15 November 2007

komikon na!

oh, i'm definitely going this saturday. see you there!

Align Center

i'm a komiks enthusiast. no, not comics da sosi version (although yeah, may gusto din akong ganun), but komiks, as in yung mabaho ang papel at madumi ang ink na binebenta sa palengke dati na binabasa ng lola ko at nanay ko at ng buong pamilya ko noong bata ako, with titles like WAKASAN, HIWAGA, ALIWAN and all that.

bilang bibong bata, ako naman ay avid subscriber ng FUNNY KOMIKS na lumalabas tuwing friday. kaya panalo nang last year sa komikon, may nakita akong tisyert na planet op di eyps. siyempre binili ko siya! sana naman this year, may niknok...kasi siya ang peyborit ko sa funny komiks, dahil kaedad ko siya noong panahong binabasa ko iyon at tulad niya, mahilig ako sa fried chicken.

kahuntahan ko some months back si ateneo titser and malikhaing manunulat egay samar about this. i was actually asking for help to remember a series na favorite ko noon sa komiks, sa hiwaga to be exact, if i remember it right.

there's this wonderful series na sinubaybayan ko noon about these male twins, cain and abel plot pattern, na pinaglihi sila ng nanay nila sa statue ni lucifer at gabriel arkanghel sa simbahan, yung naglalaban sila na parang logo ng ginebra gin bilog na designed by fernando amorsolo. so syempre, isa sa twin ay may bat-like black wings with black sungay sa noo. yung isa, super blondie kulot cherubim hair at may angel feathery white wings. ang catch: si angelic ang demonyito ang ugali, at si demonic looking ang sobrang bait sa kanila. o di ba ang ganda lang ng pitch! i actually want to make this into a film, kung ma-trace ko lang ang gumawa. pero kung maunahan (na naman) ako e okay lang din as long as they do justice to the story. grabe lang sa ganda ng kwentong ito!

heniway, kaya ako nasa komikon ay dahil bahagi na naman ako ng anthology ng trio ng KOMIKERA (lea lim, teta tulay, vivian limpin) tulad last year. pero di tulad last year, kuwento lang ang binahagi ko, at ang aking online friend ang gumawa ng guhit. last year, gumawa ako ng new series entitled "muni-muni ni lumi" at kuwento at guhit ang akin. pero dahil sa lost ang powers ko last october, hindi ako nakahabol sa deadline para madugtungan si lumi sa part 2 ng kanyang munimuni. sayang. buti na lang at ang friend ko e naisipang gawing komiks yung ilan kong blog entries sa multiply hehe. thanks arlene!

o basta punta kayo at daan kayo sa table kung nasan ang mga indie komiks makers. andun ang komikera. bili kayo, mura lang. :)


2 comments:

  1. hayy sana nandyan ako.
    kudos sa komikera at sa komiks lovers!
    saan ba pwedeng makita ang mga kodakan moments? any links?

    ReplyDelete
  2. damn! grabe, libs, paborito ko rin 'yung series na 'yun. as in pag nagbabakasyon ako with my ate who used to live right beside sa talipapa ng pepin st sa sampaloc, nauubos ang allowance ko kaka-renta ng komiks sa sari-sari store. at pinagtitiyagaan ko ang bantot ng palengke matapos ko lang basahin yung weekly (naging twice weekly ata sila) issue nun.

    nasa dulo ng dila ko yung title. if i'm not mistaken it's a play on "lucifer" and "archangel gabriel." wild guesses: lucifer gabriel. whatever.

    anyways, eto na... siempre, maliban sa anna lisa at flordeluna (yaikkks! 80's ang labanan) wala pa namang telenovela, fantaserye, chever-chever at kung anu-ano pang genre na naiimbento (to the point na 1 show / program per genre na halos. anyways...), ang sinusundan-sundan, ang idol eh not so much the direk, the writer, the channel. and kalaban ng mga artista sa mga fans ay ang mga... komiks writers and artists. ilan sa mga names na naalala ko right now are: mar t. santana (artist), zoila (writer), at siempre sina helen meriz at nerissa cabral (writers; whose works on komiks got translated to film. if i'm not mistaken, sa kanila yung "nagbabagang luha" at "pati ba pintig ng puso").

    pero ang super-duper-mega idel ko ay walang iba kundi si vincent kua, jr. i had the chance to meet him sa ilang pagkakataon sa star cinema at abs-cbn noong matatapos na ang dekada '90 at sa pagsisimula ng ikatlong siglo. sobrang bait at unassuming. sa dinami-dami ng napatunayan niya, pero man lang hint ng hanging habagat kapag kausap mo siya. grabe.

    sadly, though, according to a friend, he passed away na around 2 or 3 years ago, i'm not sure. hindi ko pa nako-confirm.

    he was both a writer and an illustrator. i know of some people na sinusundan din yung works niya sa komiks. and remember him, and his works, until now. and he experimented sa konsepto ng sinusulat niya at illustrations.

    teka, bakit nga ba ako naparatrat ng ganito? eh kasi sobra akong na-excite dahil dito sa entry mo sa blog about this lucifer-gabriel twist. KASI SI VINCENT KUA JR ANG NAGSULAT AT NAG-ILLUSTRATE NUN! (bakit kailangang tumili, este, sumigaw?)

    you can ask job and ned (fans din sila ni vincent) kung ano nga talaga yung title nung series na yun. and wala lang, but might i add, isa sa high points ng buhay ko nung makapagpa-picture ako with him. :)))))

    ReplyDelete