04 January 2009

hinding-hindi ko ipagpapalit ito...



about two years ago, i made the biggest decision of my
adult life, so far: to own my own home. i know some of my kahenerasyon already did this earlier than i, but most of my friends, especially my bosom buddies, are just coming up with this idea lately, or at least within the last half-decade lang. iba kasi ang inuunang ipundar: computer and related gadgets para sa manunulat in us, dvd-home entertainment system and related trimmings para sa movie buffs in us, kotse o anupamang sasakyang panglakbay to ease our daily commute, and other necessary things we need to exist like tons of books, music cds, movie dvds, at iba pang kaadikan.

true, nakakaadik bumili ng luho once sumayad ang salapi sa palad mo. ang iba riyan ay nag-max out pa ng credit cards at nagpalipat-lipat pa ng banko para maiwasan ang unpaid bills. ang sarap ding maglamyerda, kaya may nakalaan at inilalaan sa paglalayag sa buhay, mag-isa man o may kasama, sa loob man ng bansa o sa labas. pero kailangan ang travel sa buhay, isang necessary necessity kumbaga, dahil i always believe--like my friends do--na nakakalawak ng utak, damdamin, kaluluwa at creativity ang paglalakbay, kaya natin ito ginagawa. walang kaso. okay iyon.

pero kadalasan, tulad din ng maraming kaibigan riyan, naghahanap ka ng permanenteng sulok mo sa isang lugar, isang santuwaryo na uuwi-uwian mo, dahil sa gusto mo doon, gusto mong tumakas sa mundo, o gusto mong mag-muni-muni sa isang espasyong walang pupuna sa iyo kahit anumang gawin mo doon.



mula nang nagtrabaho ako noong 1996, nagsi
mula na akong magrenta ng panandaliang espasyo, dahil sa mas marami akong nagagawa sa ganoon kesa sa manatili sa parte ng espasyong kasama ko ang pamilya ko. nanibago nga ang lahat sa ginawa kong ito, so american daw to "move out" dahil di sanay ang pamilyang pilipinong di magkakasama, sabi nga ng tita ko. pero ikinatuwa ko naman dahil sinuportahan ako ng mga pinsan kong naniniwala din sa adhikain ng "moving out" at hindi naging mapanghusga sa gawaing ito. little did i know that ten years since i've been doing this, my parents have also been thinking of my welfare, naintindihan at natanggap na nila na kailangang gawin ang "moving out" kahit na hindi ito nasa tradisyunal na konsepto na kinagisnan nila, na ang isang anak ay aalis lamang sa bahay ng magulang kapag ito ay ikinasal at magsasarili na sila ng kanyang asawa. kaya sa sampung taon na ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng inuupahan, nakasuporta ang magulang ko at handang tumulong sa paglilipat at pag-aayos at sa mga ganung chenes.



kaya di na rin ako nagulat na mula sa kanila na
nggaling ang ideyang bumili na ako ng sarili kong condo, dahil sa napapag-usapan na namin ito dati, na bet kong tumira sa isang building, kesa sa isang townhouse o isang stand-alone house, bilang mas mura din kasi ito kung tutuusin. ilang kaibigan ko na rin ang nakahuntahan ko sa ganito, sa pros and cons of condo living, at nagulat nga ako na marami na rin pala sa amin ang ganito mag-isip. nakakatuwa ngang noong kakalipas na birthday party ng isa sa amin, ang naging isang topic of conversation ay "saan galing ang hinayupak na dami na alikabok sa mga condo natin, gayong nasa mataas na floor na nga tayo? sabagay, ako at si koya x, di naman ganoon kataas dahil midrange chever ang lugar namin, pero sina job at ned-onnah, alam ko lampas 10 floors sila pero maalikabok pa rin hehe. misteryo itong tutuklasin pa namin, pero mas unang nadesisyunan ang seguridad at convenience. dedma sa analysis ng isang colleague na hindi mo naman daw talaga physically pag-aari ang pisikal na espasyo chenelyn chuva blah ek, dahil mas marami pa rin naman akong nakitang benepisyo nito. gusto ko ang seguridad, na di ko na iisiping may manloloob sa bahay ko kapag wala ako at sarado ang ilaw at halata sa labas na walang tao sa loob. may magbabantay na ng unit mula sa magnanakaw, manghaharang sa mga nais mambulabog ng katahimikan mo kung naroon ka, at maniniguradong di masisira ang bahay mo. hindi rin ako mahilig sa pakikipaghuntahan sa kapitbahay, kaya perfect ang seclusion na dinudulot ng istrakturang ito sa akin. at sa tuwing magsusulat ako, naghahanap talaga ako ng bintanang may view -- fine, so virginia woolf na nga, room with a view chenes -- dahil nga sa parang mas gumagana ang utak ko kapag may nasisilayan akong langit, at lupa (o kalye) na may panaka-nakang puno o halaman o greenery somewhat. at walang kaso sa akin na ang tirahan ko ay walang bakuran, fence, yard or anupaman. di ako mahilig mag-garden at okay lang ako na wala na akong pets na kasama na apat ang paa.

about a year ago this time, first full month kong nakatira na sa condo na napili namin ng magulang ko. may kinalaman din sila sa desisyon kasi nga tinulungan din nila ako sa umpisa dito. masaya naman. at grateful ako ng sobra sa desisyong iyon.

kahit malaki ka na, it still pays well to listen to your parents sometimes.



so dapat masaya na, dahil nakalipat na ako dito. pero napaisip lang ako ngayon, at kaya ganyan ang title ng entry na to, dahil sa biglang nag-flashback ang isang conversation ko at ng ex ko noong panahong iyon. siya kasi si "miss stand-alone house," na kahit namumutiktik na sa dumi sa parang may pagka-semi-urban poor-ish area ang bahay na tinirhan nila ng ex niya na binili nila, nais pa rin niyang manatili roon. nililinis naman niya araw-araw, dalawang beses pa nga isang araw dahil OC siya, pero ganun pa rin. kahit malinis ang tirahan niya ng anak niya, paglabas nila sa neighborhood, madumi. ironic na hindi niya nakita ang irony ng sitwasyon niya.



siya kasi ang numero unong nanglalait ng condo livi
ng, lalo na ng desisyon kong ito. hindi pa kami nang na-seal ang deal dito, pero kahit kami na, hindi rin naman ako magpapaapekto sa desisyong ito. ten years in the making ito no, at siguro mas kelangang i-prioritize kesa sa anupaman. at siguro, may kinalaman ang universe sa intervention na ito. manlalait kasi siya ng sobra, walang kapantay. sa bibihirang beses na dinadalaw niya ako dito noong kami pa, lait siya ng lait ng lait ng lait, na hindi bahay na maituturing ang bahay ko, dahil building ito, building, weird daw na nakatira ang tao sa building blah blah blah, at hindi daw tama ang tumira sa building. oo, siya ang taong hindi mahilig mag-travel lalo na sa labas ng bansa, kahit nga dito sa loob ng bansa niya, kaya di niya nakikita kung paano tumira ang ibang tao sa building, kahit dito man lang sa bansa niya.

er, ano na nga ba ang sabi ko sa *benefits* ng *necessity* of traveling? yun na.



hindi ko nga alam kung bakit ko pa pinatagal ang
relasyong iyon sa taong hindi naiintindihan ang pagkatao ko at ang pangangailangan ng santuwaryong ganito. ang labo no. kaya nga siguro madali siyang hiwalayan at kalimutan at unti-unti akong tinabangan, dahil sa wala siyang kuwenta pala. akala ko, napaka-progresibong mag-isip, mayabang lang pala. peke. pirated. kaya siguro hindi man lang sumagi sa isip ko na ayain silang tumira dito sa akin, o kahit man lang yung fact na tumira ako with her. walang lesbian u-haul moda akong naramdaman sa kanya ever. e-ver.

pero minsang uupo ako at haharap sa bintana ko, tanaw ang "mounta
in view" na sabi ng ahente ko, sumasagi sa isip ko ang panglalait niya minsan na hindi bahay ang building. naiirita lang ako pag sumasagi sa isip ko iyon. kaya minsan, di ko maiwasang mag-gloat sa isip ko rin tungkol sa blah-blah niya.

at ito ang hindi ko ipapagpalit.



hindi ko ipapagpalit ang view na yan sa bungalow, sa stan
d-alone house. gusto ko din kasi ang ideya ng may height sa tirahan, a la new york apartments chenes nga na may bintana kang kita ang downtown area baga, parang yung eksena sa BREAKFAST AT TIFFANY'S na uupo si audrey hepburn sa bintana ang tutugtog ng gitara at kakanta ng "Moonriver" type. kahit na half-downtown half-alley lang ang nakikita niya, keri pa rin ang noo yawk moda. dedma na sa downtown basta't nakikita ko ang pagpalit ng araw at gabi mula sa bintana ko.

kung gigising ka sa umaga at ito ang makikita mo, hindi ba parang napakasayang mabuhay?



kung bago ka matulog at ito ang nakikita mo, hindi pa parang masarap managinip?



yes, imagine my view of new year's eve fireworks. panalo. no, hindi ako nag-camwhore, in-enjoy ko lang manood ng view, dahil ninamnam ko yung first new year's view ko dito sa BAHAY KO. ang bahay ko ay nasa building. and proud of it!

kaya nga ako mas mapayapa na mula noong lumipat ako dito, kahit na ayaw akong tantanan ng di mapapayapang isipin at mga karakter.

basta. ako masaya. yan lang naman ang bottomline.



this series of colored photos of the same shot is an experiment kung kaya ng puny prosumer digicam ko na irehistro ang gels hehe. color gels courtesy of my rosco gel swatches collection na hiningi ko sa rosco noong 1995 pa. a gel is a cellophane-like thingie na nilalagay sa harap ng ilaw sa sinematograpiya ng pelikula ( at sa teatro rin) para ma-color balance o color-correct ang ilaw according sa kelangan sa eksena, sa gamit na lente at most especially sa uri ng film stock na gamit. nag-lecture! :P

1 comment:

  1. buti ka pa, may bahay na..i can't seem to leave the nest and all the comforts ...hapi nu year!- oOtwistedhaloOo

    ReplyDelete