27 September 2013

Reflection Friday

Hindi ko alam kung saan na napunta ang umaga pero parang alam ko na ang kahihinatnan hahaha! TGIF mode na naman sa nakakalito at makulimlim na linggong ito, lalo na ngayon. Pero marami din namang naganap kaya nakakatuwa na ring mag-muni-muni lang dito sa loob.

Para sa patuloy na nagbabasa nitong mga sinusulat ko dito, salamat at ang ilan sa inyo ay nagkakaroon ng oras na makipaghuntahan sa akin sa email. Kakatuwa lagi na marinig ang mga opinyon niyo rin sa ibang mga bagay, komento sa mga bagay na pinagsususulat ko sa kung saan-saang kalakaran, personal man o bahagi ng kabuhayan package ng lola niyo. 

Share ko lang dito ang nasa ibang espasyo:

Palpakis Junior book 5: the enlightened thief -- Siyempre nanggagalaiti tayo dun sa UP student na nag-plagiarize ng photo. Ito ang analysis ko at reaksiyon sa stiwasyong iyon. I swear, it still holds, yung observation ko na hindi medyo katiwa-tiwala ang mga tao with beady eyes. I swear! Basta hehe.

Have a gay day the “indie film” way yey! -- Dahil naghabol tayo ng queer films in the vicinity, ito ang review ng Lihis ni direk Joel Lamangan saka ng Ang Huling Cha-Cha Ni Anita ni Sigrid Bernardo.  Buti na lang pala nagtext si Sigrid na may entry pala siya diyan kundi tinulugan ko na naman ang festival na ito hahaha. Yeah I am a snob that way lately hey. Alam niyo na. Wala rin sana akong balak panoorin itong Lihis pero dahil may chuvaness raket ako sa isa pang direk na may pelikula ding lumabas sa fest na iyon, tinuhog ko nang panoorin ito at ang pelikula ni other direk. So there. Ayan nabuhay na naman ang film review blog ko.

Pinaglalaruan ko nga rin pala nang medyo matagal-tagal na itong ask.fm site kung saan puwede kang magtanong at sasagutin kita. Ewan sa pauso nito, pinatulan ko naman! LOL. Ito namang superfriend K eh ginawang fullblown artikulo ito sa Rappler. Ayan na-promote tuloy LOL. O siya, ask ask lang pag time. Mga bagong pamatay-oras salamat sa internet.
 
Nakakaaliw na marami pala ang naantig sa latest series na ginawa ko sa POC. Bunga kasi ito ng diskurso ng mga katibamchihang kilala ko noon noon pa, bago pa man mauso ang social media at di pa naiimbento ang FB at Twitter. Mga kabatak kong nag-volt in muli, mula sa UP Sappho Society na binuo namin noong nagsisimula akong mag-masters pati na rin mga kaibigan ng ka-ibigan ko dati na naging kaibigan ko na rin. Oo, maliit lang ang mundo ng mga lesbiyana noon kaya ayan, shared-shared ang mga Venn Diagram ng social spheres namin at intersect intersect lang lagi dahil may time! LOL.

Ang samahan ng mga sinaunang pekpek a.k.a. 
kitakits sa marriage reception Pinas version ng NYC BFF 
na umuwi para mamik-ap ng Palanca award hehe. 
Gigimik ulit kaming mga tomboy tanders sa 
concert ng mga baby dykes bukas sa coliseum hehe. 
[bondat sa Terraz September 2013]


Dahil matagal-tagal din kaming di nagkitakits, nagchika-kits na rin kami tungkol sa buhay. Naibahagi ko sa kanila ang moda ng lola niyo noong mga panahong di ako single pero parang matamis na pagmamahalan na naging maasim ang naging peg ng ilang kabanata sa buhay ko. Na-inspire akong gumawa ng series tungkol sana generally sa usapang pera at relasyong lesbiyana, at siyempre hugot mode ito sa mga naging transaksiyon ng buhay pag-ibig ko.

Share ko lang dito yung series:

Sugar(lez) momma (1 of 3): Intrega o intrigang mag-asawa
Sugar(lez) momma (2 of 3): Miss Tibamchi Scholarship Foundation
Sugar(lez) momma (3 of 3): Return of emotional investment 


Dapat ang isusulat ko ngayong buwan ay tungkol sa online dating pero isang artikulo lang ang nasimulan ko at nawaglit na nga ang isip at interes ko dito kasi napasok bigla sa kukote ko itong sugar momma thing. Pinaka-una ko talagang naisulat yung huli kasi ito ang pinaka-main dahil recent ito, pero hinuli ko na lang ito ng labas at nag-chronological order na lang ako sa unang dalawa. Saka sa lahat nang iyan, itong huli ang sinulat ko nang medyo may bahid pa ng luha. Drama no. Pero minsan ganyan ako magsulat kasi, parang dugo at memorya ko ang inkwell na pinagkukuhanan ko ng tinta panulat. Minsan mabigat siyempre. Proseso pa rin ang pagpapagpag-nega ko siguro sa pinaka-recent na hiwalayan blues ng buhay ko. It takes time, of course. Pero I'm also glad I have time to process it, and also to be offered other alternatives na from the universe para siguro to speed up the pagpapagpag pati.

Which brought me to today's main reflection. Na ngayon lang sumambulat sa kalawakan ko na two years ago pa palang may chance sa isang pagkakataong di ko alam na puwede palang maging pagkakataon. May kausap ako lately at sinabi niya ito ngayon lang. Hm two years, na andiyan, nagmamanman, at ngayong libre na, katok katok lang 'pag may time. Manhid nga daw ako, di ko raw ba nararamdaman hahaha. Baka dense-o-rama lang teh hehehe o kaya Dense-yo Padilla lang LOL. Walang mawawala kung susubukan kaya nga pumayag akong makipagkita sa kanya para lang magkape na nauwi nga sa beer noong isang linggo. Kaya ako naman ang nag-imbita ng sumunod na pagkakataon at nanood nga kami nitong Anita chuva.

At masaya naman. Mantakin mo nga naman, marunong pa palang makipag-formal date ang lola niyo, yung date na may kasamang kilig moments na para kang nasa loob ng romcom film bawa't eksena, 'lam mo yun? LOL. Oo, alam ko alam niyo yun LOL.

Sabi ko sa kanya, matagal ko nang hindi nararamdaman 
ang kiligin, siguro mula pa noong simula ng taong ito. 
Kaya nakakatuwang maramdaman ulit ito ngayon. 
Sabi niya "ditto!" No, not really hehe. Mahaba eh pero yan yung summary. 
LOL [movie date pag may time 2013 sa may Gateway]


Kaya ayun, kahit pareho kaming kailangan ng distansiya amiga dahil sa mga pinanggalingan lang namin sa kanya-kanyang buhay, masaya pa rin namang mag-explore explore lang like a scientist hehe or samteeng, aliw sa company ng isa at tuwa sa mga natututunan at usapan. In short, chillax with a bang.  

Naloka lang ako dun sa naisip ko. Nakilala ko siya isang buwan matapos kong nakilala yung huli kong ex. Ano kaya ang pagkakataon kung nabaligtad ang mga chronological timeline na iyon, ano? Hmm strange, that.

Ewan. baka timing lang ang chika. Di rin naman namin alam kung ano ang mangyayari sa amin ngayon. Go with the flow at steady lang. Masarap gumising muli na naiisip mong may nag-iisip sa iyo. It also makes dreaming worthwhile.

Magtatapos na naman ang isang buwan. Grabe, fly by night mode lang ba mga buwan? Bilis ng paglipas. Pero at least masaya ang buwan na ito at marami pa rin akong bagong bagay na natutuklasan, masaya ang reconnection sa mga kaibigan, at masarap pa ring mag-explore ng bagong mga paraan. Basta! Yun na yun.

Sige at maga-TGIF muna tayong lahat hane. Gow!

1 comment:

  1. So good to see you :) Bitin as always but glad we had some alone time. Hope you're doing well, mother.

    ReplyDelete