Showing posts with label komiks. Show all posts
Showing posts with label komiks. Show all posts

01 February 2008

thought ballooning mode

minsan kapag may kausap ka, gusto mong sagutin siya ng malutong na sagot na kalakip ang isang timba ng sarcasm dahil sa gusto mong itago ang isang dram ng pagkasuya at pagkaasar sa kanya at sa kanyang mga sinasabi.

pero kadalasan sa hindi, hindi mo na rin sinasabi ang nais mong sabihin, for several reasons: out of propriety, ayaw mo siyang mapahiya (kasi ambaitbait mo lang) o kaya ayaw mong pumatol sa lesser mortals.

usually, ang reason ko ay yung third: ayokong pumatol sa lesser mortals, kasi baka mawala ang goddess status ko. e sila nga nagga-goddess-goddess-an lang e, namamayagpag sa pagkukunwari, gayung demigod lang sila. sorry pero iba ang status ko. at ayokong bumaba sa lebel niyo. chos.

so ang ending, you end up thought ballooning, meaning kung may komiks artist na magdo-drowing ng eksena, may lalabas na cloud-cloud dialogue balloon na nakakabit sa iyo via some small circles na dikit-dikit to signify na you are saying something pero sa loob-loob mo lang. thought balloon ang tawag dun sa komiks world.

e sa dami ng naksalamuha kong mga balahura lately, i find myself thought ballooning. how i wish masabi ko sa kanila ang mga nais kong sabihin talaga, yung saloobin ko baga. pero dahil nga sa reasons stated above...wag na lang.

kaya ilalabas ko na lang dito... at kung ma-identify ninyo kung kanino dapat ito naka-address...ay, bow ako sa yo 'day! chos.

sana nasabi ko ito sa iyo...

1. "HA???? Expert ka saan? Ng ano???? Kelan pa????? Talaga????"

2. "Ang sabihin mo, naho-HOMOPHOBIC ka lang sa gawa ko!"

3. "Pero bakit nga kasi ginawa niyo yung pelikulang yun? What were you thinking?"

4. "Ikaw ba nasa wastong pag-iisip o sadyang pasosyal ka lang, ever?"

5. "Baka gusto mong magbihis ng iba paminsan-minsan..."

6. "Kahit saang anggulo mo tignan, talo ka, sa kontrata pa lang. Tanga!"

7. "Puwedeng lumayas kayo sa harap kong mga betlog kayo?"

8. "Wala kang utang na loob kasi. Hindi ka tunay na kaibigan. Hindi ko kailangan ng ganyan sa buhay ko."

9. "Hindi na kita kaibigan, matagal na, kaya huwag mo akong tratuhin ng ganyan."

10. "I think they put the A in biatch because of you. Ano?"

11. "Lolo, okay na, bilib na kami sa iyo; no need for grandstanding."

12. "Kelan ka na nga magre-retire? Sana now na."

13. "Hanggang ngayon ba ganyan ka pa rin? Madamot."

14. "Ano ka ba talaga, friend or foe? Di kita ma-define."

15. "Baka gusto mo namang mag-effort ng kaunti dito. Parang laging ako, a."

16. "Ganyan-ganyan ka na naman, tapos ilalaglag mo naman ako 'pag nagkaharapan. Malabo ka minsan e."

17. "Oh my god, ikaw ang anak ni Janice. Lumaki ka na. Ano'ng major mo?"

18. "Palibhasa mayaman kang puta ka. 'Tado!"

19. "Tangina kuya, magkaroon ka naman ng bayag paminsan-minsan. Pinapahiram na nga kita e, o! Nuba!"

20. "Ikaw na intel ka, halata ka na namin tanga!"

21. "Ate, baka gusto mong baba-babaan 'yang ilong mo. Hindi bagay. Mukha kang hamster."

22. "My god, buti na lang biniyayaan ka ng ganda, ateng. Nothing up there, e. Fair si Lord."

23. "Sigurado kang taga-UP ka?"

24. "This is just so The Devil Wears Prada. Kalurkey"

25. "Chong, lesbiyana ako. Huwag ka nang magpakyut. Sayang effort."

26. "Wala akong paki kung anak ka ni ninuman. Magtrabaho ka."

27. "Sino ka ba? Should I know you???"

28. "Ano fafa, kloseta ka pa rin? Sa porma mong yan?"

29. "Darling, mag-tic tacs ka, ha?"

30. "Ang pagsagot sa text ay senyales ng tamang etiketa ng komunikasyon. Gets?"

31. "Ano, mayabang ka pa rin? Gudlak sa life."

32. "Sir, bading ka ba? Lover mo? Curious lang ako."

33. "Hindi ka talaga cooperative. 'No? It must be genetic."

34. "Ateng, wala na si Lola Diva dito. Magbagong-buhay ka na rin. Di na uso ang diva dito."


35. "Ano ba talaga? Kayo ba?"

36. "Hindi ka naman tutulungan niyan e. Walang spine 'yan e."

37. "Turuan mo 'yang alaga mo. Maaga yang mag-e-expire kung ganyan siya ng ganyan."

38. "Baka gusto mo akong bigyan ng diretsong sagot lola."

39. "Huwag ka nang magmarunong. Wala ka namang alam e."


o sya yun na muna.



15 November 2007

komikon na!

oh, i'm definitely going this saturday. see you there!

Align Center

i'm a komiks enthusiast. no, not comics da sosi version (although yeah, may gusto din akong ganun), but komiks, as in yung mabaho ang papel at madumi ang ink na binebenta sa palengke dati na binabasa ng lola ko at nanay ko at ng buong pamilya ko noong bata ako, with titles like WAKASAN, HIWAGA, ALIWAN and all that.

bilang bibong bata, ako naman ay avid subscriber ng FUNNY KOMIKS na lumalabas tuwing friday. kaya panalo nang last year sa komikon, may nakita akong tisyert na planet op di eyps. siyempre binili ko siya! sana naman this year, may niknok...kasi siya ang peyborit ko sa funny komiks, dahil kaedad ko siya noong panahong binabasa ko iyon at tulad niya, mahilig ako sa fried chicken.

kahuntahan ko some months back si ateneo titser and malikhaing manunulat egay samar about this. i was actually asking for help to remember a series na favorite ko noon sa komiks, sa hiwaga to be exact, if i remember it right.

there's this wonderful series na sinubaybayan ko noon about these male twins, cain and abel plot pattern, na pinaglihi sila ng nanay nila sa statue ni lucifer at gabriel arkanghel sa simbahan, yung naglalaban sila na parang logo ng ginebra gin bilog na designed by fernando amorsolo. so syempre, isa sa twin ay may bat-like black wings with black sungay sa noo. yung isa, super blondie kulot cherubim hair at may angel feathery white wings. ang catch: si angelic ang demonyito ang ugali, at si demonic looking ang sobrang bait sa kanila. o di ba ang ganda lang ng pitch! i actually want to make this into a film, kung ma-trace ko lang ang gumawa. pero kung maunahan (na naman) ako e okay lang din as long as they do justice to the story. grabe lang sa ganda ng kwentong ito!

heniway, kaya ako nasa komikon ay dahil bahagi na naman ako ng anthology ng trio ng KOMIKERA (lea lim, teta tulay, vivian limpin) tulad last year. pero di tulad last year, kuwento lang ang binahagi ko, at ang aking online friend ang gumawa ng guhit. last year, gumawa ako ng new series entitled "muni-muni ni lumi" at kuwento at guhit ang akin. pero dahil sa lost ang powers ko last october, hindi ako nakahabol sa deadline para madugtungan si lumi sa part 2 ng kanyang munimuni. sayang. buti na lang at ang friend ko e naisipang gawing komiks yung ilan kong blog entries sa multiply hehe. thanks arlene!

o basta punta kayo at daan kayo sa table kung nasan ang mga indie komiks makers. andun ang komikera. bili kayo, mura lang. :)