01 December 2009

ang bilis talaga ng panahon

daming changes pati na rin ups and downs like other years. di ko lang ine-expect na maraming sobrang nangyari at pagbabago at emosyon ang idudulot ng taong ito.pero saka na ako magye-yearend recap. maikling komento lang na nabibilisan ako sa mga araw at sa paglipas ng mga linggo. parang lumilipad ang mga buwan. isang araw, kaka-haggard ko lang sa birthday ko, the next thing i know, heto's nagja-jacket na ako tuwing gabi dahil malapit na ang pasko. hanep. naka-fast forward yata ang taong ito sa kalendaryo ko. weird.

pero ang maganda doon, mukhang mas relaxed na ang pagtatapos ng taon ko. di tulad ng mga ilang linggo o buwan na super haggardo versoza level ang byuti ko. okay na ko ngayon. at least relaxed. talagang the taurean in me is looking for that pleasure rest. and i am getting that at home, na lalo naming inaayos pa at pinagaganda para mas warmth and homey ni goldstar ko.

super happy campers lang kami lately. sa kawalan ng internet na regular sa bahay dulot ng ondoy, nababad na naman kami sa mga downloadable games, mga paborito niyang hideen object games at ako naman ay mga food-themed time management games at iba pang uri nun na interesante sa akin. kung nalo-lost ka sa pinagsasasabi ko, i-google mo ang gamehouse.com at bigfish.com. pero siyempre sa iba kami kumukuha ng laro hehehe...

tapos buti na lang din at maraming grasyang natatanggap nitong latter part ng taon at unti-unting nagaganap ang house redecoration project namin. nakakabili na kami ng karagdagang cabinets na kelangan sa life at kung anu-ano pang home improvement stuff. imagine if i have more moolah. sarap lang mag-upgrade ng life sa totoo lang.

kaya nga patuloy pa rin ang rakets sa loob at labas ng akademya at media. happy naman ito. at happy rin ako. pero pinaka-happy ako sa thought na may mga karamay ako na siyang tunay na umaalalay sa akin, mapa-close man kami o kahit magkaibigang minsanan lang magkita. super-appreciated ko ang mga words of wisdom nila sa ilang masalimuot na situations na napapasukan ko (or more like tila kabuntot ko kahit di ko alam na nariyan pala siya sa likod ko, yung tipong pagtalikod ko e may nakasaksak na palang daggers sa back ko. yes may ganung factor ang taong ito, sandamukal). happy rin ako dahil nariyan pa rin ang goldstar ko. pinalipas na nga lang namin ang one year anniv dahil we really don't mark it as excitedly as others do, pero we try to recall it like solemnly and in a more loving way. no frills, no fanfare kumbaga. and we like it better that way.

i guess she is the luckiest of lucky charms i have in my life now. she understands what happens to me and she has the most insightful insights tungkol sa kanila. takbuhan ko siya ng advice kapag di ko magagap o maapuhap ang katinuan sa paligid kong bigla na lamang nagugulo na aking ikinagugulat. at dahil diyan, sobrang mas minamahal ko siya ng lubusan, dahil ganun din ang pinaparamdam niya sa akin ng lubusan. we are just so very happy. hay... sana wala lang gagalaw nito, ano? magunaw na ang ibang aspeto sa buhay huwag lang ito. happy ito, e. super.

kaya never mind the days passing by so fast. as long as i'm happy with my goldstar and my friends who truly care for me and look out for me honestly, i'd say i'm in good shape. okay, not physical ha hehe. oo sinisimula na nga rin ang aspetong yun. isa-isa lang, mahina kalaban hehe. :)

ilang tulog na lang pala, pride march na sa malate. masaya ito. kitakits!


1 comment: