21 January 2008

back from the un-dead + publication news

isa lang ang masasabi ko: mahirap magkasakit.

kakagaling ko lang sa isang linggong pahinga ng utak at katawan. pareho silang nadale. i guess yan ang pa-hapinuyir sa akin ng kalawakan. kelangang mag-detox to pave way for new stuff na malalanghap whether voluntarily or involuntarily...

dami ko tuloy na-miss. anj, hope that videoke went well. bubbles kapatid, hope you had a nice painum sa pinyahan! highschool peeps, hope you had fun at hereford!

anyway, meron pa naman sa 26th. atak tayo mga byanakerz ha. dyke dialogues 3. hope to see you there. same spot G spot hehe. chos.


*


madaming exciting publication news pero saka na lang yun.

hm, on second thought, sige na nga!

BUY THE BOOK! BUY T
HE BOOK! BUY THE BOOK!

did you know that that was the name of the bookstore owned by ellen degeneres' character sa original ELLEN sitcom? yes, the one where she came out. natutuwa ako kasi yun ang name ng store: buy the book. funny.


anyway, yeah, buy this:

it's called SAWI: FUNNY ESSAYS, STORIES AND POEMS ON ALL KINDS OF HEARTBREAK.

it's edited by 3 atene
o-connected people. sobrang ten thousand years ago na ito pero last 2007 lang lumabas. well, such is the life sa literary publishing dito sa pinas.

i contributed one short story here in english, isang produkto pa ng CW classes ko sa MA dati kay mam jing hidalgo.

oh yeah, milflores publishing nga pala ang naglabas nito. di ko akalain na sila ang maglalabas . hapi naman.
i have yet to get my free copies, though, but i've seen the insides already.






okay ito pa:


now this one i like. it's flash fiction kasi e, or sudden fiction as we sometimes call it. in filipino, it's called dagli. actually, sa dami ng contributors, the editor, vince groyon, decided to come out with two volumes, one in english and filipino yung isa. english ang sinumite ko kaya dito ako na-belong, sa VERY SHORT STORIES FOR HARRIED READERS.

the story i have here is the product naman of the online writers' workshop namin dati nina cecilia manguerra bra
inard and a host of other fil-something writers na nakakalat sa buong mundo, like nadine sarreal in singapore, veronica montes in the US and others.

again, milflores ang naglabas nito. hapi!


*

at the end of the year malamang, isa na namang antho ang lalabas, on relationships naman, from anvil this time. yep, naimbita na naman ang lola niyo. abangan niyo yun. creative nonfiction naman ang drama nun. itong dalawa sa taas e fiction yan.

pasakalye ng lalamanin ng anvil antho na yun e lalabas sa phil. daily inquirer near balentayms dey. basta announce ko na lang ulit pag malapit na :) feb10 daw e, special section siya on relationships chever. abangan!


*

inaabangan ko rin yung isa pang chever publication, this time from india naman, sa ating mga kapatid sa tarshi at crea. excited ako dun kasi first time kong ma-publish sa india. yehey! sa asia kasi, sa malaysia at singapore pa lang ata ako na-publish kasi. hm. la lang. :) with photos nga pala ito kaya i'm doubly excited, parang yung publication dati sa australia.

ayuz.

buy the books! buy the books!


*

ay oo nga pala tanga! how could i forget this one!


well, this is not exactly the book cover but i'm guessing the cover will look somewhat a bit like this. it's lunduyan ng sining's lesbian literary folio entitled WHAT THESE HANDS CAN DO. er, ladies, hindi ba dapat fingers? mwehehehehe chos.

i have one short story here na produkto rin ng online writers' workshop namin nina cecilia.happy ito kasi ito, may actual booklaunch chenes. head over to the lunduyan multiply site to know the details. basta kitakits tayo dito ha, feb8 ito. go go go mga byaning! happiness!


buy the book! attend the launch! buy the book! attend the launch!


hmm, the year of the rat is looking good for this bookworm, so far... ayuz. more to come sana. yebah.

buy the book!

No comments:

Post a Comment