anthologized in TAXI SIGNS (2000)
written sometime in 1997-98
--------
AT
alam ko
ito dapat
pero
di nararapat
kasya
sa peklat
nguni't
di rin sapat
alam niya
ito dapat
di pa kasi
tuluyang lapat
pero iyan
kanyang kinalat
meron pang
patpat
alam niyang
siya'y barat
alam niyang
ako'y warat
pero bakit
may ikaapat
sa tinatagong
lamat?
alam niya
burat, burat
alam ko
mabigat
alam niya
lahat-lahat
bakit pa rin
sumusulat?
-----------
*
mas mainam yan pag binasa. ginawa ko na noon. pinalakpakan nila ako. at natuwa sila. wala akong pakialam sa palakpak. mas nais ko ang tuwa na dulot ng pagkaisip at pag-intindi sa aking mga salita.
lagi naman e. pero di yata alam ito ng karamihan.
*
dapat kanina pa ako tulog, pero narito na naman ang katawan dahil ang diwa ay buhay pa. ano ang mararating nito?
kasi kanina pa ako may naisip na saknong na sa di ko mawaring dahilan ay nais kong ibahagi sa espasyong ito.
untitled siya.
-------------------------
looking at your past
hurts me in the present
do you think of our future?
-------------------------
di ko rin mawari kung bakit bigla akong kinagat ng mga salitang di ko nabasa. pero nang mabasa ko na, naghanap pa ako ng karagdagang salita para mabalewala ang mga nabasa ko. pero sa halip na kapayapaan ng isipan ang nahanap, karagdagang pagkabagabag ang sumambulat sa aking katauhan. kaya ngayon, kasiping ko'y serbesa. isa lang dapat, pero dahil sa pagkayanig, heto't nasa ikalawa na ako. hindi rin nakatulong na sa pakiramdam ko'y wala akong silbi sa iyo. hindi rin nakatulong na naisip kong malaki ang utang na loob mo doon ngayon. hindi ko alam kung saan nanggagaling ang talipandas na pag-iisip na ito, pero di ko maalis sa katauhan ko ngayon...pero salamat sa serbesa at antok, unti-unti na siyang lumilisan sa aking katawan. sana'y lisanin niya ang aking isipan, nang manumbalik ang pagkapayapa nito na kanina'y naramdaman...at kagabi.
abangan.
*
ilang beses bang mararamdaman ito? sana'y hindi na umulit.
kaya lang alam kong ito'y may pagkakulit
matitiis kaya niya na ako'y aliwin ng saglit
ngayong ang pasensiya niya'y kadalasang nawawaglit?
sana nama'y wala sa aming maipit
sa sikip ng espasyo at luwag ng nasasambit...
No comments:
Post a Comment