21 November 2013

A lesson in character design a.k.a. Paano ka nakakatulog sa gabi?

Bilang manunulat, kuwentista, at kumukuha ng mga imahe at galaw ng tao sa camera, lagi akong curious sa kung paano gumalaw ang isang tao. Noong nag-aaral ako ng film nung undergrad, napasok sa isip ko 'yung thought na "Lahat ng tao, may kanya-kanyang kuwento 'yan." Sa pagsakay ko sa bus, jeep, fx o taxi, mas madalas gusto kong nakatanaw sa bintana para nakikita ang tanawin, pero madalas, tinitignan ko rin ang mga tao, ang expression sa mukha nila, ang kilos at bihis, ano ang dala at sino o ano ang tangan nila. Tapos mapapaisip ako, "Ano kaya ang kuwento ng aleng ito? Ng manong na iyon? Saan galing itong bata? Saan pupunta itong matanda?" 

Bilang estudyante at later on guro ng scriptwriting, mahalaga ito. Character design. Mas interesado ako sa pelikulang character-driven kesa plot-driven kasi mas may lalim ang karakter. Kahit flawed sila, tatakbo ang kuwento, aabangan mo ang magaganap. Mas naging mahalaga ang pagtingin ko sa character design noong napasok ako sa mundo ng literatura. Thoughts, emotions, unreliable narrator, stream of consciousness, mga ganyan, mahalaga sa mundo ng fiction writing lalo na, dahil ikaw ang diyos sa isang mundong iyong isusulat, at ikaw ang magpapaandar sa mga galaw at iniisip ng karakter mo sa isusulat mong short story o nobela. At dahil hindi ito makikita agaran di tulad ng script na magiging pelikula, kailangan mas malaman ang pag-disenyo mo ng character para malinaw kung bakit sila ganoon.

At iyon din naman ang concern ko in real life. Bakit ganoon kumilos ang ibang tao? Bakit niya nagawa ang mga ginawa niya? Ano ang motivation niya at pinili niya ang choices na pinili niya, kahit alam niyang nakakasakit, o makakasagasa ng ibang tao, ganun. Kaya ako fascinated sa mga psychological thrillers at sa mga crime shows siguro. Inaalam nila kung bakit ganoon ang takbo ng utak ng tao. Bilang communication major na film ang focus, tapos later sa MA ay creative writing na fiction ang focus, mahalaga ang mga tanong na ito sa paglikha ng obra, kaya naging part and parcel na ng pagkatao ko ang maging curious sa tao at pagkatao ng iba.

Kaya rin ako mangha sa mga taong alam na dapat nila ang mga ethical at moral concerns ng buhay, pero nilalabag pa rin nila ito. Tulad na lang nitong Napoles at pork barrel case sa atin lately. I mean, paano nakakatulog ng mapayapa ang mga taong ito knowing na ninanakawan nila ang gobyerno at taong bayan ng pera, at pinambibili nila ng bahay, kotse, condo sa US, ganyan, samantalang kapag nag-drive around sila sa Maynila, makakakita sila ng walang kapararakang kahirapan. Wala ba silang konsensiya? Di ba sila nababagabag? At ang isang lagi kong tanong: PAANO SILA NAKAKATULOG SA GABI NANG MAPAYAPA? Like aren't they bothered? 

Mamatay na ang mga manloloko.


Minsan na kaming namangha sa isang karakter na ganyan noon. Noong mga early 2000s, 'yung mga kabarkada kong taga-Masscomm na karamihan film major din ay naloko ng isang mala-Napoles na karakter. Isa lang siya, journ major yata if I'm not mistaken. Undergrad pa lang kami, jowa na siya ng isa naming barkada sa film. Needless to say, parang we all "grew up" together in UP. Mga kabatak for life na ang peg namin, at madalas nga kaming magkita at magsama-sama noong mga panahong okay pa kaming lahat sa isa't isa. 

At siguro dahil sa sobrang okay at kampante na nga kami sa isa't isa, saka nangyari ang betrayal sa amin doon. Nagsimula ito sa bigas. Oo, bigas. Like rice. Na nagiging kanin.

Nakakatawa. Ang ilan sa amin ay may mga jowa na. Early 2000s ito. Nasa 2nd relationship ako noon with my ex of 5 years, at dahil mas matanda siya sa akin at bilang lawyer, nasa investment at pagpapalaki ng money ang moda niya. Itong journ major na gel, naging asawa na ng film major naming barkada na boy. Nilapitan kami nito para sumali sa isang business scheme thing. Mahilig siyang magluto, at may parang self-business eklat siyang nagbe-bake siya ng specialty niyang cheesecake. Na patok naman at kami-kami laging umoorder sa kanya. Nanay mode ang drama ni journ major sa amin. You know the type. Laging may ganyan sa barkada, mother hen ang peg. Siya iyon.

So si mother hen, nilapitan ang jowa ko at nag-offer ng business. Mag-invest daw siya ng konti sa isang rice dealer na kakilala niya, si Mang Domeng, sa isang nearby province, Cavite or Laguna ganyan. Parang magbibigay ka ng cash para ipapaikot o gagamitin yata ni Mang Domeng kapag may harvest or something, tapos after a certain time, lalago ang pera mo ng ilang percent. Nagbigay yata ang ex ko ng 5k ganyan, tapos after 2-3 weeks, binigyan niya kami ng cheke worth 10k na yata. So parang ganun ang scheme. 

Mother hen also did that to others. Naging spokesperson testimonial ang lawyer ex ko. Yung isa kong barkadang dude na may gf din nun, ganun din pala ang nangyari yata. Pero ang biggest testimonial niya ay yung Ilongga naming kabarkada na taga-ABSCBN. At dahil buryong na siya sa dos, gusto na niyang mag-ipon para gumawa ng sariling home business din tulad ni mother hen. Siya naman is like a gourmet pasta maker chenes. Kaya masarap kapag magpa-party kami lagi noon kasi nga may cheesecake supplier at gourmet pasta supplier kami sa barkada. At ako naman ang dakilang bartender inventing new cocktail drinks o supplier of new red wine labels na nasasagap ko sa paligid hehe. So yun.

Sa lahat sa amin, si Ilongga ang kumarir nitong bigas investment scheme. She was really hell-bent on earning money. It came to a point daw na she skips meals just to save up sa money para ilagak sa investment para tumubo ganun. Oo adik din kaming mga barkada, ganyan mag-isip minsan hehe film major eh. Creative topak is our birthright. I can't remember lang how much ang nailagak niya dito, pero naaalala ko na umabot yata siya sa more than 30k or something.  Mga 60k na nga yata, or more. I think my ex mga 25k naman yata or thereabouts. Basta ganyan. Take note, early 2000s ito kaya malaking halaga ito noon. Php25 pa lang yata ang flagdown rate sa taxi noon, unlike now na Php40. Gets?

Akala namin, wagi ang naratibo. Until the checks started bouncing. Ayan na ang major conflict ng drama. Unti-unti, nakikiusap siya na huwag na munang mag-encash kami nang sabay-sabay para mapondohan daw ni Mang Domeng nang maayos. Hanggang sa hindi na namin siya mahagilap nang madalas. Pero minsan sumasagot naman sa text. Kung hindi siya, yung asawa niya ang tinetext namin. Pero walang kaalam-alam ang asawa niya sa nagaganap na talbugan moda. 

Finally, our Ilongga girl decided na something's fishy. And as a true-blue barkada, we all met up and discussed this scheme. Doon kami nagkaalaman na lahat nga kami halos ay nagoyo ni mother hen. Kami na barkada niya since college, siya na umarte sa CCP award-winning short film project namin sa directing class dati, siya na kumanta ng musical score ng award-winning film namin na 'yun, siya na nagluluto ng pagkain at official caterer namin sa mga film production namin noong college, siya na tinutulungan namin ang cheesecake business by referring her to others for orders. Ginoyo niya kami, mga kabatak ng asawa niya. 

Don't take the blue pill.


But we are not film majors for nothing. So we wrote our own script and hatched up a plan of entrapment. Hey, we don't watch a lot of espionage films for nothing, too. They called it Operation Bigas Guinamus. Or ginamus ba? I can't remember pero it's an Ilonggo term, and I forgot na rin the meaning now. Basta 'yan ang plano: na we will try to entrap her and make her confess about these things. 

So here's how Operation Bigas Guinamus went: our Ilongga called around sa supposed na mga ka-choir nitong si mother hen and inquired about her whereabouts, cross-referenced her sked dun etc to monitor movement, called around sa iba pang mga supposed clients ni mother hen to discover if indeed supplier nga siya ng cheesecake sa mga lugar na sibasabi niya etc. It's to establish if sinungaling siya o nagsasabi ng totoo. And Ilongga found out na most of the press release ni mother hen ay drowing: peke ang mga kliyente, hindi na siya miyembro ng choir, etc etc etc. Character build-up starts by researching on back story. And we got it: she was lying. 

My two friends naman na mga taga-GMA7, sila ang magpo-pose na new clients na mag-i-invest kuning kay mother hen. Sila ang magdadala kay mother hen sa Teacher's Village apartment ng mga taga-siyete tapos doon, bigla kaming aapir to corner her. Nasa tabi-tabi lang kami ng village. Ako, ang specific role ko, imi-meeting ko yung asawa niya dahil kunwari mag-uusap kami ng possible production raket kasi pareho kaming cinematog ang focus noong undergrad so I played around with that, na I need a trustworthy cameraperson for my next project eklavu. So I met him at Chocolate Kiss while the others were luring his wife sa apartment. And then ang moda ko, aayain ko muna siya na dumaan sa apartment to meet up with the others kasi kasama rin ang ilang barkada sa raket na iyon kuning kuning. So ayun.

Tapos nung andun na sa apartment ang mag-asawa, we all appeared. Surrounded them. Kabog! And then doon na nilabas ang hinaing kay mother hen. Gulat si hubby siyempre. Ang dialogue niya, "Bakit sila, sila pa? Mga barkada ko yan! Mga kaibigan natin noon pa!" Ganyan. Siyempre the biggest axe to grind is Ilongga, dahil nga sa aside from interacting with mother hen about this bigas investment ek, naging extra close sila ni mother hen nung time na yun at parang naging bffs. 

And all the time this was transpiring, I was totally transfixed kay mother hen. I was looking at her, her twitches, her eye movements, her hands, her feet, paano siya gumalaw, mannerisms, body language, the works! I wanna know how such a character functions. PAANO KA NAKAKATULOG SA GABI, GAYONG ALAM MONG NANLOLOKO KA NANG GARAPALAN? That was the question in my mind, a question left unanswered. She just stared at us blankly, no expression sa face, not even remorse. Wala. Nada. Nothing. Naiyak na nga sa frustration ang hubby, pero wala pa ring sagot ang walang katapusan niyang tanong na "Bakit? Bakit mo nagawa ito? Bakit? Sila pa? Bakit?"

At doon nag-roll credits ang pelikulang ito.

After this, pinagtawanan na lang namin nang humupa na ang mga bagay-bagay. Kasi wala namang naging resolution na tunay. Kinontak daw ni mother hen si Ilongga lang and tried to win her friendship back. Pero kami, wit! May naibalik na konting pera yata, pero di ko na maalala. Kung familiar kayo sa ponzi scheme, ganito lang yata ang naganap sa amin. Hindi totoo si Mang Domeng. In fact, sabi nga ng friend ko, "Eh baka kinuha lang niya yun from sinandomeng, yung uri ng bigas." Honganoh! At natawa na lang kami. During the entrapment operation, the hubby mentioned "na naman" giving us clues na naganap na pala ito dati. Pero nakalimutan ko na if someone cared to ask what the past instances were. Me, I was just transfixed at how such a character functions, and how such a character is designed. Scriptwriter to the core lang ang peg.

Ah, Operation Bigas Guinamus. That was a funny chapter of my life.

 No liars. Bawal basura.

Kaya until now, fascinated pa rin ako sa mga taong ganito. Harap-harapan na nanloloko, nanggagago, may sinasabing bagay pero may iba palang kasabay o ibig sabihin. Fakers, schemers, lalo na yung gumagawa ng elaborate schemes and scenarios just to make people believe them, sila dapat ang magtrabaho sa networks at mag-pitch ng storylines sa mga boss. Kasi magaling silang gumawa nito. Ang pinagtatakahan ko lang, wala ba silang mga konsensiya, knowing full well na nakakasakit sila ng tao, na nanloloko sila ng tao, ganun? 

Sa kakapanood namin ng pelikula at sa kaka-chika na rin ng iba't ibang professionals, sinasabing may tawag kasi dito: sociopath. O kaya psychopath. They know full well what they are doing but there's somehow a disconnect sa kanilang interpretation of ethics and morality -- or these concepts are absent from their being, hence they just do what they think is right. At kapag nahuli siya, ang laging excuse is "they're only human" o "tao lang" or" i make mistakes" or "hindi ako perfect" etc. Who's talking about perfection? Who's talking about being human? Ang mistake, yung kunwari naglalakad ka na may dalang isang tasang kape at natabig mo ang isang tao at natapunan siya ng mainit na kape. Oops sorry, mistake. Ang mistake, hindi sinasadya. Ang paggawa o paghabi ng mga kuwento, elaborate schemes and scenarios to build up a web of lies para pagtakpan ang ginagawa mo, sinasadya iyon, hindi iyon mistake. Objective mo talagang manakit. Tulad ng pag-assassinate kay JFK, ganun. O kaya yung pag-atake sa New York nung 9/11 ganun. Did we hear Lee Harvey Oswald say "Oops sorry I'm only human, I shot the president." or did we hear Bin Laden say "My bad! The plane with the terrorist crashed the World Trade Towers. I make mistakes." Mistakes? Mistakes are for the innocents who slipped. If you are aware of what you are doing, you are not innocent. You are deliberately evil. You are a monster. HALIMAW KA. 

Sasawsaw ka pa ba sa sinawsawan ng iba? Kadiri. Hepa yan.

Nakakaloka ano. Naalala ko lang lately ang ganitong mga exercises in character design, characterization and personality flaws. May ginagawa kasi akong kuwento. Kaya as usual, pinaghuhugutan ko na naman ng inspirasyon ang mga taong nakakasalamuha ko sa buhay.

In the immortal words nga ni pareng Jim Morrison, people are strange. And as long as they are, I'll keep on writing about them, perhaps until I've figured them out -- somewhat.

Tipa tipa lang pag may time beks. Iwas na lang sa mga mukhang mabait pero psycho pala. 

Not my loss. Yours.

No comments:

Post a Comment