12 February 2010
a simple truth
you know what? simple lang: masaya kami. as in.
meron kasing hindi naniniwala. di ko alam kung bakit.
meron din kasing naninira. sabi niya, kaya ko raw siya tinanggal sa pagtuturo ay dahil sa type ko daw ang katrabaho kong minsan niyang na-type-an daw pero basted siya. hanlabo. e meron na kaya akong jowa at that time na inakusahan ako nito, at saka ni sa panaginip, di ko na-type-an ang sinasabi niyang katrabaho ko. labo.
meron din kasing nagdududa. sa layo daw ng edad namin, marami daw dapat pagdududa, lalo na sa part ko. wala naman akong pagdududa sa kanya. ang duda ko ay sa sarili ko dati -- kung kaya ko pa bang mag-sustain ng love life gayong ilang beses na akong burned sa mga pangit na ugaling babae sa past.
surprisingly, kaya pa.
meron din kasing nae-engganyo. simple lang naman ang deal dito. walang secret formula. give and take lang dapat, at saka walang hierarchy of importance. iyan ang bagong aspeto sa akin this time around. dati kasi, laging may hierarchy -- of needs, of wants, of importance, of time, you name it. ngayon, wala na. kaya mas masaya na, at tuloy-tuloy lang ang saya.
meron din kasing naiinggit. gusto kong sabihin sa kanilang hindi talaga sila makakahanap ng sarili nila kung hahayaan nilang mamayani ang inggit. sayang oras, di ba? sayang.
meron namang natutuwa. kyut daw siya. kyut daw ako. kaya kyut kaming dalawa. hehe. enuf said.
meron ding nagagalit sa akin, at eto weird ito. hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa isa kong best friend na lalaki. ang siste, may nagseselos sa closeness ko at sa closeness ni guyfriend ko, kahit alam naman niya ang love story namin ng goldstar ko. iyan ang tunay na malabo! tumbling, right? ewan. away, evil spirits!!!
wala, naghahanap lang siguro ng mabe-blame 'yung taong 'yun sa pagkaka-basted sa kanya ng guyfriend ko. as usual, lola mo na naman ang target ng mga losers. what's new, right? i guess if their life sucks, they look into mine and nitpick on what could suck in it. guess what -- nothing sucks in my life!!!! nada.
oh well... dedma. iwas-nega.
basta kami, wala kaming sinasaktan at tinatapakan. wala rin kaming sadyang iniinggit o anuman. basta nagkatagpo kami ng landas at pareho naming ginustong tumahak ng panibagong landas na magkasama kami. at siguro ang pinaka-importante, nagsusuportahan kami ng isa't isa, nagmamahalan, nag-aarugaan, at nagkakaintindihan.
ang importante lang sa amin ngayon ay ang masaya kami pareho dahil magkasama kami. at saka maganda na ang takbo ng buhay namin pareho, nang dahil sa isa't isa. peksman.
e may ganun e.
yes, life is good. our life. i hope yours, too, kung enjoy ka sa muni-muni kong ito. kung saan ka man naniniwala -- happy valentine's day! o kung hei fat choi!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment