na-miss ko bigla ang mag-blog kaya heto ako, nanakaw ngilang saglit sa gitna ng sandamakmak na trabaho. update la-ang baga.
*
sayang naman ang ikina-itim ng balat ko (ng kaunti--bat ba ayaw kong masunog!!! arrrr.) kung di ko ipa-plug ang dahilan.
NOOD KAYO NG LOVELY DAY ngayong sabado sa gmachannel7 10am.
sa clarkfield kami nag-shooting mga some kinda plane thingies na mukhang tutubing malaki (sayang gusto ko syang sakyan, e 3k per hora. next time) at saka yung hot air balloon thingies na gusto ko ring sakyan sana (at ang ganda lang niya sa gabi!) saka some kinda plane and motorcycle race thingie. pero as usual sa segments lang ito at yung narrative spiels ay iba ang kwento.
hmm, napansin ko lang. eroplano na naman? bat pag may ganitong ep e ako ang natatapat magdirek? hmmm. so bakasyon muna ko next week kasi ang lolo hech ang relyebo duty sa directing. tamang-tama dahil balak kong yariin ang isa pang short film project na di ko alam kung makakahabol...waaaaah. sana naman. di bale, sfx at score na lang to make and marry, interlock and tapos! winner na akesh.
speaking of interlock, naa-ahensiya lingo na naman ako sa kasalukyan kong isang engagement pa. but the thing with working with peeps from the advertising industry is that it's fun kasi kahit ngarag lahat ever sa pag-please ng client, uber-nice ang treatment naman in terms of alaga. as in, three square meals plus water and refreshments in between, and of course the vehicle hatid-sundu chu.
kaya minsan nami-miss kong mag-work sa mainstream e, ahensya man o pelikula. napa-indie-indie na kasi ko ng husto e. hay... pero bet na rin itong paminsanang tv work sa syete. mainstream din ang approach most times even if the attack on the material is quite indie-ish.
*
current hate: mga taong madumi ang aura
puwede kayang ipa-laundry muna nila ang aura nila? wash dry press sana tapos ibalik agad para ipa-dryclean naman. kasi naaalibadbaran ang energies ko e. hmp, bakit ba ang dudumi ng aura ng ilang nakakatrabaho ko? saklap. kaya apec ang crown chakra ko senyo e. arrrr. sarap niyong tirahin sa 5th chakra...
*
been hanging out lately with high school chums naman, for work and play. our barkadamate chielo tied the knot with this egyptian dude from cairo whom she met while working in saudi arabia. ayuz! itu-tour daw niya ko sa cairo at alexandria kapag nagpunta ko roon. yey! sosyal! pyramids at giza here i come. bibili na ko ng tunay na ankh chenes, dahil may isa diyaaaaaan na nalimutan akong ibili nito nung nasa cairo siya hehehe (hint hint).
dami na ring life changes sa high school chums ko. nakakatawa at nakakatuwa lang silang kasama kasi mega-flashback ang mode namin lagi sa pag-reminisce ng mga bagay-bagay. at saka nakakatuwa ring mag-update-an ng current life situations. katuwa ring makipag-in touch sa ilan sa kanilang nasa ibang bansa through our yahoogroup. sarap ding magbilin ng mga thingies pag may uuwi diyan, lalo na sa decemberrrr (ano j? tuloy ba? siargao surf tayo dude! don't forget my angelina jolie poster!)
shet sayang lang at wala akong photo opsto blog para makita niyo guys. my humble coolpix is busted and is in the nikon hospital as we speak. cost me an arm and half a leg to have it repaired nyetah. kaya kelangang rumaket hehe. get well soon coolpix. i miss yah. wah.
*
also currently polishing my travel chenes dahil nalalapit na ang pagpunta ko sa india! yehey! samosa here i come! ano pa ba pagkain don? ah basta yung masarap. solb na ko! may visa and everything na.
nyeta ang dali lang palang kumuha ng visa kung tutuusin. kaya tangina yang US embassy na yan e, kung mang-raket sa atin na 100 dollars ang visa application and then 3-6 months pa ang release chenes or denial ek. e sa indian, 2 days lang me visa na ko, wala pang hassle na consul interview chuva na powertripping tulad sa US. grabe lang! at 2k pesoses laaaaaaaaang! can you beat that! okay, new zealand can. sa new zealand, libre ang tourist visa! yep, nakita ko sa embassy when we last visited the amba there. devah!!!!!!!!!!!!!!!!!! hay nakuh...
*
kung hei fat choi nga pala sa mga kababayang chinese. natutuwa ako lately na manood ng MANO PO reruns sa cinema one. natatawa ako kay zsa zsa hehehe. i hope the year of the fire pig (er, lechon?) will be nice to this ox. hm, anong element nga ba ko? i forgot kung earth o wood ox ako e. definitely not fire and water. hm... sana metal. sos.
*
balentayns na rin pala. marami na namang mawawala sa mga kalye at mapupuno na naman ang mga fairs, malls, cinemas, and motels. remember that one valentine years ago when this father robert the running priest dude ran and KNOCKED on motel rooms to remind people daw that sex is sacred at dapat in the context of marriage gawin and all that catholic suffocating jazz. e father, asan ka na ngayon, ha? hehehe.
*
politics is the art of the possible...
...sabi nga sa EVITA. anukabanaman. tignan mo na lang kung sino ang mga tatakbo sa upcoming elections. it's the same old thing; nade-dejavu ako ng 2001 days ko when i first covered ate shawie and ate vi for pinoy times because their hubbies were running as senators for the first time. and look who's filing their candidacies again... chenes chenes chenes... same old same old... hay. my poor country... and manny pacquiao! gudlak sa yo teh!
*
heniwey, ongoing pa rin ang NEW ZEALAND FILM FESTIVAL dito sa UP Film Institute Cine Adarna (formerly Film center). nood kayo. galeng galeng nung CINEMA OF UNEASE na docu ni sam neill. the psyche of a nation as seen/reflected/analyzed through cinema. wot a concept! sana may gumawa rin ng ganun dito, lalo na sa atin e napaka-tingkad lang ng cinematic history natin wow. ano kaya ang kakalabasan nun? hmmm...
*
salamat sa mga constant and new readers and lurkers and commenters. sana comment lang ng comment ha para may response chuva naman itich.
*
i am currently addicted to audiobooks. kaya kung naglalakad akong may mp3 player sa tenga, audiobook ang "binabasa" ko. kasalanan ito ni chato na nagbigay ng regalo sa amin nung birthday niya (oo baligtad ang mundo naming film school chums) na audiobook ng STRANGER IN A STRANGE LAND. yey so naghanap rin ako ng iba pa, at ang dami kong nakita! wahooo! kaya eto na yata ang sagot sa aking recent chenelyn na "i hate it wala akong time magbasa ng literature" mode. audiobooks. bow.
hm, ano naman kayang gadget invention ang susunod na maiimbento para masagot naman nila ang "i hate it wala akong time manood ng pelikula" mode? siguro naka-plug na sa utak ang visual info, like JOHNNY MNEMONIC. ay bet ko yun.
yes kung di obvious, i dig sci fi stuff. but not hardcore, unlike some of my write friends na deboto ng mga sci fi writers. basta, dig ko ang genre e. lalo na yung nagpe-present ng alternate realities natin. bet.
teka, baka may audiobook ka, sana on mp3 (okay puwede na rin wav, may converter naman yung friend ko e). PAHIRAMMMMMMMMMMMMMMM. pakopya. :) so far, meron na kong mga george orwell novels and some classics. trying to acquire hp hehe. bet. we can exchange! go go go. e me leaflens at gmail or post here.
now na!
No comments:
Post a Comment