an explosion at the congress just happened, around 8pm or so. yes, the house of representatives kung saan dapat represented ang sangka-lgbt-han kung officially recognized ang ANGLADLAD as a political party, with gays and lesbians representing us in congress sana...still a pipe dream...
kaya pala ang lakas ng naririnig kong sirens blaring along commonwealth when i stepped out of the office at peyups around 830ish. grabe. i just hope nobody i know was injured in any way...
*
flashback:
nakapasok ka na ba sa kongreso? ito yung sa batasan area, diyan sa may commonwealth ave, pero off commonwealth kasi the gate is somewhere in a street adjacent to the highway e. strict nga sila diyan, lalo na sa cars, even way back in the mid-90s. noon ako nakapasok diyan, pero hindi pa praning ang earth ng mga panahong iyon kasi, kaya walang masyadong hassle na naipasok ko yung kotse ko noon diyan.
may interbyu kami sa isang congresswoman dahil gumagawa kami ng isang docu-tv special dati. wala pa yatang isang taon mula nang gumradweyt ako noon sa film nang napasama ako sa staff ng docu na ito. ENG ang trabaho ko as usual, dahil ako nga si miss cinematography/miss camerawoman-human tripod noon sa iskul. kung di ako nagkakamali, ang title ng docu na iyon ay "the role of the filipina in national development" at isa siyang kawomanan docu na nai-ere ng prodyuser naming opus dei sa channel4. ewan ko bakit doon na-ere gayung di naman pro-gov't yung docu, pero di rin naman anti. whatever.
pinayagan kaming mag-shoot sa loob lang ng opis ng congresswoman na di ko na maalala kung sino (meaning she didn't make an impression on moi, therefore). so habang naghihintay, umupo kami doon sa may audience seats na parang balcony/loge area kung saan kita mo ang buong floor and all that, kung saan sila nagse-session. wala yatang session noon pero may mga tao-taong nagdadaan and whatnot sa floor.
bilang active participant ng 1986 people power revolt ang aming prodyuser (nag-publish pa nga siya ng book about it), siyempre biglang kumulo ang dugo niya sa every artery, clavicle and vein nang magdaan sa may harapan namin (sa floor, sa baba namin technically, since nasa taas nga ang loge/balcony) bigla ang isang kinamumuhian niyang pigura -- si imelda marcos, na surprisingly hindi naka-butterfly dress noon. congresswoman siya noon, newly elected yata, at puta gusto kong magtago sa ilalim ng silya nang bigla na lang nag-rant yung prodyuser naming malaking bulas na babae na opus dei na fil-canadian ng "what nerve! she should be hanged! what's she doing here! i can't believe this country, voting for criminals for politicans" blah blah blah. noong mga panahong iyon, kakaunti pa lang ng pilipinas ang nasisilayan ko so pinagdasal kong sana makalabas kami ng buhay na walang sniper na susunod sa amin sa kongreso dahil sa rant niya para naman makita ko pa ang cebu, bacolod, dumaguete, davao, vigan...at bangkok.
grabe yun. may point ang lola, oo, pero naman! gawin ba naman sa home turf ng kalaban! sus. obviously hindi niya binasa ang kasalukuyan naming bibliya ng mga panahong iyon ng aking co-film batchmates, ang ART OF WAR ni sun tzu. of course one rule is terrain ng kalaban e wag kang papalag. dapat lure them in neutral ground or trick them into going into your terrain. e ang lola mo nga, ewan ko kung ano ang binabasa noon at wala lang, nagbabablahblah lang siya diretso, within earshot of imelda! pero mukhang bingi yata ang imeldific at di siya/kami narinig... baka may naiwang takong ng shoes sa tenga? o nasobrahan ng spraynet ang hair at affected ang hearing? ewan. oh well...
lesson learned: huwag makipagtrabaho sa opus dei. char! chika lang.
um, choose your battlefields? parang love, love is a battlefield. char! joke.
ewan ko. i guess the lesson here is...hay, vote wisely pa rin, i guess... la lang.
*
natatangahan lang ako kay tenga. sabi ba naman niya sa anc "i thank madame president for sending immediately the pnp chief (or something big like that) ___ (something something) to help with the situation." e gago ba siya, siyempre trabaho ng pnp chief, heneral at ninumang mataas na opisyal militar na pumunta doon sa mga crisis spots asap! hindi na kelangan ng presidente na UTUSAN SILA! punyetang ngekngok quote yun o! talagang sipseeeeeeeeeep...
hay...
in fairness, masarap ang lechon na regalo nila ni madam gina tuwing pasko sa press... (natikman ko noon when ms chit of journ dept and i worked sa pinoy times dati, columnist namin si manay kasi). other than that, we still think he's a putz. a major one.
hay. now you see why i don't like this government?
ewan.
*
man, if congress can't protect themselves...
my poor country. :(
*
EDIT: aaaah, depressing! turns out that i do indeed know a casualty. yung driver ng gabriela rep na namatay...is the husband of my former dear workmate sa women's ngo... hay...
his name was marcial taldo. husband of mayang.
former isis peeps, send your love to ate mayang. she so badly needs it. not after her son died two years ago, too, and in a violent way, too, at that...
hay putangina. bakit mga di dapat namamatay ang namamatay? samantalang araw-araw na ginawa ng puntanginang gumawa ng araw e naglalakad sa harap ko ang mga sana mamatay nang nilalang sa lupa...
tangina. il n'est pas juste.
No comments:
Post a Comment