28 September 2009

the leaflens account of the marikina flood disaster

...also subtitled "kung paano nag-take 1 ang bagyong ondoy at pinagitna kaming taga-marikina sa latest philippine disaster non-movie of the year punyemas." dasal ko lang sa supreme beings, sana wala na itong take 2. di namin kaya 'yun.

this post is for my relatives who want to know an update of what happened, para sa mga walang tfc or pinoytv channels abroad o kulang ang pictorial update sa internet. eto ang photos, sandamakmak, taken using my puny buy still handy nikon coolpix.

RELATIVES! all linsangan peeps are okay now. tito manuel and the gabriels (including gerry's family) in provident village were rescued by liza and edward's newly-bought rubberboat just for this disaster saturday pa (wala raw nahanap na amphibian vehicle). ricco and family remained in their provident house, their refuge is their attic. nag-text pa ang loko na doc kay mommy saturday night sabi "we are drowning!" kaloka. tita coring is okay sa twinville at dinalaw lang kanina (monday noon) nina ateng at hanggang balikat daw ang putik sa bahay or something, though i have to check the accuracy of this report, kung metaphor siya, exag o plain truth. alam mo naman ang pamilya linsangan, madrama. tanging kina tita boochie na lang sa cainta ang wala pang balita. paki-text si mommy for updates.

MEDIA friends, if you want to use/run the photos, go ahead. just credit the photographer as "libay linsangan cantor." salamat po.

***

so it's 2.30pm as i type this. lunes na, september 28. marikina is still reeling from the weekend disaster that put us all in peril here. i am typing this using the generous free wifi of pan de marikina resto along molave st. near my parent's home in sss village where i grew up. i checked in on them physically only today, this morning to be exact, kasi kami din ng gf ko ay nagmo-monitor ng progress doon sa condo namin sa bayan ng marikina, possibly the hardest hit among places here in marikina. sa di kalayuan sa bayan, naroon ang san roque sa bandang calumpang na hanggang dibdib umabot ang baha. sa opposite side naman sa may malanday, isang metro na daw ang taas ng baha. may kakilala akong lumikas na ang pamilya sa isang hospital nearby dahil pinasok na daw ng baha ang bahay nila.

at nakakapagtaka ito, sa totoo lang. to quote my father, sa 30 years naming nakatira dito sa marikina (since 1979) ay ngayon lang pinasok ng baha ang bahay namin sa sss village. intelligent engineer kasi ang tatay ko at na-foresee na niya ang mga ganyang chenes. kaya noong pinapagawa pa lang ang bahay namin, pinataas na niya ang tambak para mataas pa sa kalye ang bahay namin. effective, dahil noong panahong iyon na mga hanggang tuhod lang naman ang baha sa marikina at karatig-lugar noong '80s, nunca, never, nein kami pinasok ng baha sa bakuran namin, lalo na sa bahay mismo, na simpleng bungalow lang naman. e lalo na nung unang sumampa si bayani fernando bilang mayor, at ngayon ang asawa naman niyang si marides. okay na ang marikina, super-okay, kaya nga nag-relocate back ako dito after years of renting places in bulok qc.

kaya imagine my surprise when, last saturday at 1pm past, nag-text ang nanay ko ng "bay, pumasok na ang baha sa bahay, several inches na" or something to that effect. ako naman si dedma nung umaga--dahil masama ang pakiramdam ko friday night kaya nagpapahinga lang ako sa kama noong saturday morning--ay biglang napabangon at nag-survey ng view mula sa lampas-5th floor na taas ng condo ko sa may bayan.

at heto ang tumambad sa akin -- baha!


this is the view from my window. nasa likuran ng building ang unit ko kaya ang tanaw ko ay ang view ng kalye sa likuran.



at lubog na pala sa baha ang kalye, and nearby roads pati. ito ang tinatawag na paliparan area. 'pag tinahak mo iyan, diretso sa sa concepcion, marikina, papuntang sss vill, papuntang parang, at kung saan-saan pa. di ko lang sure that time kung gaano kataas ang baha, pero kung pagbabasehan mo yung naka-pink payong, aba e mataas na, kasi bewang na niya, o. that, or pandak lang siya.

pero later, true enough, umabot hanggang lampas bewang ng normal na pilipino ito, dahil may nagdaang sasakyan at 'yun ang sukatan ko.

so habang nagte-text exchange kami ng nanay ko at ina-update niya ko kung hanggang saan na ang tubig na pumapasok sa bahay namin, naglibot ako sa floor namin at nag-survey ng paligid sa baba. di kami makababa, pinatay na nila ang elevator.

at talaga palang di naman kami makakababa kahit mag-stairs kami, kasi eto ang mga eksenang tumambad sa aming paligid ng condo:


eto ang courtyard sa gitna, kung nasaan ang playground. lunod! see those round batibot thingies na may trees? nauupuan 'yan, te. ngayon, wala na. so that's about hanggang tuhod ang height ng tubig, assuming na tuhod ko ang ruler and i'm a long-legged 5 foot 3.5 inch-tall person.

sa isang side ng silipan, natanaw ko ang lobby area ng kabilang building, pati na ang driveway in between the two buildings' entrance and lobbies. heto ang eksena:





what driveway? raging river runs wild ang hitsura niya teh! (at hindi na ko nag-feeling meryl streep na bumaba)
yung mga naka-barong na manong ang security guards namin. at matatangkad sila!

this was like 2pmish saturday. by 6pmish, wala na, hanggang balikat na ni manong guard ang water sa lobby. we were so trapped.

buti na lang may electricity, water at phone pa kami. kaya naghanda na kami ng candles in case nawala ang kuryente (nawala around 10pm saturday), extra tubig sakaling mawala na ng ipa-pump ang building (nawala sunday morning around 8am). dedma na sa phone, kasi may cellphone naman, pero nawala na rin siya in between those times.

naknangteteng at ngayon pa nawalan ng gasul ang tangke ko, noh! (nagpa-deliver ako pero umatras ang delivery dahil nga wala na daw madaanan sa baha, in fairness.) pero maabilidad ang jowa at sabi niya, sa rice cooker siya magluluto ng pancit canton. winner! kaya yun ang dinner namin saturday night at lunch sunday noon. winner din ang capacity ng ref ko na mag-retain ng coldness, kaya may nainom pa kaming isang litro ng chocolate malt milk na hindi agad napanis.

buti na lang kina mommy sa sss vill, pinatay na nila ang main switch ng electricity dahil baka abutin ng baha ang mga outlets. buti na lang nga at intelligent engineer nga ang tatay ko at instead na the standard 4-inch from the floor ang sukat ng outlets ay pinagawa niyang 8-inches. ang tubig-baha sa loob ng bahay ay nag-peak at 6-inches. safe and sound. nag-subside na rin naman ang water kinagabihan ng sabado doon sa sss vill kaya kampante na ko sa parents ko. nauna nga rin silang nabuksan ang kuryente (sunday pa lang) pero kami sa bayan, hanggang tina-type ko ito ng lunes ng hapon, wala pang kuryente.

pero tumaas yata lalo ang tubig sa may bayan area, dahil eto pa ang eksena sa kalye sa harap ng buildings namin noong sabado:


to the left, to the left - at the back of bluewave marquinton mall sa bayan, lampas lang ng marikina sports center. siyempre nagsara ng operations ang malls and establishments sa baba niya.


'yang parking lot na 'yan sa harapan namin ay parking lot ng mall sa side nito. at ang mga naka-park sa labas ng perimeter ng parking lot, mga residents ng condo namin na walang parking area sa loob ng building ang naka-park.




buti na lang pala, wala akong tsikot. m
alamang sa hindi, dito ako naka-park. at ganito na ang nangyari sa aking future car.




to the right, to the right - ang toyota car care center chenelyn building, kaharap niyan ang marikina sports center. noong gabi ng sabado, may nakita kaming mga tao na umakyat sa bubong niyan at doon nag-camp out, na-trap. mga empleyado siguro ng toyota. di ko lang makunan dahil madilim, pero aninag namin sila. may nagyoyosi pa nga, e.


sunday, the day after...

at least wala nang ulan-ulan na malakas, humupa na rin ang tubig-baha sa halos lahat ng areas, kaya we checked it out again.




sabi nga ng nanay ko sa text, may mga dalag at hito na nakita silang lumalangoy kasama ng tubig-baha. true enough, sa tanawing ito, nakakita ako ng manong na nakapulot ng muddy hito sa kalye. pinulot niya, binanlawan sa isang puddle sa road, saka sinupot sabay sabing "ulam din to!" winner. sayang at di ko nakodakan ang eksena.











at dito mo ngayon malalaman kung ano'ng kotse ang mabigat at di gumalaw kahit may raging flood waters na dumaan sa kanya. pansin ko lang, laos ang mga honda ha. kahit crv, umurong! i'm just saying...












sa
bandang doon sa harap, ayun, major road 'yan, sumulong hi-way na kadugsong ng marikina bridge kung papasok ka ng marikina proper mula sa aurora boulevard, flyover sa barangka papuntang riverbanks, past provident village, lampas papasok ng calumpang, lampas marikina bayan palengke. ayun medyo baha pa. sa harap ng 24 hour delivery mcdo. katabi iyan ng...









...marikina sports center. zoom in sa gitna. can you see the lawa ng tubig sa loob ng sports complex? puwede nang mag-dragonboat rowing diyan, o, new sport. paging ruth. chos.

moments like these, i am missing my old slr minolta system with the superfast vivitar telephoto lens capacity. madali sana itong pitikin. hay...








so nung mga 3-4pmish na ng sunday, my gf and i decided to go down and look for hot food dahil wala na nga kaming gasul at iba pang imbak na pagkain. naglakad-lakad kami sa banda ng palengke, sa paligid ng sports complex at sa karatig-kalye, sa kaya pa ng powers namin dahil maputik nga kahit saan. tunay na ninja training level sa balancing act ang ginawa namin para di madulas sa putikan. ayoko ng putik, to quote maricel soriano.

eto ang iba't ibang eksena sa paligid ng bayan:




see those horizontal lines? ibig sabihin, hanggang diyan inabot ang tubig-baha sa lugar nila:





the last shot ay sa ground floor ng condo. ganyan kataas inabot ang water inside.


at eto ang mga pulitzer prize-winning shots:

dinibdib niya ang katagang "drive thru" hane?


ironic kung toyota ang brand ng tsikot na 'yan...


kebs sa brand! basta sumalpak siya diyan
sa harap ng marikina library. ayuz.


kaloka no? dami pa 'yan. ipo-post ko na lang sa multiply at facebook ko kapag nagka-connection na sa amin.

it's past 4pm as i finish this post. hay, kakapagod... sana may kuryente na sa condo...


1 comment:

  1. wow sa pics... hehehe

    you may want to join us at www.marikinavalley.com sana para naman dumami tao... we need people like you na updated!

    ReplyDelete