14 February 2014

veedayshmeeday

Nakakatuwa talaga ang mga contacts ko sa social media oo. Lalo na sa araw na ito hehe. Tulad ng tweet ng aking longtime nang kakilala sa LGBTQ movement, si Binibining Camel, na laging nakakaaliw ang tweets hehe:


Hahaha ganyan din ako eh. Ayoko ng lumalabas kapag ang buong Metro Manila ay nakikiuso sa mga bagay na komersyal o ginagawang komersyal ang bagay na di naman sana dapat ganun ka-OA ang peg. Tulad ng Pasko, pati Holy Week, 'yung mga tao na dumadagsa sabay-sabay para mag-out of town sa pare-parehong panahon. Yaiks gudlak sa trapik mga teh! Heygard.

Lalo na kaya ngayon! Valentine' Day shmalentinesday my foot, man. Daming tao sa labas niyan! Although marami na rin sa feeds ko ang nagsasabing stay-at-home ang peg nila today, marami pa ring lalabas. Lalo na ang mga tutungo sa check-in mwahahahaha! Naaalala ko tuloy, noong kasagsagan ng kasikatan ni Running Priest, nagtatrabaho yata ako sa diyaryo pa noon, nakita ko ang balita sa TV na may ginawang gimik si padir isang Vday night: tumakbo siya sa iba't ibang motel at KINAKATOK niya ang mga pinto! To the tune of telling people to celebrate Valentine's in a pure way etc etc (read: Catholic guilt trip). Oh man, I am SO not kidding about this. (Wala naman yatang lumabas sa mga kinatok niya para silipin kung anong meron hahaha!) Napanganga ako nung napanood ko yung balita. Lakas din ng amats ni padir to do that wahahahah! Yes, now I could say that! Kasi dati, sa diyaryong pinagtatrabahuhan ko, columnist namin siya kaya di din ako makapag-print ng super-sexy cleavage photos ng mga artista hahahaha lekat na buhay entertainment editor iteyyyy! But I digress. 

Heniweys hemingway, hindi naman bitter ang lola niyo. Kasi ang pilosopiya ko sa buhay sa araw na ito ay na-summarize yata ng maganda ng isang kakilalang journalist, na may dagdag-analysis pa siyang mega-PAK NA PAK sa akin hehe:


So there. Na pinalawig ko naman dito sa article na ito na hiningi ng aking favorite queer church peeps: "Ang Valentine Cha-cha ng Buhay" na parte ng kanilang love reflections series, mga series na ginagawa nila paminsan-minsan. Kakatuwa ring basahin yung ibang reflection pero puro beki. Ako pa lang ang unang biyaning sa series ngayon. Baka may iba pa sa susunod na araw, let's see.

An excerpt:
Minsan ang lovelife, parang sayaw lang iyan. Minsan, in-sync kayo sa
choreography ng kasayaw mo. Minsan, kaliwa pareho ang paa niyo pero pinipilit niyo pa ring umindak. Minsan naman, ‘yung isa lang ang magaling at nagli-lead at tagasunod lang ang isa para di matapilok. Minsan naman,nagkakatamaran na kayong magsayaw kaya inaantay niyo na lang ang pag-fade out ng kantang ginagalawan ninyo. Minsan naman, bigla kayong aayaw sa galawan at aalis na lang sa dancefloor kahit di pa tapos ang tugtog na nasimulang sayawan. Give and take, ikaw muna bago siya, paurong-pasulong, paikot-patagilid, pailalim-paibabaw, patalon-pahinto. Iba-iba ang tono, iba-iba rin ang kembot. Ganyan minsan makipagrelasyon sa babae kung ikaw ay kapwa babae rin. 
Hehe inspired ako bigla magsulat niyan. Nalampasan na nga ako ng deadline kasi ang reklamo ko kay bakla, bakit naman tinapat pa ako sa Vday mismo kalerks! Eh ngayon ngang galing ako sa mga modang puki-muna-bago-puso mantra for the year eh ako pa ang pinagsulat ng lurv reflection talaga ni boklooo! Kalerks. Pero ayan at may matino namang napiga, so happy na rin heheh. Ako na mume-metaphor.

Speaking of p-muna-bago-p philosophies hehe, ito namang si editor kong lezziebelz ay nagulat daw sa mga latest stories na shine-share ko sa POC Pinoy LGBT channel gig namin. Kasi nga Vday kaya sabi ko , gagawa ako ng series para thematic. Lesbian date scene ang naisip ko kaya nga yun ang nasimulan last time with the Fil-Chinese dating story. Then kasunod nito, itong "Si Ms. Mwah-mwah online na Ms. Tikom offline" ang sunod kong sinulat. Kwento ito ng pakikipag-date sa mga madaldal sa chat pero olats naman sa personal. Dami ganyan kaya nga minsan, 'pag may nagpapapampam na naman sa akin online, tinitignan ko muna kung mapapanis laway ko sa kanila offline or what. 

Kaya wagi rin 'pag nakakakita ka ng hindi ganun paminsan-minsan. O kaya 'yung date ay nagiging hindi na romantic ang peg hehe. Hashtag alamna! Sinulat ko rin 'yun at doon yata tumambling na may back flip sabay split si editor hahaha. Baka next week na i-publish hehe. Eh sabi ko nga, tame pa 'yan. Wait for the wild stories mwahahaha! Oo, now they could be told! Kasi malakas na ang loob ko to go back to erotica writing since I no longer teach hehe. Major perk of that. Kaya siguro ko rin sine-censor ang sarili ko sa mga bagay na erotisismo ang peg dahil dito. Ngayun-ngayon ko lang talaga ito napagtanto, nung umalis na ako finally sa pagtuturo. Oh yes, liberation! Kaya abang lang kayo sa mga erotica writing ko haney! Bumabalik na si bakla, with a vengeance!

Kamusta naman sa opening line ito, say mo:

"Oh, those hands. They're always cold, when we first meet up. But I tell you, those hands, the cold, shivering fingers, they'll be inside of me, later on, very warm, as they try to make me shiver, shiver from the inside."

'Yan ang resulta ng #taglibog at #alamna modes ng buhay hahahaha! Literatura, baby! Lekat. Hahaha. Sorry inaaliw ko lang sarili ko. Tagal ng Pizza Hut delivery eh, tomjones na.

But yeah, such lines. They've been coming in trickles lately. Na dumadalas. Like ang dami! That's why I've been trying to just hole myself in my sanctuary and just type away. As a result, a new novel is slowly being structured, a screenplay is already in its 12th sequence (or in layperson's terms, that's 25 minutes of a 2-hour-ish movie) and there's a handful of new short fiction with opening lines and characters forming. May naisingit pa ngang one-act play synopsis diyan kamusta naman. Not bad, eh, not bad. Now let's hope I get to finish all of these within the year. Yoiks! Wish me luck.

Pero tuloy pa rin ang ilang raket ng buhay. Para maki-Vday din kami sa #WhipIt kyeme, kinabog ko ang ilang kaibigan para makakuha ng quotable quotes ng empowered Valentine definition, pandagdag sa mga pina-gather ko sa mga katrabaho kong jugets doon. At ito ang resulta: an empowered Valentine slideshow.

Ito yatang kay Louie, a fellow writer na kaklase ko dati sa isang 
MA Creative Writing class, ang fave kong quote. 
Kasi zume-zen si ati hihi eh bet ko 'yung ganyan. 
Of course lahat naman ng quotes ng friendships ko 
sa list ay type ko. Pero this one talks to me the best. 
#zenmode nga kasi siguro. Also funny to discover before 
na my ka-zazen sa Zen Center sa Marikina is Louie's mom 
pala hehe while Louie naman became so into yoga na. Kewl!

Happy naman ito. Parang 'yung article project ko last week, about global Pinays naman so siyempre, puro mga nasa FB contacts ko lang lahat ng kinausap ko at ayan na sila hehehe article na. 

My latest Rappler solo byline piece: 

Yes, believe me, I really know a lot of people. Like A LOT! Sabi nga ng berks kong lez noon, I'm like God on Friendster hahaha at di pa uso FB nun ha. Ganyan talaga ang networking teh, lalo na if you choose to be a nice person when circulating in many fields and industries wherever you are. You get to meet nice people and the nice people remember you as well. So there. Kaya di mahirap sa akin mag-source ng mga tao para sa mga ganyang project hihihi. Ayuz. 

Pero sa dami naman ng tao sa paligid ko, takot naman yatang makipag-date sa akin hahaha. Hayst, story of my life, as usual hehe. May isang butch na mapangahas, nag-post ng tanong sa askfm site ko, if keri daw ba ako lumabas with her na butch at tinatanong kung butch din daw ba tanaw ko sa sarili ko. I posted this interesting quip sa FB ko and of course, my friends had a field day with it hahaha! Go for gold daw! Eh sabi ko wala, dinaga yata si butch, walang follow-up. And my dapper butch friend said di daw totoong butch 'pag ganyang umaatras hahaha! Yeah, my friends are weird and funny like that. Love 'em to bits. 

Kaya wala, back to being anonymous talaga ang project ko sa buhay. Na medyo mahirap ma-achieve nga dito sa Maynila. Ilang years ko na ring spiel kaya ito noh? Pero swerte rin minsan at may natatagpuan, natitipuhan. Dedma na kung di successful ang ending. Minsan naman, nasa journey ang lesson ng life at wala sa ending ng journey. Kaya yun na lang ang iniisip ko. Tulad nga ng summary ko sa MCC love reflection na iyon, kebs lang at keep on dancing lang ang peg. Ayoko nang magdeklara ulit dito, tulad ng dati, na kapag sasabihin kong "okay lang ako na halaman this year" tapos may bonggang bonggang lovelife na darating. May nag-point out sa akin nun eh hahaha. So siguro, di na lang ako magdedeklara ng anything muna, out loud, because I know the universe is listening and hmmm taking notes. 

For now, I don't know yet, but many things are hanging for me. And you know what? I actually like it that way. Yung huling gumago sa akin, tanong ng tanong niyan: ano ba ang plano mo sa buhay? Ilang beses ko na siyang sinagot na ikalawang buhay ko na ito kaya pinapakiramdaman ko pa. Pero di niya maintindihan. Sabagay, mahina kasi ang pag-intindi niya sa maraming bagay din kaya hinayaan ko na lang. People like that, hindi naman nila maiintindihan ang mga people like me. Pinagalitan na naman nga ako ng superfriend K about that. Kumuha na raw kasi ako ng intellectual equal ulit. I'm like hmmm di ko naman sinasadya na makuha eh hindi equal teh hehe. Or akala ko sa umpisa, equal ang project pero di pala hehe. Well, whatever. 

This is actually my "take it easy year" which is a plan that I wanted to do ever since I turned 40. Yes, my gulay, kuwarenta na lola mo, pero I could still outrun many out there sa mga larangang, ahem, di naman nakikita sa edad ang peg hahahahaha #alamna. OhyouknowwhatImean. Well, that's the feedback anyway hehe. Charut!

So this is what my forty looks like. 
As a girl told me when she saw this shot, 
hot hot hot hahaha. Ako na nagbabaga. Charut!

And taking it easy entails me not gambling my heart so much again, like before. Being more in control of what emotion I permit to envelop me when it comes to that thing called love. Having the time to enjoy simple pleasures more and not pressure myself to join any kind of rat race muna ulit. Or ever. Chill lang. And write write write! Itong mga konsepto kong mga '90s pa at '00s eh ayan, lekat nakikita ko nang may nakakaisip na rin na iba at ginagawa na nila eeek! Nauunahan na naman ang peg. Kaya kelangan ko na talagang umupo at tutukan ito teh. 

Bought this sexy baby to accompany me on this new journey. 
We are so ready to roll!

But of course, we welcome the diversions naman every now and then. Di naman din nawawala iyon lately. In fact, nampotah dumadami pa nga eh! Ewan ko lang sa universe kung bakit but hey, I ain't complainin' man hahaha. Deluge lang beks, deluge ka lang gow. Basta masaya lang ang life, ang utak, ang keps, ang bulsa, wagi tayo dyan teh hehe. Kahit later na si heart, keri lang din. Kelangan din kasing ipahinga yan eh, sa totoo lang. Medyo bugbog pa rin yata kasi. Kaya ganyan lang muna. Chillax and take it easy. So there.

And that's how I empower myself this Valentine: loving myself more. Can't go wrong with that.

Ever.

4 comments:

  1. Naaliw mo na naman ako binibining libay. Matagal tagal ko na ring hindi napapasyalan ang lupain ng mga lesbyana

    ReplyDelete
    Replies
    1. honga teh. ano nang ganap sa iyo? paramdam paramdam pag may time!

      Delete
  2. Ms Libay, masasabi ko lang kahit Vday ang birthday ko, di ko feel. LOL wala pa kasi akong GF. never pa nagkaroon since I realized that I'm a lesbian ('bout 4-5 years ago). It's not right to celebrate just once a year lalo kung love mo talaga yung tao. Dapat everyday para feel talaga.

    And by the way, you are too cute sa picture mo on this post. You're one of my crushes online. woot woot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sa comment teh. Belated happy birthday, then! Love yourself muna ang peg. Lovelife will come when the universe feels you're ready. But hey, welcome to the fold! Hehe.

      Salamat sa pagbabasa nitong piece. Nabalikan ko tuloy at napa-muni-muni ng vday then and vday now. Salamuch din sa komento sa picture hehe. Be well! :)

      Delete