28 March 2016

Para kay Mang CV

Sinimulan kong buksan ang pahinang ito para magsulat ng isang post tungkol kay Mang CV. Pero parang tila nailabas ko na yata kagabi ang anumang raw emotions na kailangan kong mailabas. Kaya ire-repost ko na lang dito yung nilagay ko sa Instagram/FB kagabi, matapos ko siyang dalawin sa huling pagkakataon sa mundong ito.

Paalam, Mang CV. At salamat. Maraming salamat.


Yung eksenang pasko ng pagkabuhay ngayon pero galing ako sa patay. Paano, nag-roll credits na kasi si Mang CV, dakilang property custodian sa UP Masscomm Film dept kung saan ako nag-undergrad na naging UP Film Institute kung saan ako nagturo. Nakita ko ang parehong side ng film at mahalaga ang naging function ni Mang CV sa buhay film namin, mula sa panahong kinakapa ko ang pag-develop ng Tri-X roll ko sa darkroom hanggang sa naging honor ma-refer ng batchmates mo na "wow para ka nang si Mang CV" dahil kayang-kaya ko nang kapain ang Bolex cam nung nag-spaghetti ang 16mm film sa loob nito isang beses na nagshu-shoot ako ng film thesis ko, hanggang sa pagtambay naming barkada sa room niya after class para manood lang ng koleksiyon ng rare films na di namin nahihiram sa labas tulad ng mga pelikula ni Zhang Yimou, Francois Truffaut at marami pa, hanggang sa inatasan akong maging head ng academic programs and research division ng Film Insti nang naging faculty ako, narinig ko ilang beses sa buhay na ito ang suporta niya na "sige, ako bahala" kapag kailangan ko ng tulong niya. Cool lang siya at mapagpasensiya lagi, kaya kinainis ko nang may isang lecturer dati na nakawala ng library book dahil pinatong daw niya sa mesa ni Mang CV expecting him to return it pero nung nawala, si Mang CV pa ang pinapabayad niya at di niya inako ang kasalanan. Kaya tuwing nakikita ko ngayon ang lecturer na ito, na sinipa namin pero pinulot ng ibang departamento, ito ang naaalala ko lagi. Di ko na alam kung ano ang naging resolusyon doon pero sana ang mga taong tulad ni Mang CV ay nirerespeto. Nalulungkot ako ngayon dahil di man lang ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat nang husto o pormal sa mga mabubuting budhi na staff nang bigla akong mag-alsa balutan sa pagtuturo. Pero alam kong alam niyang kailangan ko na kasing tumalilis noon; minsan, kailangan mong mag-exit frame bigla sa ilang eksena sa buhay. Kaya ngayon ako nagpaalam, at alam kong cool lang siyang tatango na "okay lang" sabay ngiti. Paalam Mang CV. Regards mo ko kay Ma'am Ellen, Sir Hammy at Sir Joven diyan. Cut ka na dito, pero take 2 ka na diyan, change location lang. Ingat po.

25 March 2016

Sa pag-uwi

Minsan, aaminin ko, sa buhay kong ito, maraming pagkakataon na parang ayokong umuwi -- dahil nalulungkot ako sa paglalakbay patungo doon.

Walang pinipili iyan, dahil noon ko pa nararamdaman iyan, kahit saan man ako umuwi. Noong maliit pa ako, hindi ko gaanong ramdam iyan, dahil siguro sa bata pa ako at kulang pa sa muwang. Pero may konti-konting pakiramdam na rin na ganito. Maliit pa lang ako, papalit-palit na kasi ako ng bahay na tinutuluyan. Bilang unang apo sa mga Cantor, lagi akong kinukuha ng aking lola na nakatira sa Antonio Luna street sa Proj. 4 mula sa apartment compound ng mga Linsangan sa kabilang ibayo ng lugar na iyon, doon sa Bugallon street kung saan nakatira ang nanay at tatay ko mula nang ikasal at magsarili. Parang ang layo na sa akin iyon, kasi sa mumunti kong mga paa -- na kinakarga pa pala -- ay marahil limang libong hakbang iyon mula sa Bugallon hanggang sa A. Luna. Pero nang lumaki na ako, sampung minutong lakaran lang pala iyon mula sa isang bahay patungo sa kabila, at mas maikli pa kung sa mga eskinitang shortcut ka dadaan, na para kang pumasok sa rabbithole ni Alice at wala pang tatlong minuto, andun ka na sa kabilang plaza kung saan may see-saw, swing, at baras na laruan namin noon, katabi ng isang basketball court. Pero dahil hinarangan ng bahay yung eskinita, nawalan kami ng mas maikling daraanan kaya kailangan naming gawin ang tinawag ng nanay ko na "long cut." Kasi nga hindi "short cut." 

Long cut. Minsan, alam mong maikli ang daan papunta sa isang punto hanggang sa isa pa, pero mas pinipili mong magpasikut-sikot o magpaligoy-ligoy muna. Parang kapag galing ka sa libing o burol at sabi nila'y kailangan mong magpagpag muna bago umuwi, kadalasan ay hinahanap ko ang pagpag na iyon kahit wala naman akong pinanggalingang patay -- dahil minsan, pakiramdam ko ay parang may bahagi akong namamatay tuwing uuwi ako. Minsan.

Dahil sa parehong nagtatrabaho ang mga magulang ko noon, pabalik-balik ako sa lola ko hanggang sa ayaw na niya akong paalisin sana doon. Dahil matriyarkal ang bahay niyang iyon at mataray siyang babae, walang makapalag sa kanya, kahit ang panganay niyang tatay ko. Kaya tuwing may bahid na di maganda sa ugali ko noon, sinasabi niyang "spoiled ka kasi ng lola mo." Hindi ko naman naiintindihan pa ang ibig sabihin ng spoiled, kasi sa tingin ko, inaalagaan lang naman ako ng mga tao sa paligid ko. Siyempre, hindi pa hasa ang utak ko sa mas malalimang muni-muni, kaya sa mababaw na paraan ko ito naiintindihan, kung saan malinaw na itim/puti lang ang naghahari (nagrereyna?). Kaya sa naging paglalakbay ko noong bata pa ako, minsan ay di ko gusto ang pag-uwi sa isang bahay o ang pagpunta sa isa pa, lalo na nang nag-aral na ako. Dahil sa nasimulan kong mag-aral sa Quezon City, hindi agad ako pinaalis ng lola ko nang nakabili na sa wakas ng bahay na huhulugan ang mga magulang ko sa Marikina. Parang ang layo pa noon ng Marikina, liblib na lugar, walang masyadong bahay pa, puro lupa, at bakanteng lote na talahib. Ngayon siyempre, iba na ito, dahil baligtad na: puro bahay na, wala nang masyadong bakanteng lote.

Mula nang mamulat ako sa eskuwelahan noong limang taon pa lang ako, namulat din sa akin na puwede kong ituring na may dalawa akong inuuwian: ang bahay ng lola ko mula Lunes hanggang Biyernes o tuwing may pasok, at ang bahay naming pamilya sa Marikina tuwing weekend at bakasyon sa eskuwela. Parang ang saya-saya ko lang lagi tuwing uuwi ako sa Marikina, hindi dahil sa inaakibat ko ito sa presensiya ng mga magulang ko (na alam kong immature ang peg) pero ang ibig sabihin kasi ng pag-uwing iyon, wala na akong pasok sa eskuwelahang madalas ay nabu-bully ako. Kaya precious sa akin ang tuwing uuwi sa Marikina kasi kasa-kasama ko din ang nanay ko at kapatid tuwing Sabado dahil manonood kami ng sine sa Cubao, kahit underage ako para sa sine, kasi maraming kaibigang takilyera ang nanay ko. Minsan kapag Linggo naman, dadalhin kami ng tatay ko kung saanman may bagong restaurant o kainan na gusto nilang tikman. Kaya bata pa lang ako, alam ko na ang maraming fast food tulad ng Shakey's at Cindy's at alam ko na rin ang mga resto tulad ng Aristocrat at Barrio Fiesta. 

Nag-iba ang pakiramdam ng uwiang ito noong haiskul ako. Dahil sa nilalakad ko lang ang bahay namin mula sa nilipatan kong eskuwelahan sa Marikina na, parang pantay na lang ang palagay ko sa pakiramdam ng pag-uwi. Kahit noong nasa kolehiyo ako, hindi ko rin iniinda na ang pag-uwi o kung may pakiramdam ba ito ng saya o lungkot tulad noong elementary ako. Pero hindi rin naman malungkot tuwing pupunta ako sa lola ko, kasi nga paborito akong apo, maraming perks din iyon, at para ko na rin siyang naging pangalawang ina sa mga panahong iyon. Hindi ko lang maalis sa mura kong isipan na ang ibig sabihin ng pag-uwi sa Proj. 4 ay kaakibat ng may pasok kasi sa eskuwelahang di masaya para sa akin na pasukan.

Iba nga sa haiskul. Dumadalaw-dalaw pa rin kami kay lola pero mas madalas kapag may okasyon na lang, tulad ng birthday at lalo na kapag Pasko. Kaya ang alaala ko ng Pasko ay doon nakadikit sa bahay na iyon, sa side ng pamilyang iyon, dahil siguro sa mas maliit siya at intimate kami, di tulad sa Linsangan na napakarami kami at medyo matatanda na ang karamihan sa pinsan kong hindi ko pa nahahabol sa maturity man lang. Masaya naman doon dahil sa andun ang nanay kong mahal ko, pero mas masaya sa Proj. 4 dahil andun ang nanay ko at ang lola kong pangalawa kong ina. Kaya masarap umuwi sa Proj. 4 kung may ganung pakiramdam noon.

Siyempre iba na rin noong na-petition ang lola at lolo ko sa Canada, kung saan naroon na ang 85% ng nakalakihan kong pamilya sa A. Luna. Kaya may panahon ding malungkot nang umuwi sa Proj. 4, kahit dalaw man lang, lalo na nang mamatay na nga si lola at si lolo na rin, sa kalaunan. Pero may ganun nga yatang panahon, na kailangan mong tanggapin na minsan, masakit ang ilang pag-uwi. Pero iba 'yan nang natuto akong mag-solo sa buhay. Dahil sa siguro ay magkaugali kami ng tatay ko, di kami magkasundo madalas sa iisang bubungan habang lumalaki ako. Kaya mas ginugusto ko ang hindi pa umuwi noong pagkatapos ko ng kolehiyo. Siyempre, bilang lumalaking teenager, may kahalo itong pagtuklas sa mundo, na kadalasa'y di tugma sa mga patakaran ng tatay. Sinunod ko naman ang sinabi niya sa akin isang beses na nag-away kami, "habang nakatira ka sa bahay ko, susundin mo ako." Kaya umalis na lang ako, at naghanap ng sarili kong bahay, lalo na noong matapos na akong mag-kolehiyo. Na natagpuan ko naman, paulit-ulit, sa ilan ding apartment na nirentahan ko mula noong umalis ako sa amin. 

Nakakalokang isipin na ang minsan mong bahay-bakasyunang masayang inuuwian noong bata ka pa ay magiging mabigat sa damdaming uwian dahil sa ilang nakatira dito, na nakakasira ng pakiramdam mo sa tinutuluyan mo. Masakit sa aking isiping hindi na nga ako lumaki sa nanay ko habang bata ako, tapos eto at lalayasan ko na naman siya nang lumaki na ako. Parang kolehiyo lang talaga kami nagsama nang tunay at lubos. Kaya nga ngayong mas matanda na ako at mas nauunawaan ko na ang maraming bagay, mas madalas na akong "umuwi" sa kanya, ibig sabihin madalas kaming mag-hang out at magkita sa labas, at ihahatid ko lang siya pauwi, o kaya'y hihinto ako doon minsan para kumain ng luto niya o putaheng nadiskubre niya sa mga karinderya.  

Pero mula nang umalis ako sa bahay naming iyon noong 22 years old ako, hindi na ako bumalik pa at natulog doon. Ni minsan. Ewan ko ba pero may hinahanap na ding kalayaan ang utak at damdamin ko noon na parang hindi ko nakukuha sa bahay naming iyon noong lumaki na ako. At alam kong alam ng nanay ko iyon, kaya hindi sumama ang loob niya sa akin nang gawin ko iyon. Napapagod na rin siguro siyang maging referee naming mag-ama sa madalas na bangayan. 

Lumabas ako sa Marikina para mas mapalapit ako sa mga bagay na pinagkakaabalahan ko sa buhay noon, na pawang nasa Quezon City o karatig-siyudad nito. Nakailang lipat din ako ng apartment, sa sampung taong nilagi ko doon, na noong una ay may kasama ako sa buhay na ka-live-in na partner, na sa paglaon ay naghihiwalay kaya housemate naman na mga kaibigang matalik sa kolehiyo. Na nilayasan ko rin nang muling magka-partner, hanggang sa nagsolo na ako nang naghiwalayan din iyon. Noong mga panahong una kong ginawa ito, kahit minsan ay nahihirapan na ako sa gastusin at naiisip ko nang bumalik sa amin, minsang sinabi ng isang kaibigang matalik na "What price freedom?" Tama naman siya, at alam kong mas tama iyon. Kaya dedma na rin sa isa kong tita, ang pinaka-ate ng nanay ko, nang lagi niyang sinasabi sa akin na "may bahay kayo, bakit hindi ka doon umuuwi?" Naku tita, hindi kasi ako tulad ng mga anak mo, mga pinsan kong mas matanda sa akin, na kahit nag-asawa at anak na, diyan pa rin sa iyo lahat nakatira, at ikaw pa rin ang nagpapakain sa kanila hanggang sa ngayon. Ang kalayaan sa akin ay ang makahanap ng sarili kong pamamaraan para buhayin ang sarili ko, kahit doble-triple kayod minsan ang kailangan dahil sa may binabayaran akong renta sa bahay sa ibabaw ng mga bills na binabayaran nating lahat. 

Kaya siguro mas iba ang dating sa akin ng pag-uwi sa mga apartment noong solo na akong umuuwi doon, walang partner o walang housemate. Kung nagkaka-partner man ako, may sarili kasi siyang inuuwian kaya hati kami sa panahon sa mga tirahan. Pero lagi akong may sariling akin, at kung pupuwede nga lang, dito na lang sila sa akin tumira, dahil sa hindi ko naman kayang makitira minsan sa kung nasaan sila dahil nga sa may iba silang kasama sa bahay na kapamilya o kung anuman. Sa pag-uwi-uwi kong ito sa mga apartment ko, dito ko simulang naramdaman na masarap magkaroon ng sariling kuweba kung saan puwede ka munang magtago mula sa mundo at mag-muni-muni o mag-relaks lang nang walang inaalalang ibang tao. Nakukuha ko rin naman iyon kapag paminsa-minsan ay may partner ako, pero iba kasi kapag may kasama pa kaming iba sa bahay, tulad nang dating may partner ako at yung kaibigan namin ay housemate din namin. Nakukuha ko din naman iyon noong nagsisimula akong magsolo, lalo na noong may housemate ako at yun ang una kong tikim doon, na may sarili na akong mini-kuweba (kuwarto) sa isang bahay na kami lang ng mga kabatak ko ang nagpapaandar, hindi kami nakaasa sa magulang o sinumang mas mataas sa amin. Pantay kami, at kami ang may kontrol. 

Pero di ko alam na tuwing ihahatid pala ako ng mga magulang ko sa mga apartment ko, awang-awa ang tatay ko sa akin kasi nagrerenta lang ako. O kaya ay dahil hindi gaanong kapita-pitagan ang tinitirhan ko sa paningin niya? O ewan ko kung ano pa ang iba niyang dahilan, pero kinuwento ito ng nanay ko sa akin minsan kaya pumayag silang maghanap na lang kami ng mas permanenteng mauuwian ko, na palagay ko ay pagtanggap na rin nila na kailangan kong umuwi sa sarili kong tirahan na hindi sa kanila. At dahil sa napapagod na rin akong magbayad ng renta sa isang tirahang hindi naman sa akin, napagdesisyunan nilang tulungan ako sa paghanap ko ng condo para sa akin. Na natagpuan namin dito sa bayan naming muli, pero sa mas bungad, hindi sa malayuan tulad ng kung nasaan sila. Natutuwa siguro sila na mas malapit na ako sa kanila ngayon, simula nang tumira akong muli sa Marikina noong 34 na ako. Na hanggang ngayong malapit na akong mag-43, narito pa rin ako sa santuwaryo kong tinuturing na ilang barangay lang ang layo sa bahay namin.

Pero aaminin kong noong simula ng pagbalik ko dito, malaki ang kaakibat na lungkot minsan tuwing uuwi ako dito. Marahil nakadikit ito sa mga panahong hindi ko na gustong umuwi dito sa Marikina, sa bahay namin na nilayasan ko, at ang mga lumang pakiramdam na mabigat ay parang bumabalik-balik sa akin kahit na mas matanda na ako. Ano ba naman yun na ang angst ng 22 ay nararamdaman ko pa noong 32-39 na ako? Kahit noong 40. Paiba-iba yan kasi; minsan sobrang tuwa ko kapag uuwi ako dito, pero minsan sobrang lungkot ko tuwing uuwi rin akong mag-isa. May kinalaman ba ito sa pagkakaroon ng partner o wala? Minsan, oo, pero hindi naman yata lagi. Lalo na't noong nagkaroon ako ng mas batang partner na tumira sa akin dito nang halos dalawang taon, nahirapan akong ipagpag ang negatibo sa pag-uwi ko dito noong wala na siya. Kung noon, mas madaling ipagpag ang pakiramdam ng bigat dahil sa apartment lang iyon at puwede mo rin siyang layasan kapag nilayasan mo na ang isang relasyon, dito mahirap ayusin ang chi dahil sa dito na ako nakatira, binabayaran hanggang ngayon, na sa paglaon ay mapapasaakin din. Kaya talagang nakakaloka na para akong sinapian ng feng shui expert na inayos ko ang lugar ng mga gamit ko, eh saan ko pa ito iiikot sa liit ng espasyo kong ito? Na sa huli ay ang ginawa ko, pinalitan ko halos lahat ng kasangkapan ko dito sa bahay, basta lahat ng puwede kong mapalitan: dining table, couch, cabinet, shelf, parang engrandeng sale na hindi, kasi pinamigay ko lang naman lahat yun sa isang tita kong nangangailangan. Maganda rin ang timing ng pera noon dahil kinaya kong palitan ang mga ito. Pero dapat yata ay isinama ko ang kama dito sa pagpapalit na ito, ano? Pero mukha namang wala nang epekto ito, dahil sa nang umaliwalas na ang pakiramdam ko, marahil ay umaliwalas na rin ang kung anuman nanikit na negatibo sa tinutulugan ko.

Napakahabang naratibo nito, tungkol lang sa pag-uwi. Ewan ko ba pero naramdaman ko lang nung isang araw kasi ito, muli, na parang naiisip ko ang pakiramdam ng pag-uwi, mula Cubao lang naman, na naaalala ko kung gaano kalungkot minsan ang pakiramdam ko ng pag-uwi dito, dahil yata sa nag-iisa ako sa buhay. Pero hindi naman "hinahanap" ng sistema ko ang kalungkutang ito; napaisip lang ako na may kalungkutan nga pala dati na nararamdaman ako. Matagal ko na ring hindi nararamdaman ito kasi, mula noong 2011 siguro, matapos kong tuluyang mapagpag ang pakiramdam ng umalis na partner na tumira dito. Minsan, ang pag-uwi ko ay may kaakibat na lungkot pa rin, pero hindi na nakaangkla ito sa mas malalimang hugot di tulad noong mas bata-bata ako. Marahil ay naging komportable na ako sa kung anuman ang dumating na baraha sa akin sa buhay: single, hindi single, go. Hindi ko ikamamatay ang pagiging single pero hindi ko rin pahahabain ang isang relasyon kung ipit ako dito, di tulad ng ginawa ko noong bata-bata pa ako sa mga relasyon. At hindi na doon nakadikit ang kalungkutan ng pag-uwi, lalo na noong naging 40 na ako. Siyempre, sabi ng isa kong matalik na kaibigan dati, malungkot minsan kasi naghahanap tayo ng intimacy, kapalagayang loob, katuwang sa buhay, at lagi niyang pinipilit na, kahit ilang beses pang sumemplang ang mga relasyon ko, may nakatago daw diyan na "da wan" para sa akin/amin. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na hindi naman ako naniniwala doon. Basta kung may dumating, meron. Kung wala, wala. At dapat kampante at handa ako doon -- na oo, noon pa naman ay kampante na at handa. Pero siyempre, paminsan-minsan ay maiisip mong mas masaya kung meron, pero hindi ibig sabihin nito ay malungkot kapag wala. Dapat masaya lang lagi ang peg. May pag-asa, pero huwag umasa. Kaya nga naka-tattoo sa akin yan: hope, and keep busy. Habang buhay, may pag-asa, pero huwag umasa nang umasa; dapat ang kaligayahan mo ay galing sa sarili mong balon. Huwag humukay sa iba.

Life rewrites at 40, sabi ko nga ilang taon na ang nakalipas. Wala na daw sa kalendaryo ito, sabi nila, pero nasa star charts pa rin naman ako, forever. Age of Aquarius na o kung anuman iyon na ineksplika ng kaibigan kong sumisilip sa mga ganitong astrological chart. May kaakibat daw na kalinawan ang maraming bagay kapag narating mo ang isa sa mga tinaguriang "age" na ito. Marahil ay ito nga ang nangyari sa akin. Wala na akong bahid ng lungkot sa pag-uwi na ang pinanggagalingan ay ang kawalan ng pag-ibig o pagkakaroon nito pero palpak naman ang pagtakbo. Marahil nga ay kailangan ko ng partner na mas nakakaintindi ng mga bagay-bagay na ganito, dahil siya rin ay may ganito sa sarili niyang mundo. Iyon ang masarap uwian -- yung tunay na nakakaintindi, na alam niyang kahit wala pa kayo sa iisang bubong, mayabong pa rin ang paglago ng tinanim niyong puno. At masarap uwian ang kasamang may pangarap: na isang araw, uuwi rin kayo sa iisang bubong na pareho niyong ginusto. Kaya kampante ako na there's a girl who really gets it, and gets it good -- and gets it for real.

Kaya hindi simpleng usapin ang tirahan, ang pag-uwi, ang pagtira, o mga kaakibat na bagay dito. Hindi tayo simpleng mga nilalang kasi, kaya kailangan nating maintindihan na iba-iba ang ibig sabihin ng mga bagay-bagay sa mga tao. Ewan ko kung bakit sumagi sa isipan ko ang lahat ng ito noong isang araw na hinahatid ako ng taxi pauwi: na naalala kong dati ay nalulungkot akong umuwi dito sa condo, pero parang ang tagal tagal tagal na nun. Mga 2012 nga pala mula nang maramdaman ko iyon, pero huling beses na nga iyon. Pero mas natuwa nga ako sa isiping hindi ko na nararamdaman ito, na kahit minsan ay malungkot akong uuwi, hindi ako nalulungot nang dahil sa pag-uwi. Magkaiba kasi iyon. 

Where will I take this post home? Nowhere, for now. Naisip ko lang mag-blog muli dito kanina, pagkagising ko, at ilabas itong naratibo ng pag-uwi na sumundot sa isipan ko noong isang gabi nga. Marahil ang nakukuha ko dito ay, hindi lang naman pisikal ang ibig sabihin ng pag-uwi. Metaphysical din siya, madalas philosophical, and sometimes, ethereal. They say that home is where the heart is. I believe that, but also, I think it's better to think that home is where your heart is, enveloped with peace of mind and calmness of soul, because it's not only love that you have to find a home for. So I think I'll just leave it at that, and say -- I'm back.

La luna e mio dio, I used to say upon learning Italian 
in HS (pardon the ungrammatical structure). 
The essence stays the same, year in and year out. 
It truly guides me home, wherever home might be. 
[March 2016 Marikina]


Yes, I'm back.    

14 July 2015

misteryo ng mantsa

Kaninang naghuhugas ako ng pinggan at iba pang gamit pang-kusinang nasa lababo, nahirapan akong alisin ang mantsa sa metal tray ng oven toaster dahil sa nanikit na ito, 'yung sunog na parte ng karneng pinainit ko na dumikit at naiwan doon. Kaya kahit ilang pahid na ng "makabagong" dishwashing liquid ay hindi agad ito naaalis. Nakaka-ilang pasada na rin ako, sabay pasada sa iba pang kailangang hugasan, pero unti-unti lang natatanggal ang nanikit na mantsa. 

Dahil sa ang lalagyan ko ng sponge ay may natirang nanikit na sabong bareta sa gilid niya, naisip kong kayurin ang natitirang "makalumang" panghugas na ito ng pinggan, baka sakaling bumigay ang mantsa. At oo nga, sa mas kaunting pasada, naalis na sa wakas ang ilang beses ko nang pinasadahang mantsa ng tray. Malinis na itong muli.

Sa paghuhugas kanina, hindi ako ako kung wala akong maikokonektang muni-muni sa mga maliliit na bagay na ito, mga bagay na hindi naman talaga maliit kung tutuusin mo. Pero saka na iyon.

Nabuksan kasi kahapon ang isang lumang mantsa na ang akala ko'y natanggal na ng anumang ginamit kong pampasada dito. Naisip ko lang: kung ang mga pinggan ay may dishwashing liquid na puwedeng magtanggal ng mansta nito, ano kaya ang dishwashing liquid ng buhay na puwedeng magtanggal ng mantsa sa iyong pagkatao?

Tao ka pa ba kapag wala ka nang mantsa? Marahil, oo. Pero mas tao ka kung may mga mantsa ka.

Sa isang usapan ng pagkikita ng mga dating kaibigan bukas, nabanggit ng isa sa kanila ang isang mantsa kong akala ko'y matagal ko nang naalis: ang sakit ng betrayal ng isang natatanging kaibigan noong kolehiyo. Kinukumusta daw kasi ako ng kaibigang ito, at nagmungkahi ang kausap ko na isama ito sa kitakits bukas. Na siyempre ay tahasang tinutulan ko. Tinanong ako kung "ready na ba ako" na makita ang ex-friend na ito dati. Sa isang sadyang pagkikita, hindi ito usapin kung ready ako o hindi. Ang dapat na tanong dito ay: gugustuhin ko bang makitang muli ang isang kaibigang tinuring kong kapamilya ko, chosen family 'ika nga namin sa LGBTQ community, na betrayal naman ang sinukli sa akin sa ilang taong pagsasalba ko sa kanya, pagpoprotekta, pagtatanggol kahit siya ang nasa mali, dahil lang sa kapamilya ko siyang tinuring?

Matagal ko nang kinalimutan ito. Sumaya na in leaps ang bounds ang buhay ko matapos ang episode naming iyon. Nagkaroon na ako ng iba pang miyembro sa chosen family ko ngayon. Sa isang dekada halos na di pagkikita at walang komunikasyon, alam kong alam niyang malaki ang mantsang naidulot niya sa buhay ko noon. Na kahit ilang beses kong hugasan, nariyan at nariyan pa rin siya, nagmarka. Kaya over the years, natuto na lang akong isuot ang buhay na may mantsang kaakibat. Ganyan naman talaga kasi ang buhay. Kung giyera ito, battle scars ang tawag diyan. Diyosa lang ang taong walang battle scars sa buhay at mantsa sa pagkatao. Diyosa lang.

Pero dahil hindi tayo diyosa, nakakapag-move on naman tayo. Kahit nakalimutan mo na ang mga kaganapan noon, kahit ibinaon mo na ang sakit na naidulot sa iyo ng negatibong pangyayaring iyon, kahit na pinatawad at pinilit mo nang intindihin kung bakit nila nagawa ang nagawa nila sa iyo, sa paglaon ay may panaka-nakang alaalang sisipa sa iyo para awtomatikong itaas ang pader ng buhay mo para makaiwas sa baka-dumating na muling-delubyo. You learn from things, you carry the lessons, and you don't forget the consequences.  Yes, sometimes past hurts come back like they just happened yesterday. I feel this way whenever I get hurt by someone I truly cared for in my life. Especially people I deemed as my chosen family. 

Kaya no matter how I want to be zen about this and all that jazz, there really are some things that you can't easily meditate out of your system, in a snap. It has been nearly a decade, yes, and it has dissipated. But see, there's still a stain. Stain. Ang pangit pakinggan sa Inggles. "Blemishes" ang definition niya, parang tinaghiyawat ka lang at may naiwang scar na ikinapangit mo. Or maybe ikinaganda kung mahilig ka sa skin decorations and you treat flaws as design. Funny naman ang definition ng "mantsa" sa Tagalog wikipedia: 

"Ang mantsa ay mga duming-dungis sa anumang bagay tulad ng mga damit at tela, na karaniwang mahirap alisin kahit labhan, hugasan o punasan man."

Mas poetic in Filipino, no? Duming-dungis. 

Ang duming-dungis ko ay hindi na madumi, at hindi na rin madungis. Pero may bahid lang na naiwan, katiting. Tanggap ko nang kahit ikula ko pa ito, wala na itong pag-asa. 

Minsan, sa naging trato din sa akin ng tao, mahirap ding maghanap ng pag-asa, lalo na ng pag-asang itatrato ka nila nang mas mainam sa susunod. Matapos kang mantsahan, matapos nilang palipasin ang panahon, hindi ko na inaasahang kikilos sila para magkula. Sadyang ganyan lang talaga yata ang buhay. Sabi nga ng tatay at nanay ko noong iniyakan ko sila sa mga kaganapang ito nang mamantsahan ako noon, "Humanap ka na lang ng ibang kaibigan, anak."

At iyon nga ang nangyari. Hindi ko sinadyang humanap, pero ang kalawakan ang nagbibigay sa akin ng daan para mahanap ko ang mga nilalang na hindi basta-basta magbibigay sa iyo ng mantsa. And yes, to the universe, I am eternally grateful for that faith-in-friendship reboot. 

As for having faith that old friends will resurface and dust off what needs to be dusted off, I'll have none of that. In this life, I've learned that some people in your past would be better off to remain in the past. It's not about having second chances also. Because once you're scarred, then you're scarred. Would you let another scar happen? I guess it's also pretty simple: If I can choose my chosen family, then I can un-choose them, too. Because all this time, the one that I should have chosen -- and should always choose -- is me. 

I choose to live a life free from people who drag me down. 
I choose to live a life free from other people's baggage weighing down on me.
I choose to live a life full of people who also chose me.
I choose to live a life full of people who try to understand my shortcomings and celebrate my strengths.

That's how I choose.

I'm a Taurean so I have this tendency to wallow in things a little bit longer than some. I'd like to believe that I've wallowed enough on this past hurt for years and I'm only emerging from shaking it off my system. Yes, not totally, for there will always be that scar, that stain, 'yung mantsa sa pagkatao, pero hindi naman na ako dapat magpaapekto dito, as much as I can. Pero nakakagulat lang sa akin na parang apektado pa rin ako nang bumulalas ito kahapon. Marahil nga, dahil sa malalim ang pinag-uugatan nito, may mga natitira-tira pang talahib na kailangang tabasin. Lalo na't dahil nga sa pinili ko ang mga taong ito na miyembro ng pamilya kong tinuring.

Well, I'd also like to believe that I'm choosing better, that I've chosen better na, eventually. 

Naalala ko tuloy 'yung opening monologue ni Ewan McGregor sa Trainspotting:


No, I didn't choose heroin naman, mga teh. I chose to be the heroine of my life. O di ba. How about that? #sinopawitty

But I guess, in a way, I did choose a drug, things I got addicted to, in a manner of speaking, which eventually got a hold of me but in some circumstances, I was able to wiggle out my way. 

We all have varying addictions: I chose blind friendships in my twenties. I chose unsupportive relationships in my thirties. But during the late thirties and now I'm in my forties, I'm choosing self-improvement. Always. Some philosopher once said that religion is the opium of the masses. My new addiction is being zen about life. Same same?

*

I know there's also another thing I have to shake off in this new "Life Rewrites at 40: Zen and the Art of Self-Improvement and Self-Maintenance" edition: my tendency to be impatient with lower life forms, or people who have lower tolerance for diversity. I have to learn more how to retreat early when I see it's a losing battle. I should brush up on my Sun Tzu mode, because The Art of War is so much alive in this digital age we call the global village. Dahil gustuhin ko man o hindi, may peste pa ring mga kapitbahay.

And overcoming little hurts from little people whom I chose to be part of my chosen family. Yes, these two I could meditate out of my system. Just give me time. And no, this will not linger on like the lengthy example above. Because this time, there's no stain. I know this for a fact. Because I've finally found the dishwashing liquid of my life.

Meron naman pala. Andiyan siya sa tabi-tabi, katabi ko sa gabi.

Because when the universe conspires, 
the path clears up to your true destination. 
Never lose sight of your genuine way. 
(April 2015 Bencab Museum, Baguio City)

The profoundest of things you find in the most banal of chores. Story of my life. Mindfulness galore. 

And now, I have to choose work.

Later, universe. And thanks.

10 July 2015

all this rain is making me...

Maulang linggo ito. Manaka-nakang pagsilip ng araw ang ganap, pero mas namamayani ang bugso ng ulan. Tatlong magkakasunod na bagyo ba naman ang dumaan at dumalaw sa Pilipinas eh. Kumusta naman di ba. 

Pero maulan man, may araw pa rin. Hindi naman delubyo ang ibinabagsak ng kalawakan sa atin. Minsan, may mga bagong habi na tulay na kailangan nating tawirin. O kaya'y baging na ibinabagsak sa harapan natin, inaakit tayong kumapit para makalundag tayo sa ibang parte ng lupaing puwede pa nating tahakin, at siguro'y sakupin. Iyong lugar ba na hindi ikaw ang sinasakop, kundi ikaw ang inaantabayanan para sumali sa kanilang mundo. Ikaw naman na pilit nagpapaka-ermitanyo sa iyong kuweba ay naaakit lumabas, napapaisip kung panahon na nga bang muli para pulutin ang isang parte ng buhay na tinuldukan mo na. Magandang ideya bang bubuksan mong muli ang librong ibinaba mo na sa pahinang ayaw mo nang mabasa dati? Paano kung may bagong kaalamang mapupulot sa muling pagbukas nito? 

Kay hirap, ano?

*

Na-miss kong magsulat sa Filipino.


Actually, nami-miss kong magsulat sa pen and paper, sa blank pages notebook ko with my .01-02 tech pen. Sige, mamaya.

All these screens in our lives!!! I hate the digital age sometimes. Sometimes lang naman. Wifi I love you.

*

What a year, what a month, what a week. Ang daming nangyayari sa buhay kaya minsan, hindi ka maka-stop and smell the roses ang peg. Pero nakaka-pause for a break ka pa naman para makapagyakapan at makipagdaldalan. Iyan ang maganda kapag ang iyong sinisinta ay naituturing mo ring mabuting kaibigan, confidante na puwedeng humimay ng mga stupid thoughts and profound thoughts mo, over coffee or beer. Minsan kasi, may mga kausap kang masayang kausap over coffee. Minsan may mga keri na kainuman naman. Suwerte at nakatagpo ako ng partner na pareho ang peg. 

Suwerte rin at ang partner ko ay pasensiyosa sa mga inarte at shortcomings ko, dahil siya rin ay may ganun at pasensiyosa din ako sa kanya. Talagang it takes two to tango, and it helps that we're peas in a pod. Never pala talagang nag-work sa akin 'yung opposites attract na peg. O kaya ay mas loud 'yung partner ko kesa sa akin, o ako ang mas loud kesa sa kanya. I think I've tried all of these, at ang pinaka-patok na formula pala ay 'yung pareho lang kayo ng timpla at ng temperament. Ito 'yung tipong if you want to have your solitude moment, gets niya. Gets ko rin ito sa kanya kasi may ganyan din siya. Tapos we can actually be "alone together" if ever there is such a concept. 'Yung tipong tahimik lang ako sa isang tabi at tahimik lang siya sa isang tabi, pero nasa isang espasyo kami. Kung di pa uso ang "alone together" then I guess we're inventing it, right now. And it's working.

Isa kasi 'yan sa mga hesitations niya sa akin when we first hooked up. Since I've lived independently and alone for years now, single man o hindi, she was scared of encroaching in my space and she was afraid of "losing herself" again in a relationship. You know how that is. Sometimes, even if your partner is not the dominant one, you tend to lose yourself in a relationship because you exist solely for it, and then you don't practice your individuality much. I think this is what other couples say as "the we we we" thing na puro we na lang at wala nang "you and I" or something like that. Pero I feel lucky now kasi we have both: we have our "we" moments and we also have the "you and I" moments. Nakakatawa nga kasi in the beginning, we were both afraid of "feeling clingy" and we were trying to self-check whether we were already like that. Nakakatawa kasi pareho kaming naging clingy to a certain extent and then we both backed off and analyzed it, and made it work na lang na hindi na garden variety clingy ang peg kundi our own version of "we time" hehe. Yes, believe me, it works. I don't know how, I still have no clear-cut guideline, but hey, it really works. The "we time" and the "me time" exists in one relationship. Mantakin mo nga naman.

Hay, the things you think about when it's raining. 

I guess mine is just clear: that I am in love with this woman, after 17 months from the first time I really met her, after 14.5 months of being a couple. Ours is not a perfect relationship (for one, pareho kaming poorita kalaw ledesma hahaha but hey we manage), but our bond is genuine -- and we make it work, regardless of several shortcomings. No pretense, no hidden agenda, no secret feelings, just all out and all open. We can even process past hurts together, and talk about possible incoming hurts and dissipate them before they even take shape. Man, kung sa mga dating relasyon, giyera patani na agad ang ganung mga budding possible conflicts, dito hindi. Ganun ang reaction din niya, kung sa mga dating relasyon niya eh away na daw agad ito. Pero sa amin, we talk about issues in an emotional way, but calm pa rin. And what she said stuck to me: na kung ganun namin i-deal ang possible conflicts (in a zen-ish way), then we're definitely gonna grow old together. My sentiments exactly. 

Year One celebration. (April 2015 Baguio)

I guess it pays to wait. She did. She even chose to be single for how many years just to sort things out about her. While me, I decided to just embrace singlehood since I never had any problem with being single naman anyway. Of course the usual loneliness and longing will pass by sometimes. Hindi naman puwedeng hindi dumalaw iyan. Pero manageable naman kasi siya. Up to you if magpapa-bully ka sa longing and loneliness kasi. Or maybe you just have to recalibrate your lenses and look at things differently siguro. 'Yung hindi mapagkuwari type (believe me, madaming ganun) pero 'yung kind na mapayapa ang pagtingin sa buhay at pagtanggap sa kapalaran. I can safely say na narating ko na kasi 'yun, at nakakatuwang malamang narating na rin pala niya.

Kaya eto, we're both boarding a new flight to destination unknown. Because this is the first time we're both having this kind of relationship -- na maluwag, ang zen, masaya, swak kami sa likes and dislikes (with a 5% margin of error),napapag-usapan ang conflicts, nabubura agad ang tampo mode, malambing at mapagmahal, at nagkakaintindihan sa maraming bagay na napapag-usapan -- and best of all, we're traveling light. Admittedly, we still have our own respective emotional baggage with us, na with the help of each other, we're slowly pushing off the counter, one by one. I don't think we will be meaty characters if we didn't have issues and struggles to begin with, but we're also human to know when we need to ask for help or admit defeat. 

Yeah, 17 months, and we can still talk like the way we did when we first met. Our supposed business meeting turned into a 5-hour friendly chikahan over coffee and cigs. Nakakatuwang kausap ang taong marami kang ka-share din sa venn diagram of your life -- peyups, masscomm grad, batang 90s etc. -- at nakakatuwa ring pakinggan ang mga unshaded unshared parts ng respective diagrams ninyo. I mean fotangenah, the fact na alam niya kung ano ang venn diagram says a lot! Hahaha sensya niya at talagang ang lola mo, kung anu-ano kasi ang pinatulan sa past! Kaya minsan, napapahirit nga kami ng ganyan, like: 

Her: Kelangan ko na uminom ng vitamin b complex para mas ganahan ang brain ko, or so I believe. Panacea lang ba ang peg.

Me: Gosh, I love it that I am with someone who uses the term panacea! Hahaha!

'Yan, ganyan, dami naming moments na ganyan, 'yung "I love it that I am with someone who understands/knows _____." Believe me, ang sarap ng feeling ng ganitong level of sharing. Or at least for me. And her. Kaya we know we work. And we know we will work, now and in the future. 

The fact that we both liked Mule pala in the '90s 
was like a huge bonding moment hahaha. 
Mag-jowang manginginom ang peg pare. 
(June 2015 abode)

*

Dami talagang naiisip kapag nakapagkape na ano? Super. Lalo na't bumalik na naman ang aking favorite coffee partner: si choco malt.

*

Tapos nung isang araw, my sister shared this on FB:


Which resonated with me. Because that was how I felt with her, my sweetheart, in the beginning. And hey, look how it paid off naman now.

Kaya another thing I'm mulling over lately is this decision to go back to a life I already left: the academe.

I guess it's not that easy to shake off a heartbreak especially when you're in a long-term relationship. Teaching in my alma mater for 8 years is the longest relationship I've kept in my life. And for them to fuck me over was just foul. I don't want to go into the nitty gritty details here, but the bottomline is this: Sometimes it's braver to just walk away. I've already done my serbisyong publiko enough in that stint, got awards and accolades to boot, but if colleagues are so insecure of me that they prefer to oust me, then so be it. Maybe being there is not really for me. Maybe I have better places to go to, better institutions where I could perform better, institutions that will nurture me instead of lead me to decay. 

This is what I'm talking about up there, actually, ruminating in Filipino. I've been invited to teach in a new college kasi...and I just accepted. Well, working on it. But it's 90% good to go, because they want me and they need me. Sure, another department in my alma mater also made ligaw to me like that. Kaya lang, nadismaya din ako doon in the end kasi they were still trying to play safe at hininto ang panliligaw sa akin nung tingin nila ay madi-displease ang powers that be na hate na hate ang magnanimity ko. Nakaka-disappoint lang siguro na sisiraan ka nila gayong wala ka namang ginagawang harm sa kanila. Minsan, nakakapagod ding lumaban, kahit nasimulan mo na. My dad even told me na by quitting, nagpapatalo ako sa kanila. Siyempre I don't believe that. Because I don't believe I quit; I just moved on, c'est tout. And that's all there is to that.

So yes, this new college, I guess I could say it. Miriam College. Department of Communications called me up, where a friend and colleague I met in the UNESCO Bangkok conference I attended two years ago invited me to teach. Forced actually hahaha kasi nga she knows the peyups narrative at di ko pa feel mag-teach ulit then. Mainit-init at greaseless pa ito nung year na nag-meet kami sa BKK kaya naikuwento ko sa kanila. It pays to network talaga in this life (story of my life) kaya ayan, new opportunities open. 

I just did a teaching demo sa kanila earlier this week and patok na patok naman sa kanila. They're excited to have me, actually, and I feel happy about that. Ang simple lang, pero ang saya. And yeah, I think this will be a good decision for me, sabi nga din ng sweetheart ko. Basta lang daw walang patulan sa mga possible hitad na baka magka-crush sa akin hahaha kaloka at may ganung factor. Love this woman to bits.

*

This past couple of months na nanahimik ako sa social media life are months na binalikan ko ulit ang isa pang old flame: filmmaking. 

Sino'ng butch? Astig si direk mode 
while fellow sapphic prod team member shoots. 
Pink peso at work here, and 
feminist filmmaking to boot. Lavet. 
(May 2015 Mandaluyong) 

My sweetheart engaged me to help their office realize a short film they want to show sa kanilang office anniversary event. So of course I helped. Kakatuwa ring bumalik sa buhay na ito from time to time. At dito ko din napatunayang my sweetheart and I could work together well, at walang pikunan in the middle of stressful situations. And most of all, hindi inuuwi ang pagod at stress sa bahay at naipapagpag namin ito para hindi sumama sa amin. 

Small rakets that count: showing day of the short film. 
I'm happier to help with my filmmaking skills in this manner, 
actually. While I enjoy mainstream efforts, I never really pursue it 
until it pursues me. I'm good with what life offers 
and I'm good with the offers I take on as well. 
(June 2015 EDSA Shangri-la)

Ang saya lang, to be with someone na magaan ang loob katrabaho, tapos jowa mo pa. The hardest part there is 'yung pagpipigil namin to show affection towards each other sa harap ng officemates niya hahaha. Heraf! Eh ma-hug at ma-kiss pa naman kami especially during moments when we need it (to deflect stress and negativities baga).

Pitik mode came back din when I photo-covered the event. 
Will work for food ang peg, basta si sweetheart ang kasama. 
Na-miss ko rin namang hagurin si Nona-cam ko. 
(June 2015 EDSA Shangri-la)

I guess this is why I can say I'm totally zen about this. Because the major parts of my life are working well right now. And working in sync pa. Harmoniously. Sarap lang teh. Sarap lang. Now I can focus on the "smaller" parts I've been neglecting for some time now, mainly fiction writing, or personal creative writing. Na sinisimulan ko na pramis!!! Hahaha baka singilin na naman ako ng aking guardian devangels diyan kasi tagal ko nang pangako ito hahaha. In fact, I set up a wattpad account for it to get me started again. Eto o, read muna previous material while I'm setting up the new ones k.

At ang isa ko ring kabatuhan sa larangang ito ay ang aking sweetheart. Editor ko na, content ka-chikahan ko rin. Hay, oo na, sorry at syrupy na talaga ito. When you speak the truth kasi sometimes, it just...resonates. I guess.

I don't know. I guess I've never been this happy yet in my life, kaya gusto ko lang i-share. Baka kasi may mapulot kayo. At hindi ako nang-iinggit ha. Pramis.

Heniweys hemingway, sige back to work muna akesh at mahaba na ang ruminations na itey. 

Be well, folks.

And be proud. Always. 

12 June 2015

in betweener

Mantakin mo nga naman. Ang tagal ko nang di nag-blog. Kahit bday ko yata walang pahaging na mas malalim except for thanking everyone in my universe hmmm. 

Iba kasing klase umeksena ang buhay lately. 

May konting drama-dramahan pero not the laslas kind. 

May konting echosera-han pero di naman fatale type.

May happy mode ever at happypekpek variation. Ever! Mawawala ba 'yun? Hehehe.

At meron ding busy-busy-han factor. Like now. 

Typing this right after having a meeting for a project and before diving into two other projects. Ako na ang mukhang project. Pino-project ko talagang yumaman lately, obvious ba? Hahaha hindi naman. Tanggap lang kasi ako ng tanggap ng grasya, at tulong ng tulong sa mga may pangangailangan. Ganyan lang naman talaga ang buhay, eh. 

Pero masaya ako. Sobra. Kuntento. Wishing for more on some aspects, but my totality is totally zen. Will share more insights later when I find the time. And I know eventually, I will, naman. Ako pa!

In the meantime, tuloy pa rin ang chikahan sa askfm, ang kulitan sa @leaflens Twitter, at ang mga analysis sa thepoc.net Philippine Online Chronicles Pinoy LGBT channel. At sa iba pa.

O siya, later ulit! 

23 April 2015

the thank you list

In less than ten hours, I'll be passing another earthly milestone in this universe: turning 42. While I'm still freshly near the bigger milestone that is 40, I thought I'd make a quick list of things that I am grateful for, so far, in this surprisingly fantastic life I'm having.

1. Thank goddess I'm still alive.

I've had friends, colleagues, acquaintances and relatives who passed away too soon, in this lifetime. A younger cousin, a UP Baguio writer's workshop co-fellow, and lately a professor colleague who encouraged me not to leave teaching, to name a few. Why one's life journey ends while others continue remains a mystery that doesn't require us to solve. It's just like that, and so be it. 

That's why I'm thanking the universe that I remain alive up to this point. Because there was a time when I wish I weren't. I even wrote a short story about it. Hell, that short story even won me my first Palanca, you know. But those thoughts, thankfully, remain in my literature, and not in my real life. Because there's so much to live for, apparently, and so much to experience, accomplish, and feel. And I'm glad I still have the chance to do all those, now.

What an "interesting" way of reminding you about life 
than writing about death, particularly those 
lost in tragedy. Gives you another way of looking 
at life, loss, and the world between it. 
[November 2014 Yolanda book launch in Ortigas]

2. Thank you courage and kickass-ery.

I don't know where I get it, but I thank the universe that I have some form of courage to do the things I did in my life, to stay in situations when I should have left, and to leave even when others said stay. It takes guts to pick up and leave, and it takes guts to stay put as well. 

Also, there are some instances when you needed more than courage -- you needed to be kickass. So I also thank the universe for developing some kickass-ery in me, this creature who started out as an introvert in her early life. Who would have thought, pare? 'Yan ang lagi kong naiisip kapag napapaisip ako sa mga sinuong kong kung anu-ano sa buhay na ito. Glad I came out of them alive, in one piece, and sane. Not to mention fabulous, but I'm already bragging na. So stop.

Yumu-UN lola mo. Yun na! 
Courage also meant weaving in and out 
of different work industries and sectors in this lifetime,
and enjoying every bit of experience along the way.
[November 2014 At the 
UN Convention Center in Bangkok, Thailand]

3. Thank you, open-mindedness.

What I learned in the last two decades of my life is that no matter how solid you think your beliefs, principles and foundations are, there is always room to wiggle in some stuff that could enhance those beliefs, principles and foundations. And there will always be room to deconstruct some of those pillars without destroying the whole system structure. The key here is having an open mind. And boy, was my mind open or what! From job decisions to personal paradigm shifts, I don't think I could have accumulated the snippets of lessons I have if my mind were not that open to begin with. I'm glad it was. Still is! 

Open-mindedness certainly helped me answer 
the questions in last year's guesting sa show ni Kuya Boy. 
[June 2014 at ABS-CBN studios]

4. Thank you family, relatives and silent supporters

I'm also thankful that my nuclear family is still around and very supportive of all the efforts I've been doing in my life. I am extra lucky that there is no issue about being queer in my nuclear family. My mom, pop and sis get it. Some relatives get it, too. And for those relatives who don't, I'm still thankful that they're there by blood relations only, so don't force me to have friendly relations with you as well, especially if you talk about me behind my back.

And those I don't know but who cheer me on and who are supportive of the things I do, read the art I create, or are genuinely happy for me when they practice being quiet spectators of my life, thanks din sa inyo. 


Isaw date with my mum. Yum! 
[2014 somewhere in Marikina]

5. Thank you friendsheeps of all sorts

What I've learned in this life is that you can't really have a steady stream of friends that will stick with you through thick and thin. That's because they also have their own issues and struggles to mind, so sometimes they have no time, energy or effort left to mind yours. Early in this life, I've had this steady stream but once opportunities came their way, they were too eager to abandon solid trust for anything that they glorified more. Money? Fame? Power? Credentials? I don't know. I guess I invested in the wrong people early in my life, treated some friends as my chosen family, only to be hurt by them, one by one, bit by bit. 

But I think they all serve a purpose, these friends, ex-friends, soon to be friends. People appear in your life when you need to learn a lesson, need your hand to be held, need your head to be challenged, need your soul to be stabled. And if they have done their role, then exit frame na sila. Ganyan lang naman talaga yata ang mga tao sa buhay mo, may panahong kailangan na silang mag-curtain call. And for those who have been sticking for far longer than you thought they originally would, be thankful na lang na they're still there.

So thanks, you guys. Big hug from moi.

Sapphic silverbelles in the Summer capital. 
[April 2015 Baguio City]

6. Thank you, brain.

Sometimes we take it for grated that we have a fully functioning brain that was able to withstand challenges in the academic and emotional fields. Even psychological or mental. Lalo na doon siguro. Kaya buti na lang at biniyayaan ako ng ganitong uri ng utak, na kayang magproseso, tumanggap, mag-isip, mag-muni-muni, at lumikha.    


Art meets advocacy in this anthology of LGBT writings. 
Buy the book! [August 2014 UP CWS]

7. Thank you, pag-ibig.

I guess it was a lucky call to not give up on love once more at the time I did. Or maybe it's called taking another chance. Like I've said in this space, I have no problem naman with being single. But it was really nice that I was able to gamble one last time with this thing called love, to see where a new journey could lead me, hand in hand with someone who will treat me the way I deserve to be treated in this lifetime.

At para sa mga inibig kong di pumatok, salamat na rin dahil walang katapusang materyal ang binibigay niyo sa aking inspirasyon para lumikha. Hihihi. Char! 


Matamis. Minsan strawberry. Minsan love life.  
Madalas ako at siya. Yihiiii!
[April 2015 Baguio city market]

8. To the girl who gets it

Thank you for being The Girl Without An Agenda to being The Girl Who Gets It. Andiyan ka lang pala sa tabi-tabi ng Marikina din. Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko, sabi nga ng kanta. Siyempre charot yan, kasi if you arrived during the time the universe introduced us for the first time, hindi pa hinog ang bungang matamis nating tinatamasa ngayon. Salamat sa unang halik. Unli kiss ang kapalit niyan.

Nakakatawa pero nung isang araw ko pa iniisip 'yung dati kong listahan ng kung ano ba dapat ang minimum requirements ko sa isang partner. Sa listahang ito, may tumataginting namang pumasa dati, pero nawasak din paglaon ang samahang iyon. Ang pinagkaiba siguro ng checklist na iyon noon sa ngayon ay: wala nang masyadong compromise 'yung mga answers ko ngayon. Kumbaga, mas matured na siya, mas learned, mas wise. And most of all, mas peaceful siguro. 

To check those requirements sa isang partner:
-- dapat malambing sya.
-- dapat hindi siya praning
-- dapat out siya
-- dapat koboy siya
-- dapat hindi siya classist matapobre freak kundi patient and tolerant of differences
-- dapat into the arts siya, o naiintindihan niya ang importance ng arts
-- dapat sensitive siya sa needs mo
-- dapat honest siya sa feelings niya sa yo
-- dapat matino at masarap kausap
-- dapat tanggap niya kung ano ka
-- dapat she is a woman of her word. at walang third party. kahit ex-turned-friend pa man niya yun.
-- dapat hindi siya sinungaling
-- at dapat, gagawa siya ng effort para magwork ang relationship niyo.


Ikaw lahat iyan. This time, I have a feeling na mas malaki-laki at mas profitable ang ROI ko sa investment na ito, this time around. Dahil ikaw ikaw. Kaya salamat sa pagiging ikaw. Hashtag three hearts.


My statement shirts never lie. Ever. 
[2014 somewhere in SM City North EDSA]

9. Salamat, Pilipinas.

Ilang beses na kitang inisip iwanan, sa totoo lang. Pero may certain seduction kang kumakapit sa akin. Ilang bansa na rin ang napuntahan ko, at lagi kitang kinukumpara sa kanila, for better or for worse. Pero ngayon ko lang napagtanto na masaya din naman palang nanatili ako rito. Ito 'yung bahagi ng pinasasalamatan kong courage to stay sa itaas. Kasi kahit anong nangyayari sa iyo dati at ngayon, nandito pa rin ako. At salamat na rin naman, kahit minsan ay hindi masaya dito. Ewan ko ba, pero may hindi ako maipaliwanag na bond sa iyo, pero I'm also thankful that that bond exists. Saka ko na lang ide-decipher kung ano iyon. Probably isaw at crispy pata ang main ingredients nun. And beaches. But I speculate.

Yes, it's the pata. Sankapa! 
[2014 at Livestock QC]

10. Salamat, nega.

Sabi nga ng tattoo ni Angelina Jolie, what nourishes me destroys me. Buti na lang at hindi ako ganun. Well, except siguro kung nasosobrahan ako ng pagkain ng crispy pata. Sabi rin naman ng kanta ni Regine Velasquez, you make me stronger by breaking my heart. Doon relate ako. Kasi sa dami ng hurdles na kailangang talunin sa buhay, buti na lang at long-legged ang lola mo kaya kinakaya naman. 

There's always a way of learning from bad things. In fact, it's best to learn from the bad than the good, because you get creative in thinking about strategies and ways of scrutinizing and avoiding the bad. So okay na rin at may quota ng nega na dumating sa buhay na ito. Kasi kung walang nega, hindi mo rin maa-appreciate ang positive. Kaya good vibes just the same. Saka natututo ka rin to manage the nega. Negatrons transform! na lang ang peg -- transform to be a better fighter. 

Suwerte-suwerte lang kapag nakakasapul. 
O kaya may skill na kaakibat. 
Huwag kalimutan ang bow and arrow na lang. 
[2014 at Gandiva Cafe Ortigas]

*

There are more things to be thankful for, at mauubos ang blog na ito kung ililista nating lahat. But for the magic 42, this will do. 

For now.

See you on the other side. 

 Ang life parang photography. Shoot lang ng shoot. 
Develop from the negatives. Take nothing but great memories. 
Etch those images in your mind. 
[May 1999 somewhere in Dumaguete]

26 March 2015

system reboot, properly

Just finished brunch earlier and I'm still resting here in bed. It's a Thursday, a few winks past noon here in my sunny city, and I'm still recovering from some sort of health attack last Monday.

Been down with something and it doesn't feel good. My stomach's upset but I'm glad it's getting back to business with that part. But this also means that I've conditioned my body to minimize its intake, and I'm planning to keep it that way and maintain it for the rest of the summer. In a way, this health crash is sort of a systems reboot of sorts, for my body and perhaps my brain and soul as well. My body hasn't been happy lately, because of inactivity and stillness. That's why we're trying to change that hopefully before the summer sets in, but most probably it's this summer that this will take into full effect.

 Hello Yakult, we meet again. And Buscopan. 
Bananas from my babe.

But my soul is happy with this reboot, yes. Because it was taken cared of by my favorite partner soul of late, the one who has been making me superbly happy with my latest relationship reboot. I like it that she has been so attentive and caring to me whenever I get sick like this. I try hard to reciprocate even if sometimes my nurturing side is somewhere on the, let's say nontraditional style of sorts. Like I can't really cook so well and shiz, but she can. You know, stuff like that. I don't know, but small things like this, like taking care of one's partner when she is sick, is somehow big to me, especially if you've been following this space where I've shared several horror stories about this venture with the past women who shared a life with me, ever so briefly. 

I guess it really is different to be with a girl who gets it, who gets how to take care of a partner with love and care, like genuine love and care, instead of taking care of someone because it's an obligation to meet because you are partners. I don't want to be anybody's obligation and I certainly as hell don't want to be anyone's burden. This is why when we were beginning to share a life together, my sweetheart and I had to readjust to this new cha-cha of care we both have in our lives. 

Kahit simpleng sopas lang na ganito ang ihanda niya, 
malaking bagay na siya para sa akin kapag may sakit ako. 
At least hindi niya ako iniiwanan kapag nakahiga at 
namimilipit ako sa sakit ng tiyan di ba, 
o kaya hindi ako hihiritan ng 
"Tumayo ka diyan, labanan mo!" 
Mga putangina talaga yung mga ex kong 
pangit na hayup ano? Lolz nakakawala ng 
zen mode wait lang.

Like me, for instance, I just tend to keep this sickness thing to myself and I tend not to rely on other people to make me well. It's a dance I've mastered already so imagine the adjustment to this new two-step. But it's not such a huge adjustment after all, because my dance partner leads me well at times. She knows when to skip, hop and jump, and knows when to dip me as well. Yes, I dance with this one quite well. Thank you, universe. 

I once voiced this out to her, that I may not be taking care of her well like she takes care of me from time to time. And of course, she debunked that. She says I do have my own brand of caring and nurturing, and of course it's never a competition so there's no comparisons. I guess I just didn't want her to feel uneven when it's her turn. But I trust what she says. Yes, I guess we all have our own brands of alaga at aruga in us. In all of us. I'm just so elated that I found the compliment of mine. 

One day at a time, beks. This really means now. My mottos in life, huh? Paisa-isang araw at mararating din natin ang paggaling. Eto na nga at naghahanap na ako ng mga usual comfort foods ko, pero uunti-untiin pa rin ang intake. Nakaalalay pa rin ang sweetheart ko sa lagay ko, at dahil doon, napapalagay naman ang kalooban ko. Sarap lang nito. Hay, laking ginhawa. Siya nawa.

Sige subukan ko munang tumipa ulit ng trabaho kahit nakahiga pa rin at nagpapahinga sa kama. Hindi talaga yata uso sa akin ang pahinga, 'yung pahinga na walang ginagawa. Kahit nga nakatunganga ako dito at pinapalipas ang hilab ng tiyan, ang dami ko nang naiisip gawin sa utak ko. Sabagay, ganyan naman talaga ang utak ko lagi. Di na ko nasanay.

Sige mamaya ulit. 

Only my sweetheart hugs me! Echoserang fairy lolz. 
Mamaya mananawagan ulit ako hihi. :) 
#happyhuman #simplejoys