Showing posts with label Pinoy Times. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Times. Show all posts

14 February 2014

veedayshmeeday

Nakakatuwa talaga ang mga contacts ko sa social media oo. Lalo na sa araw na ito hehe. Tulad ng tweet ng aking longtime nang kakilala sa LGBTQ movement, si Binibining Camel, na laging nakakaaliw ang tweets hehe:


Hahaha ganyan din ako eh. Ayoko ng lumalabas kapag ang buong Metro Manila ay nakikiuso sa mga bagay na komersyal o ginagawang komersyal ang bagay na di naman sana dapat ganun ka-OA ang peg. Tulad ng Pasko, pati Holy Week, 'yung mga tao na dumadagsa sabay-sabay para mag-out of town sa pare-parehong panahon. Yaiks gudlak sa trapik mga teh! Heygard.

Lalo na kaya ngayon! Valentine' Day shmalentinesday my foot, man. Daming tao sa labas niyan! Although marami na rin sa feeds ko ang nagsasabing stay-at-home ang peg nila today, marami pa ring lalabas. Lalo na ang mga tutungo sa check-in mwahahahaha! Naaalala ko tuloy, noong kasagsagan ng kasikatan ni Running Priest, nagtatrabaho yata ako sa diyaryo pa noon, nakita ko ang balita sa TV na may ginawang gimik si padir isang Vday night: tumakbo siya sa iba't ibang motel at KINAKATOK niya ang mga pinto! To the tune of telling people to celebrate Valentine's in a pure way etc etc (read: Catholic guilt trip). Oh man, I am SO not kidding about this. (Wala naman yatang lumabas sa mga kinatok niya para silipin kung anong meron hahaha!) Napanganga ako nung napanood ko yung balita. Lakas din ng amats ni padir to do that wahahahah! Yes, now I could say that! Kasi dati, sa diyaryong pinagtatrabahuhan ko, columnist namin siya kaya di din ako makapag-print ng super-sexy cleavage photos ng mga artista hahahaha lekat na buhay entertainment editor iteyyyy! But I digress. 

Heniweys hemingway, hindi naman bitter ang lola niyo. Kasi ang pilosopiya ko sa buhay sa araw na ito ay na-summarize yata ng maganda ng isang kakilalang journalist, na may dagdag-analysis pa siyang mega-PAK NA PAK sa akin hehe:


So there. Na pinalawig ko naman dito sa article na ito na hiningi ng aking favorite queer church peeps: "Ang Valentine Cha-cha ng Buhay" na parte ng kanilang love reflections series, mga series na ginagawa nila paminsan-minsan. Kakatuwa ring basahin yung ibang reflection pero puro beki. Ako pa lang ang unang biyaning sa series ngayon. Baka may iba pa sa susunod na araw, let's see.

An excerpt:
Minsan ang lovelife, parang sayaw lang iyan. Minsan, in-sync kayo sa
choreography ng kasayaw mo. Minsan, kaliwa pareho ang paa niyo pero pinipilit niyo pa ring umindak. Minsan naman, ‘yung isa lang ang magaling at nagli-lead at tagasunod lang ang isa para di matapilok. Minsan naman,nagkakatamaran na kayong magsayaw kaya inaantay niyo na lang ang pag-fade out ng kantang ginagalawan ninyo. Minsan naman, bigla kayong aayaw sa galawan at aalis na lang sa dancefloor kahit di pa tapos ang tugtog na nasimulang sayawan. Give and take, ikaw muna bago siya, paurong-pasulong, paikot-patagilid, pailalim-paibabaw, patalon-pahinto. Iba-iba ang tono, iba-iba rin ang kembot. Ganyan minsan makipagrelasyon sa babae kung ikaw ay kapwa babae rin. 
Hehe inspired ako bigla magsulat niyan. Nalampasan na nga ako ng deadline kasi ang reklamo ko kay bakla, bakit naman tinapat pa ako sa Vday mismo kalerks! Eh ngayon ngang galing ako sa mga modang puki-muna-bago-puso mantra for the year eh ako pa ang pinagsulat ng lurv reflection talaga ni boklooo! Kalerks. Pero ayan at may matino namang napiga, so happy na rin heheh. Ako na mume-metaphor.

Speaking of p-muna-bago-p philosophies hehe, ito namang si editor kong lezziebelz ay nagulat daw sa mga latest stories na shine-share ko sa POC Pinoy LGBT channel gig namin. Kasi nga Vday kaya sabi ko , gagawa ako ng series para thematic. Lesbian date scene ang naisip ko kaya nga yun ang nasimulan last time with the Fil-Chinese dating story. Then kasunod nito, itong "Si Ms. Mwah-mwah online na Ms. Tikom offline" ang sunod kong sinulat. Kwento ito ng pakikipag-date sa mga madaldal sa chat pero olats naman sa personal. Dami ganyan kaya nga minsan, 'pag may nagpapapampam na naman sa akin online, tinitignan ko muna kung mapapanis laway ko sa kanila offline or what. 

Kaya wagi rin 'pag nakakakita ka ng hindi ganun paminsan-minsan. O kaya 'yung date ay nagiging hindi na romantic ang peg hehe. Hashtag alamna! Sinulat ko rin 'yun at doon yata tumambling na may back flip sabay split si editor hahaha. Baka next week na i-publish hehe. Eh sabi ko nga, tame pa 'yan. Wait for the wild stories mwahahaha! Oo, now they could be told! Kasi malakas na ang loob ko to go back to erotica writing since I no longer teach hehe. Major perk of that. Kaya siguro ko rin sine-censor ang sarili ko sa mga bagay na erotisismo ang peg dahil dito. Ngayun-ngayon ko lang talaga ito napagtanto, nung umalis na ako finally sa pagtuturo. Oh yes, liberation! Kaya abang lang kayo sa mga erotica writing ko haney! Bumabalik na si bakla, with a vengeance!

Kamusta naman sa opening line ito, say mo:

"Oh, those hands. They're always cold, when we first meet up. But I tell you, those hands, the cold, shivering fingers, they'll be inside of me, later on, very warm, as they try to make me shiver, shiver from the inside."

'Yan ang resulta ng #taglibog at #alamna modes ng buhay hahahaha! Literatura, baby! Lekat. Hahaha. Sorry inaaliw ko lang sarili ko. Tagal ng Pizza Hut delivery eh, tomjones na.

But yeah, such lines. They've been coming in trickles lately. Na dumadalas. Like ang dami! That's why I've been trying to just hole myself in my sanctuary and just type away. As a result, a new novel is slowly being structured, a screenplay is already in its 12th sequence (or in layperson's terms, that's 25 minutes of a 2-hour-ish movie) and there's a handful of new short fiction with opening lines and characters forming. May naisingit pa ngang one-act play synopsis diyan kamusta naman. Not bad, eh, not bad. Now let's hope I get to finish all of these within the year. Yoiks! Wish me luck.

Pero tuloy pa rin ang ilang raket ng buhay. Para maki-Vday din kami sa #WhipIt kyeme, kinabog ko ang ilang kaibigan para makakuha ng quotable quotes ng empowered Valentine definition, pandagdag sa mga pina-gather ko sa mga katrabaho kong jugets doon. At ito ang resulta: an empowered Valentine slideshow.

Ito yatang kay Louie, a fellow writer na kaklase ko dati sa isang 
MA Creative Writing class, ang fave kong quote. 
Kasi zume-zen si ati hihi eh bet ko 'yung ganyan. 
Of course lahat naman ng quotes ng friendships ko 
sa list ay type ko. Pero this one talks to me the best. 
#zenmode nga kasi siguro. Also funny to discover before 
na my ka-zazen sa Zen Center sa Marikina is Louie's mom 
pala hehe while Louie naman became so into yoga na. Kewl!

Happy naman ito. Parang 'yung article project ko last week, about global Pinays naman so siyempre, puro mga nasa FB contacts ko lang lahat ng kinausap ko at ayan na sila hehehe article na. 

My latest Rappler solo byline piece: 

Yes, believe me, I really know a lot of people. Like A LOT! Sabi nga ng berks kong lez noon, I'm like God on Friendster hahaha at di pa uso FB nun ha. Ganyan talaga ang networking teh, lalo na if you choose to be a nice person when circulating in many fields and industries wherever you are. You get to meet nice people and the nice people remember you as well. So there. Kaya di mahirap sa akin mag-source ng mga tao para sa mga ganyang project hihihi. Ayuz. 

Pero sa dami naman ng tao sa paligid ko, takot naman yatang makipag-date sa akin hahaha. Hayst, story of my life, as usual hehe. May isang butch na mapangahas, nag-post ng tanong sa askfm site ko, if keri daw ba ako lumabas with her na butch at tinatanong kung butch din daw ba tanaw ko sa sarili ko. I posted this interesting quip sa FB ko and of course, my friends had a field day with it hahaha! Go for gold daw! Eh sabi ko wala, dinaga yata si butch, walang follow-up. And my dapper butch friend said di daw totoong butch 'pag ganyang umaatras hahaha! Yeah, my friends are weird and funny like that. Love 'em to bits. 

Kaya wala, back to being anonymous talaga ang project ko sa buhay. Na medyo mahirap ma-achieve nga dito sa Maynila. Ilang years ko na ring spiel kaya ito noh? Pero swerte rin minsan at may natatagpuan, natitipuhan. Dedma na kung di successful ang ending. Minsan naman, nasa journey ang lesson ng life at wala sa ending ng journey. Kaya yun na lang ang iniisip ko. Tulad nga ng summary ko sa MCC love reflection na iyon, kebs lang at keep on dancing lang ang peg. Ayoko nang magdeklara ulit dito, tulad ng dati, na kapag sasabihin kong "okay lang ako na halaman this year" tapos may bonggang bonggang lovelife na darating. May nag-point out sa akin nun eh hahaha. So siguro, di na lang ako magdedeklara ng anything muna, out loud, because I know the universe is listening and hmmm taking notes. 

For now, I don't know yet, but many things are hanging for me. And you know what? I actually like it that way. Yung huling gumago sa akin, tanong ng tanong niyan: ano ba ang plano mo sa buhay? Ilang beses ko na siyang sinagot na ikalawang buhay ko na ito kaya pinapakiramdaman ko pa. Pero di niya maintindihan. Sabagay, mahina kasi ang pag-intindi niya sa maraming bagay din kaya hinayaan ko na lang. People like that, hindi naman nila maiintindihan ang mga people like me. Pinagalitan na naman nga ako ng superfriend K about that. Kumuha na raw kasi ako ng intellectual equal ulit. I'm like hmmm di ko naman sinasadya na makuha eh hindi equal teh hehe. Or akala ko sa umpisa, equal ang project pero di pala hehe. Well, whatever. 

This is actually my "take it easy year" which is a plan that I wanted to do ever since I turned 40. Yes, my gulay, kuwarenta na lola mo, pero I could still outrun many out there sa mga larangang, ahem, di naman nakikita sa edad ang peg hahahahaha #alamna. OhyouknowwhatImean. Well, that's the feedback anyway hehe. Charut!

So this is what my forty looks like. 
As a girl told me when she saw this shot, 
hot hot hot hahaha. Ako na nagbabaga. Charut!

And taking it easy entails me not gambling my heart so much again, like before. Being more in control of what emotion I permit to envelop me when it comes to that thing called love. Having the time to enjoy simple pleasures more and not pressure myself to join any kind of rat race muna ulit. Or ever. Chill lang. And write write write! Itong mga konsepto kong mga '90s pa at '00s eh ayan, lekat nakikita ko nang may nakakaisip na rin na iba at ginagawa na nila eeek! Nauunahan na naman ang peg. Kaya kelangan ko na talagang umupo at tutukan ito teh. 

Bought this sexy baby to accompany me on this new journey. 
We are so ready to roll!

But of course, we welcome the diversions naman every now and then. Di naman din nawawala iyon lately. In fact, nampotah dumadami pa nga eh! Ewan ko lang sa universe kung bakit but hey, I ain't complainin' man hahaha. Deluge lang beks, deluge ka lang gow. Basta masaya lang ang life, ang utak, ang keps, ang bulsa, wagi tayo dyan teh hehe. Kahit later na si heart, keri lang din. Kelangan din kasing ipahinga yan eh, sa totoo lang. Medyo bugbog pa rin yata kasi. Kaya ganyan lang muna. Chillax and take it easy. So there.

And that's how I empower myself this Valentine: loving myself more. Can't go wrong with that.

Ever.

13 February 2008

samu't saring suppositions

hm, that new sunsilk ad campaign's beginning to air teasers. yung merong "life can't wait" tagline. i wrote a short sidebar story about that in connection to their new image model. kung napuna niyo, si marimar yun. yeah, that's what i wrote. i interviewed her kasi for--oops, reveal na ba? sige na nga. one of my latest writing assignments for mega magazine is their next month's cover story, featuring marian rivera. yeah, i did her. i mean, the interview, her cover story. so there. abangan sa march.

pero okay yung teaser ng sunsilk. showing women who were partly defined by their hair like madonna of course, saka si marilyn monroe. hm, following their logic, dapat anjan si macy gray, but i'm not sure if she is sunsilk material.

pero parang mas excited ako sa next cover story assignment ko for them. pero saka na lang yun. tignan natin how that goes. i hope pretty well.

*

dapat gagawa rin ako ng sulat sulat tonight pero tinatamad na naman ako. hay. saka na lang siguro, pag maluwag na ang chuva ng utak ko. the morning was spent having a word war with someone i always have word wars with. i'm just so fucking tired of it kaya i decided to severe the ties. i hope ma-gets niya ang point this time. hay, heaven help me with this.

*

buti na lang may nearby gym dito sa tinitirhan ko ngayon. at least i can go there and work out anytime to release whatever chorva's bothering me inside. and that's what i have been doing nga. since i also live near the marikina sports center, minsan doon ako naglalakad para iba naman ang atmosphere. sarap lang.

nami-miss ko lang mag-arnis though. fire, kelan na tayo? can't wait! miss ko na kayo ni teacher hehe.

*

hay nako. hello garci just got upgraded to broadband. hello zte?

my poor, poor country. run by fools i did not vote for. mierda.

*

kaya sumama na sa rally sa friday! taralets!

whoever could get a hold of those "moderate your greed" stickers, kunan niyo ko ng tatlo. go.


*

natatawa ako sa latest controversy na napasukan ni leah navarro of the black and white movement. salingan mode with kuya mike defensor's wifey, si pretty julie. hihihihihi.

naaalala ko nung nag-guest si leah sa angladlad meeting isang sabado last year to elucidate on what the bwmovement is all about and the chacha chenes. ang pilyang mga bading na kasama ko, nagbubulungan sa likod. pagkatapos mag-lecture, bulong namin "o dali, request na kayo ng isang song number. all together now: je t'aime/ te amo/ i love you/ watashiwa anato aishetemasu/..." hihihi . funny. true enough, kinanta naman niya iyon sa isang past pride march hihihi. we heart leah.

although weird yung dati kong encounter sa kanya eons ago sa isang clandestine meeting called artista para sa pagbabago. i was working for pinoy times newspaper and dahil mga ta-artits ang organizers nitong anti-erap group na ito right before his ouster, ako ang napadala ng dyaryo to attend. at the end of the meeting, i chatted some of them there, at isa nga siya doon. and i made the mistake of being nice when i bade her goodbye saying "thank you ma'am." she glared at me, glared pare, her eyebrows naging unibrow, and said "don't call me ma'am!" afraid siya ati. hindi ko makakalimutan iyon sa life ko pramis. that, and the encounter with kuh that same night, but that's another story.

*

UP Fair na pala. are you going? tinatamad na ko mula nang naging bentahan fare na lang ang UP fair. it's not the same as before. although i just go every year to test my shooting skills with the rifle pistol team shooting booth ek. pero mula nang nagka-salamin ang lola niyo, di ko na nape-perfect ang rounds nila kainiz. oh well. there's always the balloon darts.

and there's no more booze! kids today will not ever experience the thing that is called the sidewalk slammer. this is like a special 5-shot drink featuring 5 diff hard drinks, all for a whopping 25 pesos. them after drinking the shots, you fall sa sidewalk sa kalasingan o tama hehe. slam! therefore. you get the picture.

now, hanggang kettle corn at churros na lang mga tao. at isaw. weh.

pero parang gusto kong i-try ngayon ang powerup wall climbing chenes. kasi medyo lumiit na pwet ko e hehehe. conscious! oo naman noh. haha.

*

valentine's na. yet another holiday to signify the loss of money. buti na lang at hindi kami masyadong ek ng aking better half sa holiday na itich. we can make our own valentine time anytime hehe.

gawd, i could just imagine the traffic this weekend. hay.

pero puwede ring alternative ang ANGLADLAD BUTTERFLY BALL this saturday sa government bar sa makati ave. punta kayo. renewal chenes ito of angladlad memberships pero open to all pa rin ito. starts 9pm. see you there. i'll be there. sana may ka-date ako... (hint hint).

*

hmm, i miss eating lambchops. san ba may masarap nito? penge leads folks. naghahanap na naman ako ng comfort food ko. this means i am really bothered inside. yeah, it's like that sometimes. kaya nga sinalubong ko ng gym kanina e. para kung sakaling mapasubo sa pagkain ng unhealthy comfort food, handa na ang aking cellulite. chos.

let's hope after tuesday, okay na ko. please please.

*

dear god, senator chiz is a guest sa game show sa dos. jeezus.

no, i didn't vote for him. did you?

*

yehey kumpleto na ang aking AVENUE Q mp3s! yey! :)

*

wow, may pinay westpointer graduate. pustahan tayo tibam yan hehe.

wala lang, naghahanap ng kakampi...

*

parang kanina, while updating myself with abscbn soaps, i was chatting with my writer friend na head writer ng LOBO. we were talking kasi na yung badingerz nagtitilian daw tuwing topless si papa piolo, kaya dagdagan daw, request nila. i told her naman "magkakaroon ba ng lesbyanang lobo? hehe." natawa sya at sabi "why not?" sabi ko baka ligwakin ng mga lolang kloseta doon hahahaha. afraid sila sa sarili kasi doon e hahahahaha charot! :P

*

tune out na.

22 January 2008

patay na... at kuwentong ta-artits

alam kong sooobrang wala ako sa mood kapag...

>> tinatamad akong magsulat <<

waaaah. this is bad.

i have an article due this week for a magazine. pero dahil sa hindi gaanong kaaya-aya ang aking subject na isusulat... hay. sana iba na lang ang subject. mas masaya pa. ewan.

*

sa aking paglilipat ng bahay, i unearthed my writing folio stuff at naisip ko lang: ang una kong magazine cover story na ginawan ng article ay si rosanna roces pa! hahaha that really dates me, man. that was way back in 1998 pa yata, for The Cutting Edge magazine. the topic was osang and her being crazy about the internet. go figure.

but i liked that osang experience. nakakatuwa kasi siyang kausap e. kakaiba siyang artista. funny lang kasi before that, i was keeping my distance from her when she became our artista sa office ko before, sa premiere entertainment productions. meron laging photo op syempre tuwing dadating siya sa office. ang bukambibig niya noon instead of "cheese!" ay "ngiting one point five!" i guess alluding to her tf before na 1.5M. per picture. during 1996, that was a big deal, man. big bucks!

she was always larger than life. noong kaopisina ko pa si giselle sanchez, laging dadaan si osang sa cubicle namin ni giselle (talent management division kami nagsimula) tapos they will discuss things like silicone imlpants and stuff like that. which always made me shiver kasi parang sa akin, wafung ang ideyang magpa-breast implant (hello, ako gusto ko breast reduction lola!). tapos magrereklamo pa si osang na nananakit ang implant dahil naninigas ito pag taglamig ang panahon! aaahh too much information! si giselle kasi tanong ng tanong! kulet.

naka-engkuwentro ko lang ulit si osang after that TCE cover story when i had to do another story about her for Pinoy Times special weekend edition naman. bilang entertainment editor ng dyaryong iyon, ako lagi ang naaatasang gumawa ng showbiz-related articles for the weekend magazine edition. i forgot na what topic i did for osang. something about showbiz tax and layoffs sa dos yata yun.

funny thing lang is, she remembered me, na na-interview ko na siya noon din. kakatuwa lang na sa dami ng nakikilala nilang tao, maaalala ka nila minsan. i guess i made a dent. that, or kasi konektado ako kay tita jopay na talent manager din niya before. kaopisina ko kasi si tita jopay sa premiere din, kahit na umeeksena siya sa iba't ibang showbiz programs, most notably sa Star Talk ba yun? kaya lagi kaming may guesting sa star talk pag may film kaming pino-promote sa premiere those days hehe. tuhog baga.

hay showbiz. bakit mo ba ko tinawag ulit? nananahimik na ko eh...

tut-tut-tut. aw! chos.

katamad.