07 May 2007

partypooped

just finished browsing the list of partylist nominees eklat and i must say, filipinos have a creative way of naming partylists, or giving meanings to acronyms. i should know kasi minsan, hobby ko yan :P tulad ng, kung magtatayo ako ng sarili kong partylist for congress, ang buong title ay "Progresibong Unyon ng mga Kababaihang Inietsapuwera" or in short, PUKI.

for instance, check out the actual partylists that the stupid comelec approved:

Action for Teacher Empowerment through Action Cooperation and Harmony Towards Educational Reforms ( A TEACHER )

o ha, halatang mga guro nga ang gumawa nito, gurong di na lumabas sa akademya at kasalukuyan nang naaagnas doon, just like some people we know.... it's just so intellectually boring.

eto sapok:
Advocates for Special Children and the Handicapped Movement (ASAHAN MO)

ayuz. aasahan mo nga, kasi handicapped. hm. saka special children. hm. siya sige...

Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Teknolohiya para sa Mamamayan (AGHAM)

hm, halatang mga scientist nga ang gumawa nito ano? parang they though too much.

eto nakakatuwa. slight appropriate ang meaning sa acronym.

Alliance of Associations of Accredited Workers in the Water Sector (AAWAS)

tama, kung tubig nga yan, aawas nga yan pag napuno ang lalagyan. ayuz.

Alyansa ng Mamamayang Naghihirap (ALMANA)

tama, kung naghihirap kang mamamayan ng bansang ito, it's about time na umalma ka na.

Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA)

hm, but does this mean pro-basketball lang sila? how about other sports?

eto just plain scary lang. PLEASE WATCH OUT, AND DO NOT VOTE FOR THESE GROUPS SANA:

Alliance of Neo-Conservatives (ANC)

Buhay Hayaan Yumabong (BUHAY)

anything with the tag of "conservative" dapat iwasan, lalo na ng people from the margins, kasama na doon ang kababaihan, dahil sa ipangangalandakan na naman nila ang kanilang outmoded and outdated morality sa atin. pero to have "neo-conservatives" in the label, ay that takes the cake. so waers.

yung buhay naman, i never knew what they were about, until i chanced upon a poster on the street, and the image disturbed me. it was like an unborn child. may initial haka-haka na ako until i was validated by their tv ad i saw kanina. loren legarda and chiz escudero were promoting BUHAY, and their speech said something about protection of the unborn child.

anybody who speaks of protecting the "unborn" without ever meeting a woman who was violated, raped and impregnated by rape could not even fathom the horrors that this expe
rience imprints on a woman's psyche, and then having her live through it again day in and day out every single minute for nine freaking months until the unborn is born. if that thing happened to their wives, lolas, daughters, sisters -- to be raped and get pregnant because of it -- do you think they will still harp about the rights of the unborn? what about the rights of the living, the grief she encountered? doesn't that count?

kaya huwag na huwag nilang ipangangalandakan ang mga
unborn rights na iyan hangga't di nila naiintindihan ang ma-rape at magbuntis. it's obviously pro-life. but whose life are you protecting, and whose life are you continuing to destroy? think about it.

hay, iboboto ko sana yung dalawang yun sa senado, si loren (dahil sa tinutulungan niya ang masscomm sa mga rehabilitation projects) at si chiz (kasi parang palaban siya na progresibo) pero dahil sa may stand silang ganito, i don't think they will serve and listen to the people that really matter. so nabawasan na ko ng senatorial bets. shet, sino na lang? hm...

pero the scariest of all is this, not to mention haller ang acronym at name:

The True Marcos Loyalist Association Inc. (BANTAY)

bakit scary? kasi ANG NUMBER ONE CANDIDATE NILA AY SI MAJOR JOVITO PALPARAN. yes, ang tinaguriang berdugo ng southern tagalog and all those places. kaya iwas dito, kung gusto niyong ipagpatuloy ang human rights enjoyment ninyo.

eto parang ganito ang br
ainstorming "wow sige ganda ng word na yan for our acronym, isipan natin ng meaning" and ito ang resulta:

Ang Bagong Bayan na Magtataguyod ng Demokratikong Ideolohiya at Layunin (BANDILA)
Barangay Association for National Advancement and Transparency (BANAT)
Democratic Independent Workers Association (DIWA)

Ang Samahan sng mga Mangangalakal para sa Ikauunlad ng Lokal na Ekonomiya (A SMILE)

kaloka yung a smile... chummy na ewan.


eto kakaiba. parang they were working on building some irony kaya? hmm. sampol:
Hanay ng Aping Pinoy (HAPI)
Kapatiran ng mga Kulong na Walang Sala (KAKUSA)

You Against Corruption and Poverty (YACAP)


okay sige, yung mga api kanina, aalma. pero ito, ang interpretation nila ng api, hapi/masaya? hm.


tapos ate, kung wala talagang sala ang nakakulong na yan, hindi yata magandang pakinggan na kakosa ang partylist nila ano...

lost ako sa yacap. ano yun, i (kasi you daw) will embrace corruption and poverty? hm...

eto gusto mo itanong, with a konyo college accent "uh, what it is?" :

Parents Enabling Parents (PEP)

lost ako sa kanila. ewan.

read the whole list of partylists here, complete with the nominees' names na pinakatatago-tago ng gubyerno dahil sa haller, front lang nila ang karamihan dito!

*


so saan na tayo pupulutin
nito sa mayo katorse? ngayong ayaw pa ring payagan ng punyetang homophobic comelec ang ANGLADLAD dahil sabi nila e hindi daw marginalized ang mga bakla't tomboy at di ganon kadami ang mga bakla't tomboy sa buong pilipinas to create a national coalition ek, doon na tayo sa original partylist na simula't sapul e nagtaguyod ng filing ng anti-discrimination bill which will recognize the rights of lesbians, gays, bisexual and trans people in the country, that we are people who also need protection from discrimination in the workplace, in public spaces, and in all spaces.

dito na tayo.





angladlad's partylist rep, danto
n remoto, is running as a congressman of the 3rd district of qc, where i live. too bad i can't vote for him because i am still a registered voter of marikina.

but to tell you the truth, i wasn't really happy with the way the org is going. sana nag-defer na lang siya to run next time. bakit parang nagkukumahog?

pero ang mas di ako happy ay ang pag-iiba ng strategy. dahil kung susundin naman talaga ang boto ng org, lesbiyana dapat ang number one representative nito, dahil ito ang officially na lumabas sa ranking. tanong ko lang, why do we always have to give way to the gay guys?
hay, doble-doble talaga...

anyway, that's just my two cents on that matter. take it or leave it.

kaya keri na ko sa akbayan ulit. ever since naman e, sila na binoboto ko. kasi sila lang ang may klarong lgbt advocacy sa platfor
m nila.

at ang bakla lang ng poster:





sa botohan kasi, mas nauuna ang concerns ko sa pagiging lesbiyana, dahil tanggalin man ang ibang labels ng pagkatao ko --titser, filmmaker, writer, artist -- iyon ang label na di matatangal kahit saan pa namn ako magpunta, kahit mag-migrate pa ako at mapalitan ang aking nationality (ayun, natanggal din ang label ng pilipino). aanhin ko ang kababaihan partylist gayong hindi naman sinusuportahan ng lahat ng kababaihan, kahit na peminista pa sila, ang concerns ng mga lesbiyana. aanhin ko rin ang partylist para sa bayan gayong masyadong blanket ang pagtingin sa lahat? not to mention na pugad din ng mga sexist at homophobic people minsan ang ilang asosasyong bayan ang pinangangalandakang tinataguyod. aber, paano niyo nga sasagutin ang concern ng bayan gayong ang concern ng mamamayan ng bayan na ito ay di niyo maprotektahan sa mga miyembro ninyong sexist at homophibic? sige nga. ipokrito ang tawag diyan minsan.