09 May 2007

de-media-fied + henry miller mode

borrowing books for somebody at the library earlier, i realized something: i rarely read books anymore, as in, really reading, with digestion, not just chewing, as sir francis bacon once wrote. i haven't been digesting, yes.

and then more realizations started pouring in: i haven't been watching a lot of films lately, haven't been listening to music lately, haven't browsed comics or magazines lately, and haven't been going out to commercial events lately, hetero or exclusive. i've turned into a sort of introverted hermit hiding in the small route/routine of quotidien life. why is that?

i've been de-media-fied. imagine that. i work at the college of mass communication but i have been de-media-fied. and not by choice, mind you. not by choice. perhaps by intuition? hmmm.

i should borrow books for me from now on. and also turn the player on. and scan glossies and graphics once in a while. and go to the moviehouse more. why this introverted retreat? keeps me wondering.

it was not self-imposed.

*

at least something good comes out of it sometimes. been writing a lot lately, and writing in different forms. and the good thing is, i am enjoying writing again, as in truly, honestly enjoying it. the discipline is back, the bug is biting down hard, and the muses are guarding me like hawks. like crazy bitch hawks.

thank you.

*

pero bakit puro kalibugan yata ang inilalabas ng utak ko nitong mga nakaraang araw, lalo na sa anyo ng malikhaing pagsulat? dinidibdib ko na yatang muli ang challenge dati pa na magsulat ng erotica, as in tunay na erotica, sa literatura. hmm.

*

nabasa ko kamakailan lang sa blog ni ian na may nagtanong kung meron nga bang sex sa philippine literature. gusto kong isigaw ang sagot: oo, meron, marami, pero hindi nila hinahayaang i-publish. marami nang nagsusulat nang ganito, at hindi konserbatibo, homo at hetero, pero nabibigyan ba ng chance? hindi. hindi ko rin alam kung bakit kaya huwag niyo na lang itanong sa akin kung bakit.

challenge din sa akin iyon dati, kung ipapagpatuloy ko ba ang pagsulat ng erotika. sabi ko, oo. habang may tumutulong mga ganitong kuwento mula sa utak ko, sige lang, sulat lang ng sulat. natuwa naman siya. dapat daw kasi, huwag kong ihihinto sa *and they shared a kiss, and in that room, they became one* tapos kinabukasan na. ituloy ko naman daw. o sige, itinuloy na nga.

pero kakaiba kasi ako kapag tinuloy ko, lalo na't nasasapian ako ng mga ispiritu ng likor. o nasisipa ng kabayo. at extra joss (salamat sa recipe kate).

sige sampol. 'wag ma-shock ha hehe. sinapian ako ni henry miller nang ginagawa ko to habang balot sa ulap ng cloves.

di pa tapos...pero parang. di ko alam kung tula siya o kuwento, pero parang pareho...at wala pang titulo. pero pakiramdam ko'y pang performance poetry nga ito, spoken word baga, kesa sa binabasa. sige, subukan mong basahin ng malakas. iba ang epek. pramis.

puwedeng mag-komento.

-----------

Minsan iniisip ko kung bakit kailangang isaksak ang titi sa puki gayong may iba namang mas maliit na bagay, katamtaman lamang, na puwedeng ipasok doon nang di nasasaktan ang isang babae. Tulad halimbawa ng dila, o dili kaya’y daliri. Hindi ba mas masarap iyon?

“Yeah, women don’t get aroused by penetration naman talaga e” sabi ng kaibigan kong het. O e ganun naman pala e, bakit niyo ginagawa? Gusto ko sanang itanong sa kanya pero hindi ko na lang ginawa. Paano, baka ibalik sa akin, e. “E ginagawa mo naman din dati, a. bakit ka nag-iba? Bakit ka nagbago?”

Iba kasi kapag titi ang hinahanap mo pero matrimonyo naman ang humaharap sa 'yo. Trapped kasi tayo dito e. ang tingin pa kasi ng gubyerno, simbahan at lipunan sa puki ay daanan lang ng bata. Oo, bata, batang magpapatuloy sa lahi ng nangungurakot, batang magpapatuloy sa paggigiyera sa mga lupaing mapayapa, batang magpapatuloy sa lahi ng mga manggagawa at rapist. Bata. Ganun lang. bakit kaya bahay bata ang tawag sa bahay bata? E di dapat ang babae ay di na nila tinawag na babae kundi pagawaan ng bata na lang. Naglalakad na bahay bata. Iyan ang babae.

Pero ayokong maging ganoong babae. Hindi ako ganoong babae. Ibang klase ng babae ako. Babae akong alam ang gusto ng tunay na babae, at iyan ay ang mapaligaya sa pamamagitan ng paghagod sa kanyang pagkababae. ‘Yan, ganyang klase ng babae ako.

“You’re just saying that because you haven’t found the right man yet,” sabi naman ng isa ko pang kaibigang het. Gusto ko ring itanong sa kanya, “E ikaw, why did you settle for some man when you can have any other man other than him?” Pero hindi ko na lang siya sinagot ng ganon. Kundangan kasi, tatlong oras na naman siyang bubulahaw sa harap ko habang kinukuwento ang bawa’t kuwento ng pasa niya sa katawan. Haven’t found the right man... e ‘yung man niya kaya, haven’t found the right spot to punch kaya? Pero siyempre hindi ko matatanong iyon. Out of respect, sabi nga sa inggles. Pero hindi rin. Ang sa akin ay, out of boredom, kasi bored na bored na ko sa kakakuwento niya ng panggugulpi sa kanya ng boyfriend niya tuwing mag-aaway sila, at bored na bored na ako sa kakadala ko sa kanya sa east avenue para magpa-medico legal. Ni hindi pa nga sila kasal! Bakit ba nagpapasakal na siya dito? Hay hindi ko alam. Basta ako, simple lang ang gusto ko. Gusto ko nang umuwi, at gusto kong mag-uwi...ng puki.

Pero mahirap mag-uwi ng puki, lalo na’t narito ka sa bansang ito. Puro party ang alam gawin ng mga puki rito, at ‘pag nakakilala ka ng puki sa party, itatanong kung may puking opisyal na nagmamay-ari ng puki mo, bago ka nila hayaang salatin ang puki nila. Puki ng inang mga ‘to. Minsan halik lang ang gusto mo e, kung anu-ano pang ritwal at kabalbalan ang kelangan mong pagdaanan para lang masalat ang puki nila.

‘Naknampuki talaga oo.

-----------


2 comments:

  1. love, love, love this one, bayli! inggit naman ako at how you have total control of the language. bakit masarap (at the same time masaklap) sabihin ang salitang "puki" over and over again? i love your discourse on "waiting for a man," why are we still on that topic for decades now? di pa rin maintindihan ng madlang Pinas ang kabyaningan? reminds me of that part in Go Fish where Guinevere Turner is narrating while women take turns wearing a wedding dress: "I'm not waiting for a man. You're not waiting for a man. I just hate this eerie haunting feeling that a man is waiting for me." BOW!

    ReplyDelete
  2. Go for the pukinangingangaorta!
    If you need graphics for this one I'd create some for you! Rock on!

    ReplyDelete