo pa rin ang luma, may silbi man ito o wala na. 

Sa lahat ng uri ng "Puwede na" dito, iisa lang ang nangingibabaw: na ayaw mo pang sumuko, ayaw mong sukuan ang isang bagay o sitwasyon o trabaho o tao. Puwede pa eh, kaya tuloy lang ang gamit, ang larga, ang interaksiyon. Tuloy lang. Dahil parang buhay, tuloy-tuloy lang ang andar nito, sumabay ka man o hindi, handa ka man o hindi. So, sino ang mag-a-adjust, sabi nga ng isa Ms. Universe meme. Ikaw ba, o ang mundo? Tanungin mo si Miss U.




Catch up on your missed Pinoy memes in this post, 
where I got this pic. Google mo na bakla, 
ikaw na mag-adjust.

Kaya gusto ko rin ang pilosopiya ng puwede, dahil hindi ito agarang nagsasabi ng oo o hindi. Nasa gitna kumbaga, parang puwede pang isipin o puwede pang isali. Under consideration. Hindi siya agarang nega, dahil may kakabit siyang pag-asa, katiting man o ga-higante. Gray area of life, 'ika nga. And also, gray area for being, for existing. It's ironic how sometimes, life is more colorful to exist within these gray areas, because things have this tendency to be shaded or tinted toward a different look: dagdagan mo ng puti, tinted lighter. Kung itim, shaded darker. Parang mindset lang din, di ba? Grays. Puwede nas. Same same.

Kaya sige, gora lang, larga lang, life. Okay na ako dito sa grays, basta huwag lang mabalik sa lalim ng mga kadiliman.

Kape na, rainbow.




15 October 2019

Ang tunog ng alas-otso mo

Minsan, may kakaibang kalmang dala ang pagtitig sa kawalan.

Tulad nito.

Silip na. [October 2019 Marikina]

Maagang simula sa araw, maagang pagtanaw sa kailangang ihalaw. 

Alas-otso y media. Ito ang oras ngayong sinusulat ko ito. Minsan, may hindi naaalis na mga alaala ang panahon sa pagkatao mo, na naninikit sa iyong budhi nang di mo namamalayan. Tulad nito. 

Ano ang tunog ng alas-otso y media sa buhay mo?

Mas maaga pa nga diyan ang simula ng buhay ko, natin, noong panahong kinakailangan pa tayong gisingin ng iba dahil di pa natin alam kung paano gisingin ang sariling diwa sa umaga. Naaalala mo pa ba?

Naaalala ko pa hanggang ngayon kung paano ako dapat magising ng alas-singko, alas-singko y media siguro, para maghanda papasok sa eskuwela. Limang taon, pito, sampu. Pare-pareho lang ang pinagdaraanan ng umaga ko noon, sa piling ng lola ko, sa bahay niya sa Project 4, sa magulo pero masayang kapaligiran ng Antonio Luna street, doon sa mapayapa at luntian pang Quezon City noong 1970s at 1980s. 

Alas-singko. Alas-sais. Basta dapat alas-sais handa na ako, kasi dadaanan na ako ni Mang Cesar, ang may-ari ng pulang jeep na sundo ko, na ang tawag namin ay "school bus" kahit hindi naman siya bus. Pulang-pula ang jeep niya kaya hindi mo makakalimutan ang hitsura, at hindi ka mawawala sa parking lot ng eskuwelahan kapag uwian na at hinahanap mo siya. Si Charlie, ang konduktor niya, isang binatang maraming pimples, ang nakaabang na sa gate, susunduin kami at aabutin ang mga bag namin, taga-bitbit. Ang bongga ni Mang Cesar, 'no, may konduktor. 'Yung ibang naka-school bus na yellow, mga yamanin kong ka-eskuwela, wala akong nakikitang konduktor na tumutulong magbaba ng bag nila sa kalye. Pero kami, meron, may Kuya Charlie. Bongga lang.

Kaya ang tunog ng umaga ko, alas-sais pataas, noong mga late 1970s at early 1980s, ay pinaghalong huni ng mga ibong tumatambay sa mayabong na puno ng mangga sa tabi ng gate namin, at ang busina/harurot ng jeep ni Mang Cesar at pagkatok sa gate ni Kuya Charlie. At siyempre, ang walang kamatayang tunog ng AM radio na nakabukas lang lagi pagkabukas na pagkabukas ng umaga ni lolo at lola. Kaya kasabay ng paggising sa akin ni lola, o ng katulong namin noon na si Ate Violy, ang paggising sa akin ng radio anchor na nakasalang sa umagang iyon sa istasyong pinakikinggan nila. Background noise of life. Iyan ang AM radio, ang huni ng ibon, ang sigaw ng magtataho na dumaraan sa kalye, mga panaka-nakang sasakyan, ang jeep ng kapitbahay naming si Mang Doro, tatay ni Dorlet na bespren ko sa kalye, naghahanda nang mamasada. Mga taga-public school na kapitbahay na sabay-sabay naglalakad papasok sa eskuwelahan nila doon sa kabilang ibayo, malapit sa palengke, kung saan din nag-aral ang tatay ko at mga tita ko noon, nilalakad lang nila. Walang traysikel noon, puro lakad lang at jeep ang mga tao. O bisikleta. At okay na iyon.

Ah, ang simple lang ng tunog ng '70s at '80s, ano? Wala pang wifi, wala pang 24/7 cable TV, wala pang tunog ng sandamakmak na iba't ibang notifications sa cellphone sa umaga. Iba. Iba ang tunog ng umaga ko noon. Natin.

Ano na ang naiba ngayong dekada, o mula nang pumasok ang bagong milenyo -- noong panahong lumaki na tayo? Ako? Marami, marami na rin. Ang tunog ng AM radio mula sa transistor ay napalitan ng 24/7 news channel broadcast mula cable TV, background noise of life pa rin pero ibang medium na. Ganun pa rin ang tunog ng kalye -- maingay, marami nang traysikel, may jeep at siyempre sasakyan. Wala na akong marinig na magtatahong sumisigaw sa kalye, o baka kasi mataas ang building ko kaya di na sila umaabot dito. Pero noong nagrerenta pa ako sa mga village ng Quezon City, napapaigtad ako tuwing may maririnig akong magtatahong daraan sa kalye, kasi bihira na silang dumaan doon. Kaya bumibili ako, instant breakfast, buhay na ako sa 20 pesos na baso. Pero dahil sa iba rin ang ritmo ng katawan mo habang tumatanda, minsan ay hinahayaan ka na lang ng diwa mong matulog nang mas matagal, pambawi sa ilang taon o dekadang kinakailangan mong magising nang labag sa oras na nais mong pagtayo, dahil lang sa may pupuntahan ka: eskuwelahan, trabaho, o anumang lakad. 

Pero mula nang nag-kuwarenta ako, o kahit bago pa man, mga late 30s siguro, tila bumabalik ang katawan ko sa paggising ng sarili sa alas-sais. Dahil sa gusto na niyang gumana nang alas-siyete, alas-otso. Ewan ko ba kung bakit. May hinahanap yata ang katawan ko, ang tenga ko, ang diwa ba, o baka budhi. Wala naman akong kailangang pasukang trabaho dahil hawak ko ang oras ko sa aspetong iyon. Wala akong kailangang puntahan, daluhan, o bantayan, dahil sa gumagana na naman ng sarili nila ang mga bagay-bagay sa buhay ko nang di ako kinakailangan. 

Mas maingay na ang paligid. Nagsisimula na rin ang araw ng mga nilalang. Marami pa ring pumapasok sa trabaho at sa eskuwela. Walang magbabago sa aspetong iyon. Siguro ang nagbabago lang sa umaga ay ikaw. At kung bakit ka pa nagigising sa araw-araw.

Bakit nga ba?

Pang-ibang muni-muni na yata iyan, sa susunod. Pang alas-otso na -- ng gabi. Kasabay na siguro ng iba: samahan ng alak, sabayan ng pulutan na alaala.

Sa ngayon, kape muna ang iyong harapin. At magpasalamat sa sansinukob na kusa pa ring gumigising ang iyong diwa -- kahit minsan ay ayaw mo na, o ayaw mo muna.

Kape na.


04 September 2019

Never the has-been, always the passer-through

Of all the biggest career epiphanies I'd get naman lately, it had to be from a freaking Quentin Tarantino movie pa. Well, not really a direct influence there, but it was a jumping off point to where the enlightenment hit me.

The movie was ONCE UPON A TIME IN HOLLYWOOD and it's about how Leo DiCaprio's actor character laments becoming a "has-been" since he always plays the bad guy in movies and TV shows during the golden era of Hollywood TV. There's a storyline there where he accepted being the star of spaghetti westerns as a raket, the same move that made Clint Eastwood famous early in his career. Pagbalik niya sa Los Angeles, Leo's character didn't know what's next in his life after that Italian stint. He's not sure whether there are more roles available for him in the ever-changing entertainment landscape and such. So that's how his career discourses ended in that film.

The concept of the "has-been" has actually been bugging me for some time now. When my partner asked me recently "So ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay now or next?" iisa lang ang lagi ko namang sagot diyan: ang magsulat.

Magsulat, meaning I'd really like to go back to doing literary stuff. My mind has been churning out bits and pieces of stuff that will enhance or end current unfinished stories in my head, things I jotted down a decade ago, or even more, mga obrang naiwanan na dahil kailangang kumita ng pera.

And that's always the rub here, di ba. May naiiwan talagang gawain, all for the sake of making money. 'Yun nga lang kasi, it's not really just about making money to pay the bills ang peg ng in-between writer life ko kasi. It's also about making a difference, no matter how minuscule.

And that has always defined my career choices, if ever you could call it that. Sometimes, I find myself in the right place at the right time in history. When Edsa Dos happened, I was having the time of my life as a legitimate newspaper section editor, working with hardened journalists who laugh at politicians' death threat letters. Before that, I was given the chance to bloom as a film writer/analyst of film-related collaterals and materials (AVPs, film scripts, PRs, etc.) and more, in a film and TV production company. Then there's this one gig I traded for a chance to be part of a "video documentary for social change" inter-country (Asian) workshop: being a section editor of the then newly established website of the Phil. Daily Inquirer newspaper. Well, little did I know that, years later, that time during Edsa Dos, my entertainment editor stint, the publisher of that newspaper is the one who established PDI naman anyway. So I was able to work with a legend pa rin pala! And then that docu workshop naman led me to meet people who would later intersect with my TV life when I transitioned to being a TV show director -- and not by my choice, mind you. I have two college barkada running a children's show, at nasita sila ng Siyete for also directing it. So they needed a third party outsider, and I was the best candidate they could think of -- kasi wala akong Dos ego unlike our other barkadas hahaha, and also keri ko ang low-budget indie-setup shoots (i.e. shooting with little budget on a very limited time frame, like 8am to 6pm lang then pack-up naaaa). And well, that truly worked for me, for a while. It's because it's a children's show, which also gave us the chance to teach kids on air. Moreso when I started scriptwriting the two shows after the one I directed. 

Diyan pa lang, puno na ang plate ko e. If you ask me what did you do in your life and did you enjoy it? Ang sagot: E di ayan, ang dami, and hell yeah, masaya! Again, I was at the right places at the right moments, and with the right availability at that. Teaching was also like that for me, though that one I really pursued, unlike those that were offered to me for consideration. I never really thought of being a prof, a full-time one at that, kasi ayoko ring matali sa institusyon lang lagi. Kasi nga I'm not like that. I like to be in a company that lets me work on several things, too. And UP also gave me that, kasi nakakaraket pa rin ako sa labas and all, hindi lang ako tali sa loob -- kasi the innards truly suck, if you're just there. Either lalamunin ka ng sistema to be as corrupt as they are, or you'll get tired of it and leave (which is what I did).


When a door closes, another one opens.
Life is full of doors, that's why.
[Taken in Disneyland in California 2010] 


So now na tapos na lahat ng mga ito sa buhay ko, what happened next? Well, the early to mid-2010s were as equally exciting, to say the least. I was part of a good media and gender women's empowerment campaign which I helped Rappler fly off the ground, then I was also tapped to teach media literacy modules for a traveling lecturer gig by DepEd-attached government agency NCCT. That was also wonderful; I got to travel the country for a while, to teach parents, teachers, and students about media and being literate about it. Saya lang. Sumasabay pa doon minsan ang isang teaching gig din sa foreign lands, where I was tapped by an international feminist NGO to do feminist digital storytelling lectures for their workshops din. And that was also meaningful work for me, even if they were all short-lived.

See, that's the thing with me. I don't mind doing short-lived things for as long as they are meaningful and worthy, and they help people gain insights about, well, being better humans, I suppose. All of my work stuff is advocacy-related, in a way, whether directly or indirectly kasi. Early on, alam ko nang ganun ang gusto kong puntahan kasi. Maybe I was burned by the idea I saw in my parents' generation, na they stuck to just one job and one company their whole life, and then they end up feeling bitter about it when it wrapped up. 

So sa ganyan nangyayari ang ganap ng pagiging "has-been" for me: when you buy into one strand and then you miss doing it or feeling mo nalipasan ka na kasi hindi ka na tina-tap or ini-involve. I understand where the generation of my parents are coming from in terms of how they decided on career choices. Iba kasi ang panahon nila. Kaya bilang Gen X-er, we were caught naman in the middle of feeling guilty about not having one stable job all throughout yet at the same time we also relish jumping from one new experience to the next. 

I had this conversation once with a former UP classmate who didn't finish his degree here kasi na-petition na sila sa USA. He told me how he sometimes envy us na ka-batch niya kasi we were able to pursue at least one clear linear career na media-related. Kasi nga media majors kami (i.e. masscom-film), na-pursue namin ito in bits and pieces. Siya daw kasi, sa natapos niya sa US, ang nangyari is paycheck-to-paycheck ang career movement niya, tatalon siya kung saan mas lucrative, and secondary concern na lang 'yung kind of company/job it is. Tinanong niya ako if may "dollar-sign-eyes" na daw ba ako kaya ko tinatanong ito. Kasi that time, I surveyed a handful of my peers, mya kaibigan nga from media school, to see if they are doing well abroad. I was also considering that back then, 2010 to be exact, thinking na baka nabigyan ako ng chance silipin ang New York at California for enticement baga. Pero iba-iba nga ang nakikita kong kuwento ng mga peers ko sa iba't ibang parte ng mundo. Iba-iba rin ang nagiging life choices, of course. 'Yung iba nga nahihiyang mag-share ng real score, kasi taliwas sa training namin. 'Yung iba naman, proud kasi hindi ka dapat tali sa training para umalagwa ang buhay mo doon (speaking to a fellow masscom grad na naging news reporter pa nga dito pero moved to New Zealand to be with the jowa so she worked sa retail daw doon). Meron din naman akong naka-chika na fellow writer here na nagturo sa UP then umalis o inalis dahil nainis nga sa politics, pero lately she went back in naman, probably siguro nag-retire na kasi o wala na 'yung mag asungot doon sa kanya before. 

Ang daming kuwento, ang daming trajectories, mga kahenerasyon ko lang ito, at iilan lang ito. Kaya nga pakiramdam ko, 'yung sinasabi nilang "has-been" ay hindi applicable sa amin. Sa akin, at least, kasi nga, I was always what I now call as a "passer-through" or someone who passes through work stuff but also gaining much from it, hindi lang 'yung dumaan ka lang without stopping by, or without making a dent in people's lives. I believe naman I did, and don't take my word from it. Hear it from the people who come up to me, who message me, who send me greetings long after the gig has wrapped up, those who have been telling me that what I taught them or our work together was meaningful even if it was brief, etc. And I think I've collected enough of these sentiments to pull me out of ruts most times lately, lalo na't nag-iiba na nga rin ang temperament ko on what I want to do for work these last few years of this decade. 

Nag-iiba lagi ang mundo, nag-iiba lagi ang kalakaran. May mga nananatili pa ring gawain, pero mararami pa ring puwedeng gawin at maaaring puntahan. 'Yan ang maganda sa buhay ngayon. You can also create your own ways. Nabababad ako lately sa LinkedIn kakabasa ng stuff doon. At isa sa mga tumataginting na suggestion nila ay: "find your niche" o kaya "develop your personal brand and stick to it." Eh pucha if I did this pala eons ago, ano na ko ngayon? I'd rather be this hyphenated working person rather than being known for one thing and one thing only. Kaya hindi ako maka-fully agree dito sa personal branding shiz eh. Kasi my brand is eclectic, much like my faith, my beliefs, and my principles. Hindi kasi ako monolithic, eh, I'm not one sole structure of this or that alone. If we're talking about buildings, I'm probably a sprawling resort with various areas of interest, at hindi ako 'yung hotel lang o pool area lang o garden lang o cottage lang. You know what I'm saying? It's like that, eh. I'm like that. A freaking resort, preferably beachfront lol.

They used to have a different term for this kind of mentality decades ago, when I  was starting to become a professional. "Jack of all trades, master of none." And you know what? As I worked on many fields and things and domains, hindi ako nananatiling jack, eh. Pucha, queen ito, pare, queen! 'Yan ang alas ko hahaha! Hindi naman "expert" level ang aim dito eh, kundi acquiring multiple skills that will make you flexible to face anything. Kasi I also believe that those who self-label as experts are partly ego-driven na rin. Case in point: this former prof-colleague of mind who kept on harping na expert daw kasi siya sa documentary films kaya siya ang na-tap mag-judge ng isang docu video competition ng isang student org. OMG paulit-ulit niyang sinasabing "expert" siya sa docu sa isang meeting lang na 'yun. Naloka ako. Nasubukan na ba niyang umakyat ng rice terraces to shoot IP people, mingle with displaced farmers and farm workers, talk with HIV-positive people, interview abused children or descendants of Philippine heroes, to make documentaries? I have! Ang konsepto niya ng docu eh mga AVP, and that's effin' different no. Naloka ako sa "expertise" niya at nahiya naman ako sa mga nagawa kong docu in life grabe sorry eclectic ako eh. (/sarcasm if you don't get it LOL). Pero go, siya ang may tenure at ako wala hahaha. Such is life.

Well, 'yun na nga. Past na kasi. Sabi nga ng isang Og Mandino piece, "What is past is dead. Let the dead bury the dead." Very applicable for the negatron portions indeed.

So this is where I am right now, within the intersection of varied realizations that:
a) Ang dami ko na palang nagawa sa buhay potah hahahaha!
b) Maganda at maayos naman pala ang mga naiwan kong "trail" sa buhay, at
c) Gosh ang dami pang puwedeng gawin sa life.

Pero 'yun na nga, mabalik tayo sa isang universal concern: ang kumita ng pera habang ginagawa mo ang gusto mong gawin. Well, nandiyan pa rin naman tayo sa estadong 'yan. Pero now that I was able to clear out my mind about the streak of relevance I have in this vast universe, I guess I am more at peace with what to do next.

Never a has-been, always a passer-through. So I'm very open to the next stages where I will be passing in this lifetime. 

GAME!

This is me being eclectic. Story of my life, eh.
[Taken in Disneyland in California 2010]

24 April 2019

feeling the earth move

We're all not kidding when we say "I feel the earth move under my feet" 'no? That was a couple of days ago for us Luzon folks. We were hit by a big earthquake, nothing as disastrous as the '90s versions but still equally shaking and devastating. My heart goes out to the Pampanga people devastated the most. I hope yesterday's Visayas quake didn't do as much damage as the Luzon one. 

Presence of mind ang kailangan sa panahong ganun. Like me, it took me a few seconds to realize what I need to do when it hit. Ano nga ba ang nangyari? 




Nandiyan ako sa Breast Center ng St. Luke's kung saan ako pinapakuha ng doctor ko ng breast ultrasound. Kakatapos ko lang at magpapalit pa lang ako ng robe para makabihis nang umuga bigla ang punyetang cubicle bihisan. Nagdalawang isip pa ako kung magsusuot ako ng bra o shirt na lang o lalabas na lang akong naka-top robe. Mabuti na lang at mabilis akong mag-isip at mabilis ding kumilos sa dilim (nawala ang lights nang umuga na) at nakapagbihis ako sa dilim (years of media production practice ito teh). Paglabas ko, andun si sweetheart ko, naka-robe pa. Kasalukuyan pala siyang nakasalang sa ultrasound din nang umuga ang building. Take note na 12th floor ito kaloka. So siyempre sama kami sa lahat nung sinabi nilang evacuate the building. Baba kami sa stairs with the rest of them folks sa Breast Center, doctors and aides and fellow patients na naka-robe din.

Alam mo, kakaiba 'yang mga taong nadadatnan ko sa Breast Center lagi. Tanong nga ni sweetheart ko, bakit kaya  laging madadaldal 'yung mga tao dun. Hindi kasi ito first time na nagpaganito kami. Yearly mammogram din dito, also monitoring every quarter. Naabisuhan nga din ako ng doc na mag-monitor dahil sa parehong side ng pamilya nagka-breast cancer. Also, my mom was the original na mino-monitor namin dahil ipapa-biopsy nga daw dapat. I searched for a better doctor and that led us to this current good breast specialist we have. Mom's better naman na, nawala ang anumang nagbabadya, pati rin 'yung sa akin. Pero monitor-monitor pa rin nonetheless.

Pagkatapos mong magbayad at proseso sa main desk nila doon, papapasukin ka sa waiting area na maliit kung saan ka magbibihis ng top robe tapos upo ka dun kasama ng ibang naghihintay. Iba-ibang age range ang nakikita namin doon. May super-senior, may mag kaedadan ko. That Monday we were there, may isang super-quiet na parang mas bata sa akin nang konti. I can feel her tension knots from three paces away. Kabado si ati. Samantalang 'yung ibang ale at lola doon, chika galore lang ng kung anik-anik. Current topic nila at that time: Grab prangkisa vs. taxi prangkisa. Enlightening.

Anyway, sabi ko nga kay sweetheart ko, siyempre kinakabahan 'yung iba dun. Kapag kabado ka, the tendency is to keep really quiet or be uber-chatty. Tensed ategurl was obviously quiet and kabado. The others maybe. Or puwede ring bored lang at talagang tendency ng human being ang chumika sa iba. To each her own.

Paminsan-minsan, may makakaupo ka doong isang elder tita or lola na tila may iniinda na, pero ipinasa-Diyos na niya ang estado niya. Mga "let go and let God" type of eklavu peeps din dun. Siyempre, hinid mawawala 'yun sa Pinas. And that's fine.

Kaya nung Lunes na umuga-uga ang St. Luke's at hindi tumitinag even after 10-15 seconds, the elder titas there started to pray, like loudly. I can't remember what, Our Father ba o Hail Mary, basta calling to the heavens for help and protection. And I don't know why, but the agnostic in me panicked more when I heard them chanting like that. Kakapanood ko yata ng religious-themed Pinoy horror movies (hello, Itim pa rin ang scariest, mga ulol LOL) kaya na-associate ko na ang Catholic prayer chants sa doomsday "we're all gonna die!" scenario ampotah. So yes, while I was debating with myself kung magba-bra pa ako or not, hindi nakatulong sa pagyanig ng building ang yanig na naramdaman ko nung narining ko ang prayer chants ng mga tita. Ewan ko ba. 

To each her own na nga lang kasi, di ba. Si sweetheart ko, nakampante daw siya nung narinig niya 'yun. She's more faithful to the faith than I am, obviously, and we respect each other's views on this topic. So nung nagkita na kami sa may reception area, sumabay na kami sa evac through the stairs. Good thing no one really panicked, like panic panic Pinoy style, you know what I mean? Kalma lang. Except nga for those praying titas, na malakas ang boses, I think it's another form of supplying panic kasi. Puwede kayang isarili na lang ang pagdarasal? Ewan ko, that's just me.

Anyway, so I'm glad we came out of that one intact, and nothing was seriously damaged in the vicinity of our lives. My folks are good, my home is great, and my loved ones are okay. So that's a good result of that day.

And now, here we are, today. It's number 46, baby! Where are we today?




I went back here to work for the day. It's one of my favorite coworking spaces in QC. No rest for the wicked, my dears. Hindi humihinto ang komersyo at pagdagsa ng bayarin sa buhay. Kaya kahit bertdey ko ngayon, tatambay muna ako dito para magtrabaho. Busy naman din ang lahat. At may mga deadlines ako kaya kailangan kong habulin silang lahat. 

As always music propels the day. Ewan ko ba, pero naalala ko itong kantang ito kanina nung naliligo ako. Kasi nga nagsimula sa "I feel the earth move" kasi hello, earthquake. Then ni-runthrough ko na 'yung mga kanta ni Carole King sa Tapestry CD niya kamusta naman. So of course, we land here:



Will you still love me tomorrow, world? Kahit maputi na ang buhok ko? I guess so. Asking no one in particular. Maybe the universe, in this case. I don't know how or why I reached this age now. Maybe there's still some purpose, maybe not. Maybe there's more to come. Or maybe this is as good as it gets. Yes, I'm mixing all of my pop culture metaphors here already. It's my birthday, so what.

One thing rings true, though. This shirt:




No day but today, folks. True since 1999, truer now 20 years later. (On a side note, I'm glad this shirt is aging gracefully with me. Sana 'wag masira ever.)

Okay, time to make some money, folks. Ariba! 

At salamat sa lahat ng mga nakaalala. Heart heart.