Standby na naman ang buhay habang sinusulat ko ngayon ito, Sabado bago mag-Pasko, sabi nga ni Senator Pia Cayetano sa Twitter, na nung tinanong niya kung ano ang ginagawa ng mga utaw sa Sabadong ito, sabi ko ayun, naka-standby ang buhay nga kasi may mga 20+ na na-bump off sa Jakarta-Manila flight kaninang madaling araw dahil ang lecheng flag carrier ng Pilipinas ay nag-overbooking ng tickets. Naubusan sila ng upuan sa plane doon. NKKLK di ba? Puwede pala 'yun? Sa tagal ko nang nagta-travel, ngayon ko lang na-encounter ang phenomenon na ito.
Kaya ang ending, napa-standby ang mga kawawang Pinoy na iyon na sabik na sabik nang umuwi sa Pinas, na ang tagal nang naka-standby sa airport pero nakalipad na ang eroplano at lahat, ayun, naka-standby pa rin. Sabi sa kanila, bukas na ang lipad nila. Kaya mas umigting ang pag-standby ng buhay sa araw na ito.
Kasabay akong naka-standby sa isa sa mga Pinoy na iyon. Iyon kasi ang pinaka-standby ng buhay ko ngayon. Iyon 'yung mahal ko. Na sa ikli na nga lang ng panahong ilalagi niya dito ngayong bakasyong Pasko, iikli pa yata lalo dahil sa PALpak ng PAL na iyon. Buong araw ko halos binantayan ito, sinabayan ko siya. Kahit umidlip na siya sa airport, dilat akong nagtatatawag at naghahanap ng paraan kung ano ang puwedeng gawin. Pero kahit ang mga nagrereklamo dito ay naka-standby pa rin sa mga magbibigay daw ng authority doon. Standby. Walang katapusang standby ito, magbe-bente kwatro oras na. Sana naman ay maayos na ang lipad niya bukas, dahil naka-standby na rin ang mga mahal niya sa buhay sa kanilang bahay, sabik na makita siyang muli matapos ang halos apat na buwan.
Siyempre doon muna siya bago ko siya makita. Kaya ako, standby din ang moda ko ngayong Pasko. Medyo naging tampulan nga ng konting friction sa amin ito mga ilang linggo na rin ang nakaraan. Nakaramdam kasi ako bigla ng pagsipa ng prioritization. Bunsod na rin kasi ito ng taunang pakiramdam ko tuwing panahong ito -- na kung matagal ka nang nagbabasa nito o kilala mo na ako, hindi kasi talaga kaaya-aya sa akin ang buwang ito madalas, lalo na 'pag patapos na ito. Oo, di ko na yata talaga maaalis ang pagka-Scrooge ko. At ang kapaskuhan ang tila pinakamalungkot na panahon lagi para sa akin. Pero nalampasan naman namin ang friction na iyon kahit papaano; bawi na. Pero ang pinaka-sumatutal lang naman talaga niyan ay kasi sabik siguro kaming makita ang isa't isa dahil sa miss na miss na namin ang isa't isa, tulad ng sabi ng Bob Ong tweet na ni-retweet niya matapos ang aming "spat."
Nagulat ako sa sarili ko dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob at dagdag na pagtulak na lampasan ang kalungkutang ito, na taunang bumibisita sa panahong ito. Para sa kanya, kaya ko pala itong gawin. Sabagay, kapag may ibang pinagtutuunan ng pansin ang puso ko, nawawaglit talaga ang kalungkutan ng panahong ito, in varying degrees. Dati, medyo bumaba na. Tumaas ulit. Tapos ngayon na, nag-agaw-buhay at ngayon, nalampasan na. Salamat sa kanya. Kaya okay na iyon, okay na ko. Wala namang prublema kung naka-standby ako sa kanya. Simula pa lang, alam ko namang ganito talaga ang magiging moda ng buhay namin sa ngayon. Kaya tinanggap ko na siya nang walang protesta.
Pero dahil nga sa naka-standby lang ako sa maibibigay niyang oras sa akin sa panahong ito, kailangan kong aliwin ang sarili ko dito sa lungga ko. Iba rin kasi 'yung may inaabangan ka pero di ka rin masyadong pilit naghihintay. Less expectations 'ika nga. Kaya kung anu-ano na namang pag-aayos at/o pagliligpit ang ginawa ko, kung anu-anong pagtatapon ng mga gamit at kung anu-anong pagbili ng mga makasalanang bagay na ilalagay ko sa loob ng katawan ko sa kahabaan ng bakasyong ito. Tutal sanay na naman ako sa modang ganito sa panahong ito kaya parang walang bago. Ang bago lang ay ang naka-standby ako na makapiling siya.
Scrooge still shops, sometimes.
At naka-standby lang din ang mga
biyaya ko sa kanya at sa mga biyaya niya.
Grabe, ang sakit ng katawan ko. Siguro doble nito ang sakit ng sa kanya. Meron pa kasi siya. Kaya hinihinay-hinayan ko na rin ang pakikisabay ng mataas na emosyon lalo na kaninang kritikal na mga oras ng sapilitang pag-standby sa kanila doon ng PALpak. Hindi rin ako halos natulog. Nakaidlip lang ako ng konti nung nakaidlip na rin siya pagbalik sa bahay niya. Patuloy ko pa ring tinulungan siya sa paghahanap ng mga impormasyong maaaring maging solusyon sa mga bagay na naapektuhan ng delay ng pag-uwi niya. At naka-standby din ako kung may nais pa siyang sabihin. Alam kong inaayos na rin niya ang mga naantala sa kanya at sa pamilya niya ngayon kaya naka-standby lang din ako kung sakaling kailangan niya ako.
Ang mga katropa ko sa paghihintay.
Naka-standby lang din sila sakaling
kailanganin ko sila ng lubos. As always.
If this is how life is going to be right now, that's fine. I don't mind. Making hugot from one of my most favorite films of all time na quotes, sabi nga, if this is life right now, if this is as good as it gets, then I'm okay with it.
Makalipad lang siya bukas, kampante na ko. So please, universe, conspire some more, for her sake. And ours.
No comments:
Post a Comment