27 December 2018

Prying priorities

I suddenly miss the days when I used to write a long-ass status report of my year come its end. Those were the days na masipag pang mag-blog ang mga taong kakilala ko, my friends, my writer contacts, even my non-writer contacts, basta marami. Early 2000s, and I was in my late 20s back then, so siyempre marami pang energies. Come early 30s, same same. We have a lot of things to say -- and we still do -- but we also had more time, opportunity, and chance to write them all back then. 

Iba na kapag kalakarang 40s ka na pala. I started out this decade of my life having much to say pa rin, pero parang few and far between na rin ang blogging ko by that time. Life always gets in the way of things, and so does work. While I'm ever so grateful to the universe na hindi ako nauubusan ng life experiences to write about at hindi ako nauubusan ng raket para mabayaran ko ang mga bayarin ng buhay, oras lang siguro ang hihilingin ko sa ngayon para lang mabalikan ang ilang bagay na gusto kong balikan sa buhay.

Pero hindi pa rin naman guarantee ito. May oras ka nga, pero minsan, iba ang gusto mong gawin din. Magpahinga is on top of that list, tumunganga sa kawalan habang nagmumuni-muni is another, and read books is the close third. Siyempre, hindi pa rin nawawala ang buhay at kabuhayang package stuff, siyempre, so pasingit-singit lang silang lahat diyan. Ang tanong lang: ano ang sisingit saan? 

Priorities. Minsan, iyan ang tinatapon natin sa mukha ng ibang tao para maipamukha natin sa kanila kung ano ang mahalaga sa atin, o kaya'y maningil para masabi nila kung mahalaga ba sila sa buhay mo. Ilang relasyon na rin ba ang pinagdaanan ko na may mga singilang ganito. Meron diyang nagsabing priority daw niya ang mga anak niya, kaya ang pag-deal sa lovelife issues ay hiwalay sa pag-deal sa issues niya sa bahay nila. On the one hand, I somewhat understand this. But on the other, it's also strange to see how things can get categorized that way with her. Ibig sabihin, hindi niya balak pagkrusin ang landas ng dalawa. Nakakatawa, eh paano yun, hahatiin niya ang sarili niya? Hindi naman ako naniningil sa kanyang bigyan niya ako ng panahon, pero binabato niya lagi sa akin na ang priority daw niya ay ang mga anak niya. Did I tell you na may malaking disconnect sa communication sa taong iyon? That's why it was easy to severe ties with that one. I lost 100k in that transaction, by the way, but I just chalked it up to a bad investment, which bought me crucial life lessons in life that are priceless. So ganun na lang 'yun.

Meron namang kabaligtaran dati ng priority singilan, pero hindi pa nga paniningil eh. Biro mo, tatakbo ang isang linggo, dalawa tatlo, isang buwan, dalawang buwan, ni walang communication sa iyo ang jowa mo. Paano 'yun? Magtataka ka na lang kung may jowa ka pa, kung buhay pa ba siya o kung na-abduct na ng alien. Hindi naman priority ang hiningi ko sa kanya, kundi basic decency lang sana, na sana sumagot sa text at tawag ko, para lang malaman kung buhay pa siya, at para malaman ko kung may jowa pa ako! Nakakaloka di ba. May pinagdadaanan lang daw siya, at may dini-deal with lang daw. Pero for 3 months walang comms? Panalo, di ba. Children, before the word "ghosting" was invented, I was freaking living it!!! And this was late 2000s, okay? Kalerks.

Hay, priorities. Noong nagtuturo pa ako sa UP, itong kabarkada ko noong college  na ni-recruit ko ring magturo doon sa alma mater namin, sinabi niyang mas priority na niya ang magkaroon ng tahimik na karaketang estado sa buhay, at ang pagtuturo doon ang nakita niyang magbibigay sa kanya nun. "Dito na tayo tatanda," sabi niya. I panned left, panned right, zoomed in and out sa isip ko sa mga makakasama namin doon sa aming "home for the aged" na 'yun, and I was like HELL NO in my mind. I still wanted to work outside of that office, I still want to travel while working and doing stuff, and I certainly don't want to be tied down to the puny suweldo there kung gusto kong mas umasenso sa buhay. Biro mo, I left an international NGO job that pays me nearly 30k a month, which is huge for 2004 ha, to having a starting salary of what, 17k a month, not even enough to cover my rent and bills at that time. It's a miracle I was able to pull that off before (I had two more jobs back then, mind you), and after 8 years of teaching, my suweldo was just around 35k lang yata, can't even remember kung net or gross pa ito. And with the political bickering happening there, where your promotion to a higher rank (ergo higher pay) solely depends on how good you ass-kiss people in power there, I was like, duuuude, I am SO NOT GROWING OLD HERE. Kaya like a bad lover who didn't take care of you, it was easy for me to up and go din from that relationship, probably the longest one I've had in my life (work-wise and relationship-wise na rin!). And that dude who said na tatanda siya doon? Mas nauna pa siyang nawala doon sa akin, simply because he didn't finish his MA on time, which was a requirement for a professor to teach there. So much for commitment, huh. Well, that guy had problems naman talaga in that department, commitment, so I wasn't surprised at all. 

Priorities. These days, ano ba ang priorities ko? At least wala na akong puprublemahing jowa na maniningil ng ganito. Alam kong mahirap maintindihan minsan ng isang nilalang na kailangan ko ng panahong mapag-isa para makapagsulat, pero at least naiintindihan ito ng kaulayaw ko sa buhay ngayon. Mahirap nung umpisa, pero naintindihan na niya ngayon, ngayong nakakaapat na taon na kaming magkasama, kasi talaga namang work-in-progress pa rin ang pagkakakilala niyo sa isa't isa. Pero masaya ako na naiintindihan na niya, at hindi niya ako sisingilin na i-prioritize ko siya, samantalang ang time away ko from her ay time na gumagawa ako ng pera para sa akin, sa kanya, sa aming lahat. Kaya naiintindihan na niya ito. Nakakaloka lang kung may jowa kang hindi naiintindihan ito, ano?

Naalala ko nga 'yung kuwento nila sa asawa ni National Artist for Literature NVM Gonzalez, na may dedicated wife siyang gumagawa ng lahat sa buhay, para siya, wala siyang ibang gagawin kundi magsulat nang mapayapa sa writing room niya. On the other side of this coin, isa sa mga hinahangaan kong Pinay writer na si Kerima Polotan Tuvera naman, naisingit ang pagsusulat sa gitna ng pag-aalaga sa mga anak, pamamalantsa, pagluluto, at paggawa ng iba pang gawaing bahay habang nagaganap ang domestic duties niya in full force. Wala siyang katulong sa bahay, may asawa pero dahil sa mga dekada '70-'80 ba sila nagsama, panahon ito na hindi shared responsibility ang house duties sa mag-asawa. Siguro tumulong din kahit papaano, pero iba pa rin kapag nanay ang nagpatakbo ng bahay. 

Two coins, one currency. Alin doon ang papahalagahan ko? May panahon kasing parang NVM ako, na mag-isa ako sa buhay, single, kaya nakakapagsulat nang malaya sa bahay kong may writing room. May panahon din namang Kerima ang peg ko, na maraming kailangang gampanan sa buhay pero nagsisingit pa rin ng konting panahon para makapagsulat. Hay. 

These days kasi, lalo na nung pumasok ang dekadang ito, iba na ang nagiging temperament ng buhay. Nagkaroon ako ng pagkakataong makapagsulat din ng bonggang-bongga, dalawang libro pa nga ang kinalabasan, pero may panahon ding wala akong panahon sa pagsusulat kasi ang kabuhayan package ay kung saan-saang lupalop ako dinadala. Na of course, hindi ako nagrereklamo, dahil ito naman ang gusto ko sa buhay, di ba? Careful what you wish for, right? Ito na nga 'yun, kaya masaya rin ako na naganap din iyon kahit papaano, natikman kumbaga. May isang friend nga ako na writer din at kapwa NGO worker, sabi niya, tapos na ang mga araw naming nagpapakadakila para sa sining at sa bayan, at kailangan na naming mag-focus sa pagpapayaman. Ewan kung naganap na sa kanya iyon mula nang huli kaming mag-usap, pero sana nga ay maginhawa na rin ang buhay niya tulad ng naging maginhawa ang buhay ko.

Well, 2018 na. Hindi pa rin ako mayamang-mayaman, pero nakakaluwag naman ako sa buhay na ngayon. Natapos ko nang bayaran ang condo ko, kaya maluwag na ako sa aspetong iyon, at may seguridad na ako sa isipan kong may titirhan akong hindi ako palalayasin kung hindi ako nakabayad ng renta. Priorities? Kailangan ko pa ring kumita, kaya ine-explain kong mabuti sa asawa ko na kailangan kong umalis paminsan-minsan kapag may raket, o kailangan kong maglaan ng oras sa trabaho kaya hindi ako makakasama minsan sa kung anuman ang kailangang gawin sa bahay, at naiintindihan niya iyon. Ang priority lang naman namin siguro ay ang maalpasan ang isang araw, linggo, buwan o taon na walang nagkakasakit sa amin, walang nagugutom, walang nadedehado. Hindi lang kasi kami dalawa sa buhay, apat kami, kasi may dalawa siyang anak. Priority namin na mapalaki na maging mabuting mga tao at mamamayan itong dalawang bata in our care. Na sana naman ay maganap.

Ilang tumbling na lang, 2019 na. Tapos panibagong dekada na naman ang susunod. Papasok na ako sa aking golden decade soon. Hindi ko alam kung maghahanap pa ako ng mga priorities sa panahong iyon, o kung may panahon pa akong mapapag-isipan ko ang mga bagay na ito. Pero definitely, hindi siya titigil. Walang titigil sa kalakarang ito ng buhay. Delayed man ng konti o pasingit-singit, okay pa rin. Basta ang mahalaga, buhay ka at humihinga. 

Although napapaisip din ako sa sinabi ni Ricky Lee dati, nang interbyuhin ko siya for a newspaper feature dahil nag-launch siya ng bagong libro. Ang pagsusulat sa kanya ay parang paghinga. I used to feel that way, too. But that definitely has changed for me. And I don't know what the culprit is, that was responsible for that change. Siguro isa, may napapansin din ako lately. Dati, blogging lang ang dahilan kung bakit ako nag-o-online, at nakaka-offline ako nang bongga. Sa 24/7 connectivity natin these days kasi, I think may isang obvious na mistress na umaagaw ng atensyon ko at nagde-demand ng time na makaulayaw ko siya: social media. Kung FB friends tayo, napapansin mo bang hindi na ako masyadong pumupunta doon lately? Mas nasa litrato ako, binabalikan ko ang purity ng online documentation of life kasi sa Instagram. Toxic na pati sa FB, lalo na nitong nakaraang dalawang taon. Hindi rin nakakatulong na nagkaroon tayo ng sobrang toxic online environment dahil sa trolling. Ang troll parang bodyguard ng kabit mo e, na mananakot sa iyo kapag hindi mo ginawa ang gusto ng kabit mo: na magbabad ka sa piling niya sa araw-araw. Parang nawala na ang original novelty of keeping in touch sa social media. Kaya parang nawawalan na ako ng gana sa kanya. Well, I guess sa FB lang naman, pero kasi ang dominante niya sa buhay natin, di ba? Kaya nakakaloka lang minsan.

Hay naku. Priorities. Ano nga ba? I guess it's more like distractions for me, na nauubos ang oras ko minsan sa nakatunganga ako sa social media, pa-scroll scroll. Minsan talaga, kailangan ng unplugging, lalo na't gusto mong magsulat. Saka ka na makisakay ulit kapag nakaahon ka na. Kaya iyan ang naging strategy ko most times this year. Saka parang gusto ko na ngang ibahin ang galawang online ko, kasi nga marami akong nami-miss gawin, at marami akong kailangan ihintong gawain. Priorities. Paglilinis at pag-streamline ng buhay siguro ang kailangan from time to time. And I need to do that soon.

Anyway, sorry at mahabang rant yata itong naisiwalat ko dito. Blame it on being cooped up here at home for almost two weeks now, kasi nagka-sprain ako, and hindi pa yata siya magaling kaya hindi ko maiapak pa. Kaloka. Kaya dito ko muna pagmamasdan ang mundo ko, mula sa bintana ko, dahil priority ko ngayon ang magpagaling -- para makalarga ulit nang bonggang bongga sa buhay.

Happy holidays, folks. 


From my window to yours. Bowie says hi!
[Dec 2018 Marikina]



No comments:

Post a Comment