01 August 2009

ano ang meaning kapag gumawa ka ng "L" figure using your fingers back in 1986?


mga muni-muning sumagi sa isip
sa pagpanaw ni tita cory


ano nga ba ang ibig sabihin kapag nag-flash ka ng "L" sign gamit ang hintuturo at hinlalaki mo at nakatiklop ang tatlo mo pang mga daliri noong mga panahon ng 1986?


imahe mula sa gma7 tv blog


tanong ko lagi 'yan sa mga unang lectures ko tungkol sa semiotics and symbolism sa kursong language and grammar of film na tinuturo ko mga apat-limang na taon na rin sa mga pumiling magpakadalubhasa sa pelikula sa unibersidad ng pilipinas sa diliman campus, sa institusyon kung saan din ako nagpakadalubhasa noong nasa edad ako ng mga tinuturuan kong ito.

at nalulungkot ako kada semestre sa nagiging sagot nila sa tanong na iyon. ang pinakabagong sagot nga sa akin ay: "Ma'am, Loser?"

loser. loser talaga ang di makaalala ng ating kasaysayan. ano nga ang sabi ng anecdote na 'yun: "Those who forget their history are doomed to repeat it." tama ba?

tama. kaya pinapagalitan ko sila kapag di na nila naaalala ang ating history. kasi baka sila pa ang maging henerasyong magsulong ng mga kab
ulukan ng mga nagdaang panahon dahil hindi nila masyadong inaral ang history ng pilipinas at kung ano ang nangyari sa mga tao noong mga panahong iyon. sana huwag naman. god save us, sabi nga sa tag line ng pelikula ng pinakabago niyong national artist for, er, film and visual arts. but that's another blog angst post.

at ngayon, dahil sa nakakanood na sila ng mga walang katapusang tribute kay cory aquino sa TV/cable, diyaryo, internet (mga midyum na hindi natin matatamasa ngayon kung di naganap ang people power 1 haller. nasubukan niyo na bang manood ng state-run TV? ako oo. i hates its beri mats. never again!), nakikita na nila marahil ang ibig sabihin ng "L" sign na tinutukoy ko sa klase.

at nais kong ipaalala sa kanila na ang simbolong 'yan ay makapangyarihan ang ibig sabihin: LABAN.

oo, laban, lumaban ka sa mga nang-aapi sa yo, tul
ad ng paglaban ni tita cory sa mga pumatay sa asawa niya. naramdaman mo na bang mawalan ng asawa? siya, oo. ako hindi, dahil hindi pa kami binibigyan ng karapatang magpakasal (but that's another blog angst post), pero marami akong kaibigan at kakilalang nawalan ng asawa, mga kaibigang nawalan ng tatay/nanay, at malungkot iyon.

ngayon naman, lumaban din siya sa kanser. naramdaman mo na bang lumaban sa isang sakit na nakamamatay? pero kinaya pa rin niya. lumaban siya. napapa-araguy ka sa tuwing naiipit ang kamay mo sa pintuan ng tukador, sa paper cut mula sa libro, sa galos sa tuhod kapag nadapa ka o natapilok, pero nakaramdam ka na ba ng punyetang uri ng kasakitan, yung tingin mo mamamatay ka na? siya, oo. kaya dahil dito, naaawa ako sa mga nagmamahal sa kanyang nakakita ng ganitong uri ng paghihirap niya.


mula sa Fact Sheet exhibit ng
2008 Cine Veritas sa UPFI Bernal Gallery
litratong kuha ko


malungkot ang pagpanaw niya, oo, pero sana huwag naman nating kalimutan ang ilang bagay na naging okay para sa atin, dahil sa kanyang presensiya
at desisyong ginawa sa buhay. sige, hindi naman siya perfecto nga. sino ba ang perfecto? pero tama na yung nagsilbi siyang susi ng demokrasyang tinatamasa natin ngayon.

sana, sa paglaon, tayo rin ay lumaban. lumaban sa mga taong nang-aapi sa atin, di lang sa politikal na sense, kundi pati sa pang-araw-araw nating buhay, even in the seemingly simplest sense, where things matter to us the most, and whenever our loved ones matter, and our own lives and sanity matter. binubugbog ka ba ng tatay mo o asawa mo? putangina, lumaban ka! nababagabag ka na ba ng kawalan ng pera? puwes, lumaban ka, maghanap ka ng trabaho, raket, anything na matinong mapagkikitaan. huwag kang padadaig sa kabagutan. depressed ka ba, kasi malungkot ang mga nangyayari sa buhay mo? puwes, lumaban ka rin! sabi nga ng isang ad campaign ng reebok dati, "Because life is not a spectator sport."

pero siyempre, hindi sa lahat ng pagkakataon, lalaban tayo ng walang kaabug-abog din naman, o lalaban ng bonggang bongga. bilang advocate, lalo na ng mga adbokasiyang talagang puwedeng mag-polarize ng
mga tao--kahit ng mga sarili kong kamag-anak at kaibigan--alam ko kung kelan dapat huminay-hinay muna at kung kelan puwedeng rumatsada ulit. siyempre hit and miss ang prosesong ito. kung may perfectong paraan ng pagsulong ng equality, e di dapat wala nang advocate sa mundo na mag-a-advocate pa nito. in short, no one's perfect, but we try to perfect things around us still. ganun lang yun.



mula sa mga litrato ko noong
2008 LGBT PRide March sa Malate, Manila


sabi nga ng isa kong paboritong kanta of all time, to everything
there is a season and a time to every purpose under heaven. so as a reminder, ilang linyang sipi mula sa kantang iyon:


A time to be born, a time to die
A time to plant, a time to reap
A time to kill, a time to heal
A time to laugh, a time to weep

A time to build up, a time to break down
A time to dance, a time to mourn
A time to cast away stones
A time to gather stones together

A time to gain, a time to lose
A time to rend, a time to sew
A time to love, a time to hate
A time of peace, I swear it's not too late!


is it too late? nasaan ka ba nung 1986?


i was twelve years old in february of that year. grade six, last
year sa immaculate conception parish school sa cubao, at natutuwa dahil ang daming araw na walang pasok. kung ang iba kong mga kaklase ay may yellow stickers at pins sa IDs nila, ako naman ay may red and blue dahil ang lolo ko ay ilokano, hence parang default supporter ni marcos na ilokano rin. malay ko ba sa importansiya ng mga kulay na iyon noon? wala naman akong magawa dahil yun lang ang mga stickers at pins na nasa bahay, kahit sa totoo lang, parang mas bet ko ang yellow pins and stickers ng mga kalaro ko, kasi di ko bet ang design ng red and blue kasi para akong may suot na philippine flag, e hindi ko bet ang philippine flag noong mga panahong iyon kasi na-associate ko siya sa flag ceremony namin sa umaga sa school na kapag na-late ka lang ng dating e papatayuin ka ng mga madre sa corridor, na madalas mangyari sa akin kahit hindi ko kasalanang ma-late (yung serbis kong jeep ang late!). kaya lang baka magalit si lolo 'pag nag-uwi ako nun sa bahay at makarinig ng litanya ng ukinam! so dedma na. red and blue it is, i thought. at magbabasa na lang ako ng funny komiks kasi wala nang voltes v sa TV.



imahe mula sa photo essay na ito
ng time magazine

tapos eto na nga. sabi sa radyo, pumunta na kayo sa edsa, naroroon na ang mga tao... chenelyn. di ko maalala kung may panaka-nakang coverage sa edsa sa TV noon, pero parang meron kahit konti e. radyo ang bidang midyum ng panahong iyon, salamat sa radyo veritas. ako naman, akyat sa bubungan sa bahay ng lola ko sa project 4, dahil dumadaan na ang mga eroplanong tinawag nilang tora-tora. kamukha daw kasi ng mga tora-tora suicide airplanes noong panahon ng giyerang hapon (at malamang sa hindi e ang mga eroplanong iyon ang mga tora-tora plane din na ginamit noong panahon pa nga ng giyera!). malapit lang ang project 4 sa camp aguinaldo noon na isang tawid lang e camp crame na rin, kung saan naroon ang ibang aksiyon sa kasaysayang ito. ang lolo ko naman, ukinam na ng ukinam kasi pinabababa niya kami sa bubong kasi baka daw matamaan kami ng bala, kahit wala namang nagbabarilan. ganun lang talaga ang lolo ko, cautious. at takot. can't blame him; dinaanan nila ng lola ko ang panahon ng giyera ano!

sana nga mas naging pasaway ako noon at nagbisikleta papuntang kalantiyaw street, kung saan pag tinunton mo ang dulo, tatagos ka na sa 20th avenue at lalabas na iyon sa kalyeng malapit na sa mga kampo. pero siyempre iba ang panahon noon. noon, puwede ka lang talaga damputin nang walang kaabug-abog (er, does that sound familiar now???) dahil paghihinalaan kang subversive (um, jonas burgos baga???), kahit na mukha kang fil-am o isa kang fil-am (haller melissa roxas isdatchu???) at lalo na kung mukha kang estudyanteng tibak (um karen and sherilyn the prequel???) o kaya'y nagtuturo ka daw ng katibakan sa iskul (justice and tenure for sarah pa rin!!!) at kung anu-ano pang paratang, totoo man o hindi.

now you see the point of learning from your own history?

please be more informed. as we bid farewell to tita cory, the key figure in our nation's history, it's time to dust off the books and relearn the things we still need to learn/relearn today.


and that goes for all of us.





No comments:

Post a Comment