break din muna ito sa kaka-tsek ng mga papel ng mga estudyante ko. inuna ko muna ang mga gagradweyt kaya ang mga written thesis nila ang ginugulan ko ng panahon ngayon... at nakakaduling. sa kompyuter ko lang kasi pina-sumite dahil mahirap ding magbasa ng 80-page for binding manscripts. nakakaloka. kaya ang printed out lang na binabasa ko ay ang full-length scripts. yun, hindi nakakaloka, at saka kelangan ng espasyong pagsusulatan ko ng komento. kaya kahunghangan ang pagsumite ng full-length sa email. not to mention row4 mentality ito (not following instructions).
hay...buti na lang at hindi mga productions ang lalamayin ko, di tulad ng isa riyan na nag-uwi noong biyernes ng isang bag na dvds. buhay ka pa kuya? oy yung bag ko isoli mo ha.
hay...pero di pa tapos ang semestre ko. hangga't di ko nasusumite ang grades nilang lahat, walang tulugan pa rin ang drama ko...
*
hindi ko na maantay ang tag-init. inunahan na niya ako. narito na siya. pero dalawang ligo kada araw lang ang katapat nito. masarap, lalo na't may bagong water heater... salamat salamat.
*
pero natutuwa rin ako ngayon dahil may malaking bugso ng motibasyon sa pagsusulat na dumating na di ko alam kung saan galing pero di ko rin kukuwestiyunin kung bakit nariyan sa panahong nariyan siya. walang wrong timing sa pagsusulat. have idea, will scribble. yan ang motto ko sa life. hm, puwede ring sabjek yan ng susunod kong column... puwede puwede.
sa akala kong wala nang pag-asang humabol pa sa isang proyekto, ginanahan ako't naiba ang deadline nito. kaya ayun, kalahati na ng libro ang natapos agad, at isang buwan pa para tapusin ang natitirang kalahati. puwede puwede.
samantala, isang deadline naman ang ipinagdarasal kong lumipas na dahil lumipas na rin ang interes kong habulin ito... dahil hindi ako naniniwala sa pag-angat sa antas ng isang tao kundi sa pag-angat sa antas ng magaling na pagsusulat. malaki po kasi ang pagkakaiba noon. sobra. like worlds apart. pluto versus uranus ito. a fight to win the asteroid belt.
at ang pinaka-nakakaaliw na balita ay ang natapos ko na ang essay part ng aking MA thesis. nang walang study leave-study leave! i'm in the zone, man! hehehe. isang malaking YEHEY ito!
Y E H E Y !
actually, matagal ko na itong naisulat pero pinagpaliban ko ang pagtatapos nito dahil gusto ko muna sanang idaan sa aking bagong adviser. pero nang tiningnan ko siya kanina para ayusin ang formatting bago isumite, biglang pumutok ang mga ideya at ayun na, walang tigil ang agos ng mga salita, hanggang sa nailapat ang kahuli-hulihang tuldok na nagwakas sa masalimuot na saga ng MA CW essay na itp. oo, masalimuot siya dahil sa pagkarami-raming MA CW majors tulad ko na hindi kailanman nakatapos ng kanilang degree dahil sa lintik na essay na iyan. pero alam ko namang kailangan iyan sa buhay dahil MA nga ito at hindi MFA.
kaya bago lumisan patungo sa baguio workshops ang aking bagong adviser ay ihahabol ko ito sa kanya. sana naman...
pero alam ko, oo. matino siyang kausap, di tulad ng dati kong adviser -- homophobic na, macho shit pa. and these are not my words but the words of his colleagues in his department. may goddess have mercy on your soul once i finish this, i swear. just you wait.
just. you. wait.
No comments:
Post a Comment