02 March 2013

Destiny/Serendipity

Is it destiny that you meet people you meet, or is it just serendipity? 

As I browse through online spaces this lazy Saturday afternoon, this thought that a good friend of mine posed to me sometime after Valentine's hit me hard today.  

Was it really about destiny or is it just serendipity that I met you? 

I wanted to ask out loud, to no one in particular, maybe to the universe in general, but with someone on my mind. As usual. I think I was on the brink of crying, or just finished crying, I can't remember, when my friend tried to rationalize the reasons why individuals crash into the orbits of other individuals, in this case pertaining to me and this someone. We were trying to fathom why such occurrences existed, why such intersections happened, why this came to be. Kami na ang madaming oras mag-isip ng mga bagay-bagay na ganito habang nag-iinuman. Pero siyempre ang dahilan lang naman niyan, para mabawasan na ang lumbay na naramdaman ko noong mga panahon na iyon.

Hay lumbay. Hindi naman yata talaga tayo iiwanan niyan. Kasama ng kasayahan, si lumbay ay laging nariyan lang sa tabi, hahalili tuwing sumasadsad na ang supply ng kasayahan natin. Pero okay lang iyon. Minsan, iisipin mo, balanse lang naman talaga ang universe, eh. Magaling ang Diyos, ang Allah, ang Hesus, ang Buddha, at kung sinu-sino pang mga sinasamba ng sangkatauhan, ng universe for short (kaya oo, tuwing sasabihin kong "bahala ka na universe," ang ibig sabihin niyan ay bahala na ang kung sinumang diyos na nakikinig sa dalangin ko, dahil oo, naniniwala ako sa Diyos/diyos at may pananampalataya akong tao, kung di mo alam). Magaling tumimpla ang universe. Lahat may balanse, lahat may kapalit. Hindi puwedeng wala. Kaya nga lahat ng bagay sa mundo ay dual ang dating, dichotomy, binary. Karma.

ako/ikaw
salbahe/mabuti
masarap/chaka
itim/puti
yin/yang
masculine/feminine
liwanag/dilim

Kaya nga ako nagpa-tattoo ng yinyang eh. Ang dalawang forces pinag-isa, iisa. Yan ang ibig ipahiwatig nito. Lahat tayo may dalawa, may katambal, nasa loob, nagsasama.

 orange and black [Jan 2013 UPD]

Kaya minsan, iisipin mo, is it really serendipity -- that chance or luck -- that I met you, or is it really destiny -- that you and I were meant to meet each other at this point in this time -- that we chanced upon each other, in that online space we first occupied, and then the spaces offline where we socialized, and then the inner spaces inside of us where we let the other "invade" our existence. Yung ganun ba. 

Babalik na naman tayo sa walang kamatayang favorite Lino Brocka movie quote of all time:

"Walang sayang sa buhay. Lahat may silbi, lahat may pakinabang. Di nga lang malinaw minsan."

At napaisip na naman ako sa inumang iyon kasama ang aking kaibigan. Serendipity? Ibig sabihin, nagkataon lang na nagkita kami, nagkakilala? Destiny? Ibig sabihin, talagang kailangan kaming magkita, magkakilala, noong panahong nagkita at nagkakilala kami. Pero para kaninong ganansiya o pakinabang kaya iyon? Noong una, parang para sa aming dalawa. Nang paglaon, parang para sa kanya na lang iyon. Pero kung susumahin mo, siyempre para sa akin rin iyon. Pareho naman kaming may nakuha dito, kahit hindi lang pantay ang paraan ng sukatan. Kung anuman ang panukat niya, iba marahil sa panukat ko.

At nitong huli ko lang napagtanto kung ano nga ba ang panukat ko dapat sa interaksiyong ito. Malaki at tumataginting na malaki ang ganansiya ko sa relasyong ito. Dito ko muling napatunayan na kaya ko pa, na kahit tila ilang Fire Prevention Month pang pagdaanan ng nasunog na puso at kaluluwa sa mga emosyonal na pinagdaanan ko dati, na kaya pa pala. Kaya pa rin pala. Yung dapat napapagod na ako sa lagay na ito. Yung dapat binitawan ko na agad ito sa umpisa pa lang ng pagkaramdam ng pagkaalanganin. Yung dapat matagal ko nang tinalikuran sa unang bahid pa lang ng pagkapaso. Pero dahil sa test of tatag din pala ito para sa akin, hindi ako bumitaw, hindi ako sumuko, hindi ako umayaw. Kasi mas nangingibabaw pa rin naman ang una kong naramdaman bago ang lahat nang iyan -- ang pagmamahal. And then of course, at the back of your mind, there's always this voice that whispers a truism about all of this: she's worth it.

Siyempre, ibang usapan kapag nasa gitna ka na ng pagmamahal at pagiging tanga/martir. Iba rin 'yun. Been there done that din ang drama na 'yun. Pero dahil nga sa ibang klaseng ninja training yata itong pinagdaanan kong ito, tila mas handa na ako para harapin kung anuman ang maging porma o ayos nito. Hit reset button muna ang peg. Tignan natin kung ano ang mangyayari sa kalaunan. Pero kung anuman ang maging resulta, at least kampante akong alam ko na kung bakit kailangang mangyari ito, kung bakit kailangang pagdaanan, kung bakit kailangang maramdaman ang mga naramdaman. Tatag. Test of tatag. Tatag ng loob, tatag ng damdamin, tatag ng kaluluwa, tatag ng pakiramdam. Iba ang pagiging matatag sa pagiging matigas. Iba 'yun. Tapos na rin ako doon, sa pagiging matigas. Iba na ito, pagiging matatag na ito. Hindi rin pagiging malakas, kundi pagiging matatag. Iba rin 'yun. Basta. Iba 'yun.

Yung namitas na lang kami ng suwerte ni pastora a.k.a. 
my spiritual adviser a.k.a. my kainuman. Baka dito may luck. 
[Feb 2013 SM Megamall]

Kung serendipity ito, maaaring magtagal, maaaring hindi. Kung destiny ito, ganun din naman. Maaaring magtagal, maaaring hindi. Pareho lang ang pagdadaanan. Ang pinagkaiba lang, ano ang dahilan ng tambalan sa umpisa. Tapos ang kailangan pa ring tuklasin, saan mo ba ito gustong pumunta? Siyempre, wala kang maisasagot diyan. May ideya ka kung saan mo gustong pumunta, pero kadalasan, hindi mo rin naman makokontrol ang paglalakbay papunta sa paroroonan mo. O kaya, minsan, maraming nangyayari sa daan kaya nag-iiba talaga ang porma ng paglalakbay na iyon. Maaaring mapunta ka sa nais mong puntahan, maaaring hindi. Wala sa iyo iyon, wala rin sa kanya iyon. Minsan, oo, ikaw ang nagda-drive. Minsan, siya. Kadalasan, kayong dalawa, pinag-uusapan ang pupuntahan. Minsan, may ibang sisingit, magugulo ang takbo niyo. 

Ganun talaga minsan. Walang sigurado sa buhay. Kahit sa utak mo, siguradong-sigurado ka na, sa totoong buhay, hindi naman pala. Kaya kailangan, mas flexible ka na lang. Go with the flow. Tignan mo kung ano ang kahihinatnan. Bawal magbabad, bawal matengga. Galaw lang nang galaw. Usad lang nang usad. Malay mo, may marating kang mas okay na lugar pala kesa sa nais mong puntahan sa umpisa. Kaya sa panahon ngayon, dapat kuwidaw ka na lang at tignan mo na lang ang susunod na mangyayari. Kahit ano pa namang latagan ng plano sa buhay ang gawin mo, niyo, niya, latag pa rin 'yan, di pa rin 'yan sigurado. Dreams. We can always dream big, dream grand, dream together. We still can. But just don't expect all dreams to become reality. Lessen na lang ang expectations, para lessen din ang hurt and disappointments siguro. Easy lang. Play it cool, boy, sabi nga sa West Side Story. Easy does it. Chill lang.

Oo, may dahilan ito, kahit hindi gaanong malinaw minsan. Bakit ngayon, bakit last year, bakit bukas, bakit kahapon, bakit ngayon. Basta nangyari na siya. Basta nangyayari pa rin. Destiny man o serendipity ang may pakana, surf the waves of life na lang muna ang peg. Minsan, may occasional wipeout. Minsan, lagi kang nakatayo sa board. Pero mas okay na iyon kesa naman sa nakatengga ka lang sa beach, nakanganga at nakatulala sa kawalan. Iyon ang ayoko -- ang tumunganga lang sa kawalan. 

Kaya galaw-galaw na lang ang peg. Arangkada lang. At kung kasama pa rin siya o kung ayaw na niyang umangkas sa paglaon, bahala na bukas. Basta ang importante at ang alam ko, iisa lang lagi ang gameplan -- ang magmahal. Laging 'yan lang dapat ang gameplan. Kasi kung mawawalan ka ng pagmamahal -- sa sarili mo at sa iba -- hindi ka na tao nun. 'Yan ang bato. O buhangin. Pili ka kung ano ka dun. Pero ako, ayoko nun. Tubig na lang -- may pulso, may daloy, umaarangkada, minsan tahimik, pero puno ng buhay. 'Yan, 'yan ang peg ko. Tubig. 

Daloy, buhay. Daloy lang. 

This is what joriki in Jakarta looks like, a bit. 
On my way to meet the one who's still worth it.
But not expecting anything grand; no pressures.  
Whatever happens, it's always up to the universe.
[February 2013 Indonesia]

The moment I went back to meditating/praying the zazen way, 
enlightenment just arrived. Instantly. It's that powerful. 
It's the start of joriki. Hence these thoughts.
 

No comments:

Post a Comment