18 February 2010

sakit ang kapalit ng US visa - sa bday niya


malas. ikalawang araw ko na itong may sinat, at sipong laging nariyan na lumalala kapag may sinat, na nagsimula lang naman lahat ng ito sa konting sore throat nung lunes ng gabi. na hindi nawala nung tuesday morning, ang araw na nakatakda kaming dumaan sa ritwal ng libo-libong pilipinong nagnais at nagnanais makatungtong sa lupain ni uncle sam - ang US visa application interview.

may kaibigan akong expert na sa mga immigration chenelyn, ang ny-based kong superfriend k, at katakut-takot na life coaching ang binigay niya sa akin about this process, from mga papeles na dadalhin at ihahanda para maniwala ang mga kano na babalik ako dito sa pinas hanggang sa kung ano ang sasabihin sa harap ng window ng consul at paano ang manner of delivery. isang kaibigang mandudula din ang nagmaneho sa amin ni superfriend x (sabay kami ng araw) na nagkukuwento rin ng isang dula tungkol dito dati, na natawa ako sa mga linya mula sa dula, tulad ng "denied! denied! wrong window!" at saka yung paborito kong "consul: do you have any questions? applicant: is this window bulletproof?" heheh. nothing like hanging out with crazy writer friends in an early morning road trip.

umaga ang sked namin pareho, mga 45 min. apart. malinaw na ang direksiyones sa labas pa lang ng embahada. para lang akong pumasok sa gilid ng CCP, ganun ang feeling, except puro kano ang haharap sa iyo. suwerte at sa dalawang african-american women ako natapat, una ay yung taga-kuha ng hightech na fingerprints (hala, nasa database na ako ng homeland security hehe) at yung sa loob sa consul window mismo, na para lang sosyal na bank teller o yung parang hitsura ng bagong Office of the University Registrar sa peyups ngayon.

mabilis lang ang interbyu sa akin. tinanong niya kung ano ang ipepresenta kong papel sa conference na dadaluhan namin sa new york. tapos kung ilang taon na akong nagtuturo sa peyups, at hiningi lang niya ang mga papeles na mula peyups, yung authority to travel mula sa chancellor then pinasilip ko yung one-year appointment papers ko. tapos tinanong lang niya kung ano ang ginagawa ng sisterette kong nag-iisa sa 'merika, ano status ek, at hayun na. may-i-type-type siya sa computer at may-i-browse-browse lang siya sa papeles kong sinumite, tapos sabi niya later "your visa is approved. you can proceed to the pavilion and have the courier chenes chenes chenes..." e beyond that, di ko na maalala dahil nga, tulad ng sabi ni superfriend k ko, adrenalin rush na kasi ng narinig mong tanggap ka, so di mo na naitanong pa kung kelan ang release ng visa at gaano katagal ang ibibigay sa iyo.

pagtawag ko kanina sa peyups para sabihing di ako makakapasok, sinabi ng dakila naming sekretarya na natanggap na niya ang courier-delivered visa. pinabuksan ko sa kanya at pinabasa ang nilalaman. "mam, expiration date feb. 15, 2020, entries: M. tapos may litrato mo pero di malnaw."

napangiti lang ako sa payoff ng ordeal na ito. ten year visa, at ilang beses na pagpasok sa land of milk and honey, ang binigay sa akin ng embahadang kaamoy ng CCP building. winner. ayos na ko. i can sleep now hehe.

so it looks like i'm new york-bound next week, after all hehe. haaaaaaaaaaaay.

ayuz.

excited na pareho ang hosts ko doon, si superfriend k sa new york at ang sisterette sa california. oh yeah baby, coast to coast ang byuti ng lola moh!!! heheh. excited na rin para sa akin si goldstar ko, na nag-text sa akin ng "i wish u us visa!" para naman daw maiba at hindi lang generic na "i wish u gud luck!" hehe. oo nga naman. so ayan na.

good luck charm nga ito sa araw na ito, araw ng birthday ni goldstar. heto't lumarga siya ngayon para pumitas ng ilang dahon mula kay georgia da oregano, ang tanim naming iniwan sa bahay ng magulang ko sa kabilang barangay/village, dahil wala nang spece para kay georgia dito sa condo. oo may pangalan ang halaman at siya ang nagbinyag diyan hehe. sabay bili ng kalamansing gagawin niyang juice ko para dyusko, mawala na ang biglaang dumating na sinat at sakit haaaayyy...

nagbabalak sana kaming kumain sa paborito naming thai food eatery sa bayan, sa krung thai. ay, kung sinuman ang nagtanong sa akin dati kung bukas ito, oo, bukas na siya hehe date na kayo ulit dun :). kaya lang naisip ni goldstar na ipang-grocery na lang namin ng needed supplies for our respective trips ang ipangku-krung thai namin. hm nga naman. so i went with her plan, kahit nasabik akong sumipsip ng tom yum goong yumm... sige na nga, kalamansi juice na lang, tutal maasim din hehe. saka nga malas kasi may sakit ako harrrrr... wrong timing ang sakit na ito, oo. kung kelan pa naman birthday niya, saka pa siya ang nurse koh instead na nakapasyal kami sa labas. hay...

at ayan nga yata kasi ang kapalit ng usvisa, ang lagnat. hayyyy...
oh well. bawi na lang ng bongga sa susunod.

di bale, may visa na, may golstar pa hehe. i'm good to go. :)

ayan na, kakatawag lang ng madir ko, kakaalis lang daw dun ni goldstar. ayuz. sweet din ni mommy, nagpa-deliver dito sa amin ng isang bilaong special palabok na binibili namin sa tabing kalye dun sa village, nang malaman niyang birthday ni goldstar hehe. ayan nilantakan na namin ang kalahati, at binigyan din namin sila.

yes, life is good. :)

No comments:

Post a Comment