pero kinakausap rin ako ng stars, sa aking readings this past 3 days.
sabi nung sunday:
Taurus (Apr 20 - May 20)
The New Moon today falls in your 4th House of Roots, reminding you to deepen your soul connection with your home, family and yourself. Although this can play out in a variety of ways, you will likely be thinking about your past as your attention turns inward. But this doesn't indicate a total withdrawal from social activities. Instead, strive to connect your private inner life with your public outer circumstances.
tama siya. dapat konekment ever ang private sa public..pero di rin dapat masyado. dapat selected lang din.
sabi naman kahapon:
Taurus (Apr 20 - May 20)
The Moon in Taurus-friendly Virgo could be creating an emotional renewal for you, yet there is also another influence bubbling up from deep within your soul today. You may be at odds with yourself as your most sensible ideas give rise to corresponding uncertainties. Above all, stay in touch with your indecision, even if it makes you uneasy.
eto ngayon lang:
Taurus (Apr 20 - May 20)
An authority figure may now be the source of confusion, which can make you unsure how to respond. The uncertainty likely stems from a simple misunderstanding rather than a real difference of opinion. It might be frustrating if you try to clarify the issues, for the more that is said now, the less you know. Instead of attempting to find the truth, let things sit for a day or two.
hm. food for thought ito. magandang abiso ng kalawakan... kaya dapat pakinggan. oks. check yan.
*
i am liking my scriptwriting class this sem. unlike last sem na namakyaw ako ng yema dahil sa hindi sila nagsasalita, dito sa klaseng ito ngayon ay puro salita naman at nauubusan ako ng oras. pero mas maganda na yung ganun kesa sa nakatanghod lang sila sa akin. i really hate that. we actually hate that, all of us who teach. kasi walang feedback e. teaching is kinda like stand-up comedy, na after the punchline e receive mo agad ang applause o boo. dito sa pagtuturo, after the lesson, dapat i-check kung nagets nila o kunwari lang nagets. dalawa lang naman yan e. pero tuwa ako sa klase now kasi nga at least they speak! and feedback agad, kahit minsan nahihiya. pero constant pa rin ang hiya sa workshops. minsan may mga pikon. may sensitibo. pero mas maraming ayaw mag-criticize. either takot maka-offend o sobrang bait lang. or both. sana mas decisive pa ang mga bata ngayon. but at least marami pa ring patungo sa direksiyong ito.
*
hm magre-react na ko sa dami ng holidays this month ha. pero at least tinatamaan ang mga di dapat tamaan sa akin if ever. like aug 20 and 27, both mondays, walang pasok officially. sa thursday afternoon naman, acle-time sa peyups kaya tinamaan ang isa kong klase. last week naman binagyo. hm. sabagay happiness naman ako sa mga ganitong holiday mode. for more...! chos.
maganda lang sa weather lately kasi nakaka-inspire magsulat creatively. may nanganak na namang bagong kuwento sa utak ko kaya eto't pahapyaw ko silang sinulat para di makalimutan. sana more days to come pa na ganito -- not too hot pero hindi rin rainy. at lamig-baguio ang feel. sarap! kape na lang kulang sa tabi ng bangin at cafe by the ruins na ang drama natin. chos.
*
speaking of kape, sarap ng cordillera coffee concoctions last friday sa FRIDAY FILM BAR sa bernal gallery. endless refill of hot or iced coffee ang hinain nila sa mga manonood. meron ding native iced tea na endless refill din. kakaiba siya ng lasa at masarap, although sabi ng aming cinema programmer na si nonoy na mas masarap kung hot tea siya. puwede rin.
saya din ng musical number ni kuya sammy of pinikpikan. kakatuwa rin yung drum playing ni budeths, also of pinik. ganun pala ang debakan, skin drum pero puwedeng hampasin ng sticks. now that's my kind of thang! may ganun nga daw sabi ni teta. puwede kong i-explore, dahil talagang naghahanap ng stix ang kamay ko kapag hahampas ako ng percs. pero skin drums with stix? yun ang...pag-iisipan. hm...
this coming friday mas masaya kasi the whole pinikpikan will be there na. enjoy ito ati! dami na kasing nakaka-miss sa kanila ever since hindi na sila monthly lumalabas sa 70s bistro, kaya kahit saan e dinadayo ng pinikheads.
sobrang retro mode lang din last friday. kasi dumating as special guest si direk jomari avellana, son of the late national artist for film lamberto avellana. kasama ko siya sa premiere productions dati dahil friend siya ng boss ko at siya ang scriptwriter ng film project kung saang team ako involved, ang ANAK NG BULKAN remake.ang saya, mega-flashback ako! hay...katuwa lang yung family na yun kasi yung mom niya, si ms daisy, ay philippine theater maven at na-interview ko before when i was doing a piece on phil. theater for mabuhay magazine. na nagkataong anak din niya yung photographer ng magazine that time, si bats. super small na talaga ng world ano? as in.
*
some feedback.
thanks for the comment tabel. ganyan talaga ang buhay manunulat, dapat sulat lang ng sulat, para di kalawangin. so go lang din dapat kayo ng go, oks? ayuz.
o sya fly muna ko.
No comments:
Post a Comment