How do you know if you're truly in love?
Two ways. One, when someone from a table talks to her seatmate and they both look at you and smile, and then one looks back a little too often, often smiling, and you ignore it and down some more mango daiquiri and laugh with friends of your friend. Because you're already committed, so no. That's one.
Two is when, from another table, somebody tries to cruise you, smiling and stuff, and you ignore it, and then later wink at you, and then you ask your friend to please get the bill already so you could hightail it outta there. Because you're already committed, so no.
Ah yes, I am in love. In love and in a relationship. A committed relationship. A monogamous but caring relationship. I think I prefer it that way for now. So does my love.
And as a sidebar, yes, you don't ogle at pretty things anymore, even in the name of eye candy.
Congratulations, you have evolved.
*
Nakita ko nga pala ang isang "karibal" sa bar kagabi.
Ay, mali, mali. Dahil di gumagala ang aking mata nga pala, di ko siya nakita. Bagkus, siya ang nakakita sa akin. Kinawayan ako, bumati, ngumiti. Nang di ko siya nakilala nang ilang segundo sa umpisa, binanggit niya ang pangalan niya.
Oo, sa loob-loob ko, alam ko ang pangalan mo. Iyan ang isa sa mga pangalan na naaalibadbaran akong marinig sa ngayon, sa totoo lang. Pasensiya na at dahil sa mga kaganapan noong nakaraang taon, naisama kita sa listahan ng mga nilalang na tinatakan ng mga pangalang di ko na gustong marinig kelan man.
Pasensiya na, kalawakan. Mahina talaga ang pagtanggap ko sa mga taong walang delikadesang pag-usapan ang mga bagay-bagay na nakakadamay ng pakiramdam at kalagayan ng ibang tao, usap nang harap-harapan, walang bastusan, malinaw na latagan. Di ko gusto ang mga taong nasa likuran ko at nakikisawsaw nang walang pasabi sa sukang ako ang nagtimpla. Maghanap ka ng sarili mong chicharon, puwede?
On second thought, kung ganun pala ang chicharon na isasawsaw ko sa sukang inalagaan kong timplahin, mabuti na lang at maaga-aga kong naisip na nakakatinga lang pala ito at hindi mabuti sa pangkalahatang kalusugan ko ito. Ayan ang biodegradable trash bin. Chicharon, meet bin.
PS Hindi ka Pilipino kung di mo naaarok ang importansiya ng pagtimpla ng tamang sawsawan ng iyong kakaining pulutan, ulam o meryenda. Aminin.
Pero di lang sa pagkain kasi kailangang tumimpla. Sa buhay lalo na. Di ba?
PS PS Oo nga pala, ngayon ko lang naalala. Hindi nga pala siya karibal, dahil sa pelikulang Pilipino, ang karibal ay gusto ng iniirog mo, kaya love triangle ang plot niyo. Pero kapag ang iniirog mo ay di naman talaga type ang "karibal" mo at pinagbibigyan lang niya ito dahil naging kaibigan niya ito, ano na ba ang tawag doon?
"Kawawa."
*Excuse me, natatapakan mo ang buhok ko. Haba eh noh?*
*
Sometimes, all you need is a good nightcap with the right company.
Never mind the vices. This temple of mine has been alcohol-free and nicotine-free since I turned 39 one and a half months ago. It is quite an achievement. No hard effort to stop; it just happened.
And so, as with all other things in life, you adjust.
*
Sa dami ng kaganapang nagsimula kahapon ng umaga hanggang magtanghali, maghapon at maggabi, iisa lang ang naiisip ko, na bitbit ko sa loob ng bar pagpasok ko, laman ng utak ko pagtambay ko doon, at dala hanggang pag-uwi.
At ito iyon: Suwerte ako. Masuwerte. Dahil masaya akong nakakakilos ng maluwag, nakakaupo ako sa lugar na nais ko nang walang kahirap-hirap, nakaraos ako sa mga una kong dekada sa buhay sa tulong at hirap ng mga taong minsa'y di ko naiisipang pasalamatan, at maligaya ako na naibabalik ko ang pagtulong sa mga nilalang na kailangan nito.
Ay, hindi pala siya isa lang. Marami pala, pinagsama-sama, tulad ng nararamdaman ko sa buhay ngayon. Masaya, mapayapa, minsan nababahala, pero ang karamihan ng pagkakataon ay sakto lang. Sakto. Pero ang pakiramdam, ang nararamdaman, hindi sakto. Sobra.
Sobra-sobra nga, eh. Sobrang dami. Nakakaantig ng puso. Nakakabasag ng puso. Nakakataba ng puso. Basta, masaya ang puso. Mapayapa ang utak. Nagugulumihanan minsan ang kaluluwa, pero ayos lang iyon.
Overwhelming.
And yes, I like it that way.
Kampai.
*mga eksena isang gabi sa Fred's; lahat ng litrato kuha noong June 2012 Cubao X
Hi! :) I really love reading your happy/inlove posts. Hahaha. I've been your blog reader since some years ago, I'm glad you're writing refreshing posts again.
ReplyDeleteLove this line:
"Kawawa."
*Excuse me, natatapakan mo ang buhok ko. Haba eh noh?*
Hahaha. Take care! Follow your rainbow bliss. Yipee! :D
Hey thanks Lush! Sige, more rainbow bliss posts pa soon! Thanks for reading and for commenting. Join-join lang sa chikahan ever :)
Deletecongratulations for evolving!?! altho, i still have to experience random flirting at bars. lam mo naman strict ang peyrents ko...twistedhaloo.... hey..inlababo mode ka nga pala this week. saka na tayo mag yoghurt pag umuulan na hehehe...
ReplyDeletehaha ewan ko sa istrik mo hehe opo inlababomode lola mo for the next 3 weeks so yeah raincheck galore on that froyo.
Deletethats my friend mikaela in the top photo
ReplyDeleteAnd who might you be?
Delete