19 January 2010
shopping for phds
since my insomnia is back since yuletide 09, and since the internet is back, too, since last week, i am now able to spend some time surfing for things. right now, i'm shopping for phds.
yes, as in PhD baga. dagdag na pagpapakadalubhasa. colleagues like doc nic tiongson gave good advise but... i dunno, it's the production persona in me, or the creative persona, or maybe both, pero talagang di ko bet ang purely theoretical and research-oriented program. borlogs to the max itey teh. i really need something to produce creatively, kaya wala, i will stick to my original plan. sabi niya kasi, iba namang field ang kunin ko which will enhance my cinema teaching/filmmaking persona chuva daw, para ibang perspectives naman, so ang top recommendation niya ay anthropology, sociology second.
kaya pala marami sa masscomm ang kumukuha ng anthro o socio. ito ang advise sa kanila. pero dahil sa may sarili akong isip, i'll still go with my original plan: creative writing pa ring walang kamatayan. ayoko na yatang lumayo sa kal, kasi doon may creative production din like film. saka tried and tested na ang phd nila doon kaya i'll go with that. it doesn't hurt that i also know the people there already. saka may gameplan na ako dati pa sa thrust ng tatahakin kong sulatin doon kung sakali.
ang original plan ko talaga is to take a second MA talaga na malikhaing pagsulat naman, but everybody disagrees dahil wala na naman daw akong kelangang aralin sa larangang ito dahil marami na akong alam. ngek. flattered ako sa comments pero ba pa rin ang may pormal na gabay ng aral sa panulat e. para patas lang, inaral ko ang english then filipino. pero wit nga sabi ng mga tanders hehe. ayoko namang straight phd na malikhain kasi i'll be skipping a lot of essentials na sa MA level ko makukuha. wa na. saka sabi nga ng friend kong faculty sa departamento ng filipino, sino daw ba ang makukuha kong titser na okay doon sa MA hehe. kaya kahit siyang taga-doon e dini-discourage ako. now that's a bad sign, ain't it? heheh. good thing i have a lot of friends in a lot of places...
heniwey, solb na ko sa desisyong ito. kebs sa kanila. basta, PhD in Creative Writing pa rin ang gegetlakin ng lola mo. dahil sa kuwentista ako, hindi na fiction ang focus ko kundi creative nonfiction, tutal doon naman ako napapunta eventually sa course ng pag-lie low ko sa fiction. ewan, mas makulay at mas excited ako sa larangang ito lately kaya heto, gusto kong karirin hehe. at least may production, kahit may theoretical and research courses din na included. balanse. all theoretical and no creative makes bayli a... boring academician mwahahahahah. and we don't want that heheh. cheka.
siya sige, hangga't libre aral ako sa peyups, getlak lang ng getlak. maybe after this phd, if ever i'm still teaching in peyups, i'll getlak the second MA in malikhaing pagsulat na ever. bakit ba, gusto ko e. at dahil may phd na ko by that time, wa na say ang mga tanderiffics ever. ayuz.
achieve!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment