And as usual, may mga maririnig ka na namang hirit na hindi mo magugustuhan sa mga gathering na ito. Sa buhay na ito, sa mga pinagdaanan ko na, sa mga naitaguyod ko na sa buhay, marami na akong kayang palampasing mga salita, nakakasakit man o hindi. At napagtanto kong depende pa rin pala ito sa topic.
Naaalala niyo pa ba nung minsang umuwi akong luhaan muna sa isang yuletide family reunion dahil sa sinabi ng tita kong homophobic? Quits na, deds na siya ngayon eh.
Ngayon naman, may isa akong hindi mapalampas: ang panlalait sa naipundar ko sa buhay.
Kung lumaki kang sanay na binibigyan ng mga magulang ng kung anu-ano, suwerte ka. Gusto mo ng Voltes V na robot? Eto, iyo na. Gusto mo ng scooter? Eto, iyo na. Gusto mo ng iba't ibang Barbie doll? Eto, iyo na. May mga pinsan akong ganito lumaki; suwerte at tusô na rin siguro ang tito kong maaga pa lang ay nakapagpayaman na ng sarili. Kaya maliliit pa lang kami ng mga pinsan ko, may ganito na silang mga luho. Samantalang ako, laki ako sa kalye, at masaya na ako sa laruan kong lutu-lutuan gamit ang isang lumang lata ng Milo na walang takip, nakapatong sa mga batu-batong may tuyot na maliliit na sanga ng puno, panggatong. Hard-boiled egg lang naman ang lulutuin naming magkakalaro sa kalye, pero abilidad ang namamayani kung paano nga ba ito maa-achieve. At tuwang-tuwa na kami kapag nakakaluto kami nang isang itlog. Minsan, patintero ang laro namin, o kaya siyato. Minsan sipa, minsan agawan base. Masaya na ang buhay kalye ko noon. Pero siyempre iba pa rin sa 10-year old self mong nakakakita ng aluminum painted Voltes V robot na libo yata ang presyo, na binabalewala lang ng pinsan kong biniyayaan nito. Nakakalat lang sa sahig, kasama ng iba pa niyang laruang binibili sa department store noong '70s at '80s.
Pero paano kung biglang nawala lahat ng karangyaang ito? Paano kung nawala ang yamang pinambibili ng mga laruan nila? Ganito ang nangyari sa tito kong iyon, na mabilis yumaman pero mabilis ding naghirap. Ang apat niyang anak, mga pinsan ko, nanibago nang biglang lumipat sa maliit na bahay, at sa isa pang mas maliit, hanggang sa hindi na kayang umupa ng bahay ng tito ko para sa kanila kaya umuwi silang lahat sa bahay ng lola ko -- kung saan din ako lumaki. At hindi na siya umalis dito hanggang namatay na. Ang tatlo sa apat na anak ay nagsipaglisan, nagkanya-kanya na nang namulat sa mundo. Ang tanging naiwan ay ang biniyayaan ng scooter na pinsan ko, na ngayon ay may sarili na ring pamilya matapos magkaanak nang maaga sa buhay. Hindi na nila naabot pa ang naabot ng tatay nila sa sariling sikap nito, dahil nga sa pinalaki silang marangya at pabaya. Pero natututo na rin siya sa buhay, kaya nakikita ko kung paano siya nagtatrabaho bilang OFW paminsan-minsan.
Itong pinsan kong ito, 'yan ang unang walang K na taong pinagtawanan ang naipundar ko sa buhay.
"Gaano kataas 'yang condo mo?"
"Mga 10 o 12 floors lang yata, mid-rise kasi."
Ang ideya niya kasi siguro ng condo, parang 'yung mga nasa Makati unang sumipot, mga 15-20 floors pataas, mga Cityland type siguro noong mga sinaunang panahong hindi ko pa alam kung ano ang konsepto ng condo.
Kakatawa itong pinsan kong ito. May ganang pagtawanan ang naipundar kong bahay para sa sarili ko, samantalang sila ng tatay niya ay nag-squatter na lang sa bahay ng lola ko, at nagpupumilit pang manatili doon nang hindi man lang nagbabayad ng kung anong mga bayarin, tulad halimbawa ng amilyar, mga ganyan. Mga adulting stuff baga. Kakatawa, no? Kapal din. Tapos ngayong may pag-uusap na hahati-hatiin na ang property na 'yun dahil binibili ng gobyerno ang right of way, nakikisingit sa parte niya itong pinsan kong ito. Sorry kung derogatory 'yung term, pero squatter pa rin ang peg, eh. Squatter na nga, entitled pa si mokong. Kasi nga nakatikim ng buhay marangya, tapos nawalan, tapos kinailangang bumangon mag-isa. Walang ibang mahihingian. Kaya ayan.
Kanya-kanya lang tayo ng buhay siguro, pero nasa sa iyo naman din iyan kung paano mo kakanain ang kahirapang ibabato sa yo. Nasa iyo rin iyan kung paano mo isasaayos ang buhay mo sa paraang komportable ka.
In short, if this is the hand you're dealt with, how will you play your cards right? Fold, bluff, or fight on? Get the jackpot, or none at all. Win some, lose some.
O, sino na diyan ang nagtrabaho nang matagal para makabili ng sariling tirahan, taas ang kamaaaaaaay! [Marikina 2019 at my crib mothafucka!] |
Recently, another dude also told me off about my condo. Maliit daw. "Sobrang liit!" parang ganun pa ang sinabi, siyang nakikitira lang sa malaking bahay ng lola niyang nakapangalan pa rin sa lolo niya, na siyang pinag-iinitang ayusin ng tatay niya para mailipat na sa pangalan nilang magkakapatid. May balak kasi ang tatay niyang ariin ang isang lupain sa ilang ari-ariang iniwan ng lolo niya bilang ebidensiya ng pinundar nito bago pumanaw. Ang lolo nilang iyon kasi, nilayasan ang unang pamilya at nagkaroon ng panibagong pamilya sa bagong probinsiya, namili ng kung anu-anong lupain, na pinagtayuan ng iba't ibang negosyo ng lolong maabilidad bago pumanaw nga. Ang sabit lang, itong tatlong anak ng lolo niya ay hindi magkakasundo. Kaya itong tatay lang niya ngayon ang sinusubukang maging peacekeeper para maisaayos ang mga titulo sa mga ari-arian na ito.
Nakakaaliw sanang pagmasdan lang ang mga pangarap nilang pinag-uusapan eh, makikinig ka habang pinaghahati-hatian na nila ang mga ari-ariang di pa naman nila pag-aari, pinaplano na kung ilang pintuan ang ipapatayong bahay sa isang lupa para tig-iisa silang pintuang magkakapatid, mga apo na ng lolong maabilidad. Nananahimik akong naghahapunan habang nag-uusap sila nang biglang tumingin sa akin ang tatay nitong dude na may mukha ng dismaya, dahil hinding-hindi raw siya bibili ng condo. Alam nilang nakatira ako sa condo, kaya tumingin sa akin. Di daw siya bibili ng condo, tulad ko, sabi niya. Tapos sabay chuwariwap nga nitong dude niyang anak at sinabi with utterly equal disgust in his face "Ang liit-liit!"
Compared to my condo and your insecure penis, my boy, ano ang mas maliit kaya, I wonder. No need to answer; this is self-explanatory. Ask Freud.
Natawa ako kasi, tulad ng una kong pinsang walang K magsalita sa naipundar kong tirahan sa sarili ko, itong dude na ito ay wala ring naipundar na anuman sa buhay. At past 30 years of age, pinaghihimay pa ito ng nanay niya ng isda para hindi matinik. And before you ask, no, hindi siya PWD of any sort. In fact, he finished high school and college but with much challenge (kick-out blues and such). He even managed to finish law school ages ago. But he remains jobless and directionless to this day. Poor unfortunate soul. Ito 'yung classic sa Pinoy culture na sinasabi nila dati pa, may joke na ganito nung '70s pa eh. Sabi:
Speaker 1: Pare, saan ka nagtatrabaho?
Speaker 2: Sa PAL.
Speaker 3: Wow, susyal, Philippine Airlines!
Speaker 4: Hindi, PAL. PALamunin ako sa bahay. Wala akong trabaho!
At proud pa siyang PAL siya, pare. That takes the cake, really. I swear.
Biro mo, si PAL pa talaga ang may ganang pagtawanan ako sa naipundar ko no. Samantalang siya, forever ding squatter sa bahay ng lolo niya. Ni walang ambisyong magpundar ng sariling bagay o kahit na career! (Deka-dekada na siyang walang trabaho, at ni hindi niya talaga nasubukang magtrabaho sa isang opisina man lang nang tunay, na fulltime, ha, like ever!). Tapos proud na proud pa siya sa pagiging freeloader niya, na lagi siyang nakakalibre, o niyayabang niya tuwing may nanlilibre sa kanya. Ang mukha niya grabe, mukha ng isang nakaisa sa kapwa dahil nailibre siya. Yeah, that kind. You know the type. PAL.
These types of people talaga, those who don't have anything to show for it, sila pa talaga ang may ganang magsalita nang akala mo eh pinaghirapan nila ang mga karangyaang tinatamasa nila, ano. Nakakatawa. At nakakaasar.
Ano ba ang reaksiyon mo dapat sa ganyan? Sa loob-loob ko nun, buti nga ako, tinulungan ako ng magulang kong magsimula ng ipupundar, tapos AKO NA ANG NAGTRABAHO PARA KUMITA NG PERANG IPAMBABAYAD KO SA PINUPUNDAR KO. Kaya nga I am so damn fucking proud of myself that I can now call myself a HOMEOWNER because I was the one who made it happen. ME! Konting tulong from my parents to jumpstart it, of course, but hell yeah, ako pa rin ang nagtrabaho para mabayaran ko ito in full motherfucker!
Kaya the nerve of some of these asshats who say things like these talaga no? Hay naku. Tita Patolera mode na naman ako, I know. But this is a sore spot for me, specially because it undermines two things: one, how my parents smartly helped me to jumpstart things (and they didn't just give it to me on a silver platter), and two, my ability to see things through until the finish line (na hindi ko kailangang manggantso o magpalibre para magkapera para makabayad ng monthly amortization for 10 years).
Ang sarap sabihin sa dude na 'yun na, "Ay sorry naman, sensya na, 1.2M-ish lang yata ang kinaya kong kitain sa hard work ko over the years kaya maliit lang na condo ang nabili ko eh sarrehhh nahiya naman ako sa iyo na hanggang ngayon nakasahod pa rin ang kamay sa mga magulang at, what, nearly 40 years of age ba? Sarreeh nangangawit kasi kamay ko kapag nakasahod lang sa magulang ko eh, kaya ginamit ko sarili kong kamay sa pagtatrabaho instead, and also para maabot ko ang tsekeng binabayad sa akin at maabot ko rin ang perang ipapalit dito ng bangko tuwing suweldo. Sarreeh iba gamit ng kamay ko eh. Pang-abot din nga pala iyan ng tikets kapag boarding sa mga PAL flights ko -- oo, yung airline, I mean, na ilang beses ko nang nasakyan sa buhay kong ito dahil sa my work sometimes takes me to places that need an airplane to reach. Sarreeh. Sensya nuh.
Motherfucker.
And to close this rant post hahaha, here's a photo of my parents and me, an obligatory shot na may pa-frame pa nung developer when the unit was turned over to us.
I love my parents. They always give me enough to get a headstart, but they also know how to let me be. I love it that they check up on me once in a while kung may pera pa ko and such. Nakaalalay pa rin sila siyempre, kahit na tumanda ka na. And not because handa sila to write me a check and all that jazz, no. We're not that kind of family. Hindi naman kami mayaman, at lalong hindi kami yamanin! Lumaki silang parehong middle class, from a brood of 5-8 siblings in a fam, mga galing probinsiya din ang mga grandparents ko who made a living here in Manila na, to reach middle class status na tama lang ang lagay sa buhay, enough to have a family na hindi titirik ang mata sa gutom. We're not like those families with huge ancestral houses, or those who have hectares of lands to keep for future generations to come and all that. My Cantor lolo was a lawyer, his wife a dressmaker. My Linsangan Lola worked in BIR yata, I think, some government office while her husband died early so we didn't get to meet him at all. We're the typical Filipino middle class lang, no special connections whatsoever, legal or otherwise.
Kaya gusto ko rin 'yung feeling na hindi ko kailangang ilagay sa pakiramdam ng perpetual na pag-aalala sa akin ang mga magulang ko. Coming from our lineage of maabilidad na mga nilalang na kayang mabuhay mag-isa at kayang maghanapbuhay period, they very well know that I can stand on my own two feet, that I know how to earn enough money to live the life I want. Kaya no matter our flaws as a family, I'm glad we have this unit. It functions, it works, no fuss, no frills.
And I guess I'll wrap up 2019 with this old cigarette slogan of yore, since it best sums up my life journey so far: YOU'VE COME A LONG WAY, BABY!
That we have, universe. That we have.
I suppose this is indeed the gift of the decade -- to have your own home. But the gift of the century is more priceless than that -- the ability to make it happen.
And indeed, we did.
Okay 2020, I think I'm ready for you. Bring it on! //
No comments:
Post a Comment