Actually, nung isang araw pa ako kating-kati magsulat. Hindi lumilipas ang isang araw na wala man lang kasi akong sinusulat somewhere kasi. Ganyan talaga ka-hardwired ang utak ko sa kamay ko at nais nitong maglabas ng mga bagay-bagay sa papel, sa kuwaderno, sa laptop, saanman. Kaya para tumitig sa mga bagay na iyan at mahilo at maghanap ng pagpikit, parang medyo pinapatay mo na rin ako 'pag ganyan. Ang pagsusulat sa akin ay paghinga. Ang pagsusulat ay trabaho din, oo, pero ang pagsusulat ay pahinga rin. Kaya parusa itong nakaraang dalawang araw na wala man lang akong naisulat kahit man lang sa journal entries ko; date at lugar pa lang ang naisusulat ko, nahilo na ako, kaya wit! Luzvaldez lola mo. Kaya eto, the moment na naramdaman kong parang puwede na ulit, arriba na at tipa tipa na ulit 'pag may time.
Pero siyang tunay, nalintikan nga yata ako. Ewan kung bakit. Bihira akong magkalagnat at bihirang mag-breakdown ng bongga (o katiting) ang katawan ko kaya nakakapanibago na makaramdam nito muli. No, I don't think it's a sign that I should "slow down" or "take it easy" or any shiz like that. Matagal na naman akong retired sa "life in the fast lane" chenes na 'yan, dati pa, mula nang nag-goodbye na 'ko sa mainstream media stuff. Since I went freelance again lately, my time and stuff are more manageable na naman actually, since I create and follow my own routine. Maliban na nga lang if may mga babagsak na prescheduled gigs sa lap ko, like the last four days of last month. Not too heavy naman pero ewan ko ba at tinamaan pa rin ako. Kung kelan pa naman bakasyon sa buong Pilipinas, saka naman nagbakasyon sa sinat ang katawan ko hayst. Oh well papel.
But I'm grateful nonetheless. As always, the universe provides, in more ways than one. And I'm glad October came. Dami ring ganap. Dami ring nahanap. At dami ring nabubuong bagong pangarap.
So silip-silip na lang din 'pag may time. Di muna bobongga ng bongz sa salita. Baka mabinat pa eh. Biswal-biswal na lang din muna ang pagkukuwento, para mas makulay.
At maraming salamat pa rin sa mga nariyan at nakikisabay.
Ayan at muli na naman kaming sumabak ng aking mga pogi at rumaket galore sa isa na namang gender army training. I am liking these gigs for the challenge and variety it offers my life lately, sa totoo lang. Of course the cash, too, but that goes without saying pek. Tuwa naman si wifey Nona ko at pitik-pitik na naman kami together.
Um, bago may magselos dyan, si Nona ang aking Canon 7D cam, ayt? Nililinaw lang hehe.
Happy to meet up with old friends and co-workers pati, and intersecting them with new ones. After ten thousand years, nagkita ulit kami ng old friend from showbiz days Che who opened a new resto sa Timog. Atak kayo dito mga beks! Sarap ang foodie.
Naki-event event din kami sa isang hotel anniv event ng isang friend na nage-event-event ba. Basta.
Sobrang happy to have my lesbian feminist pastora superfriend K meet up with my current "prospect" for lack of a better term eheheh basta. Bilang alam ni pastora ang historical complexity ng aking recent past eklavu, masaya na naganap itu. Siya nawa.
And dates are becoming convenient "excuses" to tick off my foodie places to visit list of choices, one by one hehe. Also accidentally discovering new ones pa in the process. Nom.
Yung may nadiskubre akong favorite coffice place lately, dahil sa kaka-stalk sa isang someone sa may Pioneer branch hehe. Di ko knows na pinsan-in-law ko pala ang may hawak ng buong architectural design kyeme ng coffeeshop, as it turns out. Gujab! Sana magtayo ng branch sa Marikina though pls pls pls pls. Bet ko ang ca phe viet flavors teh!
Tapos ngayon ko pa naisipang i-activate ang bayad nang balik-alindog membership. Tepok, thy name is Bayli. Define torture.
Yung kumu-quota na ako ulit ng one live musical gig watching monthly. Last month, sina Aiza at Charice ang chuva namin. Itong Tres Marias, semi-biglaan naman, all in the name of Lolita Carbon fangirling again lol.
Pareng Bob, sana naman may woman no cry na this time, ha. Pls lang.
Anyway, mukhang hindi naman hehe... Simpleng people-watching mode while yosi-ing tambay with chikahan sa Starbuko momentz masaya na kami.
Pero may jealous face daw ako. At eto pala 'yun. Hmm you learn something new everyday, beks.
Arriba na lang ng arriba, beks. As always. Sige lang Nobyembre, pagalingin mo na ako... sa mga kailangan pang gumaling sa akin. Gorabelles.
Happy Sunday, folks.
No comments:
Post a Comment