19 June 2014

Full gallop it iz

Of course I'm so busy in life, that's why I'm here again! Lolz. If you've been following this, this is my ritual: "procrastinating" by blogging my muni-muni mode stuff when I have I-can-do-that-in-my-sleep type of work. Like LOTS! Like I'm so excited I signed up for a lot of things but a lot of things are also happening so fast that hey, sometimes we only have moments to breathe before the next episode. 

Pause for a break. Or stop... in the name of love? Charut! 
[May 2014 in transit somewhere in Manila]


But hey, I ain't complainin' ya hear? So grateful that I have such a cornucopia of stuff on my plate right now, in many aspects to boot. Work-wise, I've already concluded some, currently concluding a few, continuing some pa rin, starting on some new ones soon, and also trying to take huge ones in, like HUGE pare! Hahaha payaman factor ang lola mo these days which I don't know why hehe. But it's just good to be comfortable like that, in life's work stuff, and to not have insecurities and to not deal with others' shortcomings and destructive tendencies are such a relief for me. Iba na rin 'yung nakakapili ka na ng trabaho at/o pinipili kang katrabaho at ikaw ay kampante sa kalalabasan dahil inaalagaan kang tunay at sapat. So there.


What is the path of least resistance? 
Just flow, beks. Just flow. [April 2014 Baler Fish Port]

As for the home front, I'm also happy and glad that things fall into place. I know this one deserves its own blog to begin with, but let me just say that it's such a surprise from the universe to have stumbled upon someone who is soooooooooo your match. I've long forgotten how it's like to be cared for and nurtured by a person who really embodies the term "partner" and who's also proud to carry the title "girlfriend" that I often find myself pausing and thinking if things are for real. If you know where I came from last year -- mula sa isang pirated na napeke ka sa samahan at isang pekeng siraulong lalo pang dadalawin ng karma-malas sa habangbuhay -- I was so ready to fully sign up and embrace the Brian Kinney-esque mode of my life for good, for all eternity teh! Ganun ang drama ng lola mo. Malay ko bang may mga nilalang pa palang maaasahang magmahal nang maayos at maaliwalas. Suwerte suwerte lang talaga. And... that's all I have to say about that. For now.


#akona! Heart heart.

Tuwa lang din ako sa aspetong personal, tulad ng adbokasiya. Buhay pa naman ang bahay sa larangang iyan kaya gorabels lang to the best of my abilities lagi ang peg. Tulad kagabi, niyakag ako ni byuti Bemz from Ladlad to guest as the L rep sa The Bottomline ni Boy Abunda. So taping galore kami kagabi at abangan na lang ang mga sinabi ng aking, erhm, matatabil na ummm basta, pasaway mode hahaha. Lekat. Heniweyz next Sabado daw eere. Abangan niyo na lang.




Nanibago ako sa on-cam mode -- at sa pag-identify bilang L! 
Lolz tago muna ang genderqueerness beks. 
Haven't done this in a long while, tapos ganito pa ka-huge ang sabak hehe. 
Heniweyz abangan sa huling Sabado ng June Pride Month sa ANC. 
Di ko knows timeslot so google na lang. 
[June 2014 photos swiped from Ladlad's Adel and Chris' FB tags/pages].

 At bilang last salvo ni Psych Prof. Erik beki sa UP Center for Women's Studies, 
may-I-attend kami nina Bubbles ng workshop chuvaness to enlighten  
engender their staff and such chenelyns. Kamusta sa pikit factor bakla.

Ayan mas matino ito. Hate my hair noon hm. Cut na 'yan. 
[May 2014 UP CWS]

Lumipas na pala ang birthday month ko at lumipas din ang Mayo at ang tag-araw nang walang kaabog-abog. Sabi nga ng isang gabay ko, i-celebrate ko daw ang last days of being 40 bilang feeling deprived ako sa masayang selebrasyon ng aking pagsalubong dito dahil sa kaganapan sa buhay ko last year na nakaistorbo ng major marker na ito. Kaya tama, 'yun nga ang ginawa ko. At malay ko bang may malaki palang sorpresang regalo sa akin ang kalawakan sa pamamagitan ng isang nilalang na buong summer kong kinilala ng husto sabay ng pagkilala kong muli sa sarili ko sa larangang ito ng samahan. Masaya siya, sobra. Pumunta kami sa kanila kung saan siya talaga nagmula, at natutuwa rin akong sa ngayon ay kapitbahay ko siya. 'Sensya na at talagang pinaninindigan ko ang hashtag invention ng mga kabatak kong #inlabsibayli hahaha. Ako na! #alamna. 

 Maganda ang araw kapag maganda ang iyong kasama. 
Maaliwalas ang panahon kapag maaliwalas ang inyong pagsasama.
Siya nawa. [April 2014 Baler fish port]
 
 Ang may kasalanan ng aking makasalanang bilbil ngayon. 
Siya nawa. [April 2014 Sabang Beach Baler]







 Kung ganito ba naman ang coffice mo araw-araw, 
talagang gaganahan kang magtipa for life. 
With bonus pako salad! [April 2014 Costa Pacifica Baler]

I'm also so glad that I'm rediscovering friends' capacities as well, in terms of our professional and personal dealings. Also glad to stumble upon new workmates. Yes, I'm in such a good place now that I keep thanking the universe for clearing the skies there for me when I thought I'd have to deal with rainclouds for a long time. Yes, it's good. It's all good.


Vast is the sky, beks. Ako na vast. Basta! [April 2014 Baler]

I hope you all are, too. More stories to come. In the meantime, hop on over to our refurbished POC Pinoy LGBT channel for more kuwentos. My Relationship 2.0 series is well on its way and I have three articles up, narrating the love I finally deserve plus the queer societal reboot that we seem to be having. Plus we're starting a new subsection called LGBT Erotica and I'm starting a column under that called "Kalibugan ng Kuwan" hihihi. Read my first article "Paano nga ba makipag-sex sa kapwa babae?" here.

Or maki-miron na lang sa @leaflens Twitter ko for more daily musings and kulitan. Visual version also available at my @leaflens Instagram account which I am also populating daily. Yes, I have to survive and I like making marks, so those are those.

Okay break time's over. Have a good one, folks. Over and out -- and proud!  

Life is short. Dive! [April 2014 Ermita Hill Baler]

4 comments:

  1. Very happy to read this. :) Love from your peborit in NYC. :)

    ReplyDelete
  2. hala isang taon na ba ang nakalipas mula nuon mga panahon na iyon? hahaha. so happy for you bakla! tama ba ang sapantaha ko na ang pag-ibig ay di dapat hinahanap bagkus dadating na lamang sa kinauukulan. huy, hindi na tayo naka session! -- twistedhalo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happiness bakla! Session tayo minsan para update tyo ng life-life hehe. happiness talaga, sa wakas!

      Delete