08 July 2012

Biyaheng Cainta


Biyaheng Cainta, para*

O dito dito dito! Cainta junction Cainta! Aalis na!


Sino ba naman ang makakapagsabing basta na lang babagsak ang kalinawan ng ilang kalabuan sa buhay noon -- kalabuan ng buhay na matagal ko nang kinalimutan at tinalikuran  -- isang gabing nabuburo ako sa isang taxi na ginigitgit ng mga nakabalandrang jeep sa simula ng Imelda Avenue biyaheng Cainta. Ang kalinawan ay dadalaw na lamang na parang bulalakaw minsan; sasaglit sa kalangitan, mag-iilaw na tila pasikat, saka aalis nang madalian. At heto na nga siya -- ang kalinawan -- pagdaan sa harap ng pumipitik-pitik na ilaw sa itaas ng pula at dilaw na motel.

Ngayon ko lang napapagtanto ang napakalaking pagmamaskara mo sa sarili mo noon. At ngayon ko lang nakikita ang lawak ng panggagago mo pala sa akin noon.

"Yung kuya niya kasi, nagtatrabaho sa Sogo malapit sa Sta. Lucia kaya doon kami lagi nagkikita."

Napakalaki ko palang tanga noon at nagtiwala ako sa sinabi mong ito. Marahil ay pawang kasinungalingan siya. Kung may kuya man o wala ang kaibigan mong babaeng kinakatagpo mo noon kahit disoras ng gabi -- na aking pinahihintulutan dahil tiwala ako sa sinasabi mo --  ngayon lang sumisipa sa akin na kahit sinong may titi pala ang puwede mong kinikita sa motel na iyon, sa disoras ng gabi, sa loob at hindi sa labas. Isang titing pumapasok na pala sa puki mo nang ilang buwan na rin siguro. Ilang buwan na. Hindi lang isa at huling beses na sinabi mo noong nakainom ka't ginusto mong mangyari ang nangyari sa iyo sa loob ng isang kotseng naka-park sa overlooking sa Antipolo.

Kaya nang minsang umuwi kang luhaan sa bahay at di mo masabi agad sa akin kung ano ang dahilan, saka mo lang naisambulat ang mga katotohanang matagal na sigurong di masikmura ng kaibuturan mo.

"Di ko na kaya."

 
Ang alin, tanong ko. Pero wala kang sagot. Marahil ay di mo na kaya ang pinaghihirapan nating kinabukasan, na simula ng pagbabagong-buhay mo.


"Niloloko kita."

Paano, naisip ko. Sa linaw ng usapan nating ikaw ay sa babae lang nakikipagrelasyon at laro lang ang lalaki sa iyo, wala akong kailangang pangambahan, di tulad ng ilang tomboy sa paligid na patol ng patol sa mga babaeng di naman tomboy ang tingin sa sarili kaya handa silang iwanan sakaling may dumating na lalaki sa buhay ng mga babae nilang hindi tomboy.



"Buntis ako."

Ay, mali pala ako. Sinabi mo noon na wala ka pang nakakasiping na lalaki sa tanang buhay mo. Ano ang naganap? Pero nawala na ako sa huwisyo at nangibabaw na lang ang isang pakiramdam na mas nangibabaw sa akin kesa sa pagmamahal: ang pakiramdam ng awa, at ng pag-ayaw. Di pa sumisipa noon ang pagkasuklam, kasi di ko naman talaga naramdaman iyon para sa iyo. Mas naawa ako -- awa dahil sa isang iglap, itinapon mo ang pinaghihirapan nating kinabukasan.


Isa pa, isa pa, isa pa, urong-urong lang po, sa kaliwa, sa kaliwa.


Saan ba lumiko ang tinatahak nating daan at nauwi sa ganoon? Pero mabuti na rin at lumiko ang daan sa iba. Nawala ka, ako nama'y may ibang nakasalamuha, hanggang sa nakatagpo ng tunay at tapat sa ngayon. Nasa loob din siya ng taxi habang naiisip ko ang mga ito, tahimik na pinagmamasdan ako, ramdam ko, dahil nag-aalala siguro kung napagod ako sa lakad namin sa araw na iyon. Di ko na siya kailangang titigan para malaman kong pinapadama niya ang pagmamahal niya sa akin; nararamdaman ko agad iyon. Ikaw? Sinasabi mo harap-harapan na mahal mo ako pero may milagro palang nagaganap sa likuran ko. Buhay nga naman.
 
Aandar na po.

Salamat. Salamat sa trapik at ngayon, malinaw na siya. Kasinglinaw ng kulay pula at dilaw na pintura ng isang gusali sa pumipitik-pitik na ilaw sa gilid ng kalye.


07july2012saturday11pm 





*Muli, isa itong dagli na tinatawag, or sudden fiction/flash fiction/short short story in English, or palm of the hand story according to writer Yasunari Kawabata, na dahil sa ikli ng kuwento, kasya siya sa palad mo, literal.
Not exactly fiction as this is more of creative nonfiction (essay), but this is hopefully what I want to do for my PhD sana before when I thought of getting Creative Writing again (sudden nonfiction/flash nonfiction, reinventing a sub-genre as it doesn't practically exist). But well, let's see...

Feedback? Comment away. Let's workshop it. :) Again, disclaimer. It doesn't mean I'm not yet over this person. It just means that my memories of her are used as material for creative gain. Ang buhay ay economics, remember? Cashing in.


4 comments:

  1. "it doesn't mean i'm not yet over this person" defensive teh? hahah, joks. gets ko naman what you mean.. you are over her, but not the feeling of being fooled and played/toyed with. sabi nga nila the best revenge is a good life. but who is seeking revenge? we can forgive but we can never forget. we are just living our happy lives. korak? .....twistedhalo

    ReplyDelete
    Replies
    1. koraaaak! hehe kebs sa disclaimer. may nag-iinsist kasi ng teoryang not-yet-over na yan kulet eh.

      Delete