Plakdakekang lola mo last Friday, as demonstrated by oso my unan-toy.
Pang-pirmado lang ng onti ang bagong sanmigzero.
Walang lasa ampotah.
Pero as usual, parang gusto munang magpahinga ng lola mo ngayon. Or again, procrastinate hehe. Ritwal na 'ata ito, na kapag santambak ang trabahong naghihintay sa akin, heto't mas gusto kong... mag-blog hehe.
Pero siyempre maaalpasan din naman ito. Temporary parking lang minsan ang gusto ng utak ko. Lalo na't ganitong maulan sa umaga sa Maynila at may mainit kang kape sa tabi mo, pahinga lang, saglit, respite, then arangkada muli.
Medyo nakakahabol na yata ang timpla ng katawan sa takbo ng buhay. Unti-unti, adjustment sa mga nagbago sa buhay nang bonggang-bongga. Nitong Hulyo, nawalan ako ng jowa, pero okay lang. Minsan talagang kailangan mo lang aminin sa sarili mo na huwag ipilit ang ilang bagay. At baka minsan, mas mainam pang galugarin ang mundo nang mag-isa ka lang muna, for now, again. Sabi nga ng aking pastorang kaibigan, baka ang immediate calling ko ay kailangang magampanan nang mag-isa lamang ako, at nasa disenyo at habi ng kalawakan iyan kaya tiwala lang ako. Tama nga naman. Saka wala naman na akong complex sa larangang ito at hindi rin naman na ako hayok magkaroon ng jowa ng basta-basta. Noon pa naman actually, ewan ko ba kasi kung bakit minsan eh kung anu-ano ang hinahain ng mundo sa daan ko. Pero sige lang, partake partake 'pag may time. 'Pag wala, o wala nang katuturan, exit frame lang naman ang eksena, at on to the next sequence na ang peg. Ganyan lang naman rumolyo ang kuwentong pelikula ng buhay nating lahat. Kaya chillax lang teh, chillax.
And since I'm not spoiling anybody with my "love" kuning,
I spoil myself na lang again. As always.
Guma-gadget dyke na naman lola mo with new
toy upgrades in life. Retail therapy is the key! LOL.
Nito namang Mayo, naisipan ko nang gampanan din ang tatlong taon ko nang iniisip na gampanan. Sabi nga kahapon ng aking isang co-faculty confidante, minsan mas mainam gawin itong mga suicidal moves na biglaang chenelyns ng life. Agad-agad, basta-basta. 'Yung akin naman kasi, hindi agaran iyan. Ilang taon na rin akong biktima ng powertripping. Nagsawa na lang ako. Kaya imbes na ibabad ko pa ang sarili ko sa mga pulitikahang walang pupuntahan, lumayas na lang ako. Kaya oo, huwag na sana kayong magulat na wala na ako sa Peyups. Retirado na si #buhayprof na pormal, pero gumagalugad pa rin naman ako kung saan-saan para magturo. Iyon nga lang, hindi na mga estudyante ang estudyante ko kundi mga tao o nilalang na gumagabay sa mga estudyante o sa iba pang nilalang sa lupalop nila. Mainam naman iyon. Dati ko pa rin namang ginagawa ito. Kaya mas easy at chillax lang ulit ang buhay ngayon dahil mas hawak ko na ang oras ko at hindi na ako nakaabang sa lingguhang chenelyns ng life.
Media literacy and gender advocacy training kyemerlu na naman
nahihila lola mo, at wagi kung out of town. Like this one,
teaching basic gender concepts sa mga future soldiers of the land last week
in Tarlac and Nueva Ecija, thanks to QC GAD Council contacts.
Owemgee daming kwento dito. Gagawin kong artiks soon!
Iba nga yata talaga ang dulot ng pagtuntong sa kuwarenta. Iba na ang chapter na sinusulat ko sa buhay ngayon. Medyo nakakakaba pa rin siyempre, tulad ng ilang larangan sa buhay, pero mas exciting ngayon dahil mas marami pa palang posibilidad na nagbubukas sa akin at minsan nga eh eto, hinahagis bigla sa daraanan ko. Nasa sa akin na lang kung gusto ko silang tignan, pulutin, gamitin at gawin. Aba okay lang! Lagi naman akong ganyan: gustong sumubok ng bago, sa anumang larangan.
Kaya kahit maulan at dapat ay nalulungkot ako sa ganitong weather, mas umaaliwalas ako sa pananaw at paggising. Suwerte pa rin ako dahil may mga trabaho akong nakukuha na gusto ko at di lang ako napipilitan gawin ito dahil sa kailangan kong kumita ng pera, suwerte dahil may sarili akong lungga na sarili kong naitaguyod at kasalukuyan akong hinehele at pinoprotektahan, at suwerteng nariyan pa rin ang mga kabatak na kahit nasa malayo o malapit ay nangangamusta at umaalalay.
Suwerte, oo, suwerte ako, alam ko naman iyon noon pa, kaya nga lagi kong binabahagi sa iba ang mga kasuwertehang ito. Kahit minsan, sinasabihan na nila ako na ang tanga ko minsan dahil sobra-sobra naman ang pagbabahagi ko at wala akong itinitira sa sarili ko. Okay lang. Kung pera sa pera lang, kikitain ko ulit 'yan. Ayan na nga o, umuulan na naman ng manna from heaven nga, kaya sahod-sahod lang 'pag may time. Kung sa panahon at pag-ibig lang, darating din 'yan. Di ko naman sinasarado ang bakuran, at nakakatuwa ngang may mga nagpaparamdam na naman diyan sa tabi-tabi na padungaw-dungaw. Eh mga ateh, chillax lang hane, kape-kape na lang muna tayo for now ha, at marami pa kong gagawin at nais puntahan ehehehe. Bagong misyon daw ni pastora na ihanap na ko ng kaulayaw dahil hindi na daw healthy ang makarating ng level 336 sa candy crush dahil aliwan ko 'yon kasi wala akong jowa hahaha. Nakakaaliw ang mga preynds ko oo. Mahilig lang ako maglaro, hanubeh hehe. Kulet niyo mga teh. Sige date date lang 'pag may time at marami pa kong deadline. Kalurkey. Labyu all.
Kain lang ng kain. Kung ano ang ihain, kakayanin.
Ayan, naki-boodle fight lola mo sa mga soldiers
sa Nueva Ecija last week. Sarap ng ulam pare.
Pero marami na naman akong iluluwal this year. Mga nabinbin na naiwan, mga bagong proyekto, mga naudlot na kailangang simulan ulit. Kaya nga lagi lang akong naglulungga at dito ako humuhulma ng kailangang hulmahin. Saka siyempre, ang makating paa at makulit na pag-iisip ay lamyerda na naman ng lamyerda kung saan-saan. Kaya sige sulong lang Agosto. Heto na naman tayo, narito, magkaulayaw, excited simulan ang napakaraming bagay, at handa sa mga ibabato pa ng buhay. Lagi.
Bading, ang bato. Zaturnnah!
Boom! Hampogi ng new drafting chair na ginawa kong writing chair anesh?
Heheh. Pak na pak din ang new clip light. Lavet!
Hashtag simple joys at happy human lang ang peg. Lagi.
Anyareh s lablayp? Kwento naman jan pag may time. Hehe nalungkot naman kami ng gf ko sa balitang yan. Pero we kn0w keri mo yan! Godbless and yngats!
ReplyDeletehanap niyo ko bagong date, kuwento ko senyo hehe. ganyan talaga buhay, minsan lulubog, minsan lilitaw lablayp. no biggie. salamat teh. ingat din!
Delete