24 April 2013

Alangan

Alangan namang palipasin ko ang araw na ito nang walang sinasabi dito, di po ba? Di ba lang. Diva nga. Diva lang teh, devah?

Boink boink. 



Kasalukuyan kong tinutumba ang natitira sa bote ng zinfandel na yan na sinimulan ko kagabi sa countdown patungo sa aking pagbabagong-buhay. Oo, madrama na kung madrama pero putangina naman, minsan mo lang naman layasan ang trenta-something at papasukin ang kwarenta na! Devah! Kaya kelangang mag-diva. Eto na.

Nasabi nga ng mahal ko na baka birthday blues daw kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Actually medyo siguro dahil nakadagdag lang ang kasalukuyang state of affairs ko ang sana'y kakaibang pagmamarka ko sana ng isang momentous life moment na ito. Hindi ka na bata, beks, pero hindi ka pa rin naman tanderkats. As in, alangan lang. Alanganing di na bata pero alanganing matanda na. Alanganin ang itawag mo sa akin. Yan ang titulo ng bagong nobelang ito ng bagong chapter ng buhay ko. Masining ba? Siguro, kung sisipagin. Maintriga ba? Ay, as always. Maarte ba? Goes without saying, beks. Ma-art-eh, kaya masining, devah? Diva! Chos.

No, it's not the wine speaking. It's the circumstances that are somewhat out of my control. And I guess as a Taurean Ox, that doesn't fare well with me when farewells are needed to make stuff happen. CrypticYuson na naman ba? Hahaha yeah it's the wine speaking now. No, I'm kidding.

It's basically the frustration I've been feeling since Holy Week. Since last year. Since 2009, to be exact. Since someone decided that I am their enemy and went all ballistic and shit that I should be booted out by hook or by crook, this kalbaryo started for me. And for the life of me, I really don't know what the universe has in store for me in the next chapter of my life that I had/have to undergo all this ninja training at this point in my life. Napapatanong nga ako sa isa sa aking mga bffs na coincidentally ka-birthday ko rin. Sabi ko, nasayang yata ang ilang taon ng buhay ko sa career choice na pinili kong ito, na nasasadlak ngayon sa intriga galore. Pero siyempre ibabato lang niya sa akin ang walang kamatayang Lino Brocka movie line of the millennium -- walang sayang sa buhay bakla, lahat may gamit o silbi, di nga lang malinaw minsan. 

Well to tell you the truth, kating-kati na kong sapian ni Alanis at kumanta ng Thaaaank you clarity dahil sa totoo lang, gusto ko nang luminaw ang lahat. Mainipin lang siguro akong tao, sa totoo lang, na napapahaba lang ng aking pasensiya at nasusupil ang pagiging mainipin sa natutunan kong pagpapakalma sa kalooban at sarili sa pamamagitan ng meditation at sa ninja training: patience module na ilang taon ko na rin namang binubuno. Siyempre, sino ba naman ang may gustong nakabitin ang buhay, nakaabang sa susunod na kabanata, nakaantabay sa pagpalit ng red/yellow light sa green light para gumora na ang life. Wala naman eh. Wala. Kahit sabihin nilang meron, wala, wala, wala! Akala mo lang wala pero meron meron meron! Char!

Hindi pa ko lasing. Imbey lang. K?

 Defining/defying birthday blues earlier kaya bumonchon na lang.

Pero sa narating ko nang puntong ito sa buhay, isa lang ang sigurado ko, above all else, more than everything else: na gusto ko na ng bagong buhay. By default, dapat dati pa naman dapat nagkaroon ng hit reset life button mode ang lola mo. Pero di ko alam kung bakit hinayaan ko nang hinayaang lumipas ang panahon. Dahil minsan, nag-aalangan akong kumilos, nag-aalangan akong lumipad nang malayu-layo, nag-aalangan akong may maiwan, at nag-aalangan ako sa dami ng pagbabagong sasambulat sa katauhan ko. Taurus nga eh, sigurista. Kaya ang pag-aalangan, ayaw na ayaw ng sigurista. Hence, here we are.

Pero dahil sa ayoko ng alanganin, ako na ang gumagawa ng paraan para harapin ang dapat harapin. Kung may tutuldukan, pwes tuldukan! Kung may sisimulan, pwes simulan! Ganun lang dapat kasimple yun. Napakaraming kakilala ko na katulad ko na gumagawa at gumawa na rin nito. Oo, lagi namang may alanganin, pero mas mainam na ang gumalaw kesa sa mas makampante muli. At iyan marahil ang malaki kong pagkakamali sa buhay ko sa nakaraang kalahating dekada -- ang pagiging kampante. Ang isang bff ko pa nga ang nagsabi nito noon pa, na nakikini-kinita na niyang baka nga maiwan ako sa pagiging kampante. Pero sinabi rin niya na hindi na dapat ito ang maramdaman ko ngayon kundi excitement. Tama, excitement na panibagong chapter na ito dapat ng buhay ko, kaya dapat ay itapon na ang pagka-alanganin sa anuman. Tama naman siya. At kahit ano pang sabihin kong nalilito na ako at di ko alam ang gagawin, tama rin ang mahal ko sa pagsabi ng "alam mo naman ang kelangan mong gawin, natatakot ka lang." Sakto. Swak sa banga. Oo, sino ba ang hindi natatakot sa panahong ito ng pagiging alanganin? Tama silang pareho, ang mga babae ng buhay ko na tangi kong pinakikinggan lately, at kahit noon pa. 

Tama sila. Dapat matapos na ang pagiging alanganin. At kailangan ko nang mag-take charge muli sa takbo ng buhay ko. Walang ibang driver dapat ang buhay ko kundi ako lang. Di uso ang chauffeur dito sa Pinas, unless pulitiko ka o mayaman. Ewan ko ba kung bakit ko saglitang naiwala ang tiwala ko sa sarili kong tumayo at manapak muli kapag nasapak at natumba ako nang saglit nang ma-uppercut nang di ko nalalaman. Shrapnel. May sumabog na naman sa paligid at wala akong kinalaman dito, pero ako ang pinaka-tinamaan ng basag na anuman at ako ang nasugatan. Kaya di ako dapat nagmumukmok dahil wala akong kasalanan sa anuman. Wala akong ginawang mali. Nasa gilid lang ako, being fabulous and creative at the same time. 

And that's what they can't stand about me -- that I am indeed fabulous and creative without their help. I guess that's why friends turn into enemies later on, even if I have nary a clue as to what it is/was that I supposedly did to offend them or what. But I guess that's what happens to people whose lives are as empty as a Philippine government office at 5:01pm -- they look at other people's lives because they can't stand looking at their own. Well sorry for living a full life but I plan on continuing that -- without kowtowing to your powertripping asses and egos.

Kaya dito ko na minamarkahan ang pagiging alanganin -- na hindi na ako dapat manatiling nasa bingit ng pagka-alanganin. Hindi totoong walang buhay pagkatapos ng isang chapter sa buhay. Bagkus, napakarami pa ngang chapter na bago na puwedeng isulat. Kaya I'm rolling up my sleeves -- ever gorgeous, ever ready -- and I'm ready to dip my pen again into newer inkwells of life out there, to jot down these new things and to chronicle these upcoming adventures. Because my life doesn't revolve around mediocrity, and when fucktards put me down, there's no other way for me to go but up.   

Tapos na ako sa "proving myself" shitz sa life. Wala na akong kailangan pang i-prove sa mga taong tumitimbang sa akin nguni't nakikitaan akong kulang. Wala akong kailangan i-prove sa mga nagkakalat ng chismis na di ko kaya ang ganito o ganyan. Wala akong kailangang haguring pwet para lamang umabanse sa buhay dahil sa totoo lang, sa talent competition pa lang ay Miss Universe na ako. Huwag mo nang paabutin sa question and answer portion kung ayaw mong malintikan ka sa akin neng! Kaya inyo na ang mga pabonggang longgown competition at swimsuit competition. Dahil sa totoo lang, kayo lang naman ang nagco-compete sa isa't isa dahil matagal na akong Miss Universe mga bakla. I...thank you! Bow!

 This is what Binibining Pilipinas-Tomboy looks like. 
Define gorgeous. And mayabang.

Iba na rin ang life path at life plans ko ngayon. Iba na ang iniisip ko. Recalibration na ang drama ng next chapters ng life ko. Basta't nagagampanan ko ang sining ko at natatapatan ko ang pagmamahal sa akin ng mga mahal ko, okay na ako. Iyon lang naman. Wala akong insatiable desire para sumikat tulad ng nais ng mga naninira sa akin. Wala rin akong ambisyong kunin ang mga posisyon nilang kinalalagyan, yung tipong ikamamatay nilang bitawan ba. Nope, not for me. Kaya kanila na yan. Lubayan na lang nila ako. Puwede bah!

At iyan na marahil ang pinakamalaking muni-muni mode na nabubuo ko sa sarili ko: na kapag kailangan nang gumawa ng bago, gawin lang. Kung di para sa yo, di para sa yo, sabi nga ng mahal ko. Tama naman. Pero siguro, ang kailangan ko ngayon ay habaan pa ang pasensiya, konti pa beks, dahil ang lahat ng forces ay may equal at opposite reactions lang naman kasi. Science lang ang gagabay sa atin dito, in the end, science that things will happen because they should, and faith, faith that these things need to happen for a reason, and the reason will be good, will be better, will be awesome. Just have faith. Science and faith. They will materialize.

In the meantime, may dahilan din kung bakit ito ang pina-tattoo ko sa katauhan kong mga kataga -- dahil totoo sila. HOPE AND KEEP BUSY. 

At once again, lintik lang ang walang karmic retribution.

I hope the next time I post here, I could be more celebratory of things, of life, of love of life and love of things. For now, just let me drown these last remaining vestiges of fear that accumulated within my being without me knowing it. Pagpag-nega mode lang. And soon, like science dictates, iikot ang mundong bilog kaya what was once down will surface to the top again. Just have faith.

And I do.

Because life rewrites at 40, beks. Tipa!

No comments:

Post a Comment