24 March 2007

it sucks to be...here!

it sucks to be here! in hot manila, hot house, hot everywhere. well, not really hot.

wala lang. i'm starting to believe i'm built for a cool climate place, pero hindi niyebe-mode ha. i still hate winter countries. baguio-cold level is fine. hm, may UP naman din dun di ba...hmmm....

lamig kasi sa pinuntahan ko sa india that time i was there. parang baguio, chong. super. kaya sarap. sarap magsulat. sarap magbabad. sarap lang! ayan, sa sarap, nakatapos din ng nobela. bow! sabi ng ang isa kong kasama dun, expensive way to write daw yun. e wow, it works, e.

hm, reminds me, i might have to do the same thing when i write my thesis. need to be cold! as in.

magba-blog sana ko ng marami pero nawalan na ko ng gana when i found out that this free service is going to expire by the end of the year, so what's the point! maglilipat na lang ako hay.....

san ba maganda? suggest somewhere nga, yung hindi biglang mangbabawi ng free service. kainiz. maglilipat na namannnn! suckssss!

*

hay naku mga tao, bakit ba tanong kayo ng tanong kung kelan ako gagawa ng pelikula??? naaalibadbaran na ko. ganun ba talaga kataas ang demand? hehehehehehehe. chos.

nakukulitan na ko eh. cool lang. aabot din tayo diyan. di pa naman ako mamamatay bukas e, di ba? so don't rush me. charuz.

wala rin akong pakialam kung nauungusan na ko ng ibang tao kahit di sila karapat-dapat gumawa ng pelikula according to our opinionz. kayo talaga, nang-intriga pa. hayaan niyo na yung tao, e adik, e, nubah. bisyo niya yaaaaaaan!

para lang yang lechon manok phenomenon of the '80s and pearl shake drink phenomenon of the '90s. sa '00s, digital filmmaking phenomenon nyeehehehehhee. in the end, ang matitira ay yung matibay, malasa at may flavor. devah. so relaks lang, go see a movie. devah?

ako, relaks lang. may i watch a lotta movies ginawa ko sa india. sarap lang. at nag-starstruck mode kami when we saw some asian celebs like the hk director yon fan (nice sya, mej lolo na pero nice pa rin), the indian actor and now director aparna sen (starstruck kami pareho ni ellen ongkeko, fangirl mode kami, nagpapiktyur pa! hehehe), and si parinya beautiful boxer. pare, ganju sya in person. mas maganda pa siya sa mga retokadang artista dito. kaya lang afraid ako kausapin, baka i-muaythai ako e hahahahaha chos. nah, di lang siya mahusay mag-inggles kaya di ko makausap. syet umalis agad siya e kaya di kami nakapag-fangirl mode pictyurteking.

saka some familar names in the international women's movement and the academe din na nababasa ko sa mga journals and stuff. si joanna kerr, formerly ED ng AWID, andun. chong, lesbyana pala sha! at inaway-away niya intellectually yung isang gay guy na nagsabi na "why are all lesbian movies sooooo depressing???" kamukha ni pascale hehehe. pero mukhang uptight businesswoman by day na dominatrix mode pa-S&M bondage queen sa gabi, afraid, kaya di ako lumalapit sa kanya hehehe. tapos si helen hok-sze leung (ngyar, tama ba?) na film scholar chuvaness, na-meet ko. kala ko hk-based siya yun pala hk diaspora chenes pala, at taga-canada. aysus. pero bet na rin kasi i love her articles on queer cinema sa mga anthologies na nababasa ko. fun siya kasama dun pero masyado na siyang north americanized...saka the usual kawomenan chuva were there, like sina pinay cheekay sa apcwomen, saka si malay yuenmei na nakilala ko sa ap-ngo forum on beijing+5 before sa bangkok. happy naman to see familar faces there. at salamat sa roaming ni cheekay at nakitext ako nung naubusan ako ng load hehe.

hmm come to think of it, even though the focus and participants of the conference was south and southeast asia, marami ring nasa diaspora ang um-attend, at saka nakkatawa lang kasi the conf had a feeling of "my colonizer is better than your colonizer" or "my diaspora is more meaningful than your diaspora" chos. parang may ganun. kasi nga naman, india, hello, sobrang weird lang makita yung mixture ng british chuva and the ancient india chuva nila, unlike here sa pinas na...nasakop na talaga ang lahat, at wala na yatang mega-obvious bahid ng sariling atin sa kahit saan ka tumingin, maliban na lang siguro sa mga jeeps sa kalye... weird lang talaga yung feeling... kasi pag nagpunta ka sa thailand, kita mo ang thai-ness despite the modern chenes (although exception sila kasi di sila nasakop), sa hk ganun din, kita mo chinese-ness chos, saka india nga. hm... e tayo? waers te. parang walang natirang pinoy-ness sa paligid... hmm...laos tayo in that aspect.

that also showed in the multiplicity of our skin. when i was arriving, the airport people thought yata i was kinda indian kasi malalim ang eyebags ko ate! yun okay lang sakin, blend ako dun in that aspect. di lang ako nakadamit ng tulad nila. pasado na ko for an aryan indian type. tapos when i was hanging out with the beijing people, the indians thought i was also chinese! then when i hung out with a bangladeshi girl, an indian thought i was also from bangladesh! tapos may roommate akong pakistani at malaysian, at tinanong ako kung malaysian din ako, kamukha daw e. nung nagtabi kami ng vietnamese, akala rin ng isang puti dun, viet ako. nubaaaaaaah. then this old canadian lady chatted me up and thought i was thai. ngyark. e tapos nagsalita ako, hindi british english, hindi asian english, kundi call center american english. abah, lost na sila ever sa akin. tapos when i was roaming around the singapore airport mall, abah, hindi ako pinapansin ng mga pilipinong tagalog ng tagalog habang namimili ng pasalubong. parang akala nila, singaporean ako hehehe. weird. lalu na sa plane. ehehehe.

kaya ang laging tanong "where are you from, miss?" 

hm, taga-saan nga ba tayo? kaya gustong-gusto ko sa thailand e. doon kasi, mukha akong thai! pag bumibili ako sa market, tina-thai ako ng tindero, ati! pati sa mall, sa street vendors, ng taxi driver, everyone! aba, blend ang byuti ko dun!

hmm... daming naiisip pag nagta-travel ka talaga e, no? hmmm...

taga-saan nga ba tayo?

pero talaga lang, ati. di talaga ko makainom ng tea na may milk, te. sorry i'm not that colonized. as in. postcolonial mode na ako -- i moved on.

kayo, kelan kayo magmu-move on?

tarah!

*

hay...for the semana santa, dadayo muna ko sa malayo para magpahinga at maligo at mag-surf! yey. i luv my bos. may beachfront property sa la union! yey! gusto-kong-mag-swim-ming...yebah. kaya ayun. disappear mode na naman akesh. at sana...tantananannnnn bacolodddd! and iligannnnn! let's wish let's wish let's wish...

wish me luck!

No comments:

Post a Comment