Sa Mga Tiga-UP…Happy Centennial!
1. Student number?
---- 90-chenescheneschenes
2. College?
---- 90-92: college of fine arts 92-95: college of masscomm 98-present (mrr!): college of arts and letters
3. Ano ang course mo?
---- BA Film and Audiovisual Communication, and soon MA English Studies major in Creative Writing
4. Nag-shift ka ba o na-kick out?
---- obvious ba? oo naman nag-shift ako
5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
---- oh man. di ko na maalala. sa math building yata
6. Favorite GE subject?
---- all arts and humanities-related GE i like. mga punyetang natsci yan mamatay na nag-imbento niyan (but i loved the physics part tho. physics nut ako e hehe)
7. Favorite PE?
---- tap dancing pare, kaya mo yun?
8. Saan ka nag-aabang ng hot guys/girls sa UP?
---- tila walang hot guys and girls akong pinansin noon. halaman ang drama ko nung college e. ni sexual orientation di pa nga defined e
9. Favorite prof(s)
---- si prof. agustin "hammy" sotto, ang walking encyclopedia of philippine and world cinema. sumalangit nawa...i miss sir hammy... wala siyang katulad grabe, bilang guro, mentor at bilang tao. walang kupas... at saka pala si prof. luna sicat ng PI 100 ko. men hot siya when she was still single hehehe :P at saka si national artist napoleon abueva pala. cool siya kasi sa class niya (materials 1) ako natauhan na ang visual art na gusto kong pagtuunan ng pansin ay 3D /sculpture chenes baga. laos ako sa 2D e
10. Pinaka-ayaw na GE subject.
---- mga natsci lalo na yung punyeterang sts na yun leche
11. Kumuha ka ba ng Saturday classes?
---- hindi ko maalala. hindi yata
12. Nakapag-field trip ka ba?
---- oo yung PE 1 class ko nag-trekking kami sa mount famy sa laguna. tapos nagswim sa waterfalls dun.
13. Naging CS ka na ba or
---- yeah. may geek mode ako e, but not all the time
14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
---- wala. mas masaya noon na walang org kasi patay lang ang mga film orgs nung panahon ko kaya sa huge barkada namin sila sumasama hehehe. although i tried out for the UP Rifle Pistol Team and got in, pero turn off ako sa militar mode nila kaya umalis ako. saka dun sana sa UP Astronomical Society (yes i am a geek like that) kaya lang strict ang tatay ko at di ako pinalalabas past 10pm. goodbye stargazing. although weird kasi lagi akong napapagkamalan na member ng APO. weird.
15. Dorm, Boarding house, o Bahay?
---- bahay pare. taga-mkna lang kami kaya 40min away from katips
16. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun? (Given ang mentality mo nung HS ka)
---- fine arts pa rin kasi yun talaga type ko e, advertising. kaya lang nung panahon ko, parang nalugaw utak ko sa FA kasi di balanced ang analytical chenes doon, puro artsy chenes
17. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
---- yung taga-samasa na cute girl na parang head ng block namin chenes
18. First play na napanood mo sa UP?
---- di ko maalala...dami ko napanood e. hm siguro yung starring si adriana agcaoili na ang plot ay pipnagsususpetsahan siyang aswang sa isang barrio. i fell in love with her there sa galing nya.
19. Saan ka madalas mag-lunch?
---- sa casaa (porkchop rules) at saka sa beach house (bbq rules)
20. Masaya ba sa UP?
---- nung nag-masscom na ako, oo. di ko masyadong enjoy ang fine arts days ko, except sometimes lang
21 . Nakasama ka na ba sa rally?
---- yes during the US bases kickout chenes rally
22. Ilang beses ka bumoto sa Student Council
---- kapag meron sige boto
23. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
---- hindi naman ako ganun ka-geek. basta kung umabot e di abot but i won't bend over backwards to get it, unlike some of my students hahahaahaha aminin!!!!!!!
24. Kung di ka UP, anong school ka?
--- malamang UST kasi nakapasa rin ako doon sa fine arts e.
---------
ay, bakit walang pinaka-ayaw na prof na tanong? hahaah kasi too many to mention ang sagot!
No comments:
Post a Comment