Showing posts with label my literature. Show all posts
Showing posts with label my literature. Show all posts

17 March 2015

floating, fleeting

I'm so busy as usual, hence here I am, procrastinating lolz. 

I don't know what's with today. Almost three cups of coffee and things are still not kicking in. Well, I already wrote one article, two out of the required four for the month in my usual gig. But other work? Ewan ko ba. The more I know how to finish the damn work, the more I delay doing it. Not that I don't want it to finish but...ewan ko ba. 

Sometimes my mind just flies and wanders around, somewhere in the universe. It takes a special dose of energy to pin me down and write, and my usual discipline will latch me down hard naman anyway. It's the energy that's fleeting lately, to finish this specific project I have. I think my soul is yearning to write something else na kasi. But of course, kabuhayan package comes first, as always.

Was going through my cloud repository of concepts to kill time when I stumbled upon a short poem I wrote last year. Ewan ko ba, bigla lang itong lumitaw, like parang bula mula sa gitna ng karagatan or something like that. 

Kasalukuyan akong nasa Leyte-Samar trip ko noon, para sa ocular ng Yolanda devastated sites ng isang environmental NGO na producer ng librong sinulat ko para sa kanila. Ang dami siyempreng thoughts at feelings na pumalaot sa akin sa three-day trip na iyon, grabe lang, sa lugar pa na iyon. Isang araw, I have to write those down pa rin. 

In the meantime eto 'yung tula, share ko lang dito.


Laot 
Minsan kailangan kang
Pumunta sa
Gitna
Ng kawalan
Para makahanap
Ng tamang lugar
Kung saan may
Bunga
Ang pagsagwan. 
 (28aug14 touchdown to Tacloban)

Tacloban: Sa gitna ng kabihasnan at kawalan. (August 2014)


I am by nature a storyteller, and I have said that here many times. But there are times when poetry just springs forth from my mind. Rare ito lately, actually, maybe because my life lately is full of good heartfelt stories that are better to retell. But of course, I can't control my muse if she wants to produce this way. So hey, what the hey.

So many travels, so many musings. Sometimes I am paralyzed and unsure if I should even share them. But of course, some are raring to be told. 

And we will. soon.

21 August 2014

Buhay Bahaghari LGBT book launch Aug 27 at bts writer chika

At kinarir ko na namang muli ang pagsusulat ng press release para sa nalalapit na book launch ng aming ten thousand years before ma-publish na libro hehehe. Salamat sa superqueer efforts nina former deputy director ng UP Center for Women's Studies na si Prof. Eric Manalastas at POC Pinoy LGBT channel editor naming si Eva "Bubbles" Callueng, ipapanganak na rin ang librong last year pa namin hinulma, hininga, at ngayon iiire na! Ayan siya. 
Cute naman ng cover art hehe. Talagang rainbow kung rainbow. Some of the pertinent details of the launch are here:
Want to read 36 personal essays on what it’s like to be lesbian, gay, bisexual, transgender or queer in the Philippines today? Then get a copy of the book entitled BUHAY BAHAGHARI: THE FILIPINO LGBT CHRONICLES published by the UP Center for Women’s Studies. The anthology will be launched on Wednesday, August 27, 2014 at 1:30-3:30pm inside the UP Center for Women’s Studies premises (Magsaysay Ave. cor. Ylanan Road near the CSWCD/ MassComm/Music college buildings inside the Diliman, QC campus).
Lima pala ang kuwentong isinabak ko dito. Personal essays ang atak, sabi ni editor Bubbles. Dapat dito ko ilalabas 'yung isang bonggang-bonggang academic article kong icho-chopchop ko sana into bite-size friendlier forms pero sabi ng lola ko eh gumawa na lang ng bago dahil masyadong academic nosebleed 'yung lesbian indie film paper ko na 'yun hihi. So kebs na dun at kume-creative nonfiction na lang ang peg ng lola mo.


Yoiks may picture nga pala sa contribs page! 
Buti na lang cute 'yung napili sa akin. Charut! :P

Kaya as usual, I have to tap into the well of my persona during the time I wrote this. What else is new? Life provides the ink and I am merely the recorder. Here are some behind-the-scenes chika of those pieces:

"Showbiz people like us 1: we got our backs" is about my experience as a cultural journalist a.k.a. lifestyle and entertainment journalist featuring closeted people like us and how we kinda have to protect each other in the dog-eat-dog a.k.a. judgmental-hetero-eats-marginalized-queer world of showbizlandia.

"Showbiz people like us 2: gaydar me, gaydar you" is about how clueless peeps ask queers like me to "detect" suspected queers like me, a.k.a. kapag gusto lang mang-canfeermd! ng mga chismosa sa mga kloseta sa showbiz. Yes, this happens. True story.

"The tabloidization of the tomboy: (don’t) print us o lord" is actually the first piece I wrote solely for this anthology. This chronicles my experience when I showed up for an interview as an entertainment editor in a newspaper that turned out to be in tabloid format, so all media vs. queers baggage broke loose.

Siyempre mawawala ba ang mga love chronicles ng buhay? "To fight the unbeatable fight" is my muni-muni about having relationships with women who are closeted and how I negotiate my openly out self in there. "To reach the unreachable love" is the chronicling of my foray into lesbian LDRdom or long distance relationships before, during and after. 



Support for the book in the form of blurbs
 from varied queers and queer allies 
e.g. Boy Abunda, Dr. Margie Holmes, 
Aida Santos, Danton Remoto, Neil Garcia. 

Dumo-Don Quixote lang talaga ang peg? Ewan ko ba. Alam ko single na ako nung sinulat ko ang mga ito, lalo na itong dalawang love articles chenes. Sa tagal na nito, di ko na maalala exactly kung ano 'yung contribs ko at kung ano ang porma at ikot ng headspace ko nun hehe. Naaliw lang ako when I recalled what they were, so I reread them, and the ending of that unbeatable fight piece went something like this nga pala:
Ah, it’s a cycle, this closet of ours, of theirs. Is it somebody’s fault that we’re there, and is it somebody’s fault that it exists? Of course there is some fault somewhere. That’s why we fight an unbeatable fight sometimes. But still, we go on. Closet or no closet, we travel, until we find what what we’re looking for, or until we have to be found by someone looking for us.

She’s out there. Just walk.
Wow. Indeed. And now, here we are, months after I wrote that, I bumped into someone and someone bumped into me. I'm ever so grateful to the universe that I walked that day, that I decided to show up in that seemingly random business meeting, that I decided to get out of my hibernation and socialize with a new soul. That soul turned out to be the love of my life right now, my kindred of all kindred spirits, and all my obra I dedicate to her. Yes, pati na this book's contributions. Thank you, sweetheart.

Mantakin mo nga naman, how our life narratives turn out. Wala lang, natutuwa lang ako. I guess we still can't believe we found each other, na magkalapit lang pala ang orbits namin sa isa't isa, all this time, but we were not fated to meet until the moment we did. Happy. Happy lang talaga. :) Sorry sumingit talaga ang #inlabsiBayli peg ulit ahihihi. #akona

Heniweys hemingways, kitakits sa book launch. Bonggabels din naman ang line-up ng contributors dahil for the first time, reprezent! talaga ang L, G, B, at T ditech, pati na Q because of me. So there. Here's some more info on the book: 
Contributors come from different walks of life who also belong in different industries in society. Some of them are or have been active LGBT rights advocates. Their essays tackle topics like identities and struggles; tensions, anxieties, relations; challenges, changes and the community; and of course love and lessons that come with finding it, losing it, or keeping it. Some of the contributors include longtime queer advocates Fr. Richard Mickley, Chris Jo Salvatierra, Ging Cristobal and Bruce Amoroto; corporate professionals Fire Sia, Mel Abutin and Allan Carreon; development worker Miel Feria; former and current college professors Mikee Inton, Argel Tuason and  Lorna Israel; National Youth Commission’s Percival Cendana and Ernest Lucas; and Carlos Palanca awardees Shakira Sison, Libay Linsangan Cantor and Jhoanna Lynn B. Cruz, to name a few. The essays are written in Filipino and English.
Read the rest of my press release here sa pop media blog kesh. Sayang ang dami yatang di nakahabol sa deadline. Happy sana ito kung ang ibang kabatak ay nakapaglaan ng obra. Maybe a sequel should happen na lang. 



Hehe at sorry kung mayabang pero paminsan-minsan kailangan din nating ipagmayabang na may mga award-winning among the rainbow community, na hindi porke't queer tayo ay kalunos-lunos tayo at hindi fabulous. Excuse me! Hahaha. And the Palanca is always a good marker of an award for us queer writers. Congrats nga rin pala is in order for another win for one of us. Hm not sure if na-announce na niya ang pagkapanalo niya this year ulit pero CONGRATS MAMU! 'Yun muna hehe. You know who you are. Always proud of you. :)

Eclectic lot! Life is like a rainbow indeed -- you never know which hue will rule you at times. So best to be prepared. 

Congrats sa editing efforts ni Bubbles beks at nairaos din ito. Happy! :) Buy the book! Support Philippine literature and the Pinoy LGBTQ community.

Kitakits! :)

14 February 2014

veedayshmeeday

Nakakatuwa talaga ang mga contacts ko sa social media oo. Lalo na sa araw na ito hehe. Tulad ng tweet ng aking longtime nang kakilala sa LGBTQ movement, si Binibining Camel, na laging nakakaaliw ang tweets hehe:


Hahaha ganyan din ako eh. Ayoko ng lumalabas kapag ang buong Metro Manila ay nakikiuso sa mga bagay na komersyal o ginagawang komersyal ang bagay na di naman sana dapat ganun ka-OA ang peg. Tulad ng Pasko, pati Holy Week, 'yung mga tao na dumadagsa sabay-sabay para mag-out of town sa pare-parehong panahon. Yaiks gudlak sa trapik mga teh! Heygard.

Lalo na kaya ngayon! Valentine' Day shmalentinesday my foot, man. Daming tao sa labas niyan! Although marami na rin sa feeds ko ang nagsasabing stay-at-home ang peg nila today, marami pa ring lalabas. Lalo na ang mga tutungo sa check-in mwahahahaha! Naaalala ko tuloy, noong kasagsagan ng kasikatan ni Running Priest, nagtatrabaho yata ako sa diyaryo pa noon, nakita ko ang balita sa TV na may ginawang gimik si padir isang Vday night: tumakbo siya sa iba't ibang motel at KINAKATOK niya ang mga pinto! To the tune of telling people to celebrate Valentine's in a pure way etc etc (read: Catholic guilt trip). Oh man, I am SO not kidding about this. (Wala naman yatang lumabas sa mga kinatok niya para silipin kung anong meron hahaha!) Napanganga ako nung napanood ko yung balita. Lakas din ng amats ni padir to do that wahahahah! Yes, now I could say that! Kasi dati, sa diyaryong pinagtatrabahuhan ko, columnist namin siya kaya di din ako makapag-print ng super-sexy cleavage photos ng mga artista hahahaha lekat na buhay entertainment editor iteyyyy! But I digress. 

Heniweys hemingway, hindi naman bitter ang lola niyo. Kasi ang pilosopiya ko sa buhay sa araw na ito ay na-summarize yata ng maganda ng isang kakilalang journalist, na may dagdag-analysis pa siyang mega-PAK NA PAK sa akin hehe:


So there. Na pinalawig ko naman dito sa article na ito na hiningi ng aking favorite queer church peeps: "Ang Valentine Cha-cha ng Buhay" na parte ng kanilang love reflections series, mga series na ginagawa nila paminsan-minsan. Kakatuwa ring basahin yung ibang reflection pero puro beki. Ako pa lang ang unang biyaning sa series ngayon. Baka may iba pa sa susunod na araw, let's see.

An excerpt:
Minsan ang lovelife, parang sayaw lang iyan. Minsan, in-sync kayo sa
choreography ng kasayaw mo. Minsan, kaliwa pareho ang paa niyo pero pinipilit niyo pa ring umindak. Minsan naman, ‘yung isa lang ang magaling at nagli-lead at tagasunod lang ang isa para di matapilok. Minsan naman,nagkakatamaran na kayong magsayaw kaya inaantay niyo na lang ang pag-fade out ng kantang ginagalawan ninyo. Minsan naman, bigla kayong aayaw sa galawan at aalis na lang sa dancefloor kahit di pa tapos ang tugtog na nasimulang sayawan. Give and take, ikaw muna bago siya, paurong-pasulong, paikot-patagilid, pailalim-paibabaw, patalon-pahinto. Iba-iba ang tono, iba-iba rin ang kembot. Ganyan minsan makipagrelasyon sa babae kung ikaw ay kapwa babae rin. 
Hehe inspired ako bigla magsulat niyan. Nalampasan na nga ako ng deadline kasi ang reklamo ko kay bakla, bakit naman tinapat pa ako sa Vday mismo kalerks! Eh ngayon ngang galing ako sa mga modang puki-muna-bago-puso mantra for the year eh ako pa ang pinagsulat ng lurv reflection talaga ni boklooo! Kalerks. Pero ayan at may matino namang napiga, so happy na rin heheh. Ako na mume-metaphor.

Speaking of p-muna-bago-p philosophies hehe, ito namang si editor kong lezziebelz ay nagulat daw sa mga latest stories na shine-share ko sa POC Pinoy LGBT channel gig namin. Kasi nga Vday kaya sabi ko , gagawa ako ng series para thematic. Lesbian date scene ang naisip ko kaya nga yun ang nasimulan last time with the Fil-Chinese dating story. Then kasunod nito, itong "Si Ms. Mwah-mwah online na Ms. Tikom offline" ang sunod kong sinulat. Kwento ito ng pakikipag-date sa mga madaldal sa chat pero olats naman sa personal. Dami ganyan kaya nga minsan, 'pag may nagpapapampam na naman sa akin online, tinitignan ko muna kung mapapanis laway ko sa kanila offline or what. 

Kaya wagi rin 'pag nakakakita ka ng hindi ganun paminsan-minsan. O kaya 'yung date ay nagiging hindi na romantic ang peg hehe. Hashtag alamna! Sinulat ko rin 'yun at doon yata tumambling na may back flip sabay split si editor hahaha. Baka next week na i-publish hehe. Eh sabi ko nga, tame pa 'yan. Wait for the wild stories mwahahaha! Oo, now they could be told! Kasi malakas na ang loob ko to go back to erotica writing since I no longer teach hehe. Major perk of that. Kaya siguro ko rin sine-censor ang sarili ko sa mga bagay na erotisismo ang peg dahil dito. Ngayun-ngayon ko lang talaga ito napagtanto, nung umalis na ako finally sa pagtuturo. Oh yes, liberation! Kaya abang lang kayo sa mga erotica writing ko haney! Bumabalik na si bakla, with a vengeance!

Kamusta naman sa opening line ito, say mo:

"Oh, those hands. They're always cold, when we first meet up. But I tell you, those hands, the cold, shivering fingers, they'll be inside of me, later on, very warm, as they try to make me shiver, shiver from the inside."

'Yan ang resulta ng #taglibog at #alamna modes ng buhay hahahaha! Literatura, baby! Lekat. Hahaha. Sorry inaaliw ko lang sarili ko. Tagal ng Pizza Hut delivery eh, tomjones na.

But yeah, such lines. They've been coming in trickles lately. Na dumadalas. Like ang dami! That's why I've been trying to just hole myself in my sanctuary and just type away. As a result, a new novel is slowly being structured, a screenplay is already in its 12th sequence (or in layperson's terms, that's 25 minutes of a 2-hour-ish movie) and there's a handful of new short fiction with opening lines and characters forming. May naisingit pa ngang one-act play synopsis diyan kamusta naman. Not bad, eh, not bad. Now let's hope I get to finish all of these within the year. Yoiks! Wish me luck.

Pero tuloy pa rin ang ilang raket ng buhay. Para maki-Vday din kami sa #WhipIt kyeme, kinabog ko ang ilang kaibigan para makakuha ng quotable quotes ng empowered Valentine definition, pandagdag sa mga pina-gather ko sa mga katrabaho kong jugets doon. At ito ang resulta: an empowered Valentine slideshow.

Ito yatang kay Louie, a fellow writer na kaklase ko dati sa isang 
MA Creative Writing class, ang fave kong quote. 
Kasi zume-zen si ati hihi eh bet ko 'yung ganyan. 
Of course lahat naman ng quotes ng friendships ko 
sa list ay type ko. Pero this one talks to me the best. 
#zenmode nga kasi siguro. Also funny to discover before 
na my ka-zazen sa Zen Center sa Marikina is Louie's mom 
pala hehe while Louie naman became so into yoga na. Kewl!

Happy naman ito. Parang 'yung article project ko last week, about global Pinays naman so siyempre, puro mga nasa FB contacts ko lang lahat ng kinausap ko at ayan na sila hehehe article na. 

My latest Rappler solo byline piece: 

Yes, believe me, I really know a lot of people. Like A LOT! Sabi nga ng berks kong lez noon, I'm like God on Friendster hahaha at di pa uso FB nun ha. Ganyan talaga ang networking teh, lalo na if you choose to be a nice person when circulating in many fields and industries wherever you are. You get to meet nice people and the nice people remember you as well. So there. Kaya di mahirap sa akin mag-source ng mga tao para sa mga ganyang project hihihi. Ayuz. 

Pero sa dami naman ng tao sa paligid ko, takot naman yatang makipag-date sa akin hahaha. Hayst, story of my life, as usual hehe. May isang butch na mapangahas, nag-post ng tanong sa askfm site ko, if keri daw ba ako lumabas with her na butch at tinatanong kung butch din daw ba tanaw ko sa sarili ko. I posted this interesting quip sa FB ko and of course, my friends had a field day with it hahaha! Go for gold daw! Eh sabi ko wala, dinaga yata si butch, walang follow-up. And my dapper butch friend said di daw totoong butch 'pag ganyang umaatras hahaha! Yeah, my friends are weird and funny like that. Love 'em to bits. 

Kaya wala, back to being anonymous talaga ang project ko sa buhay. Na medyo mahirap ma-achieve nga dito sa Maynila. Ilang years ko na ring spiel kaya ito noh? Pero swerte rin minsan at may natatagpuan, natitipuhan. Dedma na kung di successful ang ending. Minsan naman, nasa journey ang lesson ng life at wala sa ending ng journey. Kaya yun na lang ang iniisip ko. Tulad nga ng summary ko sa MCC love reflection na iyon, kebs lang at keep on dancing lang ang peg. Ayoko nang magdeklara ulit dito, tulad ng dati, na kapag sasabihin kong "okay lang ako na halaman this year" tapos may bonggang bonggang lovelife na darating. May nag-point out sa akin nun eh hahaha. So siguro, di na lang ako magdedeklara ng anything muna, out loud, because I know the universe is listening and hmmm taking notes. 

For now, I don't know yet, but many things are hanging for me. And you know what? I actually like it that way. Yung huling gumago sa akin, tanong ng tanong niyan: ano ba ang plano mo sa buhay? Ilang beses ko na siyang sinagot na ikalawang buhay ko na ito kaya pinapakiramdaman ko pa. Pero di niya maintindihan. Sabagay, mahina kasi ang pag-intindi niya sa maraming bagay din kaya hinayaan ko na lang. People like that, hindi naman nila maiintindihan ang mga people like me. Pinagalitan na naman nga ako ng superfriend K about that. Kumuha na raw kasi ako ng intellectual equal ulit. I'm like hmmm di ko naman sinasadya na makuha eh hindi equal teh hehe. Or akala ko sa umpisa, equal ang project pero di pala hehe. Well, whatever. 

This is actually my "take it easy year" which is a plan that I wanted to do ever since I turned 40. Yes, my gulay, kuwarenta na lola mo, pero I could still outrun many out there sa mga larangang, ahem, di naman nakikita sa edad ang peg hahahahaha #alamna. OhyouknowwhatImean. Well, that's the feedback anyway hehe. Charut!

So this is what my forty looks like. 
As a girl told me when she saw this shot, 
hot hot hot hahaha. Ako na nagbabaga. Charut!

And taking it easy entails me not gambling my heart so much again, like before. Being more in control of what emotion I permit to envelop me when it comes to that thing called love. Having the time to enjoy simple pleasures more and not pressure myself to join any kind of rat race muna ulit. Or ever. Chill lang. And write write write! Itong mga konsepto kong mga '90s pa at '00s eh ayan, lekat nakikita ko nang may nakakaisip na rin na iba at ginagawa na nila eeek! Nauunahan na naman ang peg. Kaya kelangan ko na talagang umupo at tutukan ito teh. 

Bought this sexy baby to accompany me on this new journey. 
We are so ready to roll!

But of course, we welcome the diversions naman every now and then. Di naman din nawawala iyon lately. In fact, nampotah dumadami pa nga eh! Ewan ko lang sa universe kung bakit but hey, I ain't complainin' man hahaha. Deluge lang beks, deluge ka lang gow. Basta masaya lang ang life, ang utak, ang keps, ang bulsa, wagi tayo dyan teh hehe. Kahit later na si heart, keri lang din. Kelangan din kasing ipahinga yan eh, sa totoo lang. Medyo bugbog pa rin yata kasi. Kaya ganyan lang muna. Chillax and take it easy. So there.

And that's how I empower myself this Valentine: loving myself more. Can't go wrong with that.

Ever.

20 July 2012

Ang napaglipasan

Ang napaglipasan*
 

Marami akong plano sana dito, para sa iyo. Pero puwede palang lumipas ang pagsasagawa ng plano, tulad ng paglipas ng panahon. 






Oo, tungkol ito sa kuwadernong ito. Naisip ko pang ibigay sa iyo ito noon, pahabol, kasi nakaalis ka na. Isang munting tapunan ng mga naisatulang alaala, naisulat na talinhaga, nahuling mga saglit ng pagpapahalaga.

Pero wala na siyang silbi ngayon, wala na siyang halaga. Tulad ng sinaunang litratong naninilaw kapag di inaalagaan, ang paglagak ng mga likha sa mga pahina niya'y di na naganap pa. Hindi na. Tulad na rin marahil ng panahon, ang pakiramdam para gawin ito ay lumipas na, dahil ang pagpapahalaga ko sa atin ay lumipas na rin.

Nang di ka na masyadong nagparamdam pa matapos lumisan, naisip kong wala na yata talagang saysay, wala nang halaga. Anuman ang namagitan sa ating dalawa, nilalang, ay di na maibubuhos pa. Ang tinta'y umaayaw na sa planong itala pa, dahil tulad ng paglisan mo, tila ako'y nawalan na rin sa iyo ng halaga. Tila ako'y napaglipasan mo na. Ang katahimikan mo ang siyang mas nagmarka. Siyang nagmarka.

Kaya ang sinimulang tapunan ng likha, ito, ay mananatiling di tapos. Aayusin na lamang para magkaroon ng isa pang silbi. Tutal iba na rin ang nagpupukaw ng aking mga isipin, sa nilalang na ito ko na lang itatagubilin ang damdaming minsa'y inisip kong sa iyo ihabilin. Pero dahil sa napaglipasan na tayo ng lahat ng ito -- oras, panahon, at oo, pag-aaruga -- ang pakiramdam na dati'y walang hangganan, ngayon ay tutuldukan na. Para din may bagong maitala, dala ng bagong nilalang na sa aki'y mas malaki ang pag-aaruga, ang pag-aalaga. 


Muli, bubuksan ko ang mga pahina nito, buburahin ang nasimulan, at magtatakda ng panibagong mga tala sa mga alaalang patuloy naming nililikha, itinatago sa anumang paraan, para di kailanman maramdamang ang pagmamahalan nami'y mapapaglipasan ng anuman.

Walang anuman.



20july2012friday11.58am

The coast is clearer. 
[in transit within Marikina / July 2012 processed via Instagram]



---
*Muli, isa itong dagli na tinatawag, or sudden fiction/flash fiction/short short story in English, or palm of the hand story according to writer Yasunari Kawabata, na dahil sa ikli ng kuwento, kasya siya sa palad mo, literal. Not exactly fiction as this is more of creative nonfiction (essay), but this is hopefully what I want to do for my PhD sana before when I thought of getting Creative Writing again (sudden nonfiction/flash nonfiction, reinventing a sub-genre as it doesn't practically exist). But well, let's see...

Feedback? Comment away. Let's workshop it. :) If you don't understand Filipino, there's always those translator websites, you know. Some works really come out in specific languages.Yes, I am a bilingual writer. Ever since.

15 July 2012

at the wake of it all, i awaken

So they finally laid to rest the ailing Dolphy who succumbed to his sicknesses this week. We saw how a nation mourned. Near and far, global Pinoys and multiple generations, we were all saddened.

And as it was happening, my POC editor asked me to do an article on Dolphy's gay roles in cinema. So I sat one day in my favorite nearby coffice and churned out not one but two articles. Yes, he had that much of a career and I had much to say as well about a chunk of it. Here's part one and then part two.

This got me thinking also of something I've been hearing all week whenever I am in a public space, and it's quite alarming -- o baka naman sensitibo lang ako dahil ang radar ko ay trained na maka-pik-ap ng ganung mga bagay. Nariyang nasa Starbucks ako at sa isang mesa sa di kalayuan, may nag-uusap at magsasabing "Bakla 'yun!" as if parang dumudura siya ng kadiring pagkaing nalasahan niya. Sa kalye isang araw din, narinig ko muli 'yun, ang kataga ng pagkutya. Kanina lang pababa sa escalator ng SM Marikina, 'yung dalawang nasa likod ko, ganun din ang pagkakabigkas sa mga katagang 'yon. Kataga ng paghusga. Bakla 'yun!

Kahit di ako bakla, nasasaktan ako kapag nakakarinig kasi ako nun. Kasi isang tawid na lang, puwedeng ako na ang sinasabihan nila nun e. Mamili ka: "Lesbiyana 'yun e!" "Tibo 'yun!" "Tomboy 'yun!" Again, like I lecture in my nondiscriminatory gender-fair language lesson in scriptwriting class, it's not the words spoken but how it was spoken, how it was thrown at you. If they were thrown to hurt, they could be daggers. If spoken in a nonjudgmental way, these words could also soothe, calm or comfort.

So imagine if someone just spits out these words like venom. It poisons those who are commented at, and the minds of those who hear are also poisoned to believe the venom. Either way, it hurts. Now this is no wonder why I see many lesbians and bisexual women closeted, and they use social media to live out their other personas, their real personas. This I discover in their tweets at Twitter, and also as they narrate it to me when we meet up in person. Yes, uso pa rin pala ang closet in the age of the internet.

 If more world leaders like Obama came out to support us, 
maybe things would be different. 
In the meantime, we just pose with his cutout. 
Thanks to the US Embassy in Manila for the photo.


And it saddens me that things can't be just out in the open. Just like that. Like how a guy and a girl couple behind me in line earlier at the cinema were all kissey-gooey and all that. Huh, new couple, I shrugged. But it also warmed me when, in another line to buy flavored french fries, I saw a butch-looking lesbian carry the girly bag of her femme-ish girfriend, and they kept on hugging each other while waiting for their order. The world is fair this way -- people of all persuasions could present their love openly like this. But no, still not everybody. Maybe that lesbian couple waiting for french fries has a different situation than those hiding behind their anonymous lesbian Twitter accounts.

I know how it feels, to be closeted to a certain degree. But mine was really by choice. I had a partner who was not out back in the day, and we had to take our relationship down low so her family won't suspect. Plus she was also protecting her reputation in a highly homophobic macho work sector, she said. There was another ex that had the same situation. We were selectively out as well since she said her mother was strictly religious and all. I guess I could adjust for people I care for. But still, sometimes there's that painful pang whenever you are reminded of it. So I just shrug it off. 

But what's the relationship of that principle with the Pidol articles and those scenes I witnessed randomly this week? Simple. As I wrote there in the articles, sometimes hate against gays is being normalized in his films. And that makes me super-sad. Bumawi lang talaga sa Markova and sa Ang Tatay Kong Nanay. But still, nakakatakot kasi ang naiiwang imahe ay okay lang kutyain at pagtawanan ang mga bakla. Hence we get those comments I've been overhearing all over this week. Na puwedeng itawid din sa aming mga babae na nagmamahal ng babae. Kaya naiintindihan ko ang kloseta, ang di ligal, na kelangang magtago to a certain extent. 

 A love like ours is pushed in the shadows. Nonetheless, we thrive.


Pero naiinis ako na may kloseta. At naiinis ako na may mga naging ganoong pelikula na nagdulot ng pagtatago ng mga bakla at lesbiyana sa kloseta. Nakakainis kasi di lahat ng mag-jowa ay puwedeng ipakilala sa pamilya bilang jowa ang jowa. Minsan ang saklap kasi may pagkukutyang maririnig sa paligid na di ito normal. Puwede ka pa ring mawalan ng trabaho dahil nagladlad ka. Puwede ka pa ring pandirihan dahil hindi etits ang habol mo. Ang labo ng mundo minsan. 

Pero ano ba kasi itong tinatago natin sa kloseta? Pagmamahalan. Di ba ang saklap? Ano nga ba 'yung termino dito noon sa Amerika? The love that cannot be named. Something like that. Isn't it strange that all other things could be displayed out there in the open -- criminality, corruption, gambling, abuse, disease -- but not love. Not this kind of love. And that's what makes me so sad. Very sad.

Ewan ko ba. Minsan ang labo lang ng mundo. At naalala ko ito habang narinig kong kumakanta ang tinaguriang "partner" ni Pidol ng through the years/ you never let me down... etc etc etc. Through the years, nagmamahalan din naman ang mga tulad namin. Pero dahil sa iba kasi ang formula namin -- babae+babae at hindi babae+lalaki -- olats kami. Kelangang magtago, kelangang alisin sa pictures, kelangang di sinasabihan ng I love you in public online and offline, kelangan kaibigan lang at hindi kaIBIGan.

Ang daming isyu, ang daming concern. Who knew these things could intersect in one vertex where at the core is not love but discrimination against love. It hurts sometimes to realize that. After years of being with women, I am still saddened. I guess as human beings, we still need to evolve. But regardless, like Pidol's favorite song said, smile though your heart is aching

With the way things are going in this country, I hope I have enough strength to keep on smiling.

In the meantime, we shrug some more.

 Or maybe just sleep it off. Goodnight. Love you too.

08 July 2012

Biyaheng Cainta


Biyaheng Cainta, para*

O dito dito dito! Cainta junction Cainta! Aalis na!


Sino ba naman ang makakapagsabing basta na lang babagsak ang kalinawan ng ilang kalabuan sa buhay noon -- kalabuan ng buhay na matagal ko nang kinalimutan at tinalikuran  -- isang gabing nabuburo ako sa isang taxi na ginigitgit ng mga nakabalandrang jeep sa simula ng Imelda Avenue biyaheng Cainta. Ang kalinawan ay dadalaw na lamang na parang bulalakaw minsan; sasaglit sa kalangitan, mag-iilaw na tila pasikat, saka aalis nang madalian. At heto na nga siya -- ang kalinawan -- pagdaan sa harap ng pumipitik-pitik na ilaw sa itaas ng pula at dilaw na motel.

Ngayon ko lang napapagtanto ang napakalaking pagmamaskara mo sa sarili mo noon. At ngayon ko lang nakikita ang lawak ng panggagago mo pala sa akin noon.

"Yung kuya niya kasi, nagtatrabaho sa Sogo malapit sa Sta. Lucia kaya doon kami lagi nagkikita."

Napakalaki ko palang tanga noon at nagtiwala ako sa sinabi mong ito. Marahil ay pawang kasinungalingan siya. Kung may kuya man o wala ang kaibigan mong babaeng kinakatagpo mo noon kahit disoras ng gabi -- na aking pinahihintulutan dahil tiwala ako sa sinasabi mo --  ngayon lang sumisipa sa akin na kahit sinong may titi pala ang puwede mong kinikita sa motel na iyon, sa disoras ng gabi, sa loob at hindi sa labas. Isang titing pumapasok na pala sa puki mo nang ilang buwan na rin siguro. Ilang buwan na. Hindi lang isa at huling beses na sinabi mo noong nakainom ka't ginusto mong mangyari ang nangyari sa iyo sa loob ng isang kotseng naka-park sa overlooking sa Antipolo.

Kaya nang minsang umuwi kang luhaan sa bahay at di mo masabi agad sa akin kung ano ang dahilan, saka mo lang naisambulat ang mga katotohanang matagal na sigurong di masikmura ng kaibuturan mo.

"Di ko na kaya."

 
Ang alin, tanong ko. Pero wala kang sagot. Marahil ay di mo na kaya ang pinaghihirapan nating kinabukasan, na simula ng pagbabagong-buhay mo.


"Niloloko kita."

Paano, naisip ko. Sa linaw ng usapan nating ikaw ay sa babae lang nakikipagrelasyon at laro lang ang lalaki sa iyo, wala akong kailangang pangambahan, di tulad ng ilang tomboy sa paligid na patol ng patol sa mga babaeng di naman tomboy ang tingin sa sarili kaya handa silang iwanan sakaling may dumating na lalaki sa buhay ng mga babae nilang hindi tomboy.



"Buntis ako."

Ay, mali pala ako. Sinabi mo noon na wala ka pang nakakasiping na lalaki sa tanang buhay mo. Ano ang naganap? Pero nawala na ako sa huwisyo at nangibabaw na lang ang isang pakiramdam na mas nangibabaw sa akin kesa sa pagmamahal: ang pakiramdam ng awa, at ng pag-ayaw. Di pa sumisipa noon ang pagkasuklam, kasi di ko naman talaga naramdaman iyon para sa iyo. Mas naawa ako -- awa dahil sa isang iglap, itinapon mo ang pinaghihirapan nating kinabukasan.


Isa pa, isa pa, isa pa, urong-urong lang po, sa kaliwa, sa kaliwa.


Saan ba lumiko ang tinatahak nating daan at nauwi sa ganoon? Pero mabuti na rin at lumiko ang daan sa iba. Nawala ka, ako nama'y may ibang nakasalamuha, hanggang sa nakatagpo ng tunay at tapat sa ngayon. Nasa loob din siya ng taxi habang naiisip ko ang mga ito, tahimik na pinagmamasdan ako, ramdam ko, dahil nag-aalala siguro kung napagod ako sa lakad namin sa araw na iyon. Di ko na siya kailangang titigan para malaman kong pinapadama niya ang pagmamahal niya sa akin; nararamdaman ko agad iyon. Ikaw? Sinasabi mo harap-harapan na mahal mo ako pero may milagro palang nagaganap sa likuran ko. Buhay nga naman.
 
Aandar na po.

Salamat. Salamat sa trapik at ngayon, malinaw na siya. Kasinglinaw ng kulay pula at dilaw na pintura ng isang gusali sa pumipitik-pitik na ilaw sa gilid ng kalye.


07july2012saturday11pm 





*Muli, isa itong dagli na tinatawag, or sudden fiction/flash fiction/short short story in English, or palm of the hand story according to writer Yasunari Kawabata, na dahil sa ikli ng kuwento, kasya siya sa palad mo, literal.
Not exactly fiction as this is more of creative nonfiction (essay), but this is hopefully what I want to do for my PhD sana before when I thought of getting Creative Writing again (sudden nonfiction/flash nonfiction, reinventing a sub-genre as it doesn't practically exist). But well, let's see...

Feedback? Comment away. Let's workshop it. :) Again, disclaimer. It doesn't mean I'm not yet over this person. It just means that my memories of her are used as material for creative gain. Ang buhay ay economics, remember? Cashing in.


03 June 2012

Nalipasan


Nalipasan*  

Naaalala ko ‘yung mukha mo, seryoso, nakakunot ang noo nang bahagya, malapit nang magsalubong ang kilay pero medyo pataas pa rin, na parang magsasalubong di dahil sa galit kundi dahil sa pag-aalala, pag-aalala nang dahil sa pag-aaruga, aruga sa tangan-tangan mong kamay ng nilalang sa iyong tabi, hawak-hawak mo sa kamay habang lumilingon-lingon ka sa paligid at nag-iisip, kaya kunot ang noo, dahil gumagana ang utak mo, naghahanap, bahagyang nababalisa rin, dahil sa pinararamdam ng puso mo sa utak mo, na nakikita ko sa iyong napakagandang mukha. Mukha ng pag-aalala, pag-aaruga, at pagmamahal, sa nilalang na iyong tangan – ang nilalang ay ako. At iyong nabanggit, nang buong pagmamahal, pag-aalala dahil sa nagmamahal ka, nang iyong sinabing “Gutom na ang mahal ko...” sabay hanap sa paligid ng solusyon sa tila maliit nating sitwasyon – ang gutom ko – pero parang malaking bagay para sa iyo, dahil sa ika’y nag-aalala, sa aking kalagayan – ako, ang iyong bagong mahal – na sa mga sandaling iyon, ay ayaw mong mapabayaan, ayaw mong malipasan ng gutom man lang, kahit panandalian, dahil ganito ka magpakita ng iyong pag-aalaga, ganito ka magparamdam ng iyong pag-aaruga.

Ganito, mahal, ganito mo ako kamahal, na kahit isang saglit lang ng di naman mabigat na sitwasyong aking maranasan, aking maramdaman, ay agad-agaran mong nais bigyan ito ng solusyon, ng sagot, ng pagtatapos sa nararamdamang mumunti at panandaliang karamdaman. Sa ilang segundo na iyon, sa isang sulyap kong iyon sa iyo, sa ilang hakbang na nilakad natin, sa ilang sandaling magkadikit ang ating mga balat, magkahawak ang mga kamay, tinuldukan natin ang pagiging magkakilala bilang kaibigan, at sinimulan natin ang pakiramdaman ng dalawang nagmamahalan, sa pamamagitan ng pag-aaruga sa mga mumunti pero mahalagang panahon na magkasama tayo, mga panahon at pagkakataong magiging ginintuan pala, sa paglaon, dahil sa bibihira tayong magkaroon ng maraming pagkakataon, ng mga pagbababad sa esensya ng isa’t isa, sa pagliliwaliw nang oras-oras, araw-araw, lagi-lagi, dahil wala pala tayong magiging lagi-lagi, segu-segundo, tulad ng ibang magsing-irog sa paligid, dahil dala ng pagkakataon at pangangailangan ay kailangang mawalay tayo sa isa’t isa, at handa sa pagtitiis ng di nasisilayan ang mukha sa tuwing gigising, pagtitiis na di nahahagkan ang mga labi tuwing nais natin ng isang halik, pagtitiis na di tayo abot-kamay kapag nais natin ng kayakap, mga ganitong bagay na di na pansin ng mga magsing-irog tulad natin na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay di na naiisip na mahalaga ang mga maliliit na bagay-bagay na ito. Pero para sa ating kailangang manirahan nang magkahiwalay ay ramdam na ramdam natin ang kalayuang ito, ang kawalang ito, at ang kalungkutang ito na ramdam ng ating mga kaluluwa sa tuwina.

Kaya nagiging mahalaga ang maliliit na eksenang ganito, makabagbag-damdamin ang mga pagpaparamdam ng mumunting pag-aaruga na ganito, at nagiging makahulugan ang isang simpleng gawaing di na pinag-iisipan pa ng karamihan sa pang-araw-araw. Iba kasi sa atin, di ba mahal, ibang-iba, kaya sa tuwing naaalala ko ang pagbanggit mo ng mga simple pero makahulugang katagang iyon, mga kataga ng pag-aaruga, mga kataga ng pagpaparamdam ng pagpapahalaga sa aking kalagayan, sa aking katauhan, ay napapahinto ako, napapangiti, at biglang makakaramdam ng pagbubukas ng puso ko, na tila hinahanap ang puso mo. At kahit malayo ka sa piling ko, ramdam ko na nagtatagpo silang dalawa, nagdidikit, nagiging isa, balot ng labis na pagmamahal, pag-aaruga, at kaligayahan.  

Oo, maaaring sa mga sandaling iyon ay gutom ang nararamdaman ng aking tiyan. Pero ang puso, lalo na ang kaluluwa, ay irog, busog sila, busog na busog. Salamat sa pagpapaalala, at sa pag-aalala.  


03june2012sunday11.44a

 at dito tayo kumain :) [February 2012 Singapore sa dulo ng Orchard]


*Isa itong dagli na tinatawag, or sudden fiction/flash fiction/short short story in English, or palm of the hand story according to writer Yasunari Kawabata, na dahil sa ikli ng kuwento, kasya siya sa palad mo, literal.

Not exactly fiction as this is more of creative nonfiction (essay), but this is hopefully what I want to do for my PhD sana before when I thought of getting Creative Writing again (sudden nonfiction/flash nonfiction, reinventing a sub-genre as it doesn't practically exist). But well, let's see...

Feedback? Comment away. Let's workshop it. :) And thanks once again to my beautiful muse, for this moment, and then the story. I love you J. Yes, kumain na ko. :)

25 March 2012

Officially real

And this is how I determine that I am in love, for real: I write poetry, about how I feel. For her.

--------
Thank you, you're here
(for j.)

If I were to choose
In which time should I exist

I would choose right now
This time, here
Because you exist, now,
With me.

If I were to choose
In which space should I exist
I would choose right here
This place, here
Because you occupy it
With me.

Right here right now

Seems like an ideal concept
A tangible reality
For being, just to be
Because it's real

Because you're real
Because we're real

We are real
We are...

But things could also be
Just for now
And things could also be
Just for here
So I capture it
Lovingly, affectionately,
Delicately, desperately,

Before our time runs out
Before another space recalls you
Away from me
Away from us


Away, from us
From us...

But I don't mind
Your leaving
I don't mind
No, I shouldn't
Because I already accepted
From the beginning
That part of being with you
Is not being with you

At the same time.

Yes, at the same time.

So right now, here, is good
Yes, we're good. We are.
If this is as good as it gets, for now,
Then I accept it
Without reservation

But with a little fear.

No, don't worry. Don't.
My happiness is defined
By these snatches of moments
Precious and rare, like you are.

As long as you consider me yours
As long as I am relevant in your life
And as long as you give me honest love
Then I'm in it for the long haul
Mighty long haul wherever
Time and space be damned.



25march2012sun 3.55p