08 March 2008

puwede bang mag-comment?

as i write this, binibining pilipinas is airing live on tv. strange lang.

ganda ng opening number. so filipino. the colors, the choreo, the obb, very fiesta filipinas ang motif, may northern tribes dancing, may mga maskara-maskara na parang santacruzan na parang ati-atihan. very indigenous ang look at pd, ang music, may kubing, sounds like local instruments, chenelyn...and then the contestants came.

hindi ko alam kung sobra lang sa retokado galore ang contestants or perhaps we should call this binibining pilipinas-hybr
ids! kasi parang walang mukhang tunay na pinoy sa mga gels! as in, yung isa mukhang half-indian, yung isa parang may european accent and bulas, karamihan parang fil-am (more am than fil), yung iba parang mukhang amerikana talaga o basta caucasian ba. ang weird! ano ba ito, binibining pilipinas-hybrid na talaga ati! dapat hindi na lugar ang intro nila ("i'm chenelyn chuva from legazpi citeeee!") kundi ang kanilang genetic make-up ("i'm chenelyn chuva with the sperm donation of the anglo-saxon northern european chenelyn!")

nakakaloka.


feeling ko dapat may before and after photo session category din dapat dito. yun bang ipapakita sila 2 years ago then cite sa multiple choice kung ano ang influence-slash-sponsor niya: block and white, maxipeel, ponds whitening lotion, calayan, belo, ever bilena whitening...tapos may award sa "most transformed individual" di ba.

ewan. cynical. blah.

obviously i disapprove of such c
ategorization based on beauty but i still find myself attracted to watching the spectacle. i don't know why.

*

nung maliit ako, malikot akong batang babae. lagi akong sumesemplang, nadadapa, at kung anu-ano pang rough play. kapag nagkakagalos ako, laging bukambibig ng mga tita ko sa akin "hala, 'pag marami kang peklat, di ka na namin puwedeng isali sa Miss Universe o sa Bb Pilipinas."

HMMMMMMMMMMMM.

obviously, it didn't work. unless may bagong category: binibining pilipinas-tomboy!


kainis.

*

so to every binibini out there, maligayang araw ng kababaihan!




okay back to work na.

1 comment:

  1. siguro nang sinulat mo ito, hindi pa na-interview si jenina san miguel :d

    joyjoy

    ReplyDelete