04 February 2007

realize, execute and other verbs that need to be in action, maintenant

NOW IS THE TIME ika nga ng isang album ni...ewan, nalimutan ko na kung sino'ng pop star ang may album na ganito (yea, sometimes my mind is just full of junk trivia na di ko alam bakit napunta doon at di ko alam kung paano itaktak palabas, like alam niyo ba ang ibig sabihin ng tv show acronym na T.O.D.A.S.???). wala lang. now is the time to execute a few things based on certain realizations.

salamat sa sagot sa mediocrity blah survey. i've gotten over my mediocrity blues after talking to a film director lately who also works sometimes sa tv. sabi nga niya, to wit "television breeds a culture of mediocrity, e. you don't have the time to pour out your mind and soul when the pressure of the deadline is there. minsan, basta lang ma-stage yung eksena, gagawin mo para tapos na, hindi na masyadong pinag-iisipan."

amen to that, brotha! 

parang yung sabi ng isa ko pang friend. kapag nagtatrabaho talaga sa tv, hindi daw ako dapat nagbibigay ng todo-todo, hindi tulad sa pelikula. mas may buhos sa pelikula. dapat daw i leave something for myself and not give it my all when it comes to working in tv.

amen to that, sistah!

kaya okay na ko. :)

*

may mga naiwan akong bagay na ngayon ko lang pini-pick up ulit, at nagpapasalamat ako sa mga diyosa sa patuloy na paggabay dahil sa masaya itong pag-pick up lately. i'm glad.

*

minsan iniisip ko kung ano ang mga deal breakers sa akin when it comes to professional and personal relationships. naalala ko lang itong term kasi ewan ko kung bakit pero may resurgence of a one-time favorite show lately, yung SEX AND THE CITY. nakakatawa lang kasi when i caught an ep sa channel9, practically walang natira sa dialogue ni samantha when she said "oh shit motherfucker i have a something something..." hehe. puro delete. and then there was this dude in masscomm who made a content analysis of the first two seasons with dangerous conclusions... i really hope he sees the rest of the show para naman mas malawak yung conclusions niya next time. at sana di siya naasar sa comment ko. pikon talo, remember...

 siguro eto ang mga sitwasyon o bagay na deal-breaker sa akin:

1. BEING LIED TO, TO MY FACE, AND TELLING A LIE TO MAKE ME SINK. sukdulan na nga na magsinungaling ang isang tao, pero mas sukdulan kung sinasabi niya ito sa harap mo at obvious na siya. that's just the pits.  

2. BEING LIED TO, AND BEING BACKSTABBED AT THE SAME TIME. self-explanatory.

iisip pa ko ng idadagdag.

pero kung mag-iisip ako ng deal breakers, siyempre kasama na rin doon ang mga klase ng tao na gumawa ng deal na yun. siguro mas maganda at madaling ilista iyon. here's mine:

1.  liars

2.  backstabbers

3.  oportunistas

4.  user-friendly people (they befriend you to use you)

5.  arrogant pa-self-important bastards

6.  matalinong tamad

7.  bobong mayabang

8.  mga taong super-galing humingi ng favor pero super-malilimutin sa pag-return ng favor

9.  mga manunulsol

10. poseurs

11. poseurs who think/act like they're not poseurs

12. mga feeling close kahit di naman kayo close (sabay beso pa, yuck)

13. mga manyak na wala sa lugar (iba to dun sa sinabi ni dj alvaro na "maginoo pero medyo bastos" kind)

14. credit-grabbers

15. mga losers na naninira ng mga taong wala namang ginagawa sa kanila

16. mga know-it-all people

17. mga taong nagsasabing advocates daw sila pero di naman naaarok ng husto ang lahat ng lebel ng adbokasiya nila

18. mga nakiki-adbokasiyang tao pero obvious faker naman

19. mga punyetang intrigera na wala talaga sa lugar (o iintrigahin ka kahit di ka kilala! sukdulan!)

20. mga activists na nag-cross na ng line ng pagiging zealot instead of advocates

21. mga matapobreng tao, lalo na yung walang k (kasi di naman sila rich in the first place!)

22. mga dupang at buwakaw sa opportunities, ideas and knowledge

23. mga pasosyal ng sobra, lalo na't out of context

24. mga pasosyal na di naman sosyal at wala silang k magpasosyal ever

tamo, mas marami nga pag character-based kesa plotpoint-based. [teacher mode]

sabi nga sa sex and the city, deal breaker yung pag may ginawa sa yo, talagang di ka na magdadalawang-isip sa pagkalas ng relasyon. of course they're talking about men, as always. pero here in my case, relasyon can mean professional or personal nga, personal na puwedeng friendship lang at hindi necessary lover.

last december, na-disappoint kasi ako ng husto sa ilang kaibigang matagal ko nang tinuturing na kaibigan. mabuti na lang at nagising ako sa katotohanang hindi ko pala sila talaga kaibigan. kaya nga mas nasasala ko na ang mga taong umaaligid sa akin ngayon.

sorry about this post. talagang kelangan lang ng purging.

*

mukhang magiging masaya at aktibo ang aking summer, lalo na ang abril, my birthmonth. ngayon pa lang e marami nang plano. sana nga. sana naman diyamante na imbis na tanso ang maipon para in line with my birthstone.

*

natatawa ako sa mga taong di naniniwala sa karma. tulad ng kapag nanira sila at nanadyang mag-powertrip ng husto, di ba nila nare-realize na ang mga maliliit na abala o disgrasya sa kanila na nagaganap matapos nilang gawin ang mga di kanais-nais ay balik ng karma iyon??? it works dude, it works.

*

talaga yatang di ako makakatakas sa showbiz o showbiz-minded people and situations. kasi lahat pala ng larangang pasukan ko ay pulos showbizzzzzz ang mga utaw... kaya kelangang sakyan ng kapares na sasakyan para makaandar ako sa kanilang race track (kahit wala namang karera).

*

the thing with people is that they don't know one thing about me, or they haven't realized it yet: kung gago ka, mas gago ako. kaya magtago ka na sa pinanggalingan mo. apat sungay ko, ati. taurus in the year of the ox. suwag ever. let the buyer beware. chos.

*

i just realized that i also hate pathetic people. pathetic liars, to be exact. yes, talagang iba-iba ang level ng pagsisinungaling. 

*

on the lighter side of things, i'm going to india next month wahoooooooooooooooo. for free! yey. to attend this . sosyal! ipapalabas ang maximo at pusang gala din doon. ewan kung sino sa production ang dadalo. ayuz. can't wait! 

*

right now, i'm missing the company of my real friends. thanks for the new testi, ki. 

*

salamat sa mga nagko-comment sa board at sa page mismo. winterdoll, gusto mo buhay mo unahin nating isapelikula? hihihihi joke. hmmm kay dre na lang kaya para abutin ng episode 6 a la star wars, anesh mare? hehe. ipa-aprub sa producer! hehe. tatlong lapad, go! chos.

salamat sa pagpaparamdam sa iba riyan. ipagpatuloy lang!

*

dudes, i just realized that yesterday marked the 2-year birthday of this blog! ayuz. and where was i before that? look at my link sa left na lang. anjan lahat, yakang-yakang i-trace ninuman, kahit ng cia hehe. hapibertdeyblog!

*

sabi ng co-faculty kong si edlej , magsulat na daw ako! pressure! oo nah ati! eto na! eto na! lesbian vampire story naman daw kaya para maiba? ati, ayoko! kasi life story ko yon! di niya ata alam na ako ay isang lesbian vampire! hweheheheheheh. chos.

INTERVIEW WITH A VAMPIRE mode na naman akesh. kapapanood na naman for the umpteenth time sa cable the other day.

*

sabi rin ng isa pang co-faculty na si roland, tapusin na ang MA! oo nah oo nah! eto na nga ati, dedefend na ko sa mayo! 

teka, bat ba ko pine-pressure ng mga vaklerz? hm...

trying to write contemporary lesbian stories here but for the life of me, i dunno why my mind conjures up lesbian stories situated in the medieval times, starring angelina jolie and michelle rodriguez to boot. hanlaboh. there must be a scientific explanation for this!

No comments:

Post a Comment