09 December 2012

Fried and prejudiced

After 2 cups of vodka Sprite, 4 bottles of Tanduay Ice, 3 glasses of margarita and 1 glass of Bacardi orange, Pride March Manila is over. For me. Hindi naman obvious na I'm trying to drown out something, 'no? No, hindi. Slight lang.

Hay, Pride. Fried. Sensiya na at medyo mahaba ito. Ang dami ko lang kasing naisip at naramdaman, mga kinikimkim na rin siguro mula pa nung isang linggo. This should really go into my journal but I thought since it's the yuletide and some of you lesbians out there who read my blog may be feeling similar things, thought I'd share this na lang here.

Fried indeed. Medyo these past couple of years, parang tinatamad na akong i-document ng husto ang mga kaganapan sa pride, much less maki-martsa ng fatale unlike years ago na kinakarir pa namin ang costumes diyan. Some friends also feel similarly about it when we compare notes after each event. But lately, it's not the main event anymore that counts and gets remembered sometimes -- at least for me. It's the company you keep and the people that surround you that makes the event memorable. Special sometimes, memorable most times. This is because sometimes, these people are kinda part of what constitutes your concept of family. 

Just what exactly is a family? This is tricky to answer, but Pinoys already have answers. People you were born with, relatives near and far, friends who substitute as family members, anyone who fits your definition of "a loved one."

For most of us queers who may not have the luxury or pleasure of having default definitions of a loved one, we create our own. Our so-called "alternative family" could consist of people we meet along the way of living our life. Sinumang mga nilalang who show us some respect, who value our opinion, who like our company, who make us happy, who afford us some care, and of course those who love us in the best way they can. That includes friends, best friends, special friends, and for us queer women, girlfriends. Pets din pala kung mahilig kayo dito, dogs, cats, ganun. Seriously, part din 'yan ng family. Whoever loves us without prejudice -- that's our family.

Depende na rin siguro sa tao pero siyempre di naman applicable sa lahat ito. Sa iba lang. Kaya rare din na makakilala ka ng mga taong tulad mo na may parallel o similar kayong mga opinyon at larga sa buhay. Tulad na lang siguro ng naging barkada ko noong college na mas umigting ang samahan namin after college dahil tumira kami sa isang bahay habang inuumpisahan naming magtrabaho bilang professionals sa larangan na pinag-aralan namin. Ilan sa amin ay ginawa ito for practical reasons like money, iba naman malayo sa pamilya o nasa prubinsiya sila, at ang ibang tulad ko na di naman talaga malapit sa sarili kong pamilya ay mas trip lumayo sa sariling bahay at subukang tumira sa bahay na tunay na matatawag kong "home." Kasi para sa akin, ang bahay ay istraktura lang kung walang pag-ibig o pag-aaruga. Love and care -- sometimes your non-blood relatives are the ones who give that to you more. 

Kaya ako mas naging close siguro sa ilang taong di ko naman kamag-anak pero kabarkada ko o katrabaho rin. Kaya nga sobrang sakit sa akin nang magkagulo-gulo kami over the years at mawatak na rin ang samahan eventually. Mas masakit sa akin lalo 'yung fact na may betrayal ding naganap between us. Kung matagal mo nang binabasa ang blog ko, sawa ka na siguro sa mga rants ko nito since 2008 pa yata, na isa-isang nalalaglag ang trust ko sa mga best friends ko hanggang sa dedma na lang ako last year. This year, I decided that friends come and go, but there will always be new people in your life which will still come and treat you as precious. So 'yun na lang ang peg ko. Of course may mangilan-ngilan pa rin namang nilalang na matagal mo nang kakilala na good friends mo pa rin ngayon at maaasahan, kahit sa ibang bansa na sila nakatira.

At sa awa naman ng Diyos at ng iba pang supreme beings, di naman ako nawawalan halos nito kahit papaano -- mga newer friends who turn out to be good and reliable friends. Like last night, sa Pride March, nakasalamuha ko ang mga bagu-bagong nilalang doon, at kasama ko silang nag-inuman nga after. Konting kuwentuhan sa mga love life, past and present, at kung anu-ano pa. Ang saya nga pala ng ganitong samahan. Minsan nalilimutan ko na. Sarap sanang mag-post ng picture namin kagabi kaya lang sa mga 8-10 na lesbiyana sa mesa namin, 3 lang yata kasi sa amin ang out. Kaya siyempre respeto na lang. But their smiles and camaraderie are etched in my mind, happily staying there.


 Ito na lang. Kahapon sa Pride March 2012 sa Makati.

And yes, this is what I sorely miss, I just realized. That bonding with women I used to have with some of my great, great close friends but who are not here in Manila anymore. The one or two who are here are probably the only ones I get to hang out with but when they're not busy nga lang. Matatanda na rin kami; maraming responsibilities and differing temperaments. But when we do have time, we hang out.

'Yan na kasi ang naging konsepto ko ng family -- 'yung friends ko. And aside from friends constituting part of my alternative family, perhaps over the years, this has also been why I have this nurturing feeling-slash-need to be taken cared of and loved by my partners as well. Kasi whenever I have partners, I treat them as my family, too. In fact, kadalasan nga, mas nauuna pa sila kesa sa blood family ko, especially when my partners need help and care more. At saka I guess that's how partnerships evolve into being a family naman, di ba. Parang het formula din: get a jowa, get engaged/live in, get married, form a family. Same same, somewhat.

I guess I'm one of those queer women na ang partner niya ang nagiging family niya. Kaya overwhelmed ako whenever I have a partner na nag-aalaga sa akin at sa relasyon namin at tinuturing ako bilang pamilya. Siyempre timplahan din naman ito. Minsan na akong nagka-jowa na mas gusto niyang i-prioritize ko ang relatives niya over my own relatives, and that became too much to bear na towards the end. I mean, di man kami close ng family ko, I still love my mom at kung birthday niya, siyempre I'll spend time with her. But this jowa, hindi ganun ang mindset niya. 

Minsan na rin akong nagka-jowa na never naman akong tinrato as family at di niya ko ini-introduce as a partner kasi praning siya sa pagiging kloseta niya at saka strict yung nanay niyang baptist ba 'yun o anumang relihiyon na strict. Dedma na rin dun kasi lumabas namang masama ugali niya pala kaya nagpapasalamat na rin ako at natapos ang relasyong iyon bago pa man nauwi sa mas seryosong bugbugan, na hindi naman ako ang kampeon.

Minsan na rin akong nagka-jowa na agad-agad naman akong nai-integrate sa pamilya niya which consists mostly of her and her son. Okay sana ang bonding naming iyon kung di lang siya medyo malabo makasama sa buhay. To make a long story short, hindi pala kami klik at swak, so kahit papaano ay di naman kawalan iyon. Masakit nga lang sa loob konti dahil sa naging close kami ng anak niya. Masakit sa akin kasi kapag may batang involved. Malapit kasi ako sa mga bata saka ibang usapan kasi iyon.

Siguro ang sinasabi ko lang dito, saan ba ang pinaglulugaran ng isang tao sa isang relasyon, sa buhay ng jowa niya, kasehodang kloseta man siya o hindi. Natatawa nga ako dahil after nung praning jowa na binanggit ko, napasulat ako ng manifesto kung ano ba dapat ang meron ang isang babae na keri kong maging jowa, at pagiging out ang isa doon. Actually, nagkaroon na naman ako ng di out na jowa after that, kaya di na rin counted iyon. Mas counted na lang siguro na iparamdam ng jowa mo na parte ka ng buhay niya at nagkukuwentuhan kayo ng mga life plans ninyo, mga daily stuff sa buhay niyo, mga ganun. Lalo na kapag di kayo nakatira sa iisang bahay, importante na magsabi agad ng mga sama ng loob, tampo o anuman bago pa ito lumaki bilang isyu. Lalo na sa tulad ko ngayon na nasa LDR. Ibang uri din kasi iyon.

Kaya isa rin sigurong nadebelop na reaksiyon ko sa buhay ay 'yung di namimilit. Kaya sa relasyon ko, sa "pamilya ko" with my jowa, ayoko ng pilitan. Kasi sa pag-form na nga lang ng family, by default pilit na, di ba? Minsan family bonding pilit pa rin. We are all born into a family, and sometimes we don't like the family we're given, but we can't escape from them totally. Those who do escape, congrats sa inyo. Maraming mga queers na kinailangang umeskapo minsan dahil sa di sila tanggap and all. You know the story. Kaya they gravitate more towards people who feel more like a family to them. Walang force-force.

Like I said, alam ko ang pakiramdam ng pilitin ka ng jowa mo to bond with her family, or to force you to spend time with her this way. At ayoko nun. Siguro sa ganitong larangan, kelangan lang maging klaro ang expectations ninyo sa isa't isa. Siyempre mahirap na rin kasi baka makaramdam ang isa sa inyo na sobra-sobra ang binibigay niya pero di pa pala sapat iyon sa jowa, o kaya yung isa naman ay feeling low priority sa relasyon at naghahanap lang ng paminsan-minsang recognition ng pagmamahal at aruga mula sa jowa. Ganyan siguro talaga ang jowa -- you can't please them all, you can't escape conflict. Typical din naman ito sa isang pamilya, ang mag-away. Sana lang, medyo mabasawan minsan.

Kaya sa akin, over the years, kung napag-usapan naman, dedma lang naman ako kung hindi ako ang mauna sa list of priorities ng jowa ko, kahit siya lagi ang nasa top priority ng list ko. Been there done that teh. Pero like I said, walang pilitan. Siguro timplahan lang, at importante, mag-usap at magsabihan ng plano. Ganyan naman dapat ang relasyon -- laging may negosasyon. Hindi 'yung initan lang ng ulo at gagawa ng desisyong mabigat sa loob mo pero sa tingin mo, 'yun ang tama at wala nang iba, para matapos lang ang usapan. Sa lahat naman kasi ng bagay, masaklap naman yata 'yung sabihan ka ng "Okay na, inayos ko na buhay ko para sa 'yo, masaya ka na?" Again, walang pilitan.

Relasyon, friendship, family, pare-pareho lang 'yan, in the end. Sometimes you get burned out by them, but you are also excited to rebuild them once again. Para lang ding Pride March every year, na no matter how many times I say na nakakatamad, pumupunta pa rin naman ako dahil curious ako to see what's happening. Yeah, it's my choice, and kahit papaano kasi, I have something at stake in this queer community, that's why I still lurk. 

As for my own version of family, of course I try to work it out whenever there are snags. Negotiations abound. Because I still remain true to my bottom line -- that I love this girl no matter what. Pero again, hindi sapilitan. Yes, got burned a lot in the past na but what the hey. Go lang ng go pa rin, kahit papaano. Timplahan na lang siguro. Kasi ang tunay na pamilyang nagmamahalan, dapat nakakaintindi nito.

And with that, Happy Pride, Manila.


Dapat naman talaga you love yourself. Wala namang ipinagkakait sa iyo 
to do the things you want to do. Kaya dapat di mo rin ipagkakait sa sarili mo 
na mahalin ka ng sapat. Mahalin mo ang sarili mo. Pero sana lang, 
huwag mo ring kalilimutang mahalin mo ang mga nagmamahal sa iyo, 
kahit sa tingin mo ay di ka nila naiintindihan. Akala mo lang 'yon. 
Iniintindi ka nila. At mahal ka nila. Kaya mahalin mo sila, at mahalin mo sarili mo.

No comments:

Post a Comment