sing with me now... for dancing, romancing hooooo...
hehe. chaks. wala lang, just read an email kasi from the masscom dean saying there's a retro dance fundraiser at the makati polo club ba yun? wherever. something posh like that. well, gudlak sa kanila. if the tickets cost half a week's wages, you know where you'll find most of us... home, and away from that event. sa baba ng sweldo ng mga tao, ine-expect pa ba nilang dadalo kami sa shindig na yan? we'd rather go out and drink with bosom buddies, sa totoo lang. or like us sa film insti, we'll go watch movies at the malls na lang. mas masaya pa. yun ay kung di umuulan. kung ganun, there's always the reliable dvd fare at home.
pero ako, writing mode muna now. this, after spending some time sa pagpapakadalubhasa sa aking tesis. hay. break din itong mga rediscovered arcade/puzzle games ko. like my gf introduced me to this new game called tumblebugs, na parang zuma. if you know what i'm talking about, maghanda ka na. mas nakakaadik ang tumblebugs. mas 3d siya kesa kay zuma, pero pareho silang fun. mas maganda nga lang ang sound and music design ng zuma. syempre nothing beats the latino sounds e. hehe. ayuz. tapos ngayon, kaka-chorva ko lang ng diner dash 2. naadik ako sa 1 before, kasi gusto ko yung ganitong games, yung hindi typical tapos may ginagawa talaga tapos may storya, much like that crazy betty's beer bar. hay naku sa isis pa lang ako, adik na kaming mics dept (media infocomm dept) sa mga games na itich. so forever download at laro pag wala si bossing hahahahah. man i miss those days, da original mics gang talaga (me, lenski, indi, irene), including the other peeps na naroon din paminsan-minsan (earnest, mari, malen and necta). ang saya ng mga sistehood days na iyon ano...pero like any other good thing, it must come to an end.
and so here we are.
o sya, pagpatuoy ko na ang chichiryahan. nasa mood ako e. ayan o dikta ng langit na natutungyahan ko ngayon dito sa ikalawang palapag ng aking tirahan. mag-review daw ako hehe. okei! go!
sige ito na ulit...san na ba tayo? ah...
LIGAW LIHAM
D. Emilio "Jay" Abello
Pitch: one time in the '60s or '70s in a semi-rural negros town, the post office suddenly stops operating, disrupting lives and loves
Catch: hm...tapyas pa konti, better for a short film
the premise is such a novel one, at based daw ito sa true event na indeed, in the life before email and the internet, snail mail was the main mode of connection of people and their lives. kaya importante ito, at event ang makatanggap ng sulat sa koreo. sad ako sa mga tao ngayon dahil hindi na nila nafi-feel ang excitement na ito, na siguro e napalitan na ng excitement ng email...pero hindi rin. mas kikiligin ka kung makakatanggap ka ng sulat na nahahawakan at puwedeng basahin paulit-ulit sa kung saan manmo siya dala. at ipapakita pa sa ibang tao. tapos yung excitement na magpapadala ka ng sulat and all. kaya romantic mode ang correspondence e. just look at all those old films featuring letter-writing in special paper or parchment, complete with seals-seals na personal na may wax at personalized pangtatak na bakal, before the rubber stamp mode na sobra namang chaka ever. hay... nice di ba? lalo na sa akin, na lumaksi somewhat sa loob ng post office ng maynila at later on ng araneta center, dahil sa ang nanay ko ay loyalty awardee na empleyado ng phil. post office mula noong buntis pa siya sa kapatid kong bata hanggang sa magretiro siya. nakakatuwang magpatakbu-takbo sa mga mailbags, nakikiusyoso sa mga parcel people, at nakikitingin sa mga ale na tulad ng nanay ko ay nagbebenta ng stamps, na later ay naging high tech kasi registered mail na chenes and all that jazz...
ay, teka dami ko na nasabi. review nga pala ito. wala e, pangit ng film. dapat short film lang ito, napahaba. bad everything -- acting, blocking, directing, editing and script. and producing? well, bigay na lang natin kay aktor-prodyuser karyll ang a for ayfort. pero mas maganda pa rin ang nanay zsazsa padilla niya kesa sa kanya. but that's another blog entry.
bawi. maganda lighting at lugar. yun lang. sayang. inaantok yata si direk peque gallaga nang nag-creative consulting ang mga to sa kanya. huwah.
SINUNGALING NA BUWAN
d. ed lejano
Pitch: intersecting stories (yet again!) of different characters -- a tv weather girl na mistress ng isang businessman, a businessman na nagpalit ng mistress at hinahabol ng asawa, ang babaeng PA sa tv station ng weather girl na pinagpalit ang jowang aktor sa businessman at naging kabit, ang aktor na ko-actor ng isang aktor na pinagpalit ang gay lover sa woman play producer, ang gay lover na sawi at laging nakikinig ng '80s tagalog pop love songs.
Catch: ang gulo.
may scene breaks, mga sentences sa isang blue sky na may umaandar na ulap, na kung iisipin ay parang title cards sa isang silent film. kaya lang, mas preachy pa ang title cards na ito kesa sa visuals. pero minsan, ang visuals din ay... parang nahirapan silang itahi ang script. actually, the script feels like it is a first draft thing. i actually love the premise of some of the characters, lalo na yung nabubuang na na gay guy at weather girl (na naging friends under contrived circumstances) nung hiwalayan sila ng respective jowas nila. ito ang top two stories dito e, tapos puwede ring idagdag yung ek ng PA at nung theater actor. pero other than that, everything else should be trimmed. but like previous long and winding entries, this one just refused to fall out of love with the material and the visuals. sayang. mas na-focus sana siya.
the premise was also nice, kaya lang nga pilit at spoonfeeding din ang labas. na of course, it's about how the image of the moon as romantic fools us into thinking that love lasts forever, or at least longer than we expect it to. but no, liar nga ang moon, and so are our lovers... sayang. ang ganda sana ng premise, nawalan lang ng focus.
pero better naman ito sa SEROKS pare. yung cinema one entry niya dati. ed's my co-teacher sa film institute, and whenever he'll have film screenings, he'll tell us "be gentle!" o eto na ed, gentle na to ha. hehehe. seriously, man, sayang talaga. this could be improved. malaki potential e. hm.
GULONG
D. sockie fernandez
Pitch: a summer in the lives of two grade 5 boys somewhere in the philippines, sometime in the philippines...
Catch: gary v = god mode
and so it shall be. kapag na-cast si gary v sa isang film, hindi na nalalayo ang good values and right conduct and sound morals diyan...at ayan na nga silang lahat, tuhog-tuhog na nakadikit sa buhay ng mga naglalayag na magpinsang grade 5 dito. minsan nasasakal sila nito. minsan ginagamit nila pang-jumprope. minsan ginagawang panungkit. pero mas madalas, ginagawang baging palabas sa kumunoy ng kasalanan.
o ha!
bakit ko ba inuulit-ulit ang grade 5? kasi from the way it was written by the kind old lady who spoke at the screening, it sounded like the kids were already in 3rd year high school. and that makes four years of difference, big gap difference to boot, ha. iba ang lengguwahe ng grade school sa high school, kahit naturingan pang mga child genius o prodigy sila (na sa film na ito, hindi naman. mabait lang talaga sila ng sobra). yan minsan ang trapping sa pagsusulat tungkol sa mga bata. nau-underestimate natin sila madalas. o kaya mali lang talaga ang characterization. like that pinsan na sub-lead, he keeps on dreaming about these "chikas sa fishpond na bakat na bakat ang basang damit pag-ahon!" iw as like eeeeeeeewwwwwwwww! batang manyak ba ito!!!!!!!!!!!!!! hindi siya kyut!!!!!!! mali mali mali ang characterization. homaygad. tuwing gagawin niya ito -- at pinapanaginipan pa niya! -- e parang gusto kong himatayin. jusme, e napaka-HIRAYAMANAWARI pa naman ng approach nila sa materyal (as in, teach good values to children everywhere mode) tapos may manyak mode siya!!!! wah!!!
ang saving grace lang ng film ay yung fact na it was shot like a tv commercial -- pulido sa shots, sa framing, sa pacing, sa timpla ng kulay, sa pagka-masinop sa production design -- men puwede nang ilatag sa kliyente ito! that's because the director has been a long-time adperson. that paid off well. now only if she could do something about the story... hay...
saka lutang ang kuwento to begin with. obvious na detached sa living realities ng pilipino ang mga nagsulat. like there was this one obstacle (na soooo obvious naman para mapahaba ang act2 hay) na nilagay dun para mabasawan ang perang iniipon ng kids to buy a neighbor's bicycle. may meralco dude na naniningil dahil ididiskonekta na sila at may overdue bill na unpaid. bilis bilis bilis tanong mo kung magkano yung overdue ng kuryente bilis bilis bilis. tantananaaaaan -- tumataginting na 97 pesos!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! poonyetah! baka water bill yan at hindi meralco, sasabihin niyo. but no. may cameo ng isang meralco guy complete with white and orange uniform ati. at nalurkey akeshhhhhhhh sa baba ng kuryente nilaaaaa! saang lugar ba yan sa pinas at dyan na ko titira ever, sa mura ng kuryenteeeee! a lesson in public utilities: ang usual water bill ay hindi bababa sa 25 pesos (kung hindi ka naglalaba at hindi ka madalas maligo) at aabot lang sa 500 pesos usually kada buwan if your household houses a family of more than 5 members with school-age children at naglalaba ang nanay ng mga damit sa bahay at nagluluto at hindi nagte-take-out at si papa o fafa ay mahilig mag-carwash sa garahe. intiendes? at ang kuryente, kung hindi ka mahilig magbukas n ilaw at manood ng tv at bintilador lang ang appliance mong sosyal e hindi bababa yan ng 300 sa dami ng punyetang tax at anupamang chenes ang nakalista sa electric bill natin ngayon. intiendes?
hay. **puso koh**
kalurkey. nabaliw ako dun.
hay. ms sockie, gawa ka na lang ulit ng short film. mas maganda atak mo sa shortie e. or find new material na mas grounded.
kalurkey ever.
TRIBU
d. jim libiran
Pitch: life of real-life gangsters in tondo portraying their lives, loves and death threats to the tune of improv slam-like freestyle old school rapping. yea boi!
catch: ano bang cam ang ginamit? sana mas maganda ang resolution. hey, even CITY OF GOD appeared real in its glossiness of rio de janeiro slums...
other that that, i like it! as in! biased lang ba ko dahil loves ko ang rap? hindi hiphop ha, kundi good ol' fashioned old school rap, at slam freestyle pa. i loves dem tondo gangstas. hanef. alam naman nating may gangsta lyf na sa tondo at sa slum areas ng pinas noon pa, pero this one is relatively new because of the rap angle...unless you've seen my student she andes' interesting short docu film called ESTROPA naginawa niya mga more than 3 sems ago na, na pinalabas sa abc-5 show na DOKYU kung saan producer si jim libiran... things that make me go hm... kasi it's the same thrust.
pero dahil sa hindi ko alam ang tunay na history ng ek nila (unless they care to explain it), dededmahin ko na lang ang chenes na yun. okay lang itong film kasi wala siyang masyadong mataas na expectation na sine-set-up o binibigay o pinapangako sa viewers. simple lang siya. tondo plus gangs plus bad neighborhood equals drama, sex, fun, violence and death. all preconceived notions and predetermined fates. all we have to do is see how it unfolds this time. and it did unfold the way we were expecting it to -- without pretensions, without hesitations, and with an uncanny sense of an insider guiding us all throughout its unfolding. kaya bet ko siya. hindi siya highbrow, hindi siya lowbrow. basta ayan lang siya sa gitna bro, hindi rin in your face pero hindi rin takot na nakadistansiya. kumbaga sa timpla, tamang tama lang. mainstream ba siya? hindi. hindi glossy e, kahit predictable ang plot. indie ba siya? oo, kasi neorealist ang casting, meaning non-actors, at saka maganda ang sandwich na ginawa niya sa narration ng bata sa umpisa at huli. nag-iiwan ng mark. yan ang sinasabing make or break ang ending. make siya, men. make na make. ayuz.
this is a film na pang-international. it's a peek into the dirty side of manila and its people, a premise long often loved by westerners who want to take a look at the exotic locales and people of places that have been previously colonized by their forefathers. achieve! padala na to sa cannes. postcolonial reality at its simplest. but as for local viewing, unique lang yung rapping chenes. at hindi mo na ulit panonoorin. yung ganun ba. pero okay lang. at least naaliw ka ng isang oras mahigit, tapos kain ka na ng isaw sa labas...
word up.
---------------
o ayan na. sa susunod na ang shorts. and back to regular programming na tayo after that. ayuz.
laro muna ulit heehee...
sarap ng walang pasok! yebah!
No comments:
Post a Comment