As I sit my tired ass here in one of my favorite coffice places near my place and stare at that greenery and the sun mercilessly shining down on Marikina, I can't help but wonder about things. As I contemplate on the events that transpired in this hell week I've been having, I couldn't help but think, right now, that at the end of it all, I seem to always be holding the other end of the betrayal stick. And it's irritating. Not really minding the pain anymore, but more irritated by the irritation it's causing.
Parang pag-a-arnis lang kasi iyan. Sa arnis kasi, kailangan maganda ang hawak mo sa isang end ng stick. Yung grip kumbaga. Dapat tama lang na firm para 'pag hinampas 'yan ng ka-sparring mo, hindi siya agad tatalsik sa pagkakahawak mo. You can't also hold it too loosely naman kasi if you do, the vibrations of the sticks that hit each other will be felt by your hand, your wrist, and of course your arm. So olats 'yun, masakit 'yun teh. Kaya kelangan, tama lang ang grip mo.
Now it's kinda like that with this betrayal stick. I already know that people in my vicinity will be there at the other end, trying to hit me holding their end of the stick, so I have to secure my grip on the other end, just in case. The last thing I want for that stick to do is fly out of my hand and hit me where it hurts more.
But alas, it always does. At least, in the beginning.
Kasama yata ito sa "aral" kong pagproseso sa mga bagay-bagay, tulad ng paglalahad ng dalawa kong malapit na kaibigan sa akin lately. Na kapag may reaksyon daw ako, pino-proseso ko nang aral at di ko binibigyan ng daan ang pagiging malambot o mahina. Siguro iyon lang ang akala nila. Pero sa totoo lang, siguro produkto lang ito ng self-conditioning ko -- na siguro, dinadaan ko na lang sa pagiging "aral" ang reaksyon para hindi lumipad ang stick sa kamay ko. Para hindi halatang mahina ako minsan. Minsan.
Tulad ngayon.
Mahina ako ngayon kasi apektado ako sa mga nasa kabila ng stick na 'yon. Na iniisip ko kung bakit 'yung mga taong tinuturing kong kaibigan o colleague o peer o anuman ang tawag mo sa kainuman mong katsokaran minsan sa trabaho ay may ganang hampasin ka na lang sa likod mo nang walang kalaban-laban. 'Yung foul move. Na wala ka namang ginagawa sa kanila talaga maliban ang trabaho mo -- noon at ngayon -- pero may gana silang siraan ka kahit hindi naman nila nakita ang mga trabahong iyon -- noon at ngayon -- at ang paninira nila sa iyo ay base lang sa tinatawag sa korte na "hearsay" or in Tagalog, chismis.
Hearsay. Magaling tayo diyang mga Pinoy. Eto nga't ang isang kaibigang matagal ko nang di nakakahuntahan, na nakita ko lang ulit kagabi, ay biglang lumapit sa akin, natutuwang nakikipag-reminisce, dahil miss na namin ang dating mga samahan, na di na nagaganap nitong mga nakaraang taon dahil busy na kami sa kanya-kanyang buhay. Tapos biglang ang ikukuwento sa akin ng kaibigan ay ang naiirita niyang reaksyon sa mga 6-year old chismis tungkol sa akin at sa ibang kakilala naming nakagitgitan ko 6 years ago. Six years, ang tagal na nun, di ba? Kung natesbun pala lola mo nun at nagkabunga, aba'y may hinu-homeschool na siguro ako ngayong totoy o neneng who I'm sure I'm spoiling to high heaven with tenderness and love dahil mahilig ako sa bata, but I digress. But no, wala akong junakis, pero nanganganak pala ang 6-year old na lumang chismax at nagkakabuhay anew dahil sa naglalaro pa pala ng "pass the message" ang mga nakagitgitan kong obviously ay nakikita nating hanggang doon na lang pala ang kakayanan ng brain nilang mag-isip, mag-comprehend, o mag-function. Sadness. For them. As for me, kebs! Kebsacolanewmexico lang ang peg.
Kaya di na ko nagugulat na ang iba palang mga tao ay mas makikinig pa sa ganyang mga hearsay kesa sa gamitin ang utak nila para isipin kung ano ang nararapat o hindi. Sige, it's a free country, puwede naman tayong mag-isip ng anuman, di ba? Ako nga ngayon, kung di ko siguro iniisip ang mga muni-muning ito, ang iniisip ko ay nakikipag-sex ako kay Angelina Jolie. Wala lang, mataas akong magpantasya, bakit ba. Basta.
Relax, go see a movie... in your mind. Have a cig after.
Makinig ka na sa hearsay pero dapat, huwag iyan ang basehan mo sa pagkilatis sa isang taong ang hinahain sa harap mo ay ang kakayanan niya bilang isang tao, isang indibidwal sa isang lipunan, at bilang propesyunal. 'Yun lang. 'Yun lang, universe, 'yun lang. 'Yun lang ang hiling ko ngayong week kung di pa ko nakaka-quota sa iyo ng mga hiling for the week. 'Yun lang. 'Yung mabigyan ka ng fair assessment, 'yung mabigyan ka ng nararapat na pag-analisa, at higit sa lahat, 'yung mabigyan ka ng makataong pakikitungo. Kasi sa lahat ng taong ito, wala ka namang ibang pinakitang pakikitungo sa kanila kundi ang pagiging makatao, matulungin pa nga, minsan inuuna ang gusto ng iba o isinasaalang-alang mo ang reputasyon mo para lang tumaya sa kakayahan ng iba na pinaniniwalaan mo. Pero sa huli pala, wala kang maaasahan sa mga taong ito kundi panunumpit mula sa likod mo. Oo, sumpit lang kasi, eh. Ni hindi nga saksak sa likod, eh. Kasi ang liit at ang petty ng gusto nilang isaksak sa akin that it doesn't even merit the category of being a dagger at your back. Sumpit, pare, 'yung hinihipan mo sa matabang jumbo straw tapos tatapon sa kalaban mo na may kasamang laway minsan. 'Yun ang peg teh. Eh ganun eh. Bakit ba, batang kalye ako at lumaki akong ganyan ang mga laro namin. Basta.
Nakakatawa lang kasi di ko alam na all this time, naglalaro pala sila ng chess at ako pala ang kalaban. Akala nila ay checkmate na siguro kami. Pero ang nakakatawa kasi sa kanila, wala naman sa chessboard ang tunay na laro ng buhay. Pero siyempre, dahil myopic sila, di nila nakikita iyon. Nalulungkot ako sa mga taong makikitid ang pananaw sa mundo, na panghahawakan nila ang anumang hawak nila dahil lang sa wala naman silang ibang makakapitan na. Di nila nakikita na may iba pang puwedeng hawakan. Pero siyempre, hindi ko na prublema ang non-20/20 vision nila.
Kaya kung tatanungin mo ako kung ano na ang susunod kong move sa larong sila ang nagsimula, ang sagot ko ay -- wala. Bakit ako sasali sa larong alam ko namang naka-set up para matalo ako? Hindi ako ganun katanga o kagago tulad siguro ng inaasahan nila. Bagkus, natatawa pa nga ako sa kanila. Kasi sa paghahampas nila sa akin ng arnis ng betrayal stick na 'yan, nakakalimutan yata nila ang isang importanteng bagay -- na kapag malamya ang pagkakahawak nila sa sarili nilang end of the stick, 'yung sinasabi kong vibrations na mararamdaman mo 'pag hinampas nila ang stick mo, chong, mararamdaman din nila 'yun sa stick/kamay nila the moment ihampas nila ito sa stick ko. You know sometimes, the best defense is not offense, but to just stand there, being ever so strong, and then the force that hit you will be thrown back by its own force in reverse as you remain there, standing still. Sino'ng mas nasaktan?
Ang ninja lang noh? Well, not really. It's actually spiritual in nature. Sa Kristiyanismo, ito siguro 'yung tinatawag na pananalig o paniniwala, parang ganun. Sa Buddhism naman, pagiging still and calm ito, like the rock that remains there while the river flows through/around it. And with that river flowing, little do we know that the rock becomes more polished than ever. Like the bamboo that learns how to sway with the strong gust of the wind instead of the sturdy oak tree that refuses to budge, which gets uprooted in the end? Not the sturdy, but the one that sways.
Adversity. It will always be there. Di naman talaga mawawala ang mga echoserang frog, mga inggiterang frog, mga insekyoray na frog, mga palakang kokak lang ng kokak, na kung makatalon, akala mo kangaroo. Sige lang, may karapatan silang tumalon, tulad ng may karapatan akong kumilos at magsalita. Pero minsan, hindi na kasi ito usapin ng karapatan. Dapat, by default, alam na nating lahat na may karapatan tayo na ipaglalaban o ia-uphold. Pero sa mga nakakalimot nito, ang universe na rin ang bahala sa kanila dito. Dahil more than being makatao, more than being fair and just, they're forgetting that with the lapses they're making, they just have to deal with one eternal ethereal thing anyway, and it's something higher than all of us -- karma.
Lintik lang ang walang karmic retribution. And I don't wanna be there when shit hits their fan. And that's the strange yet funny and comforting thing about how the universe takes care of me. The universe still sends karmic lessons pa pala to people who have oppressed me in the past, as I also learned just this week. And I'm sorry pero as evil at this may sound, ang natural reaction ko ay ang mapangiti. Malaki nga pala ang kakampi ko up there, out there, wherever their supreme selves are ensconced. Kasi lagi akong naniniwala, nananalig, na in the end, pinapasok nila ako sa challenges na ito dahil malaki ang nababaon kong lessons. Tapos sa mga hindi pantay kung lumaban, sila na ang nagle-level out ng playing field. I don't even have to do anything; all I need to do is believe. Oo mga teh, ganun lang 'yun kasimple. May paniniwala ako, nananalig, kaya kahit minsan mukhang mahina -- tulad ngayon -- matibay nga pala ako. Oo nga pala. Kailangan lang nilang ipaalala sa akin paminsan-minsan. That it's time to sway, just sway. As always.
Salamat sa reminder, universe. Now let's get busy.
Okay na 'ko.
It's like ordering seafood marinara because you want the tomato goodness.
But since it's not on the menu for now, you try another form.
Different presentation, same tomato goodness.
In the end, the message gets delivered;
sometimes, it just has to undergo another packaging.
Trust the chefs up there. They always know what's cookin'.
No comments:
Post a Comment