20 September 2009
to patrick swayze, thanks for everything! libay cantor
posted last sept 15 in my multiply version of leaflens, the day he died.
------------
for someone who grew up in the 80s and solidified her personality during the 90s, pop culture was a big part of life, especially movies. so for me who is that someone who watched 80s and 90s movies of patrick swayze and then opening the newspapers today to read that he is dead... well, that's just sad.
he lost his bout with cancer, sabi sa balitang ito.
ulad ng iba pang nauna sa kanya, wala naman akong maiaambag kundi ang munting muni-muning ito na ipapahiwatig kung bakit, kahit papaano, ang mga pop culture icons tulad niya ay naging importanteng bahagi ng aking buhay kahit kaunti o saglit.
for patrick, of course it was the dancing. DIRTY DANCING, to be exact.
dito siya unang sumambulat sa consciousness ng mga taong naghahanap ng idolong makalaglag-panty, 'ika nga nila. at pantasya rin ang abs niya ng mga baklush. lahat ng segment ng population sakop niya dahil sa kanyang manliness arrive na sensitive guy demeanor na puwede kang sapakin pero pare talo ka 'pag nag-pirouette na siya and all those dance moves sans tights. after all, ballet talaga ang training niya, and it shows kasi ang graceful ng movements niya, na kakaiba sa iba pang barako sa pelikula.
like this ensemble film na THE OUTSIDERS base sa isang young adult novel about teen angst chorva. kuya ang dating niya pero siya ang pinaka-graceful gumalaw sa rambol teh. kebs sa ibang cast of then unknowns (sino'ng tom cruise?). si leif garret ang pinaka-sikat diyan hahaha! sadly, siya ang bumulusok ang star ngayon. kung di niyo siya kilala, itanong niyo sa mga tita/magulang niyong nagdi-disco nung late 70s at early 80s hehe.
bakit ko gusto ang DIRTY DANCING? kasi nga sa kaibuturan ng aking pagkatao ay may isang nilalang na gustong sumayaw. mag-aral sumayaw, mag-perform ng sayaw, basta sayaw. must be a past life, i dunno. di ko naman napunan sa present life ang hilig na ito professionally or something like that. pahapyaw-hapyaw lang. bet na rin.
at nang lumabas ang kantang "(I've Had) The Time of my Life" mula sa pelikulang 'yon, ay teh, gasgas ang cassette ng soundtrack sa cassette player ko!!! this is one of my favorite songs of all time, like nasa top 10 siya ati. at masarap siyang isayaw nga na kanta, kahit maskipaps lang at walang D.I.
tapos nung panahong ang bida sa bahay ay ang betamax at panonood ng pelikula dito, ang gasgas na pinanonood naming pamilya bilang bonding moment ay isa pang swayze classic: GHOST.
and no, hindi ako nagpa-demi moore haircut noon, tulad ng daan-daang babae na ginaya ang gupit niya diyan when this came out in the theaters. kahit gustong gawin ng barbera ko ito noon sa akin noong nagpapagupit ako. ay away yan teh.
panalo ang pelikulang ito, from the script, characterization, simple plotting na may impact ang ending, tapos saksakan pa ng love story and the classic comedic timing of the great whoopi goldberg. winner. hm, bakit nga ba hindi ito ang pinapalabas ko sa scriptwriting class? sige next sem.
pero dahil sa i am a gay man trapped in a lesbian's body (sige na, tango ka na lang), super betness ko ang isang uber campy film niya ever: TO WONG FOO, THANKS FOR EVERYTHING, JULIE NEWMAR na lagi kong ginagamit panghula sa charades dahil timbog sila't di mahulaan agad hahahaha!
i'm just a boy in a dwess, sabi ni john leguizamo, also known as chi-chi!
it's a road film with trannies, at isa doon ay ang nakakatawang karakter na pinangalanang noxeema na ginampanan ng uber-galing ni wesley snipes (yes, si BLADE!) at si swayze nga bilang vida boheme, ang kagalang-galang na parang lady marm look na trans na siya ang nag-lakas-loob mag-out sa pamilya and all. makabagbag-damdamin ang eksena niyang 'yun kaya di ko malilimutan. hay... i miss films like these, sa totoo lang. fun pero may kagat sa puso ba.
well, we will certainly miss him. and now i know what films i will be watching this weekend as a marathon tribute to him.
paalam at salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment