22 January 2008

patay na... at kuwentong ta-artits

alam kong sooobrang wala ako sa mood kapag...

>> tinatamad akong magsulat <<

waaaah. this is bad.

i have an article due this week for a magazine. pero dahil sa hindi gaanong kaaya-aya ang aking subject na isusulat... hay. sana iba na lang ang subject. mas masaya pa. ewan.

*

sa aking paglilipat ng bahay, i unearthed my writing folio stuff at naisip ko lang: ang una kong magazine cover story na ginawan ng article ay si rosanna roces pa! hahaha that really dates me, man. that was way back in 1998 pa yata, for The Cutting Edge magazine. the topic was osang and her being crazy about the internet. go figure.

but i liked that osang experience. nakakatuwa kasi siyang kausap e. kakaiba siyang artista. funny lang kasi before that, i was keeping my distance from her when she became our artista sa office ko before, sa premiere entertainment productions. meron laging photo op syempre tuwing dadating siya sa office. ang bukambibig niya noon instead of "cheese!" ay "ngiting one point five!" i guess alluding to her tf before na 1.5M. per picture. during 1996, that was a big deal, man. big bucks!

she was always larger than life. noong kaopisina ko pa si giselle sanchez, laging dadaan si osang sa cubicle namin ni giselle (talent management division kami nagsimula) tapos they will discuss things like silicone imlpants and stuff like that. which always made me shiver kasi parang sa akin, wafung ang ideyang magpa-breast implant (hello, ako gusto ko breast reduction lola!). tapos magrereklamo pa si osang na nananakit ang implant dahil naninigas ito pag taglamig ang panahon! aaahh too much information! si giselle kasi tanong ng tanong! kulet.

naka-engkuwentro ko lang ulit si osang after that TCE cover story when i had to do another story about her for Pinoy Times special weekend edition naman. bilang entertainment editor ng dyaryong iyon, ako lagi ang naaatasang gumawa ng showbiz-related articles for the weekend magazine edition. i forgot na what topic i did for osang. something about showbiz tax and layoffs sa dos yata yun.

funny thing lang is, she remembered me, na na-interview ko na siya noon din. kakatuwa lang na sa dami ng nakikilala nilang tao, maaalala ka nila minsan. i guess i made a dent. that, or kasi konektado ako kay tita jopay na talent manager din niya before. kaopisina ko kasi si tita jopay sa premiere din, kahit na umeeksena siya sa iba't ibang showbiz programs, most notably sa Star Talk ba yun? kaya lagi kaming may guesting sa star talk pag may film kaming pino-promote sa premiere those days hehe. tuhog baga.

hay showbiz. bakit mo ba ko tinawag ulit? nananahimik na ko eh...

tut-tut-tut. aw! chos.

katamad.

No comments:

Post a Comment