Oo, ang tawag doon any diktadurya.
Bakit ko nga ba ito laging nakakalimutan? Marahil ay tulad na ako ng karamihan sa aking mga kababayan -- madaling makalimot sa mga bagay na yumurak ng kasaysayan. Nariyang napakabait pa rin natin sa mga taong nanakit sa atin, pinagbibigyan pa rin natin ang mga taong magkaroon muli ng pagkakataon para marating ang kanilang mga ambisyong baluktot, na sa una ay sasabihing ginagawa nila ang mga ginagawa nila para sa kapakanan nating lahat nguni't alam naman nating ginagawa lang nila ang ginagawa nila para sa kapakanan lamang nila at ng mga taong tumatango lamang sa kanila.
Alam nilang hindi ako tumatango kapag hindi ako sang-ayon. Pero iyon pa pala ang ikakasama ko sa paglaon. Ang pagiging isang nilalang na may sariling kakayahan para tumayo sa sariling paa, nirerespeto ng karamihan, at minamahal ng ilan, ito pala ang ayaw nila sa aking pagkatao. Pero dati ko pang alam iyon. Bakit ko ba laging nalilimutan? At bakit ko ba laging hinahayaang maapektuhan ako sa tuwing napapaalala sa akin ito?
Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam.
Kaya mabuti pa sigurong tanggapin na lang ang pinakamasaklap na katotohanang matagal na naming alam. Marahil ay panahon na para kumilos para mahinto na ang pasanin na ito. Dahil hindi naman talaga ito pasanin ng mga tulad ko, pero pinipilit nilang maging ganito. Kahit gaano mo bigyan ng panahon at oras na linisin ang kapaligiran, kung patuloy naman nilang dudumihan ito at lalaitin ka pa dahil sa nililinis mo ito, aba'y ibang usapan na ito. Iba na. Ibang-iba na.
Sige. Wala na akong isusulat pang muli tungkol sa pagkakataong ito at sa mga nilalang na ito. Dito ko na tutuldukan ang dapat noon ko pa tinuldukan. Napakarami pang puwedeng gawin sa buhay. Ang isa doon ay ang hindi magmukmok. At ang magpaapekto sa mga mabababang uri ng nilalang.
Inyo na iyan.
It's hard to be fabulous in a country of crabs.
You know what to do beks.
You always have. [October 2012]
No comments:
Post a Comment