haaaaay... fine.Taurus Horoscopes
(Apr 20 - May 20)
Wednesday, Jun 4th, 2008 -- Slowing down to do something right is often your greatest strength. While others rush ahead, you are building the foundation that can sustain your growth. Now, however, you are tempted to surge forward in a burst of enthusiasm. Containing your excitement may be challenging, yet it is currently the wisest course of action.

as a child of three-four told me:
her: ay, bakit ang itim ng ganito niyo? (pointing at her eyebags)
me: eh...ewan ko. (thought balloon: sino ba itong batang ito?)
her: grabe, ang itim!
me: oo nga e! (thought balloon: sino ba 'tong mahaderang batang ito't parang matanda kung mag-bibo?)
later, i found out that kid was my granddaughter. lola na ko! anak siya ng pamangkin ko na anak ng pinsan ko. at dalawa na pala sila. wow, time flies when you're growing...old? ngyar.
*
been thinking about care and the lack of it lately. lately, i've also come to realize that in this country, there seems to be a lack of caring culture, especially of late. ewan ko kung bakit. yun bang igu-groom mo or you take care of them because you generally want to help and all, pero in the end, the hand that fed them will be the hand that they bite and spit out -- and blame you for their actions! kaloka.

like in work. i know i care about the thing i do when i care about what happens to the company or institution where i work. no matter if the people are mostly devil incarnates, i try to stick it out because i believe in the institution and believe that it could do something important. that's what happened to my first full-time job. i devoted my life already to that company yet, corporate as it was, it didn't care back the way i/we thought it would. but we learn something everyday, and that time, i learned that one should put corporate living suspect, because by its very nature, it doesn't nurture.
that happened to me several times more, but in different circumstances. so i just took it as challenges that i have to hurdle, obstacles i had to overcome in order for me to reach my career climax. i guess i could say i'm getting there, but it's still a long way up. uphill battle is what it is.
same is true with this current engagement. no matter how much you care for an institution, there will be people who don't care who will look at how you run things and wait for you to fall or make mistakes. lucky for me i have two great goddesses on my side/at my back who look out for me and give me guidance when i thought i was already lost and on my own. i see that they care, because they genuinely care about the people they work with and the service we are giving/doing.
nariyan na sasabihin ng iba na nagpapasok ako ng tao sa trabaho dahil kaibigan ko (wow thank you, ang dami ko palang kaibigan!). nariyan na sasabihing ako ang dahilan ng kanilang pagkaalis sa trabaho (there is such a thing as being "self-reflexive" you know. yun yung self-check baga) kaya they will damn me to hell, them and their minions, too. it's just a good thing that their minions are outnumbered by people who care more about the institution we are in who are not blinded by the supposed glitz and glamor they are being shown by the uncaring people. someone even said it was being divisive and elitist, sa circles nila. and i always appreciate that kind of honest feedback.
siguro may isa silang di naiisip, itong mga kritiko ko sa trabaho. sana makita nila na ma paglilinis ng bahay na ginagawa hindi lang ako kundi ng mga taong tinuturing na mahalaga at makabuluhan ang ginagawa namin sa pang-araw-araw naming gawain. na hindi ito glitz at glamour, or it's not about having a beautiful office, or it's not about paghaharang ng contacts and all, or it's not about gaining points to gain a better position. no, it's not about that. it's about the work, it's about the institution, and it's about the love of the art. yun yung caring. yun ang care. ngayon, kung sino mang hudas ang magwawalanghiya sa institusyon at sa mga tao doon, siyempre inaayos yan agad. dagliang gagawan ito ng paraan, remedyo at lunas, kung maaari. minsan, sasabihin ng karamihan na di kami nakikinig sa kanila. kung di namin ginagawa iyon, bakit kaya wala na riyan ang mga taong una nilang nakagisnan? yan ang tinatawag na paglilinis ng bahay. minsan, kahit ang nakakalat sa bahay mo ay tipak ng kristal o sa tingin nila'y piraso ng ginto, kahit ano pa man yan, kalat pa rin siya. kalat. na nakakadumi, na nakakasugat ng paa pag natapakan, na nakakaabala ng karamihan. abala. kaya kelangang alisin, walisin, tanggalin. iyan ang hindi nila naiintindihang madalas.
tama. ako ang dakilang taga-walis. akala lang nila minsan, ako lang ang nagdedesisyong magwalis. pero kadalasan diyan, dalawa ang kasama ko sa pag-aanalisa kung ano ang dapat walisin o hindi. kaya tatlo ay para may majority rule. minsan, wagi ako. minsan, laos ako. pero yun ang ganda ng demokrasya -- majority wins.
kaya siguro ako napapagod lately ng madalas. pati utak ko, pagod, hindi lang pisikal. kaya siguro nahihirapan akong matulog. sobra. kahit iniba ko na ang blocking ng pd sa set ko, wala pa ring tulog na dumarating. mahirap...
para sa mga nanonood lang sa tabi, akala nila ganoon kadali ang magwalis. mahirap siya. sobra. ako ang napagbubuntunan ng sama ng loob, ng chismis, ng pagyuyurak, ng kritisimo. pero salamat na lang sa training at pinanggalingan ko, nahulma ako sa paggawa ng armor na kayang harangan ang mga ito. paminsan-minsan lang may lumulusot na pana sa achilles heel kaya natatabig ng konti, pero di pa rin natitibag o matitibag. isang salita lang yan: KEBER!
meron.
mahirap magtantiya. mahirap tumantiya. kaya tama pa rin ang mantra. one day at a time. one hour at a time. one fault at a time. one moment at a time.
ganyan na lang.
*
a basta. ako masaya. ako mainam. kung di ka agree, wala akong magagawa. puwede rin namang di ako agree sa iyo. kanya-kanya na lang chever if ever.
if ever...
The Culture of Caring starts from Within!
ReplyDeleteWhat we give out comes back
to us a thousandfold
3:00PM -- Monday August 10, 2009
Bulwagang Juan Luna. UP College.Baguio
Interested?Ring up? 445 5935
Admission is free