09 April 2007

sa sadyang paghahanap ng liwanag sa di sinasadyang dilim

kababalik ko lang mula sa limang araw na pamamalagi sa tabi ng dagat, pakikipagsapalaran sa mga alon (sa ilalim at ibabaw) at sa pakikipaghuntahan sa mga luma at bagong kaibigan.  masarap ang nangyari, maganda ang kinalabasan at marami akong natutunan. 

kaya siguro ngayon, sa pagbabalik ko sa munting espasyo ko dito sa siyudad na ito, bigla akong naghahanap ng lawak -- lawak ng espasyo, ng dagat, ng lupa, ng isip, at ng damdamin. ilang araw din akong nababad sa laki at luwag ng kalangitan at karagatan kaya marahil ay sadyang hinahanap ko ngayon ang liwanag na sumasambulat sa katauhan ko sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata sa umaga. hinahanap ng tenga ko ang bayolente pero nakakahele pa ring pagpagaspas ng alon sa tabi ng lupang tinitirikan ng aking pansamantalang tinirhan. at kahit ilang beses akong sumemplang sa pakikipagsapalaran sa mga alon sa tulong (at hindi) ng surfboard, bigla kong naisip na sana ay naroon pa rin ako, nakatago, nsa gitna, sa lugar na halos walang nakakakilala sa akin at elemento lang ang kaharap. hay ang sarap... 

ilang pagliliwanag rin ng isip at katauhan ang naka-enkuwentro ko doon ng ilang araw. isang kaibigan ang may katipan na may kakaibang pakiramdam, at pinakiramdaman niya ako. nakakagulat ang iba niyang sinabi, ang ilan naman ay kumpirmasyon ng mga kaalamang alam ko na, at ang iba ay pumukaw sa isip ko dahil sa nakapagdulot ito ng panibagong talinhaga sa akin... ang pinaka-pumukaw sa isipan ko ay yung sinabi niyang may sinusubukan akong gawin ngayon, pero alam kong hindi ako iyon o hindi akma sa akin talaga, pero nagugulat na lang ako sa resulta ng ginagawa kong ito dahil sa may mga panibagong aspeto sa sarili ang nadidiskubre ko. interesante, ano? gusto ko ito.     

saka interesante rin yung sinabi niyang hindi naman ako talaga malungkot, pero hindi rin masasabing masaya ako. hm... minsan nga, ganito ang pakiramdam ko... swak. marahil kitang-kita niya ito sa propesyonal at personal kong buhay, hay...pera o bayong? deal or no deal? if the price is right? spin a win? hala. esep esep.

*

halika na kia, lipad ka dito for a month hehe tapos workshop ka. mahal nga diyan. try mo search yung virginia women writers workshop chenes, alam ko may ganun e. balak ko nga sumali dito noon, nawala ko lang ang info. sa cornell u din yata... hm... esep esep. kinakati na yata akong mag-international intellectual mwahahahahahahahahahaha.

*

i think this is the first time i've handled deaths in april. my uncle died last week, and i never went to his wake nor his funeral. we were not exactly close, but well... we live, we learn, then we die. i also just heard that sir ogie juliano of the theater dept died last weekend. wow. deaths in april. hm.

*

nga pala, it's official: nakapasa ako sa aking language proficiency test ng french!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! arriba! esta, voila! oui oui oui c'est vrai!  yebah. so on to thesis writing mode na ako. kaya dnd mega. and then sa may, defense!!!!!!!!!!!! tantananannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn. waaaaaaaah.

kaya alam niyo na kung ano ang pinagkakaabalahan ko this summer. weh. so kung makita niyo kong nakatambay somewhere with my laptop... nagbu-bookworm ako nun ehehe. nah. nagtitesis mode yun.

*

naalala ko yung conversation namin ni allyn sa bauang. ati, eto, nag-four corners incense chuva akesh dito sa aking haybols. da best! :) salamat ulit sa reading. sobrang nakatulong sa paglalagay ng perspektiba ng ilang bagay-bagay sa buhay... hello na rin kay ate jen! at sa ibang engkantadang naengkanto ng la union beach... mga ati, mga multiply niyo ha. sige na nga, dun na rin ako lilipat. wait and see. penge mga piktyur. hoy kate ang dami mo raw naiwan hehe. kwami yung bola mo na kay dibayn.

No comments:

Post a Comment