Habang nilulubugan tayo ng araw kanina dito sa Marikina, marami na namang lumulubog na damdamin malamang.
Na-Ondoy na naman tayo, take 2, at Ulysses is the name. Bokot.
Kuha mula sa bintana ko, Thur 12 Nov. 2020.
Habang sinusulat ko ito, may kuryente na sa paligid, pero pahirapang espesyal na naman ito sa paglalatag ng panibagong telco lines na nalunod sa baha kahapon. Noong 2009, inabot ako ng isang buwan bago ito maisaayos, at katakot-takot na pagtatalo sa mga customer service rep nila tungkol sa mga bagay-bagay.
Iniisip ko pa lang na gagawin ko ito ulit, napapagod na 'ko. Nakakapanghina.
Pero tiyak walang katulad ito ng panghihinang nararamdaman ng mga kababayang nasalanta ng mga bagyong nakaraan at kasalukuyan. Mula sa Bicol hanggang dito sa Marikina at Montalban, nakakapagod na namang magsimula sa wala, at nakakapagod mawalan ng lahat.
Nakakaawa.
Habang sinusulat ko ito, wala pa ring kuryente sa bahay ng mga magulang ko. Apektado ang hilera ng kalye nila ng kung anumang sira. Buti na lang at may mabuting kapitbahay na puwedeng mapagsaksakan para magampanan ang basic na pangangailangan. Ilang kalampag na ang ginagawa namin sa Meralco, pero naiintindihan ko namang tambak na tambak na sila ngayon dahil sa maraming kaganapan.
Lumubog na naman kasi ulit ang Marikina.
Nakakaloka.
Kuha kanina, a night after the devastation.
At may pa-profound pa si pekpek sa putik na nalalaman.
Impromptu inspection mode ang ganap. So ayan.
Noong unang lipat namin dito noon, 10 years old yata ako, Marikina Valley pa ang nakalagay na address. Parang ang magical, kasi valley. Bahain din noon, at isa sa paboritong adventure namin noon ang lumusong sa ga-baywang naming baha. Malinis pa ang tubig noon, may mga isda-isda pa nga lalo na sa mga bakanteng lote, saka walang leptospirosis na nagaganap. Eto eh, buhay pa ko! At walang rabies. Rabid, oo, sa inept national government. But that’s another issue altogether.
Mabuti na lang pala at text-based ang mga trabaho ko lately, hindi masyadong kakain ng bandwidth. At LTE rin ang Marikina kaya sa Smart tayo naka-data. Puwede nang maitawid, pansamantala. Salamat din sa kaibigang nag-aalok ng wi-fi ampon mode sa panahong kakailanganin ko ng malaki-laking gigabyte.
Salamat din sa lahat ng nagpaabot ng words of concern. Sobra. Nakakataba kayo ng puso. Kahit simpleng “ingat” okay na, sa panahong ito ng social distancing. Reaching out means a lot, too. Lalo na’t aligaga ka and you’re trying to keep it together, despite what’s happening, and bracing yourself because you already know the climax and denouement of this plot.
Bracing for the rewrite.
This is the strength I’m trying to gather right now. And those words add to the fortification of my soul — yet another type of strengthening I’ve been undergoing this year. There have been lots. And sometimes, I am getting tired. Too tired. But like the true Ox that I am, I plod on. And the true Taurus that I am, too, slow and steady does it.
And so, here we are.
Proceed.
the sun will come out tomorrow.
It always does, beks. It always does.
Kapit lang. Kapit lagi.
No comments:
Post a Comment