05 May 2007

borrowed musings of the inner bading

got this from the lagablab egroup, with the email heading entitled "ang ganda ni wanda."


things like this convince me that i am not a lesbian...but a gay man in a lesbian's body. natatawa at natutuwa kasi ko sa mga ganito eh hehehe. chos. or maybe the endless language experimentations of people who experiment amuse me the most... well yeah, tru ka jan.


whoever wrote this... ay theynk yew.

--------


Monday, March 19, 2007

Lulusot Ka Pa Eh

nagte-take home ka ba ng lulurki sa balay mez?

na-julia roberts (huli) ka na ba ever, as in talagang ever na to, na nagte-take home ng lulurki sa balay mez?

etong friendship kong si kel, ang reigning rampadora queen ng san mateo, e walang takot na nagte-take home ng otoks sa balay-china nila. walang takot talaga. deadma sa julie yap daza. sabi nga niya, kung bongga naman ang fez ng ohmbre at dakekang pa ito, ABA, vahkit hindi?!

napa-isip si atashi. in fuhrnezz, kung ako nga yon at may entrance-exit kami sa likodstra, naku, siguro ilang lulurki na naglabas pasok sa balay. e ang isyu ko pa e yung mudra ni atashi, bukod sa talakera at abuso sa kanyang gift of tongue, e biniyayaan din siya ng super hearing. may gumalaw lang sa mga kubyertos sa tukador e wuwuk-up na at tatalak ng walang humpay. madalas daga yung natatalakan niya. pero kung minalas-malas kami at linoob kami ng mga magna cum laude (magnanakaw), malamang tatalakan niya yung mga yon hanggang sa
kusa na lang aalis. magso-sori pa yung mga yon.

si kel kasi hinada niya yung boylet sa kwarto niya. tapos nung finish na, may i escort si bakla sa lulurki palabas. wa siya kamalay-malay na yung pudang niya e gising na gising at super shogo-ever sa mga madidilim sa sulok ng kusina. may pinagmanahan si bakla.

yung pudang niya kasi bawal mag yosi. at yung jubis niyang mudang na slight talakera e nag-ban ng yosi sa balay. kaya pag borlogs na daw si dabyana, subahrachi sa kusina ang drama ng paderaka.

nakalabas naman daw ng matiwasay yung lulurki at maboborlogs na si kel nung harangin siya ng paderaka at tinanong siya ng tanong na pinakai-iwasan ng kahit sineklavung vehykla na nagi-smuggle ng mga otoko-san.

say ng paderaka, "sino yon?" di daw matancha ni kel kung may galit yung pudang.

pag ganito, lagi mo i-assume na wala siyang nakita. na bulag siya. o kaya adikk siya tapos marami siyang nakikita.

isplukara ni bading, "sino po, tay?"

depende sa sagot niya yung posibleng palusot mo. pag sinabi niyang lalaking nakaputi e sabihin mo, "sinong lalaking nakaputi? hala, tay, may nakikita kayong hindi nakikita ng iba ..." wag mo gawin to kung may sakit sa puso yung erpat mo. baka ma-stroke.

pero hindi. "yung lalaking kalalabas lang, sino yon?"

sorry bakla. maysa-pusa yung pudang mez. nakakakita sa dilim.

kung estudiyante ka, madaling lusutan to. i-chikka mo lang na klasmeyt mo yung boylet tapos may hiniram lang. e etong si kel e limang taon nang gradweyt. wa din trabaho.

ang payo ko sa mga ganyan e wit ka magpaka-guilty. wag ka mashadong magpaliwanag kasi nga, sabi ko dati, less talk less mistake. halatang lumulusot ka pag mashado kang ma-boka.

ipagdasal mo na lang na showbizz yung tatay mo at nagsisimba siya ng maaga tuwing linggo para makapanood ng daBuzz. gaya ng pudang ni kel. dahil ...

sabi nga ng pudangchi ni kel, "hindi ba si bernard palanca yon?"

natameme daw si kel. natatawa-tawa pa siya pero super pigil ang vehykla na halos nau-utot na nga siya. bet niya ipaliwanag ang misteryo ng lulurki sa dilim. tapos ipakilala yung otoko bilang ang future niyang kabiyak na bumiyak sa kanya hahaha sabi niya understanding naman daw yung pudangchi niya.

kaya sabi niya sa tatay niya e, "opo, tay, si bernard palanca po yon."

say ng pudang ni kel, "akalain mo yon ..."

pumasok na daw si kel sa kwarto para wai nang question and answer portion. pero havs pa din ng kaba na hindi niya wari kung talagang tensiyonado siya o naji-jinggle lang siya o masamang hangin lang.

pero pero pero ayaw paawat ni erpat. humirit pa, "hiwalay na daw ba talaga sila ni meryll?"

sabi na lang ni kel, "hindi po namin pinag-uusapan, tay. tanong ko bukas."

in fairview, LUSOT!

kinabakusan, brinoadcast na sa buong sambahayan ang sikretong pagbisita ni bernard palanca. pati si dabiyana naglululundag daw sa tuwa. nayanig ang san mateo.

nung mapansin daw ng lola tabachingching yung mga upos ng yosi sa kusina, umeksena galore ang pudang at sinisi rin si bernard palanca yung walang pakundangang nag-subah.

yun ang lusot.

kawawang jortista. namamakla na, nagkakalat pa.(end)

1 comment: