again an update of sorts. thanks for reading, folks.
sunday early evening, nearly 7pm. wrapping up my wifi experience here at sm marikina, na buti naman pala at bukas. mahabang kuwento (or rerouting) kung bakit kami napadpad dito.
my gf and i were holed in sa sss village since wednesday night. we didn't go home at the condo sa bayan and sleep there. mainit at malamok, bad combination for our skins and sinusitis, lalu na't ang paligid ng bayan ay maalikabok na dahil sa nanigas na putik na naging dusty sa kapaligiran, tapos bumuhos pa ang ulang mula sa isa pang typhoon, si pepeng. kaya wednesday and thursday, doon lang kami sa parents ko. my friend abby, whose family also have a condo sa building ko, texted me na naibalik na ang kuryente sa buildings friday lunchtime. buti naman. pero dahil nga sa ulan, hindi na muna kami pinaalis ng parents ko, also a subtle way of saying they'll miss us siguro, kasi wala silang kakulitang iba doon sa amin. so we stayed until saturday afternoon, tutal birthday ng tatay ko noong sabado, so we spent some time with them muna. saka bumalik na ang cable tv nila, so babad kami sa harap ng history channel. ayuz.
he turned 62 this year. this was his rotc photo yata.
na-unearth ko lang sa photo album ng nanay ko na
pinatutuyo niya, nabaha kasi.
na-unearth ko lang sa photo album ng nanay ko na
pinatutuyo niya, nabaha kasi.
so saturday afternoon, we went back to our condo building to find that the elevator is wakwak pa kaya up several flights of stairs we climbed. kinakaya naman ng leg powers. handwritten announcements posted all over the walls announce of water supply being back na daw, pero not potable daw. no prob, since iba naman ang drinking water namin ever since. the first thing goldstar and i cleaned was the ref, of course. ang mga natirang food and other stuff ay nagmistulang science experiments ang hitsura, kaya mega-cleaning ito. happy naman. dinamay ko na sa linis ang aking library and other trash na kelangang itapon and stuff. then we plopped on the sofa bed and had a sci-fi movie marathon to relax.
tumawag nga pala ang relatives from canada. i forgot to inform them pala. worried pala sila since they can't call the house kasi nga putol pa ang phone lines. pero buti at nakalusot sila sa cellphone. so that's okay na.
dahil wala pang phone line, goldstar and i today decided to pack our laptops and go to pan de amerikana sana to eat late lunch and connect. but lo and behold, sarado pala sila ng alas-tres kapag linggo. luz. sobrang na-late ang lunch namin. we boarded a jeep going to bayan habang tinitignan namin kung saan may kainan na may wifi sa concepcion o sa bayan. wala. unfortunately, all our regular haunts sa bayan area ay sarado pa, notably bluewave mall. so we decided to check out the nearest mcdo sa amin na may wifi. wala, sarado pa rin. at buti na lang dumaan doon ang jeep instead of lumabas sa marikina bridge area palabas sa a. bonifacio avenue palabas sa barangka going towards katipunan and then cubao. sarado pala ang buong bonifacio area, at lahat ng gustong lumabas sa marikina na public utility vehicle ay naka-detour sa d. tuazon ave palabas sa marcos hi-way. hay, gudlak sa darating na linggong ito, work week at school week pa man din. trapik circa 1990s na naman ito, the return. hay... better recharge the ipods.
buti na lang at saglitan lang ang labas ko this week. apart from a class, a consultation and a thesis defense, stay put at home na lang muna ako ulit. may option na rin to take the lrt kahit hanggang katipunan. mas natitiis ko ang siksikan doon kesa sa makipagbangayan na naman sa mga jeep o fx. i think i'm too old for that. that, or kelangan ko nang mag-migrate sa isang bansang may train/subway system, kasi sa totoo lang, i really like riding the trains. hmmm... hello new york, isdatchu? chos.
kaya eto, imbes na bumaba kami sa mcdo, sabi ko tignan muna namin ang bluewave area. nang sarado ito, tinignan namin kung lalabas siya ng marcos hi-way. kaya we tried our luck to see if sm marikina is open, and buti na lang it is. so here we are. ewan ko lang ang pauwi na ruta dito, pero malamang sa marcos hi-way din ang daan ulit, o baka ginawa nilang one way ang bonifacio papasok sa marikina? ewan, bahala na. makikita namin mamaya.
natutuwa ako sa mga nakodakan ko digitally na old photo prints mula sa na-rescue ng nanay kong photo albums. i got that album scrapbooking thingie from her pala. pareho kaming mahilig sa ganun. ipo-post ko ang mga 'yun once i have better internet access.
i tried calling globelines kanina pero ilang beses akong na-hold tapos na-cut. cellphone pa naman ang ipinangtatawag ko kaya buset, mahal. buti na lang at sabi sa news, three pesos per minute muna daw ang phone calls sa cellphones dahil sa emergency chenes. pero di ito totoo. mga four pesos something kaya ang per call! mga manlolokong telco! kaya ayun, walang landline, walang broadband. follow up ko na lang middle of this week. looks like mapapabalik na naman ako sa pan de amerikana within the week to hook up on the web. hay...
medyo sinusubukan na naming mag-normalize ng buhay sa condo kahit medyo mahirap pa, unang-una dahil walang elevator. oh well. at least i am getting that exercise i've been meaning to jumpstart again. but boy, watta workout naman toh! ewan ko lang kung papayag din ang gasul delivery boys to climb up four-plus flights of stairs to make a delivery. malalaman natin sa wednesday...
laos din ang ilang delivery service. like kfc, which decided na halt ang lahat ng delivery sa marikina area, kahit sa areas na di affected o okay na. laos. kaya i had to go out to concepcion pa to buy chicken para pandagdag sa pastang niluto ni mommy last saturday for papa's birthday. happy naman. at least wala nang long lines all over sa concepcion.
iba naman ang kinakaharap namin sa bayan. super mega dust. kahit na-wash off na most ng putik, potah maalikabok pa rin, at ma-polusyon nang di ko mawari kung bakit. ewan. kaya gudlak na lang sa aking ilongsters. hay, better stock up on sinutab, my best friend...
kamusta na kaya ang mga pinsan ko sa paglilinis ng provident house nila? nanakawan daw sila ng stuff grabe. ito ang hindi ko maintindihan sa mga pinoy, e. down ka na nga, pagte-take advantage-in ka pa ng mga punyemas! parang yung mga taxi na namimili pa ng pasahero sa may meralco area. aba, hello, saan pa kaya pupunta itong mga ito! kakainis. tapos yung mga naglu-loot nga all over provident. grabe! nasalanta na nga ang kabahayan nila, nilooban pa! tangina talaga! ang labo. kaya nga minsan, di mo alam kung tutulong ka sa mga tao o huwag na lang, kasi kapag tumulong ka, hahablutin naman ang buo mong braso kapag inabutan mo ng kamay. maraming pinoy na ganyan e.
still, tutulong pa rin naman ako sa abot ng makakaya ko. eto nga't kahapon, sa paglilinis, nag-pack na ako ng mga damit na ibibigay ko sa relief operations. ida-drop ko sana sa gma kapuso foundation pero wa na, dito na lang diretso sa marikina mismo. tutal may mga nakikita akong kanya-kanyang start-up relief efforts sa simbahan, sa establishments at saan-saan pa. hahanapin ko yung nasa sports center bukas para mas malapit, kasi medyo marami itong damit na ipamimigay ko.
ikaw, baka may mga lumang damit ka rin, ipamigay mo na, kesa sa nabubulok lang sila sa cabinet mo. maraming taong walang naisalba, kahit damit man lang. imagine that. lalo na mga bata. kawawa. hay... kung marami lang akong pera, bibigyan ko pa sila.
natawa nga ako sa kuwento ng pinsan kong si gerry. nang makarating sila sa bahay ng sister niya sa valle verde, andun daw ang mga relatives ng brother-in-law niya, with food for the rescued provident peeps and clothes to wear. at di lang clothes na used ha, take note. mga branded pa nga daw, at mukhang bagong bili hehe. mga giordano, penshoppe 'ata. tapos may sapin sa paa din, at crocs pa! nung dumaan nga siya sa bahay para magkuwento, pinakita rin niya ang crocs niya hehehe. naaaliw siya. ang dami daw pagkain! mabuti naman at alaga sila. sosyal na relief goods ever.
ang isa ko namang kaibigan at co-teacher, si avie, ay nakaalis na ng tuluyan sa lubog pa rin niyang bahay sa pasig. lubog pa rin daw ang pasig, at bakit hindi, e ang daming tambak na basura doon kaya? ortigas area lang ang malinis sa pasig, sa totoo lang. ang pasig proper, napakarumi kaya. hay. hinakot na nila ang gamit daw, sa tulong ng ilang kaibigan din. nakatira siya ngayon sa nagmagandang loob na teacher niya noong undergrad, na dean na ngayon sa college of arts and letters. hinahanap na rin namin siya ng for rent na apartment o house malapit sa UP Diliman. kung may alam ka, pakitimbre naman sa amin, ha.
hay, nami-miss ko na ang aking regular life, ang aking online life. my farmville! waaah. wala na ang pangagarir nito. my mafia! may bago nang pupuntahan sa russia. hay. soon, we'll get back to where we once were.
o siya, saka na ulit. sumisipa na naman ang lamig sa ilong ko. makikipagtuos pa kami sa polusyon at alikabok sa daan. sa susunod na ulit.
No comments:
Post a Comment