11 July 2005

woe begone sleep be gone

it's half an hour to midnight and i know i should be sleeping, like, two hours earlier, as in kanina pa. i just can't sleep, that's all. i don't know why.

let me rephrase that. i know why. too many things going on in my mind right now that my mind is on overdrive even if my body says slow down na! anu-ano ba ang iniisip ko? madami. saan kukuha ng extra income. may pilipinas pa ba bukas. papabakunahan ko ang tuta. tapusin ko na dapat yung script na isu-submit ko as compet this week. bakit pinaplano na ng mga tao sa masscomm ang aking future faculty life. matatapos kaya ng mga kaibigan ko yung dapat naming i-edit na trabaho. ipapadala ko ba sa anti-gma rally ang klase ko o magkaklase ba ko. gusto kong kumain ulit ng crispy pata pero hindi dapat. kailangan kong mag-workout na ulit. wala na akong matinong damit. mag-a-apply ba ako ng trabaho abroad o dito na lang. manonood ba ko ng cinemalaya sa ccp e ang layo. malapit na pala yung shoot ni aida na babasahin ko ang tula niya on cam. baka bumalik ang sakit ko kasi umiinom ulit ako ng malamig na inumin e weakness ko iyon e paano na yun. buti na lang bumili ako ng bagong computer monitor kesa magtiis sa sira o hindi akin. hindi pa ako nakikipag-inuman muli sa mga kaibigang di ko masyadong nakikita na ngayon. ang chaka ng pinili ng national geographic sa contest nila e mas masaya naman yung entry ko no. dapat nagbabawas na ako ng kanin pero nadededma ko naman ang mga tinapay dito as bahay. parang gusto ko lang dito sa bahay muna at ayokong lumabas. ang tagal ko nang di nakakabasa ng fiction work of any kind. kelangang mag-submit ng letter of appeal sa dean ng arts and letters para sa masters ko. kailangang i-review ko ang french ko para sa language exam para makapag-thesis na ako. nasaan na yung mp3 compilation ko ng forrest gump soundtrack. masyado nang mahal ang public transportation. kelangan kong bumili ng dvd sa quiapo ulit. puwede na kaya akong uminom ng mga frappuccino eklat nami-miss ko na e. mangraratrat kaya talaga sila sa rally pag nagpumilit pa ang mga mapipilit na mag-rally. ayoko na yatang maging pilipino lalo na pag nanonood ako ng balita sa gabi. gusto kong magsayaw sa exclusives kaya lang nagtitipid ako kaya di muna ko pumupunta sa ganun pero miss na miss ko na ang magsayaw. sana suwertehin naman ako sa ncca ngayong taon. magmamaganda na naman ba ako sa mga writing gigs o sa network gigs. ano na kaya ang mangyayari sa maynila bukas. gusto kong uminom ng gulaman na tig-5 pesos o 10 lang. nakakain na kaya si giovanni pico ng taho niya. bakit masyadong mabigat ang chuva ng mga artists at art ek sa art scene ngayon. kaya kaya ng memory ko kung lagyan ko ng adobe premiere ang computer ko. dapat simulan ko na yung novel project na naisip ko months ago.

ayan. di talaga ko makakatulog nyan. HELP!!!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment